Chess Tournament 2017

6 47
Avatar for Janz
Written by
3 years ago

9th of October 2021

Taon-taon ay may tinatawag na U-game o University game sa aming paaralan dahil may limang campuses ang Southern Leyte State University at kailangang pumili nang mga manlalaro ang bawat campus at ilalaban sila upang maka pili uli nang ipapadala sa SCUAA. Dito mag lalaban-laban ang lahat nang mga manlalaro nang region 8. Hindi ko makakalimutan ang unang tournament na sinalihan ko dahil iniaalay ko iyon sa aking namayapang ina. Isa ako sa apat na mapalad na napili nang aming paaralan na makapaglaro sa U-game.

Sa aming apat dalawa kaming baguhan, bilang bago pa lang hindi talaga mawawala ang kaba sa dibdib. Lalo na at alam namin na ang mga manlalaro nang SCUAA ang makaka laban namin. Mas nakaka kaba pa nang araw na nang aming laro, tinitignan ko ang mga mata nang bawat player na tumitingin sa akin at gusto ko'ng masindak sila sa unang tingin ko palang dahil talagang kinakabahan ako kasi alam ko na hindi na larong kanto ang nasalihan ko. Tinawag na ang apilyedo ko at apilyedo nang makakalaro ko sa unang round pinilit kong hindi magpakita nang kaba at iniisip ko nalang na kayang-kaya ko siya upang malabanan ang kaba sa dibdib ko.

Nag umpisa na ang laro at naging maayos naman ang naging resulta sa madaling salita nanalo ako sa unang round. Pag labas ko sa silid kung saan kami naglalaro ay nakita ko ang ibang mga kasama ko at natutuwa sila sa aking pagka panalo. "SCUAA player to imu gipildi bay" (player nang SCUAA yung tinalo mo bay). Nagulat ako sa sinabi nila dahil hindi ko akalain na tinalo ko yung nakapaglaro na sa SCUAA. Masaya ako sa naging resulta at naging kalmado na ako sa pangalawang round. Naging mahirap sa round 2 dahil mismong kasama ko ang nakalaro ko. Gusto ko nang tabla sa isip ko dahil siya ay kasama ko. Subalit sabi niya ayaw niya nang tabla para naman may maka sama sa amin sa SCUAA. Nang natapos na ang round 2 ay naging 2 na standing ko dahil nanalo ako laban sa kasama ko. Alas onse na nang matapos ang round 2 at kailangan na naming mananghalian. Kumain ako nang madami dahil akala ko nakakabuti iyon para sa akin ngunit mali pala. Hindi ko ma intindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Bumalik ang kaba sa dibdib ko nang matapos na akong kumain, mag aala-una na ng magpatuloy ang laro at hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko dulot nang pagka busog ko at iyon nga ang dahilan nang pagka talo ko sa ikatlong round. Gusto kong mapag-isa dahil alam kong may pagkakamali akong nagawa sa game dahil sa kaba ay hindi ako makapag isip nang maayos. Nagpatuloy sa round 4 kahit may kaba pa, napaka ganda nang larong iyon dahil isang mali lang ay may isang matatalo sa aming dalawa at siya nga ang nagkamali sa endgame at natalo ko siya. Gusto kong ngumiti dahil nanalo ako ngunit pinigilan ko para hindi ma iinsulto yung kalaro ko. Binigyan kami nang makakain dahil may natitirang oras pa bago ang last round at talagang ako ay nagugutom na. Pero hindi ko kinain yaong pagkain na binigay nila sapagkat isang panalo nalang at makakapag laro na ako sa SCUAA. Ang ginawa ko nalang ay uminom ako nang tubig at nagpatuloy sa last round. Iyon ang pinaka mahirap na parte nang laro dahil gusto ko nang manalo ngunit papaano? May kaba sa dibdib ko dahil takot akong matalo. Naging mahirap ang posisyon nang mga pyesa ko ngunit ginawan ko nang paraan para maayos ito. May nakita akong kahinaan sa posisyon ko at nakita ito nang kalaban ko. "Talo na ako" yan ang inisip ko, pinilit kong makita ang mga pweding solusyon sa problemang kinakaharap ko. CHECK! Sa subrang saya ko lumakas bigla ang tuno nang boses ko at naka tingin silang lahat sa akin. Akala nilay kung ano... "Sorry" sabi ko. Ang akala kong kahinaan ay ang pinaka delikadong patibong pala sa posisyon ko. Sa madaling salita nabiktima nang patibong ang kalaban ko at nakamit ko ang panalo sa last round.

Sa wakas masusubukan ko na rin kung gaano ka lakas ang mga manlalaro sa SCUAA. Alam kong magiging masaya ang mga kaibigan ko sa panalo kong iyon kahit nasa pangalawang rank lang ako. Baguhan man pero pinakita ko naman ang kakayahan ko ngunit hindi ko iyon makakamit kung hindi iyon binigay sa akin nang Diyos. Sinabi ko agad ito sa aking ama, at bungad niya sa akin"dili man to mga hanas imo naka duwa" (hindi daw malalakas naka laban ko.) Natawa nalang ako sa reaksyon niya dahil alam kong masaya siya para sa akin.


Disclaimer: This article again is not mine but written by my partner. (Basta't patungkol sa chess at tagalog ay sa kanya po ang article.)

Anyways, this is my 2nd article for today. Since I had 3 days that I haven't wrote and published an article. So, from 3 days, I had this one added. Therefore, I only need 2 days more to published 2 articles. This is because I need to reach my target goal to be able to write 31 articles at the end of the month for there were 31 days of this month.

So, that was it everyone. Hopefully you'd enjoy my partner's article on his experienced joining some chess tournaments. His loving sport.

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz

Lead image source

5
$ 3.75
$ 3.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @Bloghound
+ 1
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
3 years ago

Comments

Abi nahog imo mem. Kanindot sa imo partner oy kahibaw mag chess. Ako ganahan ko makamao ani pero bwo igo ra tan aw di mo try.

$ 0.02
3 years ago

Nindot bitaw pero lisod naman tun an hhahahaa

$ 0.00
3 years ago

Abi jod bitaw nahog ikaw hahaha na imagine ka naho mem nagduwa sa scuaa

$ 0.00
3 years ago

Hahahahaha ahong pares na mamsh, na ako dili na naho forte ng duwaa

$ 0.00
3 years ago

Yang ang sport na diko talaga magets, sis hehe

$ 0.01
3 years ago

Ako din sis, marunong akong maglaro kasi kasi alam ang move ng bawat pyesa. Kaya lang di ko alam paano i mate ang kalaban hahaha

$ 0.00
3 years ago