Dating Game

0 10

Valentine...the anniversary of the beheading of St. Valentine by the Romans. February, the month of LOVE.

Happiness lies to those who cry, those who hurt, those who have searched, and those who have cried, for only then can they appreciate the importance of people who have touched their lives. Love begins with a smile, grows with a kiss and ends with a tear. The brightest future will always be based on a forgotten past, you can't go on well in life until you let go of your past failures and heartaches.

Did you ever fall in love or love someone and then all you get in return is heartache caused by him?

Tpos na ang first semester ng unang taon ni Angel sa College. Kay bilis lumipas ng dalawang linggong bakasyon, at ngayon nga ay simula na ng second semester. Nasa harap siya ngayon ng locker niya ng may mapansing card na nakasabit doon.

White Rose,

You are as a lovely as the cherry now, That hung with bloom along the bought. And stands about the woodland ride, Wearing white for the Eastertide.

El Amor,

Blackrose

" Blackrose? Hindi talaga ako titigilan ng mga tao dito, ang kukulit nila, may pasulat sulat pang nalalaman. "Pero imbis na itapon ay may Kung anong nagsasabi Kay Angel na itago na lang ang card na hawak niya.

Hindi maaring lumipas ang buwan na walang natatanggap si Angel na card with a poem from Blackrose. Once or twice a month siya Kung maka-receive nito. At nagugustuhan Naman niya.

"Angel! Angel!." tawag ng kaibigan niyang si Maude.

"Bakit na naman ba, Maude?" nakasimangot na tanong ni Angel sa best friend.

"Hey, amg ganda-ganda ng umaga nakasimangot ka na naman diyan," biro mo Maude.

"Teka. The way you talk, may nandedemonyo na namasn sa'yo 'no? tanong ni Maude sabay tingin sa red rose na hawak ni Angel.

"Ano pa nga ba! Ito sa'yo na lang, si Josh nagbigay... ewan ko ba sa taong Yun ang kulit-kulit. Ang dami namang ibang babae diyan nagtitiis sakin ," habang nagsasalita ay nakakunot ang noo at nakataas anh isang kilay.

"Ito naman... pero thank you sa flower ha! Lahat na lang yata ng binibigay sa'yo ng mga two dito iniitsepuwera mo!"

"Hay naku! Halika na, may kukunin pa ako sa locker ko," yaya niya sa kaibigan.

Nang sumunod na araw...

"Wow, may card na nakasabit sa locker niya! Oy, kanino kaya galing?"pagbibiro ni Maude.

White Rose,

Believe one who knows, You will find something greater in woods than books. And I do believe, you are the one I found, The greatest in the woods.

El Amor,

Blackrose

"Magaling siyang tumula, na may ilang beses na ito, Maude."sabi ni Angel.

"What? Then you didn't tell me about this guy, ha!"may ngiti sa mga labing sabi ni Maude.

"I don't know him, besides puro Tula lang Naman ang binabanggit dito."sabay tabi ng card sa bag niya.

"Palagay ko si Blackrose matagal nang may lihim na pagtinging sa'yo."sabay kindat sa kaibigan.

"Ano ka ba Maude? Malay mo nakikipagkaibigan lang."sabi ni Angel.

"Tatanggapin mo naman kaya? Remember, guy pa rin Yan."

Tumingin muna ng makahulugan si Angel sa kaibigan sabay pakawala ng buntong-hininga, "Ewan ko, siguro kung kaibigan lang talaga ang habol niya sa'kin."

"Hay, Angel..."sabay akbay sa kaibigan.

"I know kung bakit ka nagkakaganyan."

"Mahirap na Maude, mahirap ang magtiwala ulit...pero alam mo nagpapasalamat ako sa'yo dahil hanggang ngayon tayo pa rin ang magkasama, you never left me,"sabay seryoso ng mukha ni Angel.

"Kahit nasa malayo ang iba nating friends, Hindi nila tayo kinalilimutan. Hoy, ano ka ba? Kung hindi ka nakasimangot, nakataas ang kilay mo, I di kaya ang seryoso mo. Hindi ko kayang abutin ang iniisip mo," pang-aamo ni Maude.

Naputol ang usapan nila ng Makita ni Angel na palapit sa lugar nila si Leigh

"Hi, Maude Hi, Angel" bati ni Leigh sa dalawa ngunit may kindat na kasama ng batiin niya si Angel.

Walang sagot kay Angel maliban sa pag-taas ng kilay at irap sa kaharap.

"Hi, Leigh! Saan ka galing?"si Maude na lang para hindi mapahiya ang lalaki.

"Sa baseball field. Bakit Hindi na lang sabay tayo papunta sa susunod nating klase?"tanong nito kay Maude pero nakatingin pa rin kay Angel.

"May pupuntahan pa ako, ikaw na lang Maude ang sumabay sa kanya."sabay sara ng locker at lumakad palayo sa dalawa.

"Ha? Ah eh, sige Leigh, mauna ka na sasamahan ko pa nga pala si Angel, sige ha."paalam ni Maude kay Leigh at sumunod kay Angel.

"Mala-anghel ang iyong ganda, Angel, pero nag-aapoy sa galit ang iyong mga mata...gusto ko yung malaman sa ano pa mang paraan. ang mapalapit sa'yo ang una ko munang dapat gawin. " May binabalak si Leigh kay Angel ngunit masama kaya ito o makabubuti para sa kanilang lahat?

Sa library...

"Angel, bakit ka ba umalis agad doon?"tanong ni Maude sabay lapag ng gamit sa mesang nasa harapan.

"May isang oras pa tayo. So, mag-aaral na lang muna tayo "paliwanag ni Angel habang binubuklat ang libro na hindi naman talaga balak basahin.

"Look at me, Angel, galit ka ba Kay Leigh, o ayaw mo lang talaga sa kanya dahil 'guy' din siya?"sabay taas nv kamay na may pa-quote sign pa.

Walang nagawa si Angel kundi ang tumigil na lang sa sinabi na sa kaibigan kung bakit pati so Leigh ay iniiwasan niya.

Acquaintance party noong first semester....

Madilim ang paligid maliban sa mga mumunting liwanag at iba't ibang kulay na nagbigay ganda dito. Makikita sa bawat estudyante ang kasiyahan sa pagsasayaw sa okasyong ito. Acquaintance-getting to know each other. But to Angel, wala yata siyang magiging bagong kakilala dito. Hindi niya gusto ang grupo ng cheerleader, ang mayayabang na basketball and volleyball player. Maliban sa besfriend niyang so Maude, sa pinsan niyang sina kuya Leo at Louie ay Wala na siyang ibang kilala sa paaralang ito.

"Maude, I'd like you to meet my cousin Louella Mae, Louie this is my friend since high school, Maureen Denise," pagpapakialal ni Angel sa dalawa.

"Nice to meet you Maude" si Louie ang unang bumati dito.

"Nice to meet you too, Louella ang unag bati ni Maude.

"It's Louie, just call me Louie. So, you know my cousin very well?"tanong ni Louie kay Maude.

"Yeah, sabi nga ni Angel, we're best of friends and we know each other since high school, naikukuwento ka nga niya sa akin, eh."pagpapatuloy ng kuwento no Maude .

"Really? Oh, cousin, you owe me for what you've told to Maude"panunukso ni Louie.

"Don't worry it's just about good deeds you've done,"

"By the way, Maude, pasensiya ka na sa akin if I speak English, nakasanayan ko na kasi. Besides I grew up in Florida, but I understand Filipino."pagpapaliwanag ni Louie.

"It's okay, sanag na din ako sa mga cousin ko having vacation here."balik Naman ni Maude kay Louie.

"Let's dance!"yaya ni Louie.

"Ayoko...kayo na lang ni Maude, there's a lot of people dancing."tanggi ni Angel.

"Sige na, Angel, halika na."pilit naman ni Maude.

"Hey guys, let's dance kanina ko pa kayo nakikita dito na nagkukuwentuhan Lang."si kuya Leo na kapatid ni Louie , nakatayo siya sa harapan nila habang sumasayaw-sayaw pa.

"Bro, Angel don't like to dance,"si Louie.

"What's the matter, Angel,don't like the party?"tanong ni Leo

"Kuya Leo naman, you know that I don't like to be here pinilit lang ako ni Maude."baking nito sa kaibigan.

"Eh kasi lagi na lang siyang nagmumukmok kaya ko siya niyaya dito, besides bwe have to meet other people here cause we're in college already."paliwanag naman ni Maude kay Leo.

"By the way kuya Leo, this is Maude, may friend. Maude, this is Leo," pagpapakilala ni Angel sa dalawa.

"My elder brother,"dagdag naman ni Louie.

"Hi ,welcome freshman!"bati Naman ni Leo.

"Hello, thanks."ganti naman ni Maude.

"So, everybody let's dance !!!"pasigaw na sabi ni Leo sabay taas ng kamat sa ere.

"Yeah, let's dance!!!"sabay na sabi ni Maude at Louie, kaya nagkatawanan pa ang dalawa. Napilit din nila si Angel na sumayaw. Mga ilang rock music lang ay sumayaw na si Angel kaya nagpatiuna na ito sa mesa nila kanina. Sumunod na lang ang tatlo sa kanya. Ilang hakbang na lang ay nasa mesa na siya ngunit biglang humarap ang lalaki na may hawak na wine kasama ang grupo ng babae at lalaki ng biglang natapon sa kanyang damit ang hawak nito.

"Naku! Miss, sorry... hindi ko sinasadya...sorry talaga!"Hindi malamang sabi ng lalaking ito.

"Nakikipaglandian kasi sa kung kani-kanino! Kaya hindi nakikita ang dinaraanan,"pasaring na sabi ni Angel sa kalmadong boses habang pinupunasan ang damit.

Nagpanting ang tenga ng isang babaeng nakapulupot ang kamay sa lalaki, "Miss, baka kasi ikaw ang hindi tumitingin sa dinaraanan, hindi ka kasi tumabi, alam mo nang marami kami at may tendency talagang mabangga ka."

"Oo nga Naman, gusto mo lang yatang gumawa ng eksena dito dahil hindi mo kilala ang grupo ng lalaking nasa harapan mo"sabi pa ng isang babaen. Naghiyawan ang mga kalalakihang kasama nila. Mga baseball player ito sa school nila.

"Tumigil nga kayo. Nakabangga na nga kayo tapos..."pagsasaway ng lalaki sa mga kasamahan.

"Mayabang! Akalan n'yo kung sino kayo. Puwes, hindi ko kayo kilala at wala akong balak na nakilala kayo!"sabay alis ni Angel kasunod ang tatlo.

"Miss, sorry talaga. Leo,sorry...tell her my apology."baking nito kay Leo na siyang senior niya sa baseball team.

"Hindi ko alam, Leigh, grabe magalit yun. Sige susundan ko pa,"sabi naman ni Luther.

Nasira na ang gabi ni Angel kaya umuwi na siya, inihatid na lang siya nina Leo at Louie bago bumalik sa party. Umuwi na rin si Maude, sinundo na kasi siya ng ate niya.

"Kaya hanggang ngayon galit ka pa rin kay Leigh ha?tanong ni Maude.

"Hindi lang Yun, nung minsang nasa beach ako,iniisip noong mga kasama niya na may gusto ako sa kanya dahil nakatingin daw ako sa kanya gayong may iniisip lang ako sa para sa admission test ng school paper, eh hindi ko naman alam na nakatingin ako sa direksyon niya."pagpapatuloy ni Angel sabay taas ng kilay.

"Tapos anong nangyari?"tanong ulit ni Maude.

"Aba'y lumapit at tinabigan ako sabay akbay. Ang kapal ng mukha niya!"napalakas ang boses ni Angel kaya nagtinginan ang mga tao sa library at sinaway sila ng Librarian. Napangiti naman si Maude dahil sa inasal ng kaibigan.

"Tapos?"

*Hmmmp, basta inis talaga ako sa kanya."

"Yun lang ba?"nangingiting tanong ni Maude.

"Pati yung pagpapahiya niya sa akin sa klase natin, alam mo naman yun diba? Napaka-ungentelman talaga niya. Third year na siya pero bakit ba naging kaklase pa natin yun sa Philosophy."inis na inis na talaga si Angel.

"Oh, bakit ngingiti ngiti ka diyan, ha, Maude?"

"Teka, baka sa kin Naman mabunton ang galit mo? Baka kasi nagpapansin lang yung tao sa'yo alam mo na... may gusto siya sa'yo."makahulugang sabi ni Maude.

"Ewan ko, kung yun Yung paraan ng panliligaw niya walang magkakagusto sa kanyang babae,"wika ni Angel. Kasunod noon ay tumunog na ang bell kaya tumayo na sila.

Mabilis na lumipas ang mga araw kay Angel, ganoon din ang pasko at bagong taon, at hinfi puwedeng hindi darating ang buwan ng Pebrero.

Si Ellaine Nadine Vargas na mas kilala sa tawag na Angel ang class salutatorian ng batch 2002 . Bunso at nag-iisang babae sa tatlong anak ng mga Vargas. Siya ang tinaguriang "the smiling face" ng magkakapatid. Ngunit dalawang masakit na pangyayari ang nag paalis na mga ngiting ito sa kanyang mala-anghel na mukha.

Limang taon palang siya noon, nang iwan sila ng kanyang Mommy at sumama sa ibang lalaki papuntang America. She still remember those words that her mother said on the month of February.

"Mom, where are you going?" tanong ni Angel sa Ina habang nakikita itong nag eempake ng mga gamit sa master's bedroom.

"Angel, come to Mommy." Tumigil ito sa pag-aayos at niyakap ang anak bago nagpatuloy, "I love you!"

"I love you too, Mommy." sabi naman ni Angel.

" But Mommy have to leave, I need to go Abroad paliwanag ng Mommy nito.

"But why?"tanong ulit ni Angel.

"Because, i have to."

"Do you still love Daddy?"tanong ulit ni Angel.

"I love your Dad...you know that... but our relationship doesn't work anymore."

"You mean Daddy don't love you?"

"No, no, no. i can't explain it, cause you will not understand."paliwanag nito habang iiling-iling na hinihimas ang buhok ni Angel.

"No, you don't love Daddy, you don't love us, you don't love me either!"pasigaw na sabi na ni Angel habang umiiyak na lumabas ng silid.

Nag-divorce ang parents niya at nagpakasal ulit ang Mommy niya sa ibang lalaki. Naiwan silang magkakapatid sa kanyang daddy. Ngunit ang kanyang daddy ay hindi na muling nag-asawa pa. Kaya ipinangako niya sa sarili na kung magmamahal siya ay hindi niya ito iiwan tulad ng pang-iiwan ng Mommy niya sa Daddy niya. "Talaga bang nawawala ang pagmamahal paglipas ng panahon?"mga tanong na laging nasa isip ni Angel. Ayaw niyang isipin na mawawala rin ang pagmamahal na iniukol ng Daddy at mga Kuya niya sa kanya.

"Sampung taon ang lumipas at ang dating munting anghel na pamilya ay unti-unti nang nagdadalaga at nagkaroon ng mga manliligaw.

"Masyadong mahigpit si Kuya Edfren, ang pangalawa, sa pagbabantay sa kanya sa school. Kaya hindi makalapit ang ibang guys sa kanya. Hindi naman nakakalimutang sundin siya ni Kuya Ethan sa school kasama si Edfren. But who is this gorgeous volleyball captain of the senior class nung high school pa siya? Na-love at first sight yata siya sa lalaking ito so Schuyler- the campus crush ng bayan. Their fathers had been good business associates kaya sila nagkakilala sa isang party na gawa ng kumpanya ng kasosyo ang kanyang Daddy.

Simula noon, lagi na silang magkasama, nililibre siya ng meryenda sa canteen, sinasamahang mag-research ng mga assignments niya sa library at kung minsan ay sinusundo sa bahay para sabay na pagpasok sa school, nandoon ding magdala ng bulaklak sa bahay nila at magpadala ng gifts para sa kanya. Walang tiwala dito si Edfren. Hindi niya alam kung bakit, gayong wala naman itong nababalitaan na may ibang nililigawan si Schuyler or may girlfriend o nagkagirlfriend na ba ito. Basta masama ang kutob niya dito.

Months ran smoothly at nasagot na ito ni Angel. Bukod kay Maude na kaibigan niya alam narin ito ng Daddy at mga Kuya niya. Ayaw man ng dalawang Kuya niya, naging masaya nalang sila para sa kanya.

Months lang ang bilinilang sa relasyon nila-tatlo o apat na buwan because on this month of February, on Valentine's day... Umiyak na naman siya dahil muli iniwan naman siya ng taong pinagtuunan siya ng pagmamahal. Schuyler just dropped by their house on that night...sinalubong niya ito at tinangkang halikan sa pisngi ngunit umiwas ito at bumati ng good evening kay Mr. Vargas. Nagtataka man si Angel ay di na lang niya pinansin.

Sa may garden...

"Why, don't we go out and have dinner to celebrate this Valentine's day?"tanong ni Angel habang nakahawak sa braso ni Schuyler.

"We can't dito na lang tayo, kasi may..."naputol ito dahil nag salita na ulit si Angel.

"Okay, sabi mo eh, but dito ka na lang mag-dinner. Masarap magluto si Daddy dapat matikman mo man lang ang recipe niya, promise."pagmamalaki ni Angel.

"Yeah, but i have important things to say to you."Seryoso ang mukha nito at hindi magawang tumingin man lang sa mukha ni Angel kaya nagtaka ito.

Naninibago man si Angel sa kalamigan ng kasintahan ay nagawa pa rin niyang ngumiti,"I know that!" sabi ni Angel. Bilag tuloy kinabahan si Schuyler, alam na ni Enid ang pakay niya,"How did you...know...what...I want...to say?"putol-putol na sabi ni Schuyler.

"That you love me, lagi mo naman sinasabi 'yun, diba?"tanong ulit ni Angel na nakangiti dito.

"No!"wala sa loob na nasabi mo Schuyler.

"Nabigla si Angel pero kinakabahan man ay tinanong pa rin niya si Schuyler,"What do you mean no?"sa mahinahong boses nito.

"Angel... I don't know how to say this... but i have to...simula ni Schuyler.

"Then tell me, what is it?Schuy, you're making me nervous... ano ba Yun?" patuloy na tanong ni Angel.

"That...that...Angel, i want to say that... that... our relationship is a big mistake..."pautal-utal man ay nasabi parin ni Schuyler ang mga katatagang ito.

Matagal na nawala sa katinuan si Angel. Parang tumigil sa pag inog ang mundo. Naulit na naman on the same month- at ngayon pang Valentine's day-nang iwan siya ng taong minamahal niya. Pero matagal na yun, still bumalik pa rin sa alaala niya dahil sa nangyari ngayon. Hindi niya alam ang gagawin nakatulala siya pero nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Schuyler.

"Angel, may girlfriend na ako, sa ibang lugar siya nag-aaral, kaya di kami nakikita at di mo siya kilala...but then kasama ko siya ngayon nasa sasakyan lang...Angel..."naputol iyon dahil sa hikbi ni Angel.

"Go...huh...hu...hu...go...just go and leave me alone..." mahina niyang sabi ngunit ng hindi parin ito gumalaw sa kinauupuan nila ay napasigaw na siya.

"Just leave me alone!!! Go to hell!!! Shame on you!!!" napalakas ang pagkaka sigaw niya kaya na palabas ng bahay ang kuya Edfren niya at ang Daddy nito.

Dahil soon napilitang umalis si Schuyler. Nasuntok ito ni Edfren na aral sa karatedo kaya napatalsik ito. Nadumihan tuloy ang maganda sa nitong mukha. Inamo na lang muna siya ng Daddy niya.

"Angel ..." mahinang tawag ng kuya Ethan niya sa labas ng pinto ng kanyang silid.

"May I come in?" tanong ng kuya niya.

"Pasok, kuya..." sabay pahid ng mga luhang lumandas kanina ng maalala ang mga pangyayaring iyon.

"Do you want to talk?" tanong ni Ethan.

"Ano naman ang pag-uusapan natin?" hindi siya makatingin sa kuya niya ng diretso.

"Baka may gusto kang ikwento sa akin ... meron ba? Sabay hawak sa kanya ng ilong na lagi nitong ginagawa' pag nilalambing siya. "Umiiyak ka ba angel?" tanong ng kuya niya.

"Of course not... He's not worth of my tears, kuya. Kaya hindi na ako papayag na umiyak ulit... Hinding hindi na ako iiyak ulit... Promise yan..." sa matapang na anyo ni angel.

"Tumapang ka angel, yan lang ang masasabi ko sayo pero hindi ka nag momove on," sabi ni Ethan.

"Anong hindi nag momove on? anong ibig mong sabihin ng kuya? tanong ni Angel.

"Kasi hindi mo pa sila napapatawad, you can't be happy if there's someone on your past na hindi mo kayang kalimutan... ang hindi mo kayang pakawalan. Tingnan mo naging man-hater ka lahat ng lalaking lumalapit sayo ay iniisip ang masamang intensyon gayong gusto lamang nilang maging kaibigan ka," paliwanag ng kuya niya.

"Hindi yan totoo!" pasigaw na sabi ni angel.

"Bakit nagtatago ka na ng sikreto sa kuya mo? Dati wala kang sinesekreto sa akin, ngayon... parang hindi na kita kayang abutin... para hindi na kita kilala..." nakatingin pa rin siya kay Angel.

"Ayoko ng nararamdaman ko, kuya, naiinis ako sa sarili ko."

"Open up, Angel. I'm willing to listen, just trust me..."

Tumingin muna siya ng matagal kay Ethan saka nagpakawala ng isang buntong hininga." There's a mysterious guy named Blackrose who gave this card to me. Here, read it... and the baseball guy who's always teasing me..." sabi ni angel sabay lapit sa kuya niya.

"So may secret admirer ang sister ko, kanino ka interesado?" tanong ni Ethan.

"Wala sa dalawa... but... I do prefer Blackrose," seryosong mukha ni Angel.

"Dahil sa mga salitang iniwan niya para sayo, magaling siyang magsulat ha... then..." may ngiti sa mga labing wika ni Ethan.

" What if pinaglalaruan lang pala niya ulit ang feelings ko, kuya? What if sinusubukan lang niya ako kung bibigay din ako at mawawala ang pagiging man-hater ko? What if kung sa month na naman ng February mangyari ang lahat ng ito? What if..." at tuluyan ng lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa mga agam-agam na itinago niya matagal ng panahon.

"Shhh..."niyakap si Ethan upang mapayapa ang mga agam-agam agam sa kanyang kalooban.

"marami kang iniisip, gayong hindi pa naman nangyayari. Bakit hindi mo sagutin ang sulat niya at iwan sa locker mo, siguradong makikita niya 'yun, para malaman mo, di ba?"pang-aalo ng kuya niya.

"Mahirap yata 'yun, Kuya..."sagot niya sa kapatid.

"Try it, then we'll see what will happen. Kung makikipagkita siya sa'yo sasamahan kita."

"Promise?" tanong niya kay Ethan.

"Promise!"sabay taas pa ng kanang kamay para makumbinsi ang kapatid.

VALENTINE'S DATING GAME

Nabasa Yun ni Angel na nakapaskil sa corridor, paulit-ulit hanggang mabungaran niya ang malaking banner nito.

"Angel,buti dumating ka na!"nagmamadaling bati Bessy, isa sa mga naging kaibigan na niya dito sa campus.

"Talaga pa lang pinaghahandaan ninyo ang dating game na yan ano? Sino sino ba ang searches n'yo?"tanong ni Angel sa mga taong nasa loob ng classroom.

"Two guys and two girls, tapos yung mga searches tig ti-ten... so bale 20 boys and 20 girls,"sagot ni Maude.

"And you're one of the searcher, Angel." sabi ng pinsan itong si Louie.

"What?!! Okey ka lang?!! No, no, no. Hindi pwede ito! Sinong nagsabi sa inyo na papayag ako, aber? Hindi, isa itong malaking pagkakamali!" tangging sagot ni Angel na halos mag histerical na sa pagkagulat.

"Hindi ka na pwedeng umatras. Look, ganito kasi ang set up pagdating sa'yo..." paliwanag ni Colleen- ang representative ng department nila.

"No, ayokong makinig, dahil hindi ako sasali, okey?" pagtanggi pa rin ni Angel takip ng tenga.

"Listen first, cause we know that you will agree in this set up please..."kumbinsi ni Louie.

Kaya tumahimik na muna si Angel at nahilig sa paliwanag ni Colleen. Si Angel ang special searcher na ide-date on the night of February 14. Palaisipan sa mga sasaling searches kung sino siya at walang ibang nakakaalam maliban kila Maude, Bessey at Louie. Although may mga taong tumutulong pa para sa gastos ng date na ito, eh hindi pa rin alam ng mga ito kung sino ang mga special searcher. Mga popular sa school ang pinili nina Colleen na ide-date kay Angel. Ang shooting guard ng basketball team na si Philip, the lay-out artist ng school paper na si Josh, president ng student council na si Rupert at syempre hindi mawawala ang best pitcher ng school nila ng baseball team, na si Leigh. Sila ang campus crush ng bayan pero walang panahon na magkaroon ng seryosong relasyon. Nakamaskara si Angel sa araw ng dating game at pagsumapit na ang night of February 14, doon lang malalaman kung sino talaga siya depende sa mapipiling crowd para sa kanya. Isa pa yun sa hindi puwedeng gawin ni Angel dahil ang audience ang pipili ng magiging date niya at hindi kung sino ang gusto niya. Gagamit siya ng screen name para lalong hindi sa makilala.

"Tapos na ba, Colleen?" tanong ni Angel.

"So, that's the set up, what do you think?"ganting tanong naman ni Colleen.

"I don't like that kind of set up...at ayoko pa rin, on that night wala ako dito, nasa Baguio siguro ako at matutulog nang buong araw." paliwanag naman Angel.

"Hindi puwede, okey? Kasi sinabihan na namin ang mga taong ito, at wala ng ni isang clue kaming sinabi sa searches kahit na dito nag-aaral ang searcher."paliwanag naman ni Maude.

"Sigurado kayo...?"tanong parin ni Angel.

"YES!!!"halos sabay-sabay n asabi ng mga kausap.

"Hindi pa rin."

"ANGEL!!!"sabay tayo nina Louie at Maude.

"I'll think about it. Pwede siguro muna ako mag-iisip kung tatanggapin ko, no?"tanong ni Angel.

"Hindi na puwede dahil isang buwan na lang, kailangan ng maiprepare ang lahat maliban sa'yo "pangungulit pa rin ni Bessy.

"Baka magalit si Daddy nito?" pagdadalawang isip ni Angel.

"Don't you worry about Uncle, I've already told him this."pagpapaliwanag ni Louie.

"Yeah, kasama niya ako, siyempre kasama ang Daddy mo sa sekretong ito." second motion ni Maude.

"Ganoon?!Talaga palang wala na akong tanggi nito dahil lahat ay nakaplano na kahit humindi ako eh, ako pa rin... Nakakainis naman oh!" paghuhurumintadong sabi ni Angel.

Nagkatawanan lang ang tatlo at natutuwa dahil mapaglalapit na nila si Leigh at si Angel.

After a few days...

"Ii-invite lang sana kita sa Valentine's...?" tanong ni Josh.

"Ha!?! Hindi puwede,eh! At saka aalis ako... wala ako dito, pupunta kasi kami ng Baguio..." alibi ni Angel.

"Ganoon ba?Ibig mong sabihin wala ka dito sa dating game on 13?"tanong ni Josh.

"Yeah, wala nga besides wala naman tayong pasok noon di ba?" Kaya hindi na ako papasok, sa Monday na lang, 16 yun di ba?"patuloy ni Angel.

"Sige, aalis na ako, may gagawin pa ako,"paalam ni Josh kay Angel.

Ngiti lang ang iginanti ni Angel sa papalayong si Josh.

Nasa harap na siya ng locker niya ng may nakita na naman siyang pamilyar na bagay doon. Isang card, nakasabit sa locker niya. Galing sa secret admirer niyang si BLACKROSE.

White Rose,

There's a time to be born and time to die, A time to plant and a time to pluck up what is planted, A time to kill and a time to heal, A time to break down and a time to build up, A time to weep and a time to laugh, And now this is the time to meet each other...

On the night of February 14, I'll personally introduce myself to you... Just wait...

El Amor,

Blackrose

"Ang sweet talaga ng taong ito,pero sige hihintayin kita sa February 14... Blackrose?"sabi ni Angel na narinig ng taong nasa tabi na niya ngayon na kanina lang ay pinagmamasdan siya sa malayo, muntik na nga niyang mahulog ang card na hawak niya sa pagka bigla.

"Talaga bang sweet ang nagbigay niyan sa'yo?"si Leigh na narinig ang sinabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Angel na biglang napawi ang pagkakangiti niya nang marinig ang boses nito.

"Sa tabi ng locker mo ang locker ko remember?"ganting sagot ni Leigh.

"Yeah,I know. Pero ano bang pakialam mo sa akin ha?" brusk ng sagot ni Angel.

"Hey, hey, calm down. Wala naman akong ginagawa sa'yo ikaw lang itong laging nagagalit sa akin... ay mali matindi pala ang galit sa akin?"pang-iinis pa ni Leigh.

"Sino naman ang nagsabi na galit ako sa'yo, aber?!tugon ni Angel.

"Wala, pero the way you look at me and the way you talk to me it seems na malaki ang pagkadisgusto mo sa akin."paliwanag ni Leigh.

"Siguro, yun naman ang expression nila sa akin ang laging galit."pagkasabi noon ay binuksan na niya ang locker at kinuha ang ilang gamit na magagamit para sa susunod na subject at inilagay ang katatapos pa lamang.

"So, friends..."sabay abot ng kamay ni Leigh na may kumpiyansa sa pagkakangiti na tatanggapin ito ni Angel.

"I-FRIENDS mo ang mukha mo!" sabay alis. Naiwan tuloy si Leigh na nakikipag kamay sa hangin. Buti na lamang at silang dalawa lang sa corridor ng oras na iyon kung hindi pinagtawanan na si Leigh.

"Patience Leigh, malapit na, malapit na...konting tiis na lang mapapaamo mo rin si Angel," bubulong-bulong na wika ni Leigh sa sarili.

February 13...

VALENTINE'S DATING GAME

Tulad ng inaasahan, si Angel ang special searcher nila na itinago sa pangalang White Rose. Siya na rin mismo ang nagpangalan sa sarili since Yun din ang laging pinapangalan sa kanya ni Blackrose.

Ipinakilala ang mga searchees at isa sa kanila ay nagngangalang Blackrose kaya nagka-interes siya na makilala ito. Malakas ang appeal ni Blackrose sa mga audience the way he answer the questions, kahit na sabihin pang namaskara din siya tulad ng ibang searchees.

At sa wakas dumating na ang time napipili kung sino ang makaka-date ng searcher na si White Rose...At ito'y walang iba kundi si Blackrose... Hiyawan ang mga audience dahil bagay na bagay daw ang dalawa gayong hindi naman makita ang mga mukha ng searches at searcher.

Bago bumaba sa stage si Blackrose tumingin muna ito sa gawi ni White Rose, may kung anong bagay ang bumubulong sa kanya at nagsasabing kilala niya ito. Maaaring kayang ito ang kanyang whiterose?

Samantala, kinakabahan man si White Rose dahil maaaring kilala niya Kung sino talaga si Blackrose dahil isa ito sa mga taong sinabi sa kanya ng mga kaibigan na kasali at posible kayang ito narin ang Blackrose na nagbibigay sa kanya ng mga card at romantic poems.

February 14...

"Sis, balita ko may ka date ka mamayang gabi, puwede bang malaman kung sino siya?" tanong ng Kuya Edfren ni Angel.

"I don't know him either, kasi gumamit din siya ng screen name at nakamaskara, maybe one of Josh, Rupert, Philip and...Leigh?"nabitin ang huling pangalan kaya napangiti ng makahulugan ang kuya niya dahil nag-iba rin ang expression ng mukha niya kasama pa ang pagtaas ng isang kilay niya.

"Who's Leigh?"tanong ni Edfren sabay ngiti kay Angel.

"What do you mean, Leigh? Kuya nakakainis yang ngiti mo ha! Tigilan mo nga ako!" naiinis na sabi ni Angel kay Edfren.

"Come on, sis,nasabi na sa akin ni Kuya Ethan kaya wag mo ng sikreto, kasi kanina ko pa napapansin na di ka mapakali, bakit ba, ha?"tanong ng Kuya niya.

"Kasi, may kung ano nagsasabi sa akin na pumunta ng school ngayon, may gusto akong tingnan sa locker ko."

"Gusto mong pumunta, tara?"yaya ng Kuya niya.

"Talaga, sasamahan mo ako?" paniniguro paniniguro pa niya.

"Oo. Wala pa kasi si Kuya Ethan, mamaya pang hapon ang dating noon. Saka sabi niya na ihahatid ka daw bago sundin at Laura, kaya tara na... dapat nga magalit ako sa'yo dahil may secret ka sa akin. Dati pareho kami ni Kuya ang sinsasabihan mo, ngayon siya na lang, but don't worry hindi ako galit, nagtatampo lang."Pagkasabi noon ay inakbayan niya ang kapatid.

"Sorry Kuya, ha!"nangingiting sabi ni Angel.

"Wala yun, Tara na."pagyaya ng kuya niya.

Pagdating sa Holy Trinity College ay dali-dali siyang pumunta sa locker niya. Tulad ng inaasahan meron ngang card na nakasabit room at galing kay Blackrose.

Whiterose,

Common as a light is love, And it's familiar voice wearies not ever, Like the wide heaven,the all-sustaining air, It makes the reptile equal to the God.

Lenard Vaughn Montemayor

(Blackrose)

Pumikit pikit siya sa nabasa, tama ba ang pagkakabasa niya? Sino ang may bigay ng bulaklak? Sa hindi mapaniwalaang pangyayari ay tumunghay siya sa nasa harapan. Unti-unti nitong tinanggal ang maskara at tumambad sa harap niya si Leigh na nakangiti.

"Didn you like the flower?"tanong nito sa kaharap.

Dahil sa hindi pag sagot nito ay nagpatuloy ng pagsasalita si Leigh."I think it's time para hubarin mo na ang maskara, tumayo ito pa lapit sa kanya. Ngunit mabilis siyang nakailag at sinabing mamaya na lang.

Umupo na ulit si Leigh at umorder na sila. Kumakain ay nagkuwentuhan ang dalawa. Hanggang sa...

"White Rose...is the name i gave to the girl I like, or should i say, I love in the campus...It's strange i felt this when we first met noong acquaintance party namin. Maybe she's lunatic or crazy that other people say, mataray siya sa akin but there is something in her eyes that I can't explain."Tumigil muna siya sandali at tumingin ng diretso sa kaharap saka nagpatuloy,"Like I see in your eyes, pareho tayo kung tumingin. I think i already met you, when or where, i don't know..."

"I want to dance," tanging nasabi ng babaeng nakamaskara. Tumayo na si Leigh at inalalayan siyang sumayaw. Pumainlanlang ang isang jazz love song. Matagal na katahimikan ang pumagitan sa dalawa bago nagsalita si Leigh.

"Mahilig ka ba sa poem?" tanong nito.

"Yeah,a lot." sagot naman ni Whiterose.

"Yun kasi ang binibigay ko sa kanya, sabi ko nga sa kanya magpapakilala ako ngayong araw na ito,but it seems that she doesn't want to know me..." malungkot na pahayag ni Leigh.

"Maybe,you should try."

"Do you think, she will believe me or like me as well?"

"Mabait ka Leigh, bakit hindi ko nakita ang magaganda mong katangian noon pa... pero paano kung saktan mo din ako?Makakaya ko pa kaya..." naisip ni White Rose.

"Hey, malalim yata ang iniisip mo? tanong ni Leigh sa kanya dahil hindi siya kumikibo o di yata nakikinig na gayong kanina pa nagsasalita sa si Leigh.

"Ha? Hindi naman. Leigh, siguro ang unfair ko sa'yo. I think it's time na makilala mo na ako... I mean the girl you like or...you love... but...I'm afraid..." tumigil siya.

"Bakit? Saan? Speak up, I'm willing to listen. I can be a shoulder to lean on, and i want to be your friend..."pagkasabi noon ni Leigh ay unti-unti na palang lumuluha si White Rose. Kumalas ito kay Leigh at hinawakan ang maskara saka ito tinanggal.

Hindi maintindihan nila kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Nasa harapan niya ngayon ang babaeng hinahangaan niya at sinasabi niyang nagpabago ng kanyang buhay. Si Angel . Tahimik pa rin si Angel at umiiyak, pinahid ni Leigh ang mga luha sa kanyang pisngi at walang sabi-sabing niyakap ito. Tinanong niya kung bakit ito umiyak. Maraming pinagdaanang hirap si Angel. Dalawang beses na rin ito nasaktan na mga taong pinag-alayan niya ng tunay na pagmamahal. Ngunit anong ibinigay sa kanya... nasaktan lamang ang puso niya. Natatakot siyang sa pagkakataong ito na maging bukas ang kanyang puso at damdamin ay masaktan siyang muli. Ngunit iba siya, yun ang tangi niyang masisiguro kay Angel. Gusto niya itong maging kaibigan. Kung tutugunan ni Angel ang kanyang damdamin ay higit pa roon ang magagawa niya para sa kanya. He loves Angel. Hindi pa siya nagkakaroon ng kahit na sinomang girlfriend dahil masasabing hindi pa tumitibok ang puso niya noon kahit ang daming babaeng nakapalibot sa kanya at nag-aasam na maging boyfriend siya.

Patuloy silang nagsayaw sa saliw ng musikang pumainlanlang. This will be the happiest moment of her life, and for him, he will treasure the moment na nakilala niya si Angel lalo na ngayon na pinaglapit na sila ng tadhana.

On this very day of February, the so called Valentine's Day, magsisimula ang pag-usbong ng panibagong pag-ibig sa buhay ni Angel at Leigh.

To say that you can love one person all your life is just like saying that one candle will countie burning as long as you live.

The pleasure of love is in loving, and we are much happier in the passion we feel than in that we inspire.

1
$ 0.00

Comments

We play many games. Dating game is one of them. Game is the important part of our life. Thank you.

$ 0.00
4 years ago

What a nice and very long article.. Such a great job keep it up and post more and comments for more points..

$ 0.00
4 years ago

Your was very interesting and I love your articles a lot. thank you so much share this articles

$ 0.00
4 years ago

Lovely article...was really a niece piece I really enjoyed it...it made me ponder over past experience

$ 0.00
4 years ago

Although the article is very large, if one reads it from the beginning to the end, one can know a lot. Nowadays dating has become like a toy. He uses it whenever he can.

$ 0.00
4 years ago

In most place now valentine is now seen as a medium or an avenue to carry out different romantic activities all in the name of lovers day. forgetting the main purpose of the day.

$ 0.00
4 years ago