Dahil SA hirap Ng buhay namin SA probinsya lahat NG uri Ng trabaho natutunan na namin... Pag Wala Ng trabaho sila mama at papa gumagawa na Lang sila Ng uling at ibebenta sa karatig bayan... Naaalala ko pa dati, Ang papa ko Hindi marunong gumawa Ng uling... Tinuruan Lang sya Ng isang matandang lalaki na naging kaibigan nya SA probinsya, laking maynila Kasi papa ko.. simula sa panggapas Ng mga sanga Ng kahoy , pag pasan papunta sa lugar Kung saan gagawin Ang uling ... Nakita ko Kung gaano kahirap ginagawa Ng papa ko.. Bilang anak, tinutulungan ko sila ... May mga gabing Hindi nakakatulong papa ko sa pagbabantay Ng uling nya... Mahirap Kasi pagmabutasan , mapupudpud pinaghirapan nya.. makalipas mga limang araw, kakalkalin namin yang uling ... Ilalagay sa sako.. mura pa Ang bili nila dati sa Amin... 100 Lang Ang sako... ibebenta Ng papa ko 160 tinatawaran pa Ng mamimili... Kung may sampung sako ka isang libo Lang..... Ikakaltas pa Ang bayad sa Jeep... Kulang talaga kahit pambili Ng bigas... Hirap talaga Ng buhay namin SA probinsya...
0
7
Nag uuling kami for personal consumption kasi marami naman kahoy sa amin. Hanga ako sa papa mo kasi pinaghirapan nyang matutunan. Happy father's day po sa kanya.