May kalabaw kami dati... Maliit pa Kaya gustong gusto Ng kapatid Kong lalaki na sya Ang mag alaga... Grade five pa Lang ako kapatid ko noon... Dahil sya Ang nagpapakain SA kalabaw namin mahilig syang pumunta Kung saang saan gubat at ilog para makaligo din Yong kalabaw... Minsan nagyayayaan silang magbarkada Kung saan matataba Ang damo, Doon sila pumupunta... Medyo malayo layo din sa bahay namin pero kampante Naman Ang mama ko Kasi may kasama Naman sya..
Isang araw, nang nasa gubat Ang kapatid ko , pag uwi nya , nagkwento sya na may lumapit daw SA kalabaw nya Ng napakagandang manok ...maliit Lang pero iba iba Ang kulay Ng balahibo... Kaya nagustuhan nya... Kinakausap nya daw pero Hindi umaalis kahit hawakan nya... Kaya araw araw kahit mag Isa sya bumabalik sya Doon... Pero dahil nga nag aaral Ang kapatid ko, minsan nasa paaralan din sya... Nagulat na Lang kami isang araw na Hindi na sya makalakad... Pinatingin Ni mama sa albularyo, Sabi Ng albularyo sinadya daw yon Ng engkanto na nagkakagusto SA kanya...Dahil daw Hindi na nagpapakita Ang kapatid ko sa tagpuan nila... Ang manok pala na ibat ibang na palaging lumalapit sa kanya Ang engkanto.. Ang tagal Hindi nakalakad Ng kapatid ko... Hanggang napahinto sya SA pag aaral.. Kaya dahil SA nangyari SA kapatid ko ibenenta na Lang Ng magulang ko Ang kalabaw...
Engkanto yung manok sis? totoo rin oala yung mga engkanto, hindi kasi ako naniniwala sa mga ganon eh