Engkanto

18 17
Avatar for Jadeh
Written by
4 years ago

May kalabaw kami dati... Maliit pa Kaya gustong gusto Ng kapatid Kong lalaki na sya Ang mag alaga... Grade five pa Lang ako kapatid ko noon... Dahil sya Ang nagpapakain SA kalabaw namin mahilig syang pumunta Kung saang saan gubat at ilog para makaligo din Yong kalabaw... Minsan nagyayayaan silang magbarkada Kung saan matataba Ang damo, Doon sila pumupunta... Medyo malayo layo din sa bahay namin pero kampante Naman Ang mama ko Kasi may kasama Naman sya..

Isang araw, nang nasa gubat Ang kapatid ko , pag uwi nya , nagkwento sya na may lumapit daw SA kalabaw nya Ng napakagandang manok ...maliit Lang pero iba iba Ang kulay Ng balahibo... Kaya nagustuhan nya... Kinakausap nya daw pero Hindi umaalis kahit hawakan nya... Kaya araw araw kahit mag Isa sya bumabalik sya Doon... Pero dahil nga nag aaral Ang kapatid ko, minsan nasa paaralan din sya... Nagulat na Lang kami isang araw na Hindi na sya makalakad... Pinatingin Ni mama sa albularyo, Sabi Ng albularyo sinadya daw yon Ng engkanto na nagkakagusto SA kanya...Dahil daw Hindi na nagpapakita Ang kapatid ko sa tagpuan nila... Ang manok pala na ibat ibang na palaging lumalapit sa kanya Ang engkanto.. Ang tagal Hindi nakalakad Ng kapatid ko... Hanggang napahinto sya SA pag aaral.. Kaya dahil SA nangyari SA kapatid ko ibenenta na Lang Ng magulang ko Ang kalabaw...

4
$ 0.00

Comments

Engkanto yung manok sis? totoo rin oala yung mga engkanto, hindi kasi ako naniniwala sa mga ganon eh

$ 0.00
4 years ago

Oo sis engkantong babae na nag anyong manok ... Nagustuhan nya daw Kasi kapatid ko Kaya Hindi sya umaalis kapag hawakan ..

$ 0.00
4 years ago

totoo pala ying mga engkantong nagkaka gusto sa tao tapos pag hindi nagustuhan sasaktan nila yung tao

$ 0.00
4 years ago

Oo sis .. totoo Yan.. nalampo nga kapatid ko... Tagal din bago gumaling... Umabot ata mga isang taon din...

$ 0.00
4 years ago

nakakatakot talaga kapag sa probinsya tumira. pero sanayan nalang siguro yon no sis

$ 0.00
4 years ago

Marami Kang maririnig sis... Pero d lahat nakakatakot... Merong engkanto na mababait...

$ 0.00
4 years ago

ang alam ko lang sis hehe masama talaga yung mga engkanto hindi pa ako narinig ng kwento na may mabait

$ 0.00
4 years ago

Sabi Ng mama ko, may mga mababait daw .. minsan nga daw tutulungan ka pa nila...

$ 0.00
4 years ago

swerte nung mga may nakilala na mga mababait na engkanto sis karamihan kasi puro masasama lumalabas eh

$ 0.00
4 years ago

Masasama din Ang Alam ko... Pero mama ko Kasi laking probinsya talaga..Kaya maraming Alam..

$ 0.00
4 years ago

Kapag talaga laking probinsya sis maraming sa mga ganyan haha hindi na nakakapag taka

$ 0.00
4 years ago

May mga ganyan pala talagang pangyayari noh,kala ko talaga sa mga tv lang yan nangyayari at sa mga babasahin pero talagang nangyayari siya sa totoong buhay. Hindi ko pa kasi naranasan mga ganyan yung mga pinsan ng asawa ko at yung iba kung pinsan sa probinsiya mga nagkwekwento ng ganyan pero hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari talaga siya..maloloko kasi mga pinsan ko kaya minsan hindi ako naniniwala sa mga kwento nila pero totoo pala?!

$ 0.00
4 years ago

Totoo Po... Magpapakita lng cla SA mga nagustuhan nila... Akala Lang Kasi Ng kapatid ko natural lng na manok Kaya excited xa lagi pumunta SA gubat Kasi nga SA magandang kulay... Yon pala inaakit lng kapatid ko... Nong Hindi na ngpakita kapatid ko, nagalit xa...

$ 0.00
4 years ago

Ahh pero nakalakad pa yung kapatid mo sis?and ano ginawa niyo para lunayan siya nun?parang nakakatakot pala talaga kapag nagustuhan ka ng engkanto noh..dito sa lugar naman may isang lugar na hindi ka pwedeng oumunta basta basta..kasi once na matipuhan ka raw duduran ka lang tapos magkakagusto kana dhn sa taong yun kahit never po pa raw siya nakilala basta sa araw ding yun para ka daw mahuhumaling hahah ewan ko kung totoo kasi yung asawa ng pinsan ko yung nagkwento nun, kaya sabi ng pinsan ko sakin nun wag daw ako pupunta dun kasi yun nga makakapagasawa daw ako ng wala sa oras..😅😅😅

$ 0.00
4 years ago

Basta ginamot Lang sya Ng albularyo sis... Then pumunta si mama at kapatid ko Doon sa gubat .. pasan pasan Ni mama kapatid ko Kasi nga Hindi malakad.. nagalit si mama ... Sinabi nya na Kung nakikita daw sila Ng engkanto tingnan Ang nangyari sa kapatid ko... Kung gusto nya daw kapatid ko wag daw saktan ... Tapos nakiusap kapatid ko na pagalingin... Pero matagal din gumaling kapatid ko. Ngayon ok na xa...

$ 0.00
4 years ago

dati rati kasi talaga sa television ko lang napapanood yan, although may mga naririnig na kong ganyang kwento dito din samin,kasi mabukid din dito ngayon na lamang naman naging sementado ang karamihan dito eh peeo dati maramibg bukirin dito..lalo na sa mascap,wawa at puray dun talagang mabubukid and ang daming kwento talaga na nakakakilabot na animoy mga nanakot lang yung nagkwento. pero dahil nagkwento ka sis talagang napapaniwala na ko sa mga ganyan..heheh kaya kapag nagpupunta kamo kung san sinasabi ng nanay ko nun na magtabi tabi po,at huwag daw magtuturo kung san kapag hindi napigilan kagatin daw yung itinurong daliri..hehhee may ganyan din ba sa inyo sis?

$ 0.00
4 years ago

nkaka takot naman ang nangyari na kranasan ng iyong kapatid totoo nga tlaga nga yang mga engkanto n yan at ibang nilalang n ng lalagi d2 sa ating mundo nkaka takot n mka encounter ng ganyan kaya dapat ay lagi mganda ang pkikitungo mo n una s lhat ng taong mkakslamuha mo

$ 0.00
4 years ago

Yes po... May mga engkanto na masasama ... Kapag galit sila sayo, kukunin ka talaga nila... Mamaya gawa ako ulit article... Totoong buhay din nangyari...

$ 0.00
4 years ago