Magandang gabi ulit. Ako ulitđ
Gusto lang po ulit malinawan. Baka sakaling may nakakaalam. Nagtataka lang po kasi talaga ako dito. So ito na po.
Ngayong gabi naatasan akong magluto ng ulam, magluto lang naman ng corn beef na may itlog. Ganito po yung ginawa ko.
Hakbang sa akin munting pagluluto. (ready na po lahat ng kailangan ko, lulutuin na lang talaga.)
Nilagyan ko ng mantika ang kawali.
Bago ko nilagay ay lulutuin siniguro ko muna na mainit na ang mantika.
Nung mainit na ang mantika una kong nilagay yung corn beef. Sya muna ang niluto ko.
After na maluto yung corn beef nilagay ko na din yung itlog.
Hinalo ko at hinayaan hanggang maluto na din yung itlog.
Tapos na. Ready to eat na.
Ganun lang po ako magluto. Haha pasensya na po.
Anyway hindi naman po yun punagtataka ko. Ganito pi kasi yun. Kapag ako ang magpiprito ng kung ano ano na pwedeng iprito specially tuyo. Grabe makatalsik ang mantika, parang tinatadtad ka ng putok ng baril tulad ng napapanuod ko sa tv. Katulad kanina, talsik na naman ng talsik. Pero pagnagluluto naman ang kapatid ko hindi naman. Ako lang ba ang ganun???
Tinanong ko na dati yung mama ko kung bakit ganun, ang sabi nya sakin kumain daw kasi ako ng tae nung bata pa ako. Hindi naman ako naniwala. Impossible! Yun talaga dahilan?? Alam ko sa sarili ko na nagbibiro lang ang mama ko, peri ngayon parang napapaniwala na nya ako. Hahahđ
Bakit kaya ganun?? Pero sa iba hindi naman???
Hmmm???
sa sobrang excite ko nilike ko ung mantika mo hahaha takot ka kc matalansikan kya pumuputok sya..