Kahapon nung lumabas kami ng kapatid ko para maggrocery pumasok kami sa 167 store, naghanap ng kung anong pwede mabili. Until, nakakita kami ng mga blocks, bibili sana kami ng jenga para sana may mapaglaruan din sa bahay kaya lang hindi ako sumang ayon. Pangit kasi nung jenga, kaya ayun bumili na lang kami ng blocks para sa pamangkin namin.
Pag uwi namin sa bahay, nakita nila agad yung blocks na yun. Pinabuksan at nilaro nila. Habang naglalaro sila gumawa sila ng bahay, at sabi na ipapagawa nila ng bahay mama nila, sinabihan ko naman sya na kailangan nyang mag aral ng mabuti para mapagawa nya ng malaking bahay mama nya, pero ang sagot lang na nakuha ko sa kanya...
Wala. Ayun deadma na ako.
Bata talaga ngayon, basta tungkol sa eskwela wala ng naririnig.
Hay bata...
Haha.... Bka nabingi na sa teacher o kinalalaro... Hehe...