So eto na nga po ako nagbabalik, akin ng ipagpapatuloy ang nasimulang kwento.
Part 2.
Maraming hindi malilimutang pangyayari ang aking unang baitang sa eskwela. At kahit kapag nagkikita kami ng mga classmate ko at napag uusap ang mga pangyayaring yun, di naman mapigilan ang mga halakhak namin na halos maluha na kami sa kakatawa.
Isang pang pangyayari nung grade one ako. Syempre mga musmos pa kami. May mga bagay na hindi pa namin kayang gawin o kaya naman nahihiya kaming gawin sa harap ng iba. Siguro dahil hindi kami sanay na iba ang kaharap sa oras na makaramdam kami nito.
Sa lahat ng mga pangyayari na naganap sa buhay ko noon sabihin na nating ito yung talagang mahirap kalimutan kapag kukwentuhan. Pa'no ba naman kasi. Habang leleksyon si teacher, may biglang namusilak ang kakaibang amoy. Amoy na talagang kahit ikaw kapag naamoy tiyak na alam mong ito na ito. Amoy na talagang pamatay. Nagtatanungan kami kung ano yun? Saan yun. Pati si teacher nagtaka na din sa amoy na yun. Kaya ang ending para mahanap ang amoy, pinatayo nya kaming lahat. Yung isa kong classmate dahan dahan syang tumayo. At sa kanyang magtayo lalong tumitindi ang amoy. Ang ending nahanap na ang salarin sa pamatay na amoy. Nagalit si teacher at pinapunta sya sa CR. Habang kami halos mamatay... Hindi sa amoy ha., kundi sa tawa. Ayun tuloy nasigawan kami. Tigil agad sa tawa. ASAP!
So yun na nga tumae pala sya sa short. Pinauwi. Nung chineck ng isa kong classmate yung CR, dahil sabi ni teacher icheck kasi nga may naaamoy pa, at BOOM!! May naiwan. Hulaan nyo kung ano...
Yung brief nya naiwan. Hahaha😂 may kasama pang tae at take note hindi basta basta tae. Sabi nung tumingun na classmate ko santol daw. Kaya nagtaka naman kami, bakit may santol?? Edi syempre curious tiningnan ko din... At SURPRISE! SANTOL NGA! Yung tae nya kasing laki ng santol na nandun pa sya brief nya. Hahaha😂
Ako pagkatapos kung makita, ayun tumatawa habang nasusuka pagtingin ko kay teacher tumatawa din pala. Si classmate na tumingin kinuha na yung stick ni teacher tas nilabas yung brief at tinapon sa basurahan kaya ayun naamoy pa rin namin. Napagalitan pa tuloy sya, nagmagandang loob na nga. Kaya lang palpak. Hahaha😂😂
Yun lang po muna.
Enjoy reading. 😊
PS.
NAULIT PO YUNG PAGTAE NYA. 😂 SO BALI DALAWANG BESES SYA TUMAE SA SCHOOL.
Eto pa isa para sayu idle mas maraming comment mas malki points