Sa buhay ng tao, may mga alaala na ang sarap balik balikan. Mga alaala na nagbibigay ng kasiyahan sa tuwing dumadaan sa ating isipan. Alaalang mananatiling alaala na lang.
Sa araw na to, gustong balikan ang mga alaala na nagdaan. Mga alaalang ang sarap balikan.
Magsimula tayo ng ako'y nasa unang baitang pa lamang. Sa taong ito, ang daming pangyayari.
Unang araw ng pasukan hinding hindi ko to malilimutan. Dahil umiyak at nainis ako sa araw na to. Ikaw ba naman ang mabato ng basahan sa unang araw pa lang. Sigurado ako ganun din ang mararamdaman nyo. Syempre unang araw, bagong uniporme tas lalandingan ng basahan??! Kainis di ba??? Pinalinis kasi kami agad ng classroom kaya punas dito, punas doon. Pero itong isa kung kaklase, gawing ba naman bola yung basahan? ! Three points!Kaya lang sakin na shoot! Kaya ayun iyak agad ako. Syempre bata pa. Grade one. Mahina. Magulang ang inaasahan.
Simula nun, mainit na ang dugo ko sa kaklase kung yun. Kaya pagwala si teacher at ako ang naatasan magbantay sa mga kaklase mo, inaabangan kong mag ingay ang isang yun...tapos kuha ng stick at palo sa kanya. Hahaha๐ sama ko no?? Sorna. Pwede pa nun ang corporal punishment kaya palo lang ako ng palo, yung feeling teacher lang... Hahaha๐๐. Pero infairness dun sa classmate ko na yun, titingnan nya lang ako ng masama tapos tatawa. Tas mag gugulo ulit. At syempre palo ulit. ๐๐
Masyado na atang mahaba to. Sa susunod na lang yung kasunod ng kwento kung to.
Like and subscribe po.๐ thanks!!
oopps hmmm mukhang mahaba haba to ah hahaha diary na ba to