Lingon doon, lingon dito,
Halamang malusog, bulaklak na mabango,
Punong makisig, punong mataas,
Yan ang alaala ng nakalipas.
Lingon doon, lingon dito,
Ngayon, ano ang nakikita mo?
Gusaling malaki, gusaling maliit,
Dyan dati nakatira si marikit.
Simoy ng hangin ay iba na,
Kulay ng ulap, halos 'di na matansya,
Konting ulan, bumabaha na,
Dahil ang kapaligaran ay puro basura.
Nakaraang larawan ng kapaligiran,
Di na makikita ng susunod na kabataan,
Paligid na puno ng bulaklak at malinis na hangin,
Sa libro nalang ituturo at aalamin.
~~JABS~~
Nakakalungkot talagang isipin na ang laki na ng pinagbago ng mundo. Naabuso ng mga tao ang kapaligiran. Nakakamiss makalanghap ng sariwang hangin. May ibang probinsya na naging patag na din at matatanaw na ang puro mga gusali. Sana magbigay linaw na sa lahat ang mga nangyayari ngayon sa mundo. Sana maisip natin na dapat na nating gawin ang obligasyon nating alagaan ang daigdig.