Mundo. Binubuo ng mga tubig, lupa, puno't halaman, mga iba't ibang hayop pati mga tao. Taong bilyon -bilyon ang bilang.
Dito sa mundo nagsasalo - salo ang mga hayop at tao sa pagtamasa ng naibibigay nito. Dito nanggagaling ang ating mga pangunahing pangangailangan.
Sa paglipas ng panahon, mundo nati'y unti - unting nasisira dahil sa ating kapabayaan.
Polusyon. Ito ang dahilan ng unti - unti nitong pagkasira. Mga usok mula sa sasakyan at pabrika. Maduduming ilog at dagat na puno ng basura. Pagkawala ng mga puno sa mga kabundukan. Lahat ng yan ang patunay na nasisira na ito. Sino ang dahilan? Ako. Ikaw. Sila. TAYO. Tayo ang dahilan ng pagkasira nito. Ang Ozone layer na syang protekta natin sa matinding init ng araw ay unti - unti nabubutas kung kaya tayo ay nakararanas ng pagbabago sa ating klima.
Sa pagdating ng pandemic na ating nararanasan ngayon, ang mundo'y unti - unting humihilom. Kalangita'y muling nagkukulay bughaw. Sariwang hangin ating muling nalalanghap. Ang dating kalsada na puno ng mga sasakyan at nagsisikipan ay biglang naging maluwag.
Ngunit, dapat ba natin itong ipagpasalamat? Kung ang bilang ng tao'y unti - unting nababawasan.
Nakakalungkot isipin, na upang gumaling ang ating mundo'y kailangan madaming tao ang lumisan ng walang paalam.
Ito ba ang sagot upang muling maghilom ang ating tahanan? Ang mamaalam?
Nasa ating mga tao ang sagot sa katungan iyan. Hindi kailangang may lumisan, hindi kailangan mamaalam sa mahal natin sa buhay. Simulan nating gamutin ang sugat na tayo mismo ang sanhi. DISPLINA. PAGTUTULUNGAN. Kumilos tayo upang sabay sabay nating matamasa ang ganda ng buhay sa paraisong ating tinatawag na TAHANAN.
Tayo din kasi ang may kasalanan. Kung ano man ang ating naransan ngayon. Ito ay resulta ng ating kapabayaan. Kapag tuluyang nasira ang ating tahanan. Saan tayo pupulutin? Iisa lang ang ating tahanan. Naway pahalagaan.