Sino Ang Tunay Na Nagbago?
May tatlong mga batang hayop ang nagkita kita sa isang gubat,isang maliit na pato, maliit na ahas,at isang uod....
Napagpasyahan nilang magkaroon ng isang kasunduan na sila ay babalik sa mismong lugar pagkatapos ng isang taon upang kanilang maipakita at maipagmalaki kung anuman ang dakilang pagbabago sa kanilang buhay...
Lumipas ang isang taon...
Unang dumating sa lugar ang dating maliit na pato. Sya na ngayon ay malaki na at may mahabang mga pakpak kaya't nakakaya na niang lumipad. Taas-noo at punong-puno ng tiwala sa sarili na naghintay sa dalawang hayop....
Ang pagdating ng Higante...
Oo,higanteng sawa ang dumating sa tagpuan. Ang dating maliit na ahas ay isa na ngayong napakalaking sawa na kayang lumamon ng isang buong tao.. Sobrang nagulat ang pato sa nakita niang pagbabago ng ahas.
Nagkamustahan ang pato at ahas habang hinihintay nila ang pagdating ni uod...
Makulay na nilalang...
Isang makulay at napakagandang paru-paro ang dumating sa kanilang tagpuan. Dahil sa ganda nito hindi siya nakilala agad ng pato at ahas. Laking gulat nila nung nagsalita ang paruparo at sinabing siya na yung dating maliit na uod. Ang dating maliit at pangit na uod na parang walang halaga sa mundo,ngayon ay isang napakagandang paruparo!
Ngayon...Sino ang tunay na nagbago???
Ang pato ba?
Ang sawa?
O ang uod?
Mukhang magandang mas pagtuunan natin ng pansin ang pagbabago ng uod...
Ung pato, lumaki sya at humaba ang pakpak.... Ngunit nanatili syang isang pato..
Yung ahas naman ay lumaki ng bonggang bongga pero nanatili syang naging ahas...
Subalit yung uod ang syang may tunay na pagbabago..dahil hindi sya naging malaking uod,kundi isang bagong nilalang, isang magandang paruparo..
Katulad na lamang sa buhay ng isang tao... Masasabi mong pumogi o gumanda, sumeksi o naging macho ang isang tao, nagkaroon ng maraming salapi o mataas na posisyon sa trabaho... Ngunit kung hindi nabago ang masamang ugali ay mananatiling isang mangmang... Mananatiling mabaho ang katauhan na umaalingasaw saan man sya mapunta.. kinasusukalaman ng karamihan...
Sana maging katulad din tayo ng isang uod na may tunay na pagbabago... Para maiwasan ang mga katagang:
"Gumanda ka nga, ang baho pa rin naman ng ugali mo!"
Sana ay may natutunan kayo dito sa aking post.. Wag kalilimutang pindutin ang "subscribe" para sa mga panibagong posts ko kung meron man🤣 first post ko po ito..hehe
Comment niyo po yung sarili din ninyong opinyon ukol sa kwento ng tatlong hayop. Ano po sa tingin ninyo ang may tunay na pagbabago? Share your opinions po, it will be a friendly discussions!
Maraming salamat po sa suporta!💕
Pero hindi naman hayop ang butterfly. Hehehe! Insekto yun. Nevertheless, siya pa din ang wagi sa pagbabago.