Sabi ng lola ko...

24 60
Avatar for HermaniGinger
2 years ago

Hello po, nung nakaraang araw sinamahan ko ang panganay ko for her second dose ng Pfrizer vaccine. Masyadong mainit kaya medyo sumama ang pakiramdam ko. Dapat kagabi din ako nagpublish ng article pero minabuti ko na matulog na lang.

Maswerte ang mga anak ko dahil yung lola nila sa side ng partner ko ay maalaga. Sa katunayan, yung Mamala nila ang naglalaba ng mga damit nila at nagluluto ng mga pagkain nila. Nung maliliit pa sila, yung Mamala nila ang nagpapaligo sa kanila.

Did you grow up with a grandma or grandmas? Have you experienced the stress and traumas? Lol. Kasi we have generation gap with our grannies and you know, sometimes they just want us to do what they want us to do and we cannot even ask "Why?", if you do, they cannot even explain and will just answer, "Just do as I say!"...Tayo naman, dahil mga Pinoy tayo, pinalaking "magalang, wag kang bastos, sumunod ka na lang walang mawawala sayo", ganerms. So sige, opo na lang ng opo.

But I know there are lola's pets here. Aww, I envy you. I never became a pet because I was hardheaded and I always talk back. That was so bad of me. But despite being a pasaway, I have remembered some of their advice by heart. Kahit na di pa maexplain yan.

Nung bata pa ako, sabi ng lola ko, "Wag kang maliligo sa unang araw ng buwanang dalaw mo".

Yuck, kadiri di ba? Pero yan ang sabi ni lola. Bakit daw? Kasi daw open ang mga pores sa katawan. Pag naligo ka, papasok ang lamig. Di mo pa mararamdaman ang epekto ng lamig pero wait ka lang sa pagtanda mo, sisingilin ka ng katawan mo.

Minsan pag sinusuway ko ang lola ko kung hindi pagalit, kurot sa singit ang inaani ko. Ang init kaya pag di ka naligo, dyahe pag malagkit ang katawan baka tumabi si crush at maamoy yung ano hehe.

Sabi ni lola ko, wag daw ako manghiram ng karayom sa hapon kasi masama

Napagsabihan din po ba kayo ng lola nyo? Masama sya kasi masisira yung karayom. I figured out why, kasi may fog na or mahamog na sa hapon. Ang karayom ay iron so pagnaexposed sya sa moist masisira talaga sya, kakalawangin.

Sabi ng lola ko na wag kumain ng malamig matapos kumain ng mainit at vv. mahuhulog daw ang mga ngipin

Natakot ako nang sinabi saken ng lola ko to. Totoo naman siya, di nga lang agad-agad. Siyempre, if palagi mong ginagawa, magkakaron ng problema yung ipin at gums mo at in the long run, masisira sya at mahuhulog.

Sabi ng lola ko, "Wag ka magwalis sa gabi kasi malas, aalis ang grasya".

Totoo naman la, malas talaga kasi di ko po makikita yung dumi. Iba kasi ang liwanag sa araw keysa sa gabi. At di yung grasya ang aalis kundi ang bisita o manliligaw na nalalanghap yung alikabok pag nagwawalis sa gabi.

Pero sabi ng lola ko, magaral daw ako ng mabuti kasi kasiyahan ng mga magulang ko ang makapagtapos

Salamat sa mga paalala a, di man ako magiging milyonaryo, gagawin ko po ang lahat na mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko. Ay wala na pala sila mama at papa pero pipilitin ko'ng tutuparin ko ang pangako ko na tulungan ang mga kapatid ko at ang pamilya natin.

Sabi ni lola, "Maging matatag ka at magtyaga ka para malayo ang marating ko sa buhay".

Naging mapagtyaga po ako La, salamat po sa payo nyo. Sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan ko, nagpakatatag po ako dahil sabi nyo, "Magdasal ka palagi para maging matatag ka".

"Magbanat ka ng buto at wag mo kalimutang lumingon sa pinanggalingan mo", sabi ng lola ko.

Opo la. Kahit na di ako nakapagtrabaho sa nakalipas na mga taon ay babawi po ako. Gagawin ko po ang makakaya ko para mabigyan ng maginhawang buhay ang mga anak ko at ang mga pamangkin ko. Magsusumikap ako na makatulong, ano mang meron ako ay ibabahagi ko ng walang pagaalinlangan.

"Kung di ka marunong magayos ng pinagtulugan nyo, paaano mo maayos ang buhay mo?", sabi ng lola ko.

Dapat pagkagising sa umaga matapos magdasal ay magayos ng kama, salamat la. Minsan ay tinanong ako ng anak ko at ang sagot ko ay, "Anak, ang pagaayos ng kama ay training sa'yo para masanay kang maging maayos sa buhay". "Paano mo aayusin ang problema mo kung kama nga lang di mo alam ayusin? ", dagdag ni lola.

Kadalasan sa mga lola mas iniispoil ang mga apo kaysa sariling anak. Mas mahigpit sila minsan pero mas maalaga. Ang mga lola ang nagsisilbing magulang pag wala ang mga nanay at tatay para magtrabaho. Sila ang gabay at tagapagtanggol ng mga apo sa lahat ng panahon. At napapansin ko, yung mga laking lola mas malambing.

Ako, inalaagan din ako ng lola ko but ewan ko ba di kami mayado close at para kami'ng aso't pusa minsan. Pero kahit ganun, tumatak parin sa puso at isipan ko ang mga kwento at pangaral nila.

Laking lola ka ba? Kwentuhan mo naman ako kung ano mga itinuro ng lola mo sa'yo :)

Wala lang, naisip ko lang ang lola ko at napagpasyahan ko na magkwento tungkol sa mga natutunan ko sa kanya. Siguro dahil International Women's Day.

Salute sa mga lola! Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at sakripisyo.

_________________________________________________

Nais ko ding magpasalamat sa aking bagong sponsor na si sis @yhanne Salamat sis sa supporta. Sorry if di ako nagpakilala agad :)

_________________________________________________

Author's note: All content is original and mine unless stated otherwise. All rights reserved.

The lead and the rest of the images were from Unsplash.com

And if you like my article, please subscribe, like, comment and upvote.
Thank you very much!

Balik-balik sad ;)

March 12, 2022

11
$ 1.23
$ 1.01 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Lucifer01
$ 0.05 from @Jelena
+ 4
Sponsors of HermaniGinger
empty
empty
empty
Avatar for HermaniGinger
2 years ago

Comments

Hahaha, you give me lots of giggles with this one, lol!

$ 0.01
2 years ago

Glad I made you giggle sis :) Nakakatuwa na nakakastress mga lola minsan lol

$ 0.00
2 years ago

Haha, oo din. D ko halos maalala mga lola ko.

$ 0.00
2 years ago

May isang lola pako na sobrang tanda na like 96 years old na sya :) Mama ng Papa ko.

$ 0.00
2 years ago

unfortunately, Di ko nameet Lola ko hehe pero madami siyang kasabihan na sinasabi ng Mother ko

$ 0.01
2 years ago

Thanks for dropping by and I'm sorry to hear na di mo naabutan yung lola mo :) Di naman kayo nastress sa mga kasabihan ng mommy nyo? :)

$ 0.00
2 years ago

Nice meeting you dear hoping to read more of your articles anyway I don't get to understand the language written here but I can answer the question which I understand .I grew up with my grandmother but she dead when I was at the age of 12

$ 0.01
2 years ago

Your grandma loved you, that I believe my friend. Nice to meet you here :) Thank you for the visit.

$ 0.00
2 years ago

Kala ko lola ko yang nagsasalita, sis haha. Ganyan na ganyan mga linyahan nila nun eh :D

$ 0.01
2 years ago

Haha di ba sis nakakatuwa ang mga lola. Ang nakakatakot yung kurot sa singit hehe

$ 0.00
2 years ago

True yang mga salita ng mga Lola. Lagi kami nagbabakasyon sa lola ko non kya 2months kmi nsa knya tuwing bakasyon. 2 or 3 days di ako naliligo pg may regla ako, tiis tiis lng at wla nmn mwwla.

$ 0.01
2 years ago

Hehe kahit mainit na minsan masyado.

$ 0.00
2 years ago

hahahaha relate! Minsan nakakairita yung mga pagbabawal ng lola ko, napaka conventional ng mga ways niya. But I consider myself lucky na I still have my mama lola. Both of my grannies sa dad side died when I was very young kasi eh.

$ 0.01
2 years ago

Yes sis, you are lucky. Ako di ko alam bakit mainit minsan dugo saken hehe..I am sorry about your grannies.

$ 0.00
2 years ago

Lola's know best also. May basis na man cguro kung bakit pinagbawalan niya kayo. Hindi na lang masamain natin sila dahil mas may alam sila kaysa sa atin. Lahat ng kanilang mga aral ay para naman sa kapakanan sa yo.

$ 0.01
2 years ago

Awww that is so sweet po :) Thank you for visiting and commenting :)

$ 0.00
2 years ago

Ahaha, parang lahat ng sinasabi moh sis sinabi din ng Lola ko, by the way, nice to meet you here.

$ 0.01
2 years ago

Hehe mga lola talaga sis noh :) Nice to meet you here po.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis heh, ganyan talaga ang mga lola.

$ 0.00
2 years ago

Pag naging lola tayo gaya rin kaya nila tayo :)

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis noh? Ganun talaga

$ 0.00
2 years ago

Nakinikinita ko na sis :)

$ 0.00
2 years ago

I had both grandmothers alive until a few years ago, but they were always kind and gentle to me, they were not strict, they spoiled me. 😀 I didn't understand the rest. 😊

$ 0.01
2 years ago

Sorry if you didn't understand my post, my dear Jelie. You are lucky to have such cool grandmas :)

$ 0.00
2 years ago