Gusto ko lang i-share sainyo how I met my bestfriend hehe. Everyone calls him King or Ekeng but I call him sissy.
Year 2016 when I first met him.
Grade 11 kami noon, and pareho kaming ng strand. CSS (Computer System Servicing) kaming pareho ang pinagkaiba lang ay yung section namin, section A ako siya naman ay section B.
First day of school, syempre may orientation. And botohan na kaagad ng officers. Dahil sa hindi pa kami magkakakilala gaano dahil noong junior high school yung iba ay galing sa mga annex lang ng main school. Ako naman since grade 10 doon na nag-aral, taga main.
Edi kahit sino nalang ang mapag-tripan na inominate taas nalang ng kamay para sumang-ayon. Pero siya iba haha. Botohan na ng strand president nagtaas siya ng kamay. Halos karamihan saming mga babae nagwapuhan talaga sa kanya, naging crush ko nga siya agad eh dati eh pero usang araw lang hahahaha.
Then nung nagsalita na siya nawindang kami bhie! Kung gaano kalalaki yung mukha niya ganun naman kalambot boses niya.
"I nominate myself to be the strand president." Taas noo niya yan sinabi promise hahaha.
Sa buong pag-aaral ko first time kong naka-encounter ng ganun ka confident na tao.
Unfortunately, 'di siya nanalo haha.
Ilang months na rin siguro since nag-start ang class edi naging close na kami, pumupunta na siya sa classroom namin para makipag-chikahan.
Ito ang first picture namin together. Yung ID lace na suot ko kanya yan. Hindi man pinalad si sissy manalo dati, nanalo naman siya bilang SSG Representative ng strand namin, bongga diba?
Pero hindi pa kami mag-bestfriend ng mga panahon na yan. Feeling close lang talaga si sissy haha.
So ito na nga, panahon na ng SK Election sa probinsiya namin. Magkaiba kami ng barangay at kada barangay ay may sariling schedule sa pagpaparehistro. Pero dahil yung schedule ng mga barangay namin ay nataon sa schedule ng exam week namin hindi namin inuna. Kaya nung last day na ng rehistro kami nakapunta. Unexpected yung pagkikita namin sa old city hall nun. Yung araw na yun sobrang nakakapagod halos 'di kami makahinga sa sobrang siksikan kasi nga inuuna yung mga may kamag-anak na officials, napaka-unfair noh? Hahaha. Pero dahil dun nabuo ang friendship namin, lahat siguro ng struggles naranasan namin nung araw na yun. Simula 8am at 10pm magkasama kaming nakikipagsiksikan at tulakan sa pila kasama yung kapatid ko at iba pa naming classmate. Buti nalang talaga at kwela si sissy so imbes na mastress kami sa sobrang gutom puro tawa ginawa namin nun.
At nagtuloy-tuloy na yung pagiging magkaibigan. Originally di naman talaga sissy tawagan namin. Nutrition month nun at syempre may mga representative talaga, kami gumagawa ng costumes nila. Kada strand may lalaki at babae at syempre si sissy ang representative namin. Kasi super confident talaga siya hahaha. So balik tayo sa kung bakit sissy ang tawagan namin. Gabi na nun sa school tumawag yung kapatid ko and ang nakaregister na name sa phone ko ay sissy at nakita ni Nikko yun kaya simula nun lahat sila sissy na tawag sakin. Tapos ayun nasanay nalang din akong tawagin silang sissy hahaha.
Simula nun lagi na kaming magkasama ni sissy, give and take kami sa lahat ng bagay. Mapa-laughter, sadness at kung ano pa man siya ang kasangga ko. Minsan pa nga ay napagkakamalan kaming mag-jowa ng mga taong di alam na gay siya. Siya rin naghost nung debut ko na sobrang palpak yung program pero masaya.
October 2017, nakabalik na ako dito sa manila. Wala akong cellphone nung mga panahon na yun kaya pag may time na nakakahiram ako lagi kaming nag-uusap. Kumustahan, chikahan at kung ano-ano pang chismis hahaha.
Nung bumisita siya kay papa niya sa Malabon year 2019. Binisita niya rin ako at sobrang hirap ng pinagdaanan niya sa buong biyahe niya papunta dito samin sa Taguig hahaha.
Sa ngayon bihira na lang talaga kaming na-uusap dahil busy na pareho isa kasi siyang call center agent sa Cebu. Pero kahit ganoon siya pa rin ang pinaka-love kong bestfriend. Miss na miss ko na si sissy, may promise din kami at pinagsisikapan kong matupad yun.
This story is dedicated to my sissy because I super miss him.
Hehe. Hi, to your sissy. Nagtaka ako bakit sissy tapos 'him.' yun pala ganun. Okay. Missing friends is an indication that you've had lots of memories together. Good memories siyempre.