Permission to Dance Concert NG BTS, Global Viewing SM cinemas
March 14, 2022
Pasensya na kayo at magtatagalog or taglish muna ako para sa article na ito. Kasi feeling ko di ko mabibigyan ng justice yun masasayang moment ko sa Global Viewing ng Permission to Dance Concert ng BTS. Last March 12, 2022, nagkaroon ng exclusivity si SM ipalabas sa selected branches ng SM Cinema ang Permission to Dance Concert ng BTS. Last February 26, alam ko naikwento ko na sa inyo na kumuha kami ng ticket pero pahirapan, pero well yun hirap na naranasan namin, it all pays well. Ang saya namin.
Pumunta kami sa SM BF Paranaque dahil that time yun lang ang nakuhaan namin ng ticket. Actually nun nagtanong nga ko sa mga co-Army ko ang nakuha nilang ticket sa malalayong branch na ng SM cinema, yun SM MOA at Megamall puno na agad, knowing na ang hirap pumasok sa system ni SM para kumuha ng ticket. I smell something fishy!
Ayun nga nakarating kami ng 12pm sa SM BF Paranaque. 4:45 pm pa mag start mag papasok ang SM pero mabuti ng maaga kesa hindi maabutan. Isa pa, hindi kami taga Paranaque, alam namin mahihirapan kaming pumunta sa lugar na ganun.
Pagdating namin dun, kumain muna kami sa Savory, then kwentuhan. Ang kasama ko pala ang aking BFFs for 15 years. Magkakasama na kami panahon pa lang ni Chris Tiu sa UAAP noong 2017 at hanggang ngayon, ganun pa din, isang group pa din ang sinusuportahan namin. Ang last nga namin before BTS ay ang One Direction. Magkakasama rin kami nun nag karoon ng concert ang One Direction dito nun March 2013. Bago pala kami kumain, kinuha muna namin yun printed tickets namin, mabuti ng sigurado.
Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami sa wall na may poster ng BTS. Nag picturan na kami dun.
Nakakatuwa kasi ang daming mga Co-Army na namimigay ng freebie. Pino-promote na din nila kasi yun store nila kaya may logo din yun freebie nila. Alam mo ang daming nagka business dahil kay BTS ha, pansin ko lang. Mag business na din kaya ako?
Marami kaming nakitang Army na todo porma. May nakita pa kaming gayang-gaya ang porma ng mga bias nya. Nakakatuwa. Nabusog ang mata ko sa creativeness ng mga army. Isa pa, mababait ang Army sa isa't-isa. Pansin ko yun na pag nagkakasalubong panay sabi ng "Borahae". Borahae means I Purple you, it means I trust and love you at si Kim Taehyung ng BTS ang nagpauso nyan.
Yun cinema, maliit lang pero maganda. Pagpasok namin dun may namigay na ulet ng freebie. Maliit na bagay lang yun freebie nila pero kasi nandun yun muka ng bias ko kasi may libreng random photocards hahaha.
Sa pinakamataas kami nakapwesto ng mga BFF ko at sabi ko sayo, ang saya sa taas. Kasi sa taas, nakakasayaw ka. Good thing alam ko ang kanta ng BTS at yun ibang dance step alam ko na din kaya talagang nag party-party kami habang nanonood. Feeling ko nga 17 years ulet ako, ang likot-likot ko buti na lang yun katabi ko sa right side malayo sakin kasi talagang matatamaan sya ng army bomb!
May nakakatuwa pa ngang nangyari guys, nahulog ako sa upuan. May part sa concert kasi na talagang tatayo ka para ma-enjoy mo ang mapapanood mo. Eh ako basta alam ko yun kanta at choreo nun talagang sasayaw at kakanta ako. Natapos na yun set na yun kaya syempre uupo na ako. Nakalimutan ko na naka angat pala yun upuan pag di inuupuan, biglang upo ako na hindi nilalapat yun inuupuan kaya ayun, boom, bagsak ang pwet ko sa sahig. Ang nakakainis marami nakakita. Nakakahiya, kainis! Natapon pa yun softdrinks ko, sayang.
Ang saya ng concert. Buti na lang at hindi naputol ang viewing namin kasi sa SM Manila daw ay may isang set silang hindi napanood. Yun pa naman ang hinihintay nila, yun Fake Love kasi nga naman may pa-abs dun hahahaha. Pero ang alam ko, dahil nag reklamo sila, pinayagan silang manood ng 8:45 pm delayed viewing. Napanood nila yun part na di nila napanood.
Ulet, ang saya ng concert. Ang saya kasi co-Army ang kasama. Day 2 ng concert yun pinalabas sa Live Viewing, as in live na live, kung ano nangyayari sa Korea, napapanood namin sa SM Cinema. Ang kukulit ng BTS ng araw na yon. Yun ang concert na umulan pero hindi sila natinag, nag enjoy pa sila lalo. Nadulas ng dalawang beses si Jimin at isa naman si Yoongi while performing pero nothing can stop them from being professional talaga. Ang kulit ng BTS dun, lalo na nun umulan. Para silang mga batang nag tatampisaw sa ulan. Yun audience, di sila pwede mag ingay kasi due to covid restrictions. Ang response lang nila palagi ay yung clapper na dala-dala nila, pero kahit ganun makikita mo na talagang masaya ang concert na yun.
Bago ko pala makalimutan, naging Wrecker ng araw na iyon si Min Yoongi aka Suga. Ang daming Army na nabias wreck nya hindi pa nag sisimula ang concert.. Ako naman bias wrecker ko na sila ni Jimin kaya natural lang na focus din ako sa kanila. Ang bias ko talaga si Jungkook, pero OT7 talaga ako. Wala ma out of place sa support ko sa BTS. Lahat sila mahal ko, yun lang may bias lang ako.
Paglabas namin sinehan after NG live viewing, nag kita-kita kaming mga co-army at nag pa picture ulet kami sa Wall NG PTD concert.
Sobrang saya talaga. Kahit na stress kami ni SM nun bilihan NG tickets parang bumawi naman sila sa amin. Very well organized sa SM BF paranaque. Okay ang signal NG Internet nila. Sana may mga susunod pa, igagapang ko talaga perang pambili NG ticket Kung ganito naman pala kasaya diba?
Bago matapos mag papa salamat muna ako sa aking butihing sponsors at readers. Salamat po at yun kinikita ko dito ay nakakatulong din sa pag BTS ko hahaha. Napapasaya po ako talaga!!
All images are mine.
These pictures makes me miss going to concerts. They are always fun