Ako'y nagising sa huni ng mga ibon
na tila ngsasabing ako'y gumising.
Sikat ng araw at maaliwalas na kalangitan
Aking muling nasilayan.
Muling binigyan ng panibagong umaga,
na ngbibigay ng panibagong pag-asa.
Pag-asang makakabangon mula sa kahapong
puno ng sakit at dusa.
Panibagong umaga
na nagbibigay ng panibagong simula.
Upang itama ang maling nagawa
sa mga taong nakasalamuha.
Panibagong umaga
na ngsisilbing gabay,
upang mapabuti ang pamumuhay
at lasapin ang sarap ng tagumpay.
Panibagong umaga, panibagong pag-asa
at panibagong simula sa bawat isa.
Na karapat-dapat ipagpasalamat
sa Poong Maykapal na syang lumikha.
This is my second Filipino poem. This time I was inspired to write this poem because of the support of my friends ( @blingbling , @Ruffa @Cristy , @Gulbano ) and my favorite writer of poetry on this platform( @Dolores & @Mj123 ), as well as my sponsors ( @Jane, @kli4d , @Rakibbec03 , @z_graeden , @Adnan334 and @CrazyInsane ) . 😊😊
I hope you like it.😊🧡💙💛
Wow ganda ah,,