read.cash Log in
@Gerl

@Gerl in April 2022

@Gerl

Good morning! Bed rest ako ngayon. Masama ang pakiramdam ko, may mga online class pa naman ang mga bata mamaya. Absent muna sila para makapagpahinga ako. Sana bukas okay na, sana bago mag Monday ulit back to normal na, kailangan ko tapusin ang mga nasimulan ko na.

@Gerl

Gumawa ng Map ang anak ko, ginaya nila yung sa Google Earth na App. Jusko puro kalokohan. Mga bahay ng superheroes ang mga nakalagay. Pero sobrang proud sya sa gawa niya at nagpapicture pa yan.

@Gerl

Good morning 🌅 Sakit ng buong katawan, kailangan kong maglakad lakad sa labas. Kahapon lang naman ako humilata pero lalo sumakit ang ulo at buong katawan ko. Mamaya nga laba na naman kasi wala naman ibang gagawa niyan ako parin.

@Gerl

Kahapon ay maghapon akong humiga kasi mga di maganda ang pakiramdam ko. Ngayon pagbangon ko, tambak na mga gamit ng mga bata at lahat basa. Naglaro sila ng tubig kahapon sa cr nkadaming bihis sila kasi tuwing mababasa ang damit nagbibihis. Ganyan sila kapag di nababantayan. Tambak na mga baso sa lababo at mga balat ng biscuit. No choice ako ngayong kundi ang maglinis na naman kahit na pakiramdam ko ay lumulutang padin ako.

@Gerl

Ang hirap gamutin ng sakit ng ulo ko lalo na kapag yung gamot mismo nagcacause ng sakit lalo ng ulo. Siguro gagawin ko nalang yung ginagawa ng nanay ko. Yung bawang na sinugba tapos yung katas yun ang iinumin. Mas mainam sana kung may oregano kaya lang wala dito samin oregano. Buong ulo ang masakit saakin.

@Gerl

Okay na ako, basta alam ko, tuwing iinom akong gamot na lampas dalawa ang kalaban ko talaga sakit ng ulo. Natutuwa ako sa mga anak ko dahil may tagahatid akong pagkain sa kwarto. Nakakaawa din towing pipikit ako ng mata nag iiyakan yung dalawang bata at akala nila mamamatay ang mama nila, nakakaloka sila. Kagabi talagang iyak yung bunso at yung pangalawa kasi nakatulog ako syempre dahil gabi na, aba nag iyakan at patay na daw mama nila, mga buang haha! Yung papa naman nila…

@Gerl

Meryenda.. Bago napunta saakin may mga kagat na. Syempre lalasahan muna ng mga bata kung alin ang masarap😂 maryosep na mga bata ito.

@Gerl

2:27 AM, gising ang mga bata. Bakit na sila ganito, tuwing gigising ako sila ay mga gising. Nagkkwentuhan about sa mga superheroes nila. Maling mali ang oras nila ng gising, mabuti nalang kung natutulog pa ulit, pero Hindi na e. Matutulog lang yan mamayang hapon kapag pinilit ko sila pero kapag Hindi ay talagang Hindi rin sila matutulog.

@Gerl

Good morning! Parang tanghali na pero 8am palang. Ang haba na kasi ng oras na gising kaming lahat. Kaloka tong mga bata dito madaling araw gising. Medyo kumikirot padin ang ulo kaya lang di talaga pwedeng magpapahinga lang dahil tambak na naman ang gawain ko. Paunti unti lang ang galaw para di naman matambakan. Sa ngayon ero nag iipon ako ng mga basurang itatapon, andami.

@Gerl

Kanina pa ko nakaluto ng almusal, pero mag aalmusal palang kami. Ayaw nila kumain kanina, ang ha-hypes nila grabe. Mali lahat sa oras pasta talaga nagkakasakit ako, nagagawa nila yung mga gusto nilang gawin. Ito yung mga maliliit na pagsubok talaga saamin, kapag nagkakasakit ako. Sana naman huwag grabe at ang liliit pa nila. Ito naman ang disadvantage kapag malayo ka sa kamag anak mo, kapag mga emergency wala kang malalapitan talaga.

@Gerl

Pipilitin kong magturo ngayon sa anak kong Grade 2. Konting tiis nalang naman malalampasan na namin to. Matututo talaga akong di magalit kapag may mga nagpapasaway at nagkakalat. Minsan nagkakasakit nalang talaga tayong mga nanay kapag stress. Katulad ngayong, sobrang kalat nila dahil di ko nga maasikaso, dahil ayoko naman na may masasayang na oras at araw mas pinili ko ang mgturo. Nakaupo lang naman at nagtuturo.

@Gerl

May problema kami sa Division sa Mathematics. Medyo nahihirapan itong anak ko. Nakakalimutan niya kasi yung multiplication. Kaya dito yata ako mag focus sa pagturo sa kaniya. Sana bago sya mag Grade 3 ay magaling na sya sa division at multiplication. Nakikisabay talaga ang sakit ng ulo ko. Yung Grade 1 ko naman Ayaw magsagot ng module kapag Hindi ako ang nagbabasa. Gusto niya kasi ako parin ang magbasa kahit marunong na siya kasi mas naiintindihan niya yung tanong kasi…

@Gerl

Buti nalang naisipan niya 🙄Habang nagtuturo ako dito sa Grade 2 siya naman dun sa kindergarten at Grade 1, turuan niya ng mga itsura ng pero at addition na din. Ang hirap din kasi magturo na ang kasama mo cp lang ng cp sarap ng buhay habang ikaw sigaw ng sigaw sa mga naglalaro habang ngtuturo.

@Gerl

Kain muna, walang iba eh, mag pansit canton munang maanghang para tipid🤣. Busog sa tubig nito, syempre ako lang yarn. Ang mga anak ko prutas sa kanila. Yung asawa ko cellphone, cellphone ang buhay niya🤣

@Gerl

Ano po kaya yan oval shape na yan? 3 letters lang tapos ang nasa gitnang letter ay "O". Di ko kasi talaga slam yan, plain lang naman na oval shaped kaya di ko mahulaan. Sa anak kong grade 2 yan.

@Gerl

Good morning, kahapon di ko na nabalikan yung post ko dito about dun sa oval shaped kasi di na naman kinaya yung sakit ng ulo ko. Sa tingin ko dot nga yon. Marami pa pala akong igoogle. Bakit kasi kung alin pa yung mga 3 letters lang yun pa ang mahirap hulaan hehe, 50 CVC words yun, madali lang naman yung iba pero yung iba ang hirap talaga. Kung hahayaan ko yung Grade 2 ko na sya lang sasagot iiyak yun🤣

@Gerl

Sanayin ko din nga na ganito ang pagkain ng mga anak ko Baka sakaling bumigat sila lalo na yung bunsong payatot. Pero pahirapan at wala daw lasa eh. Di lang nila alam na lumaki ako dyan, tuwing umaga ganyan ang almusal namin kung mga bata pa kami.

@Gerl

Tanghali na pero may nagagalit padin dahil maingay may natutulog🙄 Tanggapin nalang namin na wala making karapatan dahil nangungupahan lang kami. Sorry naman sa kanila. Kapag face to face classes naman sa gabi nalang kami nandito. Siguro nag aantay nalang na umalis kami kaya lang di kami umaalis, hehe... Narealize ko din na di kami basta basta pwedeng umalis dahil mahirap talaga maghanap ng apartment na tumatanggap ng may bata, hay naku...konting tiis nalang at sa school na…

@Gerl

Nagluluto na ko ng lang hapunan namin, mamaya kasi ang schedule ng Modular Class ng mga bata kaya tatapusin ko na muna lahat ang gawain. Wala na yung routine, di talaga kaya hehe..

@Gerl

Isus na bata ito, pinakita pa talaga saakin. Pagkakita ko palang alam ko na kung sino yang iginuhit niya, jusmio. Pero Hindi niya salon sinabi kung sino kasi alam niyang magagalit ako at alam niyang pambubully yun. Kamukha kasi yan kung nagagalit sa kanila pag maingay, nakapamaywang pa oh. Pero di ko naman sila kinokonsente sa ganyan.

@Gerl

Start na kami mag module, titigil kami ng 6 PM para mag hapunan. Pero hanggang 8 PM lang naman kami para bago mag 9 PM ay tulog na sila. Tuwing nagkakasakit ako saka ko narerealize na napakahalaga talaga ng matulog nang sapat. Sabi ni Doc dapat talagang 7 hours ang tulog ng mga adults kasi kapag bumaba sya ng 7 hours automatic may epekto na yun sa kalusugan natin di lang natin ramdam.

@Gerl

Wala pang 6 PM kakain na kami kasi tinulugan ako kung isang nagmomidular🤣. Ayoko silang nakakatulog na di pa naghahapunan kasi gigising yan madaling araw na, kaya ginising ko muna.

@Gerl

Finally, makakapagpahinga na ko. Tulog na sila, sana lang huwag naman madaling araw gumising. Pagod kaming lahat kaya malamang masarap ang tulog basta huwag lang talaga silang gigising ng madaling araw kasi sira ang tulog ko niyan. Bago ako matulog mag cellphone muna ako kahit 1 hour...

@Gerl

Good morning! Saktong 5 am gumising ang mga bata, okay na din kasi tamang oras lang yan. Di nila kayang gumising ng 6 am ☺️ Ayoko pa sanang bumangon kaya lang dahil mga gising na sila kailangan ko ng magprepare ng almusal. Achieved naman yung pagtulog ng maaga kagabi, may sapat na oras sa pagtulog.

@Gerl

Maulan na umaga, sainyo din? May paparating yatang bagyo. Kaya nag linis talaga kami ng paligid kahapon dahil madaling araw kanina umulan na para siguradong bawas sa mga babarang kanal. Masarap sana tong panahon na to kung di nagkakaproblema sa mga kanal saka sa mga lumalabas araw araw.

@Gerl

MASAYA yarn, kasi marunong na talaga siya magbasa at si mama ang nagturo ,☺️ Masyado lang prangka ang batang ito, huwag naman sana kapag si teacher na ang kaharap hehe,

@Gerl

Magla-lunch palang kami, ang ulam namin ay paksiw na galinggong pero may lang meryenda na kami mamaya. Gusto ko sanang prito kasi bagay sa maulan na panahon kaya lang gagamit na naman akong mantika, ayoko muna sana mag mantika....Parang ang sarap kapag prito diba, malalaki yan na hinog na.

@Gerl

Ulan parin ng ulan. Pinatulog ko muna ang mga bata kasi kailangan kong magluto na naman ng pagkain nila para mamaya at isasabay ko na ang paglaba ng ilang piraso. Bakit kailangan kong patulugin ang mga batang ito, kasi sumasakit ang ulo ko kapag may ginagawa at tapos maya't maya nagsasaway. Mga bata pa naman sila okay lang yan matulig sila sa tanghali, kapag nag-aaral na sila sa school mismo mapapagod na nyan sila dahil maghapon sila nasa school.

@Gerl

May pagkain na kami para mamayang gabi, Tortang talong. Di lang nabuo kasi habang nagluluto ako sigaw dito sigaw doon haha! Natulog lang yata ng 30 minutes ang mga bata. Pero ayan na nakaluto na at 6 PM maghahapunan kami.

@Gerl

Tara maglaway tayong sabay sabay😁Nanunuod kasi akong mga pinay food recipes kasi gusto kong magluto paminsan minsan ng may kompletong sahog naman, tapos yan natripan ko, nakakamiss diba lalo na kung pero gulay at isda nalang nakakain natin buong isang buwan.

@Gerl

Kaya pala antagal matapos mag tootohbrush kasi pangiti ngiti pa sa salamin. Nasa kwarto na kasi kami at matutulog na ng 8 pm. Inaantay ko siyang pumasok ay naku, itong batang ito ang mahilig sa ganyan. Nag eexercise mga yan pampaliit daw ng tiyan😂. Kaya di talaga sya payag na tawaging damulag kasi Hindi naman daw sya mataba.

@Gerl

Maganda na ang panahon, lumabas na ang araw. Siguradong sobrang init naman ang ating mararanasan, yan ang sanhi ng sakit ng ulo ko tuwing tag-init. Di parin ako makapaglaba kasi naglaba saka ng sabay sabay kaya walang mapagsampayan ngayon. Tamang tama lang naman kasi may modular class ang Grade 1 ko, matatapos namin yun hanggang Friday. Sa Saturday at Sunday maglalaba ako nun.

@Gerl

Late Breakfast... Ngayon palang kami kakain ng kanin kasi kumain na kami kanina ng Banana Pandesal na may partner na gates kaya mga busog pa ang mga bata. Pero pakakainin ko na sila ngayong ulit ng kanin para makaligo ng maaga at makakain din sa tamang oras mamayang tanghali.

@Gerl

Parang kahapon lang, nakaligo na ang mga chikiting. Magluluto na naman ako ng saging kasi yung prito na request nila di ko binigay kahapon kaya ngayon piprituhin ko na. Baka mamayang 11 am nalang tanghalian para tipid hehe..mga alas dos kasi ng hapon nagluluto din ako kaya kakain sila nyan ng kanin. Nakakalimang beses sila kumain sa isang araw kaya busog naman palagi. Kailangan ko lang pumili ng mga ipapakain sa kanila yung Hindi sila aayaw sa binibigay pero masustansya…

@Gerl

Lunch...Mamaya pa ko magluluto ng kanin ng 2 PM. Ito muna ngayon, parang meryenda lang ng mga bata kasi kumain silang kanin kanina. Ang init na ulit ngayon pero malakas naman ang hangin. Kahit papanu makakatuyo ng mga nilabhan para sa mga naglaba.

@Gerl

Tulog na ang mga anak ko, ang bilis haha! Kaya eto magluluto na ko ng kanin at ulam nalang ampalaya. Siguradong pag gising nila kakain ang mga yan. Baka 2:30 gising na sila. Yan na ang magiging meryenda nila kanin. Kaya ganyan ang schedule namin ngayon araw araw kasi ginawa kong hapon hanggang gabi ang modular class nila dahil nga nagkasakit ako. Ngayong marami akong gawain na tinatapos at kailangan ko talagang tapusin yun.

@Gerl

Habang nagluluto ako gumagawa akong article sa readcash. About kids ang parents ulit. Yun kasi ang moron ako hehe, alangan naman gumawa akong article about sports kung wala naman akong alam dun 🤣 kaya madalas gawin kong topic ay yung kung San ako may mga experiences.

@Gerl

5 PM na...Nakaraos na naman sa buong maghapon na Hindi ko napalo at nakurot ang mga bata. Minsan nasa saating mga magulang na din kung masyado tayong mahigpit sa mga bata talagang mapapalo natin sila. Ngayon, ang ginagawa ko kasi kalat nila ligpit nila. Kaya hinahayaan ko sila sa kalat nila. At ang pag aaral ay maya't maya, tumatagal lang ng isang oras. Dati kasi 3-5 hours yan, ang nangyayari lahat kami naistress, hehe!

@Gerl

Ganitong mga kwento ang pinapanuod ko sa mga anak ko, after manuod tinatanong ko kung anong aral ang moron sa kwento. Napansin ko kasi na sa mga simpleng kwentong katulad nito naiaapply nila sa totoong buhay nila. Lalo na kapag may mga kapatid kasi pinupuna nila ang isa't isa. Isa lang maganda kapag tinatanong mo kung anong aral ang natutunan, sa una Hindi nila alam ang isasagot lalo na at ang ibang salita ay bago sa pandinig nila. Kaya natututo talaga sila kahit sa…

@Gerl

Hanggang dito nalang, magandang gabi! Pero busy padin...Nagpapatulog na ko ng mga bata habang nagpapatuloy sa pag gawa ng article. Ang hirap, hehe..pero kakayanin kasi kailangan talaga. Bago ko sila pinatulog nag study muna kami ng 1 hour kasi bukas buong araw ang online class ng Grade 2 ko. Sa naobserve ko sa ilang araw na ganitong routine, kahit papanu ay magaan naman. Di lang talaga ako makapaglinis ng bahay at makapaglaba ng mga damit ng derederetso, kailangan utay utay…

@Gerl

Good Morning 🌞, another day, another memories...Mas maaga ako ngayong kasi nag aadjust ako ng oras ng paggising at pagtulog. Hindi lahat ng oras ay hawak natin, halos nga pre occupied talaga araw araw at mas malaki ang oras para sa schedule para sa mga bata na Hindi pwedeng palaging palalampasin. Kaya eto walang katapusang pag aadjust, pero okay lang para sa bata naman.

@Gerl

Good morning! Thursday and Friday talaga ang pinaka-busy sa buong linggo namin. Online Classes ng mga bata kaya tutok na naman kami talaga sa lessons nila, bawal ang may sariling hawak na oras ☺️

@Gerl

MATHEMATICS: Recitation sa Math ng anak ko. Hinayaan ko nalang sya mag isa pero nasakin ang kapares ng earphone niya para naririnig ko din ang teacher kahit nagluluto ako at nglilinis.

@Gerl

Tapos na... bukas English naman. Mabuti naman at half day pala ngayon. Matutulog muna ako. Di kaya ng antok, as in sobrang antok. Pahinga muna kaami...mamaya nalang ulit.

@Gerl

May araw talaga na hindi tayo okay, katulad ko ngayon. Kasalanan ko naman kasi yung bagay na iniiwasan ko at kailangan talagang iwasan ay ginawa ko na naman kagabi, WALANG TULOG. Kanina sinubukan kong umidlip pero Hindi talaga maaari kapag may gising na mga bata. Kaya eto ako ngayon di ko maintindihan ang nararamdaman ko. 1 week na din sana akong maaga talagang natutulog at di na rin nagkakape kaya lang naumpisahan na naman. Susubukan ko ulit kasi para naman to sa sarili ko…

@Gerl

Tapos na sila sa modules para sa week na ito. Pero limitado padin ang paglalaro. Pinapraktis ko silang magsulat ng maayos, yung nasa tamang mga linya na mas mabilis. Yung Grade 2 ko ang ganda ng sulat niya kahit yung kabit kabit na sulat. Pero itong Grade 1 ko hindi padin, nagsusulat sya sa paraang gusto niya.

@Gerl

Magandang gabi, tara na't kumain ng hapunan. Naaalala ko kung nasa probinsya pa, ganito kapag nasa oras ng alas sais konti ang tao sa labas kasi nasa loob na ng bahay ang mga tao at naghahapunan na. Mga alas syete palang nakahiga na at matutulog. Pero ngayon minsan inaabot na din ng madaling araw may mga gising pang teenager. Pero masaya kasi siguro diba, kami noon di namin naranasan ang ganyan.

@Gerl

Ang aga pa pala, pero ero nakahiga na ang mga bata. Tamang tama lang naman kasi mga pagod din sila at ako naman ay antok na antok na pero Hindi pa ako matutulog kasi itutuloy ko yung article ko na sinimulan ko kagabing puyat na puyat ako. Sana matapos ko ngayon. Tomorrow ay may mag oonline class dalawang bata, oh diba siguradong ang Kindergarten ko na naman ay kailangan talagang bantayan kasi nagta-tumbling pa yan habang nag oonline class.

@Gerl

Kain munang pandesal bago magluto ng pang almusal na kanin at ulam. Mas mainam yan kapag may kanin parin bago magtrabaho. Nakaluto na din ako ng kanin pero magluluto akong ulam after ko ng magkape at magpandesal ☺️.

@Gerl

Gusto ko laging ganito kaganda ang mga gulay na binibili ng asawa ko. Minsan kasi malapit ng mabulok ang nabibili niya kaya nasasayang lang kahit pa nakalagay sa ref. Pero kahit ang fresh nito lulutuin ko to lahat ngayon para mamayang gabi di na magluluto. Mag nilagang baboy ako ngayong, isang beses sa isang linggo, rich in protein din kasi ang karne kaya kailangan din to ng katawan natin.

@Gerl

Ito yung nabili ko nung 4.4 Sale, nasa 200 pesos din ang na-discount ko dito sa mga Vitamins na to, at sa Shopee - Watson Official ko to nabili at authentic yan syempre. GOOD for 1 month na yan Vitamins C para sa tatlo kong anak at good for 15 days naman ang propan TLC para padin yan sa tatlo kong anak. Di ko na yan ititigil lalo na at mag f2f na sila kailangan ng proteksyon para Iwas sakit.

@Gerl

May improvement ang pagsulat niya, medyo maganda na pero mabagal pa sya kaya tuloy tuloy lang ang pagpraktis. Di ko pala kaya isabay yung Kindergarten ko kaya saka nalang siya.

@Gerl

Natutuwa ako sa kanila ngayon lalo na dito sa kaharap ko🤣 Kanina pa yan nagkukulay tapos kanina niya padin ako tinatanong ng tungkol sa gawa ng tao at likas na bagay. Minsan likas na bagay pinipilit nyang gawa ng tao daw🤣 nagsasawa na ko sa mga tanong kaya lang Ayaw tumigil.

@Gerl

After ng pagbubukas ng limited face to face class, isa sa mga napansin na malaking epekto sa mga estudyante dahil sa pandemic ay ang di marunong magbasa na mga bata. Even simple story daw ay di makaintindi ang bata. Sa 10 years old na bata ang isa sa mga halimbawa nila. Sabi sa balita ay 85% daw ay Hindi marunong magbasa, sa edad na 10 years old. May anak akong 5, 6, at 9 years old, inaamin ko na talagang sobrang challenging yung pagtuturo sa kanila magbasa. Stress talaga…

@Gerl

Start na naman sila...nasa ibabaw pa talaga ng lamesa. Nagkkwentuhan na naman tungkol sa mga superheroes habang yung kuya nila naglalakad lakad sa labas. Tamang masid lang ako sa manila at nagpupuna kapag may mapupuna. Yan kasi ang sariling routine djn nila, pagkagising sa umaga kukuha agad sila ng lapis at iba lang magagamit para sa pagguhit ng mga superheroes nila. Pagkatapos nyan magkkwentuhan na yan sila, hinahayaan ko lang lalo na at may ginagawa naman ako pagkagising…

@Gerl

Parang lagi nalang akong nag uumpisa, walang ending. Napansin ko lang, pero siguro dahil na din sa sitwasyon sa buhay. Kailangan talaga maghintay ng tamang pagkakataon. Pero ang mahalaga naman ay laging nag i-start kesa naman sa walang ginagawa. Ngayong ay focus muna talaga ako sa mga bata. Nagkataon lang siguro na mga bata pa kasi itong mga alaga ko, kailangan nalang gabay.

@Gerl

Para sa mga gipit sa bch katulad ko, eto tayo ngayon gipit na gipit, hehe! Kahit gaano kababa pa yan kukunin ko parin dahil kailangan ko talaga. Pangload na nga lang ang earn ko kaya kukunin ko talaga.

@Gerl

Oi, mga bata ano na naman na kalat yan???? Sobrang dami na ng mga ginupit nalang drawings nila. Kahit pa nagtatapon ako weekly ng mga dawa nila pero ang bilis lang talaga nila makaipon ng mga ginupit na yan.

@Gerl

STRESS ATTACK May mga ganito talaga tayong panahon kahit siguro kaya din minsan. Nararamdaman ko na naman ngayon yung Hindi maintindihan na ffleeling. Hindi ako tinatamad pero iba yung pakiramdam ko na para akong naiinis na ewan. Pero Hindi ko hinahayaan na maistress lang maghapon na walang ginagawa na mapapakinabangan. Kapag ganito ako, yung mga anak ko binibigyan ko ng kanya kanyang activity para ma-minimize din ang ingay tapos naglalaba ako. Kahit na naiirita ako tuloy…

@Gerl

Habang tulog ang mga bata kain tayong junk food 😀. Ayoko munang kumilos, sabayan ko ang mga bata sa katahimikan. Sarap kapag tahimik diba...

@Gerl

Tunay na meryenda na to hehe, kanin ang meryenda namin ulam itlog. Hirap ng walang extrang pagkain, taghirap hehe.. mamaya naman ay magluluto akong ulam para sa hapunan. Di pwedeng walang meryenda ang mga bata, kukulitin ka talaga nila.

@Gerl

BUHAY-NANAY Di ako agad nakapag-decide kung anong lulutuin na ulam. Ito ay kagustuhan ng mga bata, pechay nalang daw kesa naman sa pakbet. Habang nagluluto ngliligpit na ng mga kalat. Para after kumain matutulog na sila kapag di na masyadong busog, siguro eksaktong 9 PM. Matulog kaya ng sapat na oras, kasi tuwing magkakasakit sisisihin nyo sarili nyo din hehe 😀

@Gerl

Ang ganda ng araw, at ang hands ng gising ko. Sana magaan ang lahat hanggang matapos ang araw. Naka-move on na ko dun sa kahapon, sana kayo din 😀. Magpapaaraw muna kami habang ngkakape ako. Kahit maganda ang gising, may struggle ng konti syempre tuwing pagpapaaraw kami kami bawal maingay hehe... Image from: https://unsplash.com/photos/hZq0WeWq1Ic

@Gerl

Image from Unsplash: https://unsplash.com/photos/BlIhVfXbi9s Isa sa mga gusto kong matupad simula ngayon yung pag iwas bumili sa mga bagay na hindi masyadong importante talaga. Dyan ko yata mararamdaman na komportable ako sa paligid ko kung San ako nakatira. Yung ramdam na ramdam ko ang organization ng tahanan, kalinisan at higit sa lahat walang sayang na pera. Ilang buwan ng Hindi talaga ako bumibili katulad ng mga laruan ng bata, school supplies at mga bagay na pang…

@Gerl

Meryenda tayo pero parang di ko to mauubos, para akong kumakain ng sili🤣🌶️🌶️🌶️🌶️🌶️First time ko yatang di makakaubos ng pagkain na maanghang. Kita niyo may kape pa ako dyan kasi kahit maanghang talagang male padin ang partner ko. Pero ngayon pinalitan ko ng ice cream kahit ayoko kumain ng icecream kasi nga malamig. Hindi yan pancit canton, nakalimutan ko yung pangalan pasta Korean noodles sya.

@Gerl

No-Meat Tapa and No-Meat Menudo, all veggies 😍 Angvsarap niya, di halatang walang karne kasi lasang karne siya. 2x a month lang kami nito kasi Hindi sya affordable para saamin hehe, bitin kasi parang lang isang tao lang tapos 100+ pesos na, nakakabitin lang. Try ko ngang magluto niyan , yung kare-kare na gulay mga ang sarap din diba.

@Gerl

Image: https://unsplash.com/photos/bR_-gllg7Bs Get ready and always be safe because natural disaster is uncontrollable. I couldn't forget when the Typhoon Yolanda destroyed our place. More people had died and many establishment destroyed by this natural disaster. I hope everyone must be prepared this time as every year, we had this kind of crisis. Be safe!

@Gerl

06:13 Am, Tapos na mag breakfast ng kanin ang dalawang yan. Nagising ako ng 5 am tapos na sila magdrawing. Napakaaga, di ko alam kung anong oras yan gumising. Okay lang yan mas maaga, mamaya may modules naman silang dadating kaya makakapag-umpisa agad sila kapag natapos ako ng mga gawaing bahay bago na lunch. Hopefully, 1 PM makapag umpisa.

@Gerl

GLOOMY DAY!!! Pero nakapaglaba na ko. Dapat kapag ganitong panahon huwag talagang magpapatambak ng labahin kasi mahirap magpatuyo ng mga nilabhan. Mag aamoy kulob kapag maraming sabay sabay na nilabhan. Kaya ang ginagawa ko ngayon araw araw na ang laba kahit paunti unti lang. Nakapaglaba ako ngayon, mamaya maglalaba ulit ako kapag tuyo na yung sinampay ko.

@Gerl

malamig ang panahon, nakakaantok at tahimik din ang mga anak ko ngayon kaya perfect itong meryenda ko. Baka 12:30 na ang lunch dahil nag kanin kami kanina tapos may meryenda pa. Tara kain tayo!

@Gerl

Kain tayo, umuulan kaya ito yung mga nakakatakam kainin. Kanina pa ko nakahiga, ngayon lang bumangon kasi di naman ako makatulog tapos gising na ang mga bata....

@Gerl

Image: https://unsplash.com/photos/2Ts5HnA67k8 Ganito ako haha! Grave, kulang nalang humiga na at bukas na bumangon. Nakakapagod, hanggang ngayon kasi may labahin pa ako na isasampay. Bukas may face to face Assessment pa yung Kindergarten. Di ko na naman alam kung paano ang gagawin ko kasi walang makakasama ang dalawang batang maiiwan, pagod...

@Gerl

IMAGE: https://www.istockphoto.com/photo/good-vibes-only-gm1309476600-399180630 WHY "good vibes only" IS SOMETIMES NOT A GOOD THING? It's simple, it turn into a toxic positivity. There are situations that need to be given serious attention. We need to give the right solution. It can't always be said that good vibes only. It is not bad to always be positive in life, but it must always be accompanied by serious attention for a real solution.

@Gerl

Ang sarap sa pakiramdam kapag laging busy basta Hindi ka nagkakasakit. Ganon ang gagawin ko sa mga anak ko, sasanayin ko silang maging busy. Hindi maganda yung patambay tambay lang, nakaupo habang nakatingala. Dami ko kasing nakikita na todo kayod talaga sa labas lalo na yung mahihirap talaga tapos makakakita ka ng mahirap din at malakas pero nakatambay lang. Huwag natin sayangin ang oras natin kasi pwede naman mapagod pero masaya padin.

@Gerl

Face to face Assessment-Kindergarten Napakamahiyain ng anak ko sa school pero sa bahay ubod ng kulit. Sana naman may improvement kapag araw araw na silang nasa school. Grade 1 na sya next school year, ako ang excited ,😂. Lagi nyang tinatanong kung may pulis daw na bantay sa school, haha! Sabi ko huwag synagogue matatakot kung di naman sya pasaway.

@Gerl

Relaxing... Patutulugin ko muna sila at ako naman ay gagawin yung mga raket ko gamit ang phone. Tapos na yung Assessment ng Kindergarten ko, yung panganay ko naman ay nagmememorize ng multiplication table. After 1 hour tuloy ang trabaho 😀

@Gerl

Kumakain silang boy bawang at iba pang mga snacks from the Philippines. Ewan ko lang kung honest ang mga reaksyon nila haha! Alan ko kasi mas malasa talaga ang mga pagkain sa kanila kesa sa pagkain natin. Pero syempre gusto ko padin ang pagkain natin... https://youtu.be/mBTU2jyn6yU

@Gerl

Magandang gabi, antok na ko kaya lang may hinihibtay pa ako. Makikinoise muna ako saglit habang nagsasampay ng aking mga nilabhan. Araw araw ang laba kasi mahirap yung maramihan kapag umuulan. May bagyo paba?

@Gerl

Kagigising ko lang, magandang umaga! Hindi man lang ako ginising ng asawa ko. Ganito kapag walang nanggigising sakin, Hindi ako nagigising. Magkakape muna ako, sumasakit ang likod ko. konting stretching muna para mawala ang sakit.

@Gerl

UNSPLASH IMAGE: https://www.istockphoto.com/photo/new-hope-gm676033890-124569175 Struggle is real! Sa financial ganito kami ngayon. Pero nakakasurvive padin, nakakatulong padin yung mga piso piso na earn ko. Kung di lang kami nangungupahan Baka nakakaipon pa kami. Imagine Monthly 6,300 pesos ang nawawala samin pmbayad lang mga bahay, kuryente at tubig. May matira man saamin na sobra konti lang. Pero laban lang, at least di nagkakautang. Konting tiis pa at makakapagtrabho din…

@Gerl

Hindi pa ko nakakaluto para sa lunch kaya nag pancake muna ako para laying may laman ang tiyan ng bata. Hindi maasahan ang asawa sa mga ganitong bagay. Di masyadong nag aalala kung busog o gutom ang mga bata, kakaloka.

@Gerl

Ito yung kinain ko nung isang araw na sobrang anghang niya. Di naman na masarap kumain kapag ganito kaanghang. Ang Level ko lang sa maaanghang katulad nung extra hot na pansit canton kasi mag eenjoy pa ako. Pero kapag ganito kaanghang para akong kumakain ng purong siling labuyo😂. Pero lulutuin ko pa din yan, babawasan ko nalang yung seasoning niya na maanghang.

@Gerl

Gloomy day! Hihiga palang sana ako kasi magpapahinga saglit, aba gising agad ang mga batang ito. Parang wala lang 30 minutes silang natutulog. Ang dadaya, Hindi ko magawang humiga pag sila ay mga gising kasi kung ano ano na naman gagawin ng mga yan, di pwedeng walang bantay. Image: https://unsplash.com/photos/SEbQSYozn7c

@Gerl

Ang gulo nila haha!, Magandang gabi! Nakakatamad tumayo, lalo na at naulan. Pero itong mga batang ito kanina pa sila naglalaro dito sa kwarto kaya kahit nakahiga ako di rin makatulog.

@Gerl

Relaxing na kami ngayong, patutulugin ko na ang mga bata kasi naririndi ako sa ingay nila nagtatawanan pa. Bukas nalang ulit sila mag enjoy kasi maghapon naman silang naglaro at di ko muna ponag-aral sa mga modules nila. Magandang gabi pala!

@Gerl

Paalam....matutulog na kami. Time na para itago ang mga phone kasi mas makakatulog ang mga bata kapag walang nakikitang liwanag. Dapat ngayong tulog na talaga sila kasi bukas madaling araw na naman magigising yan sila.

@Gerl

Ang ganda ng kalangitan ngayon, lumabas na ang araw pero maya't maya ay lumililim kaya Baka may ambon parin yan mamayang hapon. Magkakape palang ako, katatapos lang mag labas ng mga basura, sana makapaglinis ako ngayong araw na to.

@Gerl

Sinong relate???🤣 Naku palagi yan dito saamin. Makikita ko nalang mga nakabukas ang drawer at kung ano anong bagay ang makikita ko sa loob ng drawer na dapat mga damit lang pero sari saring laruan, mga appellate karton at gamit ang nakikita ko. Kapag Hindi sila sinaway tambak na basura ang makikita ko niyan.

@Gerl

Kakatapon ko lang kanina ng mga ginupit nila pero ang bilus talaga nila magdrawing at maggupit. Ayan na agad ang mga nagawa nila. Saan pa kaya sila kumukha ng mga karton a yan. Ayaw nila ng papel dahil gusto nila medyo matigas daw. Kung nkaraang araw lang nagpabili ng folder sa ama at ddrawingan lang🙄

@Gerl

Katatapis ko lang magsermon. Bakit na ang hihilig ng iba na kumuha sa cabinet ng damit na iiwanang magulo???? Sino sainyo ang ganito? Karamihan lalake🙄 ano bang pagkakaiba ng kamay ng lalake sa babae kasi yung ibang lalake parang mga paralisado ang kamay at di kayang ayusin ang sariling damitan? Naku huwag nyong sasabihin na ganon talaga ang lalake, parang mga Ewan, Bakit ano bang pakiramdam ng may ibang nag aayos ng gamit nyo? Ganon ba talaga ang dapat? Pipingutin ko yan…

@Gerl

Magandang gabi, salamat naman at nakatulog ako kahit 1 hour lang. Maingay pero okay lang kasi di naman sumakit ang ulo ko. Ganon pala ang gagawin, magsermon muna sabay tulog🤣🤣🤣🤣 walang palag kung tinulugan ko haha! Hay naku magluluto palang ako, walang iba kundi ako...

@Gerl

Time to dream na ang aking mga anak ...Ako nalang ang gising dito, trying to finish other houseworks na di ko natapos kanina. Feeling exhausted kasi ako kanina kaya itinulog ko muna. Ngayon tuloy ang trabaho. IMAGE: https://unsplash.com/photos/Sa1z1pEzjPI

@Gerl

Di ko mapigilan na hindi ito i-share dito, ang cute nila😍. Mga anak yan ni Andi Eigenman, lagi kong inaabangan ang vlog nila. Ang gagaling na ng dalawang yan sa dagat kasi hinahayaan lang talaga nila mag enjoy ang dalawang bata, walang kaarte arte sa buhay. Probinsyanang probinsyana ang dating. Grabe yung pasensya ni Andi sa mga bata, si Lilo ang kulit nyan sobra pero makikita mo ang lusog at talino naman the way na magsalita kahit 2-3 years old palang. Kaya ko sila palagi…

@Gerl

Nakkatamad, kaya eto tamang hilata kami. Kwentuhan, mga bulol bulol sa pagsasalita. Throwback nalang yan pic pero yung kulit nila ganon padin kalala.

@Gerl

Sino pong nasa APPICS dito? Paano magkaroon ng value yung vote doon sa post ng iba? Ilang appics power dapat? Nakakalito sya. Naka mahigit 30 days na kasi ako dun, may laman na din yung $ sign doon at may apx na din ako. Ang appics power ko ay 9. Paano ba?

@Gerl

Kagigising ko lang ulit, ang tagal ng oras. Sana mag umaga na, or mag Monday na ulit. Ayoko noting mga nagdaang araw, medyo nakakastress. Siguro kapag face to face class na, dodoble ang pagka busy namin😂 naiimagine ko yan. Laying walang tao ang bahay. Iniisip ko din, paano na kaya ang mga raket ko....? Ayoko naman itigil kasi sayang pero paano kaya??

@Gerl

Good Friday- April 15 Crucifixion ni Papa Jesus ngayon, nagffa-fasting din na kayo? Pwedeng mag fasting ngayon pero kami Hindi. Wala pang alam ang mga anak ko sa ganyan. Pero ako oo, ginagawa ko yan ngayong araw. Image: https://unsplash.com/photos/mI7hqBsxDKE

@Gerl

Kakasabi ko lang na fasting kanina, pero inabot ng gabi di ko nakayanan. Tara kain tayo, wala akong kain simula kaninang 11 kaya nanghihina talaga ako. Di pwede saakin ang fasting...

@Gerl

Ganda kapag ganito ang mga cashback. Hindi naman ako trying hard sa mga ganito, kasi Hindi naman palaging nagkakataon na bumibili ako sa malaking halaga. Yan ay nagkakataon lang, di ko pinipilit😀. SHOPBACK nga pala yan. 500 min spend tapos 100 pesos cashback.

@Gerl

Nanunuod sila ng buhay ni Papa Jesus. First time nila makapanuod niyan pero 2 hours lang yan na movie. Mabuti naman at tutok sila manuod. Ayon mga lang, kailangan ng gabay kasi iba ang interpretation nila sa ibang parts, kakanuod nila ng minecrafts🙄

@Gerl

Morning...start na ulit ng trabaho.Mas marami akong gagawin ngayong after ko maghilata lang kahapon maghapon. Sana lang makisama ang mood ko, minsan kasi talaga kapag may bata maraming gawaing naaantala😀.

@Gerl

Sinong may Wombat sainyo? May nakita kasi akong mga games, okay kaya dito??? Kaya ako nagkaron ng Wombat kasi pwede pala itong gamitin para sa sa apx. Na-add ko na yung apx ko dyan kaya diyan na nag a-appear yung earn ko sa APPICS. Tapos nkita ko yan mga games na yan, may ganyan din na kayo?

@Gerl

After maglaba ng mga bedsheets, nagbigay muna akong oras para sa module ng anak ko kasi late na kami ng 1 week na naman dahil sa kakalaba ko ng mga gamit nila. Mabuti nalang at assessment lang yung sa Kindergarten, nakabawas ng konti sa mga module nila sa loob ng dalawang linggo.

@Gerl

Kahit ano nalang pinagtyagaan ko. Ang tagal ko ng may HideOut account pero di ko tinuloy dati. Ngayong lang ulit ako nagbukas kasi may lootup ako at instagc. Kahit na barya barya okay lang yan.

@Gerl

Magandang gabi, kain tayo, chicken adobo. Ang tapa ng hita nito, yari na naman sa allergy ko nito. Pero kakain padin hehe, 2-3 hours lang naman yun😁

@Gerl

Happy Easter Sunday 🐣Good morning! Among hanap sainyo ngayong? Kami chill lang maghapon. Magpahinga naman tayo at Easter Sunday naman.

@Gerl

Malamig na umaga! Di ko ineexpect na human ngayon kaya iniwan ko yung mga bedsheet ko kagabi sa labas, kaya atom basa ulit. Lalabhan ko ulit mamaya habang nagmomodule ang mga bata. Nakakatamad sana diba? Kaya nga sabi ko magpapahinga muna kami ngayon kaya lang nagbago ang isip ko. Saying ang araw, kulang na mga sa oras tatambay pa, kaya tuloy nalang hehe...

@Gerl

Sorry po, wala na, nag stop na din sakin kaya di na ko makapagbigay sainyo. Magpopost padin ako, sayang din yung mahigit isang taon ko dito ko di na ko magpopost😁. Makikita nyo padin ako dito kahit nakakasawa na mga post ko😂.

@Gerl

Grabe sya Kay ateng 😁 di ba pwedeng ganon lang talaga sya magprepare ng meal kaya pagbigyan na haha! Ang mahalaga nag enjoy sya sa pagkain nya😁

@Gerl

Baka kayo dyan 🐮 salamat sa pressure cooker at 20 minutes ko lang niluto yan. Di masarap kasi walang taba, purong laman lang yan. Hapon na kasi nakabili, naubusan ng taba.

@Gerl

Good morning, katatapos lang makape. Gising na agad ang mga batang makukulit. Magluluto palang ako ng breakfast nila. Ittry ko na sana ngayon yung kunwari papasok na sila sa school kaya lang late ako hehe, nauna pa sakin ang mga bata, naghihintay pa sila ng makakain. Habang nag iinit ako ng tubig eto nagpost muna ako. Nakagawa na kong article para sa readcash kasi bago ako natulog kagabi nag umpisa na ko at tinapos ko kaninang madaling araw.

@Gerl

Paunti unti ko ng naiintindihan ang laro saka yung Womplay. Kapag free time ko lang naman to nilalaro. Ang earn dito ay wombucks na pwede syang i-cashout sa pbtc. Yung asawa ko kahapon ko lang ulit natanong kung may earn na yung park near,sabi niya meron daw crypto din. Pero Hindi na sya naglalaro ng Cabal. Ewan ko lang lung anong laro niya. Sasabayan ko nga sya Baka sakaling magkasundo kami😂 ang tahimik namin pareho, ang tanging maingay lang dito yung tatlong bata.

@Gerl

Nagluluto palang ako, abala talaga yung baradong kanal dito. Hays, grabe sumasabay sa mga problema kahit di naman dapat ako ang mamroblema ng kanal na yan.

@Gerl

Pahirapan talaga...kailangan lang patulugin ang dalawang bata para makapag aral ang kaya nila. Pero sabi nga, instead na mag complain ay gawin nalang. Kasi yun ang reality, gawin na mas magaan sa kalooban 😀.

@Gerl

Arat meryenda muna bago ituloy ang labada. Or luto muna ng hapunan bago maglaba. Nakapagpahinga ako ngayon kasi tinulugan ako ng nagmomodular kanina.

@Gerl

Sana all hayahay habang nag aantay ng pagkain, hehe mga pasaway. Kakatapos lang yan maligo nila habang ako nagligpit kanina ng mga kalat nila. Ngayon nagkkwentuhan yan sila ng ultron, ghost rider at spiderman. Pati ako dinadamay sa kwentuhan di naman ako makarelate.

@Gerl

Morning 🌅 hula ko maaraw ngayon, sana... multitasking ako ngayong araw, doble pa. 4 am palang gising na ko, feeling may work lang hehe, kahit pang vitamins lang. Natatawa nalang sakin ang asawa ko kasi kaya lagi akong tahimik dahil ayoko talaga yung kaadikan niya sa games tapos ngayon makikita niya ko naglalaro na din😂. Pero syempre Hindi yan ang priority ko.

@Gerl

Hala, may kasalanan ako sa ka-work ng asawa ko. Nabuksan ko yung parcel niya from Shopee. Akala ko kasi mga vitamins na ng anak ko kasi naka-box palagi tapos di nag inform saakin na may dadating siyang parcel. Kaya ayon akala ko saakin, buti nalang ang laman ng parcel niya ay gamit lang na panlinis sa sahig. Paano pala kung mahalagang gamit talaga yun tapos nagkataon na may damage, hay naku..siguro kasalanan niya din yun di sya nagsabi na parating na order niya.

@Gerl

Vitamins to ng mga anak ko. Yan yung lagi kong gastos sa vitamins nila isang buwan pero yung propan kulang yan ng ilang araw. Tapos yung Dayzinc tig iisa yan tatlong bata. Spaylater ang ginamit ko pero babayaran ko din agad mamaya pagdating kasi cashback lang ang habol ko dyan pwede na rin pambiling load.

@Gerl

Sobrang antok ako habang nagtuturo. Ang hurap turuan ng bata ng or as an yung minuto tapos mga sukat katulad ng cm, m, g, kg, ml at L. Yung sa orasan nalilito sya sa pagbilang ng minuto. Lagi nyang nakakalimutan kung paano dahil may am at pm na.

@Gerl

Sa 3 hours na pagtuturo ko ngayon sa Grade 2 kong anak, ang naituro ko lang ay about sa mga sukat at bigat saka mga katumbas nila katulad ng cm-m, L-ml, Kg-g. Ang hirap pala niya ituro sa isang bata. Kailangan din kasi nalang mag compute muna or magconvert bago nila masasagutan kung alin ang mas mabigat or mas mahaba. Good luck nalang sa manila, ituturo din naman ulit yan pagdating sa Grade 3.

@Gerl

Yan yung kanina bago mag modular class. Akala mo may pinaghahandaan na parusa😂 makakita palang module at lapis natatahimik na at nag iipon sa isang sulok. Bukas ulit sila saakin😁

@Gerl

After ko maglaba ito na naman ang naabutan ko. Ang dami agad nilang nagawa. Kapag nakaharap ako ang links, pero kapag tumalikod na ako ang bibilis magdrawing😁

@Gerl

Maulan na araw sa lahat ☺️Ang sarap sa feeling ng panahon, naku huwag lang akong buburautin ng kanal dito😁. Nakapag-kape na ko, nakapagsampay na at nakapagbabad na din ng last batch ng labahin. After 2 months mai-empty din ang labahan ko. Pinakita ko yung kamay ko sa mga anak ko talagang sugat na buong kamay, himala at walang naglaro sa loob ng cr ng tubig kaya wala silang nailagay na basang damit na labahin. Natuto hehe, di kailangan pagalitan, pinakita ko lang ang kamay ko.

@Gerl

Isa pang effective na panakot 😁 Habang nagluluto ako, itong bunso labas ng labas kanina pa naaambunan. Ayoko talaga ng ambon sa bata kasi bka sipunin o lagnat. Ayaw makinig, ayan naglagay akong damit nya sa bag sabi ko kahit malaya na syang magpaambon at huwag ng babalik. Ayon pumasok sya at Ayaw ng lumbas.

@Gerl

Pahinga time...total sugat sugat ang kamay ko kakalaba kaya magpapahinga muna ako habang nagppatulog sa mga makukulit. At si panganay ko naman ay nagrereview sa Math lesson niya para mamaya sa modular class namin...

@Gerl

Good job na! Gumagaling na magbasa at mag memorize. Stressful yung tinatakot, pero effective talaga sa ibang bata yun. Ito kasing anak ko nagiging tamad mag aral kapag hinahayaan sya kapag Ayaw mag aral, kapag iiyakan kalang. Try ko yung mga pananakot para sa tamad mag aral effective sa kanya..

@Gerl

Coffee ☕ 2nd cup ko na to, masyado kasi making maaga nagising. Before 9 am ay may mag oonline class sa mga anak ko kaya eto na naman takbo dito takbo doon. Dahil sugat ang mga kamay ko ay buong araw pahinga muna. Na-allergy ako ng breeze na powder,sobrang kati...

@Gerl

Good morning po, matanong ko lang po ano long gagawin sa nakokolektang mga nft sa nft games? Kasi nga nagtry ako sa isang blockchain, ayon nakakakuha akong free nft may mga price sya. Hindi ko lang alam kung paano, kailangan ko na siguro talaga pag aralan ,😁

@Gerl

Kumusta naman, katatapos lang namin kumain. Habang tahimik sila uupo din muna ako habang naghihintay ng tawag ni teacher. 12:00 patutulugin ko ang dalawang bata. Mga mommies, napapatulog nyo pa ba ang mga anak niyo sa tanghali? Ako pinipilit ko sila kapag may online class ang kuya nila para walang distractions.

@Gerl

Wala siya sa mood mag online class, binati pa naman siya ni maam niya kasi new haircut di namansin. Yari to saakin mamaya, umaattitide ah. Hindi kasi sya komportable sa gamit nyang phone dahil walang holder panu pinaglaruan nila ginawang baril, hay naku

@Gerl

Ang hirap hehe, lang Grade 3 na dapat ito diba? Pero lang 4th quarter ng Grade 2. Madaming halimbawa ang binibigay ko sa anak ko para maintindihan niya. Iba ibang solusyon na kasi ang ginagamit nila sa Mathematics at may mga kasamang solving problems kaya matagal kami. Kawawa naman yung dalawa kong anak, magpapasa na sa Monday pero isang bata palang natuturuan ko at Hindi parin kami tapos.

@Gerl

Overtime na kami, katatapos lang namin sa Mathematics Subject. Pero ang bunso ko Hindi pa tapos sa activity niya kasi may kasamang laro kapag di ako nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga maasikaso ang dalawang bata. Bahala na sa kanila ang mga teacher nila sa face to face classes nila. Magluluto palang ako,,😵😵 Ganito sila kagulo ngayon, alam niyo ba pakiramadam?😵

@Gerl

Kain na tayo...yung paksiw na Tilapia na Luto ko ay mukhang sumali sa contest na paunahan 🤣🤣🤣🤣 oh diba, overtime ang modular class pero nakahabol pa sa hapunan namin. Bukas ulit...ihahabol ko yung Grade 1 malamang wala syang maiintindihan kailangan lang maipasa namin ang answersheet. Hahasain ko nalang sya sa reading at numeracy.

@Gerl

Ang hirap din pala talaga maglaro haha! Kailangan palakasin bago isabak. Mas maganda talaga maglaro kapag gagastos kasi ayoko gumastos hanggang free lang ako. Pero ang sarap pala talaga maglaro ng mga ganito lalo na kapag nananalo yung mga ni-level mong characters.

@Gerl

Nakaligo na sila. Mga Engineer hats to paglaki, nagplano na sila ng bahay haha! Habang nagluluto ako, sila naman ay nagkkwentuhan about sa bahay na bibilhin daw nila. At kapag usapan din nila ang itsura at magiging laman ng bahay. Syempre Hindi mawawalan ng spider-man, ghost rider at dinosaurs 🤣🤣🤣 aba San ako titira kapag ablng bahay namin ay may mga ganyang klaseng nilalang🤣🤣🤣

@Gerl

Mabuti nalang at rest day ng asawa ko, inobliga na naman sya na maglinis ng canal ng may ari ng apartment. Sana all talaga may tagalinis ng kanal ng libre. Wala man lang silang maintenance kahit isang beses sa isang buwan. Di na nahiya sa mga boarders lalo na saamin na talagang apektado masyado ng kanilang baradong canal. Stress...

@Gerl

Ang subject ngayong na ituturo ko sa kanya ay Music. Pero eto, tumigil muna kami kasi kailangan patulugin ang dalawang kapatid. Tawa kasi sila ng dawa sa mga kanta na nasa module. Mga kantang Hindi nila alam, napikon na nga ako sa anak ko kasi wala na kaming natapos sa kakatawa nila kaya ang ginawa ko binigyan ko synag ilang minuto para tumawa ng tumawa. Kaya lang lalo silang nagtawanan at Ayaw na tumigil kasi tawang tawa talaga 🤣🤣🤣kaya pinatutulog ko na muna ang dalawa at…

@Gerl

Isang estudyante pa ang tuturuan ko sa module. 2 days nalang ang panahon niya para tapusin ang lang 2 weeks na module...ano kayang matututunan niya...Good luck samin.. parang gusto ko nalang talaga sya hasain sa pagbabasa at sa Math, malapit na din naman ang f2f..

@Gerl

Tinolang manok, ang taba niya kitang kita sa sabaw. Tara kain, medyo late na pero habol pa naman. Feeling ko di na ko natutulog at di na kumakain. Lutang bga, di ko masyadong ramdam ang lahat🤣

@Gerl

Mana magkape kita... Ang sarap magkape habang nagpapalamig. At mas masarap magkape kapag tulog ang mga bata, ako palang ang gising. Sana magbigay naman ng positive vibes ang araw na to sakin kasi halls 2 weeks na naman akong stress. Grabe kasi yung nangyari sa kamay ko, akala ko nasugat lang dahil sa kakalaba araw araw, yun pala na-allergy sya sa breeze na powder. Kapag kamay ang may sugat mas maraming natatambak na gawaing bahay. Ang hapdi at ang kati. Ngayong meron padin…

@Gerl

Legit si Womplay kaya lang mas maganda kung PC ang gamit. Kikita ka sa paglalaro katulad ng mga NFT games at iba pang games. Ilan sa mga nilalaro ko sa womplay na may NFT ay ang Raid, kingstrone at Vikings. Ayaw gumana ng maayos ng Vikings sa phone ko. Kung mahilig kayo maglaro kikita siguro kayo, lalo na PC ang gamit.

@Gerl

Thank you mga anak! Nakisama kaya saakin kaya natapos natin ang modules ngayong Sabado. Sa Monday ready na tayo para ulit sa panibagong set ng modules, malapit na matapos ang 4th quarter, magiging busy na tayong lahat. Tingnan natin kung mabawasan ang gawain ko. Malamang bawas kasi tambay ako nito sa school haha! Ang bunso ko pa naman Ayaw mag aral sa school daw kapag Hindi ako kasama.

@Gerl

Meryenda habang nagluluto ng hapunan. Napakainit ng panahon ano, talagang ang ganda ng panahon meron tayo, tag ulan at tag init, minsan napakalamig lang din at minsan naman makulimlim lang.

@Gerl

Imagination...naalala ko lang ulit nung bata pa ko, ganito ang itsura ng papuntang humid saamin.siguro kung uso na ang cellphone dati, Baka dami kong photos. Mas maraming magaganda at preskong lugar dati sa humid kesa ngayon, nakakahinayang...

@Gerl

Busy po sila...walang balak magligpit ng kalat at walang balak matulog. Akala mo kung nag araaldaw, Hindi naman. Nag ddrawing yan ng mga paborito nilang superhero. Di ko naagapan yung bagong biling bond paper kanina . Ginagamit na nila, Ayaw ng ibalik soaking, paisa isa sila hangga't maubos na naman yan.

@Gerl

Good morning, good parin kahit ganito ang kalagayan ng pagkakape ko 😂😂😂 sobrang init kape parin. Ang kalat ng mga anak ko, sank ko magkakape muna ako bago magligpit at di talaga kompleto ang umaga ko kapag walang kape.

@Gerl

Nanghihiram yan ng phone sakin kasi iddrawing niya daw yung deadpool vs terminator, gusto niya ng gayahan gaping sa Google. Ayoko kasi nga mapupunta yan sa Youtube. Kaya ayan kung ano anong ginagawang pambobola saakin para pahiramin ko lang.

@Gerl

Kain tayo, veega No-Meat Tapa at Century Tuna. Nakakatamad magluto kapag walang lulutuin diba.? Sinong busting kumain ng ampalaya na walang halong itlog lalo na kung bata ang kakain...buti nalang may emergency food , haha emergency talaga.

@Gerl

Nagtatawanan ang mga anak kong to dahil sa mga drawing nalang mukha sa isa't isa. Bibigyan ko na talaga mga to ng assignment para mapakinabangan ang mga drawing nila. Instead na bumiling mga artworks ng iba, dawa nalang sila diba, haha! Kanina mga pag gising ko may mga nakadikit sa laser namin na mga drawing nila kagabi bago matulog.

@Gerl

Natututo na ko maglaro, haha! Grabe tong pamilya gamers na to, pati anak ko mas magaling pa saakin. Huwag naman! Kapag pasukan na school wala ng cp muna. Kailangan mag aral ng mabuti, at ikaw naman ina, tumigil ka sa mobile games 😂

@Gerl

Nakapaglaro ang mga to, walang ibang tao kasi ngayon dito kasi Sunday. Hinayaan ko silang sumigaw at maglaro ng malayo ngayon.

@Gerl

Ampalaya na may egg at corned beef...2nd time ko magluto nito, gustong gusto ng mga bata. Nasubukan niyo na din ba? Sa sunod nga tuna naman ang ilalagay ko. Konting pait lang ang malalasahan.

@Gerl

We had a great day today! Free kasi ang mga bata the whole day, sa mga kapitbahay kasi wala sila kanina dito. Pinasigaw ko ng pinasigaw 😂 nakakatawa, parang mga ibon na nakawala sa hawla. Yun lang, tutulog na kami, bukas ulit...Salamat sa biyaya...

@Gerl

Breakfast, coffee and pancake Sa anak ko naman ay strawberry cereal at milk. Today is first day ng mga mag face to face classes. Dito saamin ay Grade 1 lang pala at yung mga Hindi lang marunong magbasa. Limited masyado dito saamin kasi mga isa sa maraming Covid cases dito sa lugar namin.

@Gerl

ay naku, ang aga aga iyakan dito. Sinikmuraan ng bunso yung kaya niya. Kaya ang ginawa ko lahat ng drawing at mga ginupit nilang mga super heroes tinapon ko lahat. Ang natira nalang talaga mga module at worksheet nila. Maraming beses na kasi yan nangyari na nagkakasakitan. Hindi maganda ang dulot sa kanila ng panunuod ng mga superheroes na yan. Mali hats yung ginawa kong tinapon ko nalang lahat pero alam kong mas mabuti na yun para pag aaral nalang ang aatupagin nila.

@Gerl

Sa sobrang aga namin magising kanina, nakadalawang kain na tong mga bata, nagluluto na ulit ako para sa tanghalian naman. Free time sila ngayon pero kailangan nilang sundin ang mga binawal ko sa kanila. Magpakabait sila katulad nung dati na mga educational videos lang pinapanuod nila...

@Gerl

Gustong gisto ko matulog sana kaya lang ang dank kong gagawin. Sakit sa ulo, tapos habang nagmomodule sila yung apo kung matanda dito tawag ng tawag di makapag-aral ng mabuti ang mga bata. Sarap sumigaw kaya lang Hindi pwede😂 katulad ko sin Baka sumama din ang loob nila😂

@Gerl

Haba ng pasensya ko dito..ang kalaro nila nasa labas at pamangkin nung lalake dito na galit sa batang maingay. Stop nalang ang modular class, wala lang matatapos ang mga anak ko nito, tsk!

@Gerl

Ngayong face to face classes na ay financial needs naman ang kailangan ng parehong school at mga families.Gumastos pa ang mga teachers gaping sa sariling bulsa para sa reopening ng mga schools. Tapos sa mga magulang naman maraming naghihinaing dahil sa financial needs katulad ng mga pambiling gamit ng mga bata...walang katapusan..yan din ang iniisip ko, tatlo pa naman soaking tapos sasakay pa kami papuntang school araw araw.

@Gerl

Maglalaro muna ko habang nagpapakulo ng karneng baboy. Yung baboy na yan dapat ulam namin ngayong kaya lang antagal dumating ng bumili kaya pakuluan ko,nalang at bukas ko lulutuin ng umaga.

@Gerl

6:04 am... Ang aga ng anak kong naglalakad lakad sa labas habang nagmememorize ng multiplication table. Nakapagluto na din ako ng pagkain na almusal at pananghalian. Maraming gagawin ngayon kaya maaga kami...

@Gerl

imagine, ang aga aga may kaharap akong ganito kakulit na bata. Mag uumpisa na kami pero Ayaw niyang kumalma. Baka mamayang 9 am pa to

@Gerl

Tara kain muna tayo bago maligo..ayan ang aga ko nagluto kaya maaga din mauubos yan. Malamang magluluto na naman ako😁. Hay buhay nanay...

@Gerl

Mas lalo ako naku-curious sa mga NFT. Ang pagkaintindi ko pwedeng bumili, parang investment or kaya naman mag collect from different games, Tama po ba? Yung mga nilalaro kong games medyo mahirap din maka-collect kasi may mga mission kang tatapusin bago makakuha ng NFT. Hays...sana unti unti kong matutunan ito. Saka ko din narrealize na napakarami palang iba ibang token...wala talaga akong alam.

@Gerl

Ang sarap, maulan na hapon. Kain tayo, ayoko sana ng noodles kaya lang natatakam talaga ako. Tulog ang mga anak ko kaya kain tayong nasal, hehe

@Gerl

Mabuti naman at okay na si noisecash. May doble doble akong post pala kahapon dahil nga nagloloko...Pero okay na yan at least back to normal na. Kagigising ko lang, di ko masabi na nakatulog ako ng maayos kasi yung dalawa kong anak gising hanggang 1 am. Maaga akong nakatulog pero maya't maya ako nagigising dahil mga gising ang dalawang bata. Tawa sila ng dawa hanggang inabot na ng 1 am yun ang huling beses na natandaan kong sinaway ko sila. Tapos nagising ako ngayong umaga…

@Gerl

Good morning...natulog ulit ako at kagigising na ulit😀 Mas lalo ako naku-curious sa mga NFT. Ang pagkaintindi ko pwedeng bumili, parang investment or kaya naman mag collect from different games, Tama po ba? Yung mga nilalaro kong games medyo mahirap din maka-collect kasi may mga mission kang tatapusin bago makakuha ng NFT. Hays...sana unti unti kong matutunan ito. Saka ko din narrealize na napakarami palang iba ibang token.

@Gerl

Palapit na ng palapit ang gastusan 😁 mga uniforms ng mga bata..school supplies at pamasahe araw araw..First time namin to mararanasan kaya wala pa talaga akong idea kung paano din na routine ang gagawin namin. Malalaman ko yan siguro after first day of school ng mga bata. Yung pamasahe araw araw...😁

@Gerl

Growing a garden is like growing a family. Parang mga bata, kailangan pakainin, painumin at alagaan. Kailangan din ng pasensya at pagtyatyaga. Kailangan malakas ang loob, kasi kapag Hindi...mamatay sila. Parang mga bata, kapag kulang sa aruga, ang buhay nila kadalasan ay naliligaw ng landas.

@Gerl

Be strong lang..parang kape...lahat ng ganitong stress nararanasan naman ng karamihan at kayang kaya nila. Kapag mapamaraan naman kayang kaya talaga lalo na financially. Sa ngayon, kahit ganito muna, Basta mahalaga ang mga primary needs natin lalo na ng mga bata...

@Gerl

Hay, nakahinga din...ang sarap sa pakiramdam ng kakain nalang at maghuhugas ng pinagkainan. After niyan, pwede ng humiga at magpahinga. Pero gagawa muna akong article..kung kaya pa. Pero madalas pikit agad ako kapag humihiga..gandang gabi sainyo...

@Gerl

Good night noisers..kailangan patayin ang phone para nakatulog na ang mga bata. Sana ako nalang ang bata, kanina pa sana ako tulog 🤣 Bukas ulit, kapag pasukan na sa school wala ng time sa mga ganito, tutok na talaga sa mga mag aaral lalo na at mga bata pa ang alaga ko..

@Gerl

Good morning...sila lagi ang umpisa ng araw ko hehe,, kanina pa sila mga 3 am yata yun. Kwentuhan ng kwentuhan habang may mga natutulog pa.

@Gerl

Pagoda lang, grave... sa kakasaway palang ubos na ang lakas ko. Inuna ko ang modular class nila, ayan parang wala akong lakas para gumawa ng gawaing bahay. Ano kayang naiisip ng mga marites dito tuwing sigaw ako ng sigaw🤣 titigil lang ang bibig ko kapag natulog mamaya ang mga bata. Malalaki na kasi payabangan na sila ng kulit. Pero rights nila yun bilang bata eh, kaya lang kailangan sawayin bilang pakikisama na din sa mga kapitbahayan.

@Gerl

Tamang laro muna ko habang nagluluto. Tahimik naman ang mga bata, nadala sila sa kakasermon ko. Ito yung laro na libangan lang kapag may di ka maintindihan sa nararamdaman mo ilaro mo nalang. Hehe

@Gerl

Itulog natin to, malakas ang ulan. Mabuti nalang at nakapag laba ako at nakuha ko na din sa sampayan. Pero dahil nakakaantok ang panahon matutulog muna ako habang tulog din yung dalawang makulit. Sabayan natin dahil di ko sila kjnakaya kapag gising.

@Gerl

Umulan talaga ng malakas dito saamin. Mabuti nalang naglinis ng kanal ang asawa ko nung Sunday kaya hindi kami binaha. Pero yung nakatira sa taas namin umulan sa loob nila. Tapos ngayon di man lang sila tinulungan sa taas kahit nagsabi na sa kanila yung nakatira dun. Grave kawawa naman may baby pa naman doon. Gutter ata yung sits, ewan bakit di nila pinapaayos ang mahal mahal na mga ng apartment 4500 tapos napakaliit talaga parang pang 3 tao lang talaga.

@Gerl

Di na ko makapaghintay ng f2f class ng mga bata. Gusto ko nang makita ang magiging improvement sa mga anak ko. Lalong lalo na yung pakikipag-socialize nila. Huwag lang silang magkakasakit kasi di talaga sila sakitin simula ng magka-pandemic kasi nga di sila naexpose masyado sa alikabok.

@Gerl

Sinong familiar sainyo sa Yulgang Global? Okay kaya synagogue game? Naglalaro ang asawa ko niyan pero ayokong malaman niya na maglalaro ako 🤣 kasi naiinis ako sa kanya kasi puro nalang sya games. Ayokong ipaalam sa kanya na maglalaro din ako. Nabasa ko lang kasi na yung Yulgang ay P2E yata????

@Gerl

Sarap matulog ng may sapat na oras. Nagising akong 7am na, sa himbing ng tulog ko di ko na naman napansin na may gumamit ng phone ko at naglaro ng naglaro ng games. Ngayong whole day kami mag modular class dahil simula bukas ay may mga activities na naman ang mga bata katulad ng online class, reading at iba pa. Viewing of cards din kaya aagawan na naman nila akong oras nito, busy na naman tayo.

@Gerl

Magkano na ang rabbit? Kinukulit ako ng mga anak ko. Gusto daw nalang pet, rabbit at pusa. Parang nakakatakot magkaron ng pet itong mga anak ko kasi feeling ko mamamatay sa kanila ang pet. Pinipilit nila ko, pero magkano na ang isang rabbit?

@Gerl

Naranasan niyo bang maka-receive ng notification sa Google na yung mga naka-saved na passwords ay seen online? Kaya nag changed ako ng mga passwords ko kasi at risk daw yun. Hindi talaga maganda yung pareparehong passwords ang ginagamit sa iba't ibang site. Alam ko yung may nag attempt ng noisecash account ko dahil din sa same password ang ginamit ko peri napalitan ko na dati pa kung may notification nga na dumating saakin na someone daw ay attempted na magpalit ng wallet…

@Gerl

Gandang gabi..kakaloka ang mga bata ngayon. Sobra sobra kung magpasaway pero makitaan ka kahit konting negative talagang tatak sa isip nila 🤣🤣🤣 Pero saway saway ka mama pero ikaw nag cp kaya pahiram din daw cp kasi gusto djn nila🤣 hay naku, sa sunod kapag gising sila huwag magpapakita na nag ccp

@Gerl

Basta sila may ginagawa pa kahit oras na ng pagtulog. Hahayaan ko na lang muna kasi kagabi di naman sila natulog ng maayos. Papagurin ko mga sila ngayon para mahimbing ang tulog mamaya. Madalas na magpuyat ang mga yan, kwentuhan ng kwentuhan. Kapag gising ang isa ginigising nila ang lahat.

@Gerl

Thank you and Good Night...Bukas ulit..Busy pala bukas, nasa school kami dahil sa Parents summit at viewing ng cards na din. Balita ko may bakasyon ang mga bata kaya makakapagpahinga kami sa module at makakapaglinis ako ng bahay...

@Gerl

Load na kayo sa Shopee, pay day sale ngayon. May 20 load na piso lang tapos dalawang 5 load na piso din lang. 20 load na 10 pesos at 10 load na 5 pesos. May limit lang yan pag buy niyo. Arat na!

@Gerl

Galing kami ng panganay ko sa school, sinubukan naming maglakad pauwi, Hindi kaya kasi malayo pala. Nagrereklamo yung anak ko. Sobra na sa exercise yun kapag nilakad🤣 kakaaawa ang bata kapag pinalakad ng ganon kalayo. Mabuti nalang kung fresh ang hangin, e Hindi e, puro usok ng sasakyan kahit naka face mask amoy na amoy ang usok.

@Gerl

Nakauwi na kami..na starstruck ang anak ko sa teacher niya. Beauty queen pala ng school. Naku, mukhang marunong na tumingin sa itsura itong batang ito🤣 amin nalang yung kwentuhan namin para no judgments 🤣

@Gerl

Hay salamat!!! Medyo mahaba ang bakasyon ng mga bata, May 23 pa ang balik pero syempre may mga activities din na gagawin hanggang May 23. Ang magaan dun ay di kami magmamadali dahil matagal pa ipapasa. Mas iisipin ko muna ang makapaglinis ng bahay bago sila gumawa ng mga activities nila., good evening!!!!

@Gerl

Yung mga anak ko parang mga nagbo-vlog. Ginagaya nila yung mga napapanuod nila sa YouTube. Madalas nila panuorin yung mga superheroes. Nakakatuwa pakinggan ang intro at closing nila. Naku, hindi imposibleng maging vlogger ang mga to 😂. Nag aaral din mag English. Kanina huling huli ko, nagta-type sa Google translate ng pangungusap at tinatranslate sa English. Yung bunso at pangalawa voice talaga gingamit dahil di pa naman sila ganon kagaling sa mga spelling kahit Tagalog. Hay…

@Gerl

Ligo+kape=bahala na 😂 naku wala yatang tulugan to. Medyo nakakatuwa kasi humilata ako buong araw ngayon dahil bakasyon ng mga bata. Nakapagpahinga at magpupuyat ako ngayon. Gusto kong maglaro, gagawin ko ngayon kung anong gusto ko. Matagal din akong walang pahinga dahil sa mga activities ng mga bata nitong 4th quarter kaya babawi ako ngayon kahit isang araw lang..