May araw talaga na hindi tayo okay, katulad ko ngayon. Kasalanan ko naman kasi yung bagay na iniiwasan ko at kailangan talagang iwasan ay ginawa ko na naman kagabi, WALANG TULOG. Kanina sinubukan kong umidlip pero Hindi talaga maaari kapag may gising na mga bata. Kaya eto ako ngayon di ko maintindihan ang nararamdaman ko. 1 week na din sana akong maaga talagang natutulog at di na rin nagkakape kaya lang naumpisahan na naman. Susubukan ko ulit kasi para naman to sa sarili ko at sa mga bata. Super stress ang araw na to pero tamang i-relax ang sarili para makaraos padin ang buong araw na may nagawang kapakipakinabang at di apektado ang mga kasama sa bahay sa stress ko. HINGANG MALALIM...
No comments yet