After ng pagbubukas ng limited face to face class, isa sa mga napansin na malaking epekto sa mga estudyante dahil sa pandemic ay ang di marunong magbasa na mga bata. Even simple story daw ay di makaintindi ang bata. Sa 10 years old na bata ang isa sa mga halimbawa nila. Sabi sa balita ay 85% daw ay Hindi marunong magbasa, sa edad na 10 years old. May anak akong 5, 6, at 9 years old, inaamin ko na talagang sobrang challenging yung pagtuturo sa kanila magbasa. Stress talaga ako dahil iniisip ko na bakit antagal matuto ng mga anak ko magbasa? Bakit parang wala silang natututunan? Feeling ko kami na yung hauling hali kasi mga mattapos na ang School year 2021-2022 pero ngayon lang natuto magbasa ang anak kong Grade 1, marunong na siyang magbasa ng mga simple words pero halos isang taon bago sya natuto. Hirap na hirap ako sa kanya kasi nagsimula akong magturo sa kanya na wala talaga syang ibang alam kundi ang magbasa lang ng alphabet. Pero pasalamat ako kasi natuto sya magbasa kapalit ng mahaba kong pasensya talaga. Sa 9 years old ko naman, wala akong ibang problema sa kanya kundi ang salita niya na rumble words pero kapag pinagawa mo naman ng isang buong sentence ay tama naman. Pero sa bunso ko naturuan ko na sya ng mga pantig, . Narelized ko na maswerte padin pala ang mga anak ko kasi natuto sila magbasa kahit ako lang ang nagturo. Image Source: Inquirer
3 comments
Bilang magulang Tayo talaga unang teacher Ng mga anak natin sis hindi pwede iasa sa guro lahat. Sa awa Ng Diyos mga anak ko natuto na magbasa kinder pa lang ang teknik ko sis pinapanood sila nun Ng sound Ng mga letters kapag alam na nila ang sound Ng lahat Ng letters madali na sa kanila ang pagbasa. At syempre prcatice din sa pagbabasa palagi mga story book.
Tyaga lng tlga,napakahirap pero kakayanin
Kailangan talaga tutukan ng magulang need talaga ng mahabang pasensya kaso si tita ang naiistress sa pagtuturo kay bulilit pero yong TikTok kabisado ahaha