Image from Unsplash: https://unsplash.com/photos/BlIhVfXbi9s Isa sa mga gusto kong matupad simula ngayon yung pag iwas bumili sa mga bagay na hindi masyadong importante talaga. Dyan ko yata mararamdaman na komportable ako sa paligid ko kung San ako nakatira. Yung ramdam na ramdam ko ang organization ng tahanan, kalinisan at higit sa lahat walang sayang na pera. Ilang buwan ng Hindi talaga ako bumibili katulad ng mga laruan ng bata, school supplies at mga bagay na pang display lang sa loob ng bahay. Mga stock na groceries???Hindi na, except sa pagkain ng mga bata. Feeling ko at sure ako na mas makaktipid ako kapag ang bibilhin kong groceries ay sapat lang sa loob ng 15 days, kasi every 10th and 25th kami naggogrocery. Mga school supplies? Nagsisi ako na bumili ako ng lang halos isang taon ng supplies. Next time alam ko na ang gagawin ko. Mga damit ng bata, dahil gusto kong magdamit sila ng maayos, lagi ko silang binibilhan. Sa katulad namin na mahirap lang naman, sapat na dapat yung Hindi nauubusan ng isusuot at hanggat pwede pa naman isuot dapat ipasuot padin kahit may maliit na butas okay pa yun. Ngayon lang talaga ako nag stop na bumili, at itutuloy tuloy ko yun. Yung mga pang decoration naman talagang narealized ko na di ko talaga sya kailangan hehe, ang sikip sa paningin ko at nakakagulo ng isip din. Pero yung pagbili ng gamit na lang emergency ay never ko naman pinagsisihan kahit di ko laying nagagamit. Sa tingin ko maitutuloy tuloy ko na ang ganitong sistema. Sabi ko mga, di namin kailangan ng malaking bahay, ang kailangan namin simpleng bahay na malinis at komportable.
2 comments
Kami naman sis sa ngyon dahil nag pandemic naka pokus kami sa mga bagay na mas kailangn lang namin kaya kapag hindi gaano kailangn hindi kami nabili
Tama yan sis mga needs lng muna tlga