2nd breakfast na naming to, meryenda na din..walang pork yan. Pechay at tokwa lang. After kumain magluluto ulit ako for lunch Naman, yung sitaw na may pork Naman ang lulutuin ko. After lunch magluluto din agad ako yung tortang talong Naman. Kaya ganyan kabilis Kasi panggabi ang asawa ko hehe..
@Gerl in March 2022
Tinatapos ko lang yung article ko sa readcash na dapat kahapon pa kaya lang talagang mas importante yung mga modular class ng mga bata kayan yun ang inuna ko. Ngayon naman ay nagluluto ako para sa lunch habang nag gagawa ng article sa readcash. Yung mga bata nanunuod muna sila ng learning videos galing sa kaniya-kaniya nilang mga teachers. Kahapon sobrang exhausted talaga ako kaya nakaramdam na ako ng pagpitik pitik sa ulo ko alam ko sign na naman yun ng ilang araw na severe…
Hindi ko pa sya tinuturuan. Ang topic Kasi nola Ngayon ay division. Bago to para sa Grade 2 kong anak Kasi di ko pa Naman talaga siya tinuruan niyan. Sabi ko magbasa muna siya, ang bilis matuto. After magbasa magsagot na agad sa worksheet nya. Pero inexplain nya saakin kaya alam kong alam Niya na ang division. Mamaya fraction Naman pero magdidiscuss muna ako sa kanya Kasi wala talaga syang idea pa sa fraction.
Ready to cook na to, para sa hapunan namin. Saktong 3 pm magluluto ako. Pero Ngayon continuation muna ng modular class ng Grade 2 ko. Fraction Naman sa Mathematics ang ituro ko. Successful Naman yung sa Division at multiplication Niya, tapos na siya magsagot.
Nabuang na, ang hyper ng mga batang ito Ngayon. Yung isa lang ang nag aral kanina Kasi pahinga muna ako dahil ayoko sumakit ang ulo ko. Nag iingat lang🙂 mamaya matutulog ulit ng maaga. Ngayon naghihintay nalang kaming mag 6pm tapos maghahapunan na. Tambak ang labahin ko pero hayaan ko muna. Iwas sakit sa katawan.
Time for bed na, bukas ulit. Nag iingat lang...pero naistress pa din talaga ako Ngayon bago natulog ang nga anak ko. Tumigil lang talaga after na kurutin ko. Ang ingay Kasi di nasunod. Di pwedeng laging hahayaan ang bata. Kasi kapag hinahayaan akala nila okay lang ang hindi sumunod. Hay naku di pwede sakin yan.
Di ako makatulog kaya nagutom na Naman ako 😁 Ang hirap kapag walang extrang pagkain haha! Nag corned beef nalang ako. Ayokong bawasan ang pagkain ng mga anak ko dito mahahalata nila yan😅
Good morning, from The Boys ☺️Maaga na Naman silabg gumising kanina kayan napabangon na din akong maaga. Walang bago sa mga gagawin, ganon padin n😁 Share ko lang tong kakulitan Mila habang nagluluto ako. Ayan ,ganyan sila kakulit lagi.
Second breakfast and meryenda na din. Naka-line up na din ang lulutuin ko para sa lunch at dinner😁. Ganito po ako minsan basta night shift ang asawa ko, nonstop ang kusina namin kaya ang modular class namin ay 4pm to 8 pm na at mas okay sya sa mga bata.
Did you see that? Gosh! The kids picked those leaves from my pothos plant and peace lily. 🙄Hindi ako natuwa Kasi yung mga bagong dahon ang kinuha nila. Stan pa Naman lumalabas ang mga bagong dahon. Dinikit nila sa learning space nila. Kaya pala yung isa kong anak naririnig ko Sabi nya hindi na daw sya galit sa halaman ko, yun pala pinitas nila.
Mangot pa more, hanggang pagtanda mag aaral padin Tayo kaya i-enjoy mo nalang ang pagkabata mo habang nag aaral. Puro aral at laro lang Naman kayo. Saka ko kayo bibigyan ng nga duties kapag mga binatilyo na kayo. Kaya mag adal kayo, maglaro okay din lang.
Teacher naman tayo sa hapon. Habang nagtuturo ako sa panganay ko, yung dalawa hinayaan ko munang maglaro. Titigil kami ng 6pm para kumain Kasi nakaluto na ko. At 6:45 pm tuloy ang modular class at titigil kami ng 7:30 pm para magprepare Naman para matulog.
Good evening, maghapunan muna kami tapos patulugin ko na sila. Dapat hanggang 7:45 pa silang mag aaral pero ako na ang sumuko hehe..naglaba din Kasi ako kanina kayan medyo masakit na ang likod ko. Sabi ko nga, pinapakiramdman ko talaga ang sarili ko kaya hindi na ako katulad dati na kahit oras na ng pagtulog di parin ako tumitigil. Ang hirap Kasi magkasakit lalo na kapag may mga kasamang bata.
Nagpapatulog na ako ng mga bata. Akala ko makakapagpahinga na ko, hindi pa pala. Ang dami kong ligpitin sa kusina. Saglit lang nagkalat ang mga bata, grabe talaga sila Parang mga ipo ipo ah. Isang daanan lang sabog lahat.
Ano ba tong mga sulat ng anak ko, Hanggang Ngayon nagsulat padin sya ng pangalan nya na paatras. Yung mag uumpisa sya sa kanan pakaliwa tapos baliktad lahat ng letters nya.
Excited na kami kahit kinakabahan ako. Pero kinakabahan ako dahil mga hikaon ang mga anak ko. Yan na dati pa yung iniisip ko kahit wala pang COVID. Pero ganon talaga, good luck sa ating lahat.. https://mb.com.ph/2022/03/02/deped-4372-public-private-schools-hold-face-to-face-classes/
Good job din ang Kindergarten ko akala ko di sya marunong magbasa Kasi ayaw nya talaga. Pero nung tumawag ang teacher Niya at nag online class sila sinabihan sya ng teacher ng di i-end ang call kapag di nagbasa,ayon nagbasa say ng pantig😅 puro laro Kasi ang gusto eh.
Try ko ulit to, alam ko yung juice na pinamimigay sa kinder kalamansi yun na nilagyan lang sweetener. Ako honey ang sweetener ko dito. Para sa mga bata. Di ko Kasi alam kung yung mga vitamins nila baka dun talaga sila allergic.
Ayan, ang mga anak kong nag uumpisa ng mag aral, natututo haha! Natatawa ako, jusko Lord! Sabi ng bunso ko si Kuya nya daw ay Yamang-tao dahil Isang mangangaso daw. Bakit mangangaso? Eh nag aaral palang sila at mga bata pa. Ang tinutukoy niyang Kuya yung Grade 1 lang. Diba ang mangangaso nanghuhuli ng mga hayop sa gubat? Dahil lagi silang naghahanap ng ipis ang tawag pala nila sa mga sarili nila ay mangangaso at hayop daw yung ipis na hinuhuli nila at isa sila sa mga…
Antagal kong hinintay ito, pero Ngayon nakatyempo ako ng mga free vouchers para sa SpayLater. Pay Later ulit ang ginamit ko pero 853 lang lahat babayaran ko. Malaki yan na-discount ko dyan Kasi free sf voucher at 10% off voucher ng SpayLater gamit ko tapos may 50pesos off pa sa shop at Shopee coins.
Kung ano ano nalang naimbento ng mga anak ko😅 nakakatuwa kapag mga ganito ang gawa nila. Tapos ayaw nilang itapon andami dami na nilang mga anik anik dito. Naisip ko tuloy ano kayan kung gawan kong article to tapos kapag may bayad sa readcash reward ko sa kanila😅.
Sobrang hindi talaga pwedeng gumawa ng article kapag gising ang mga bata. Ang article ko ay ginagawa ko kahapon pa pero Hanggang Ngayon di pa tapos. Simple lang Naman to pero di ko matapos tapos😅 stop muna talaga ako. Mamaya ko nalang itutuloy kapag natutulog na sila. Huwag lang akong hihiga at baka mapublish ko accidentally na hindi pa tapos😅
Face-To-Face Class is approaching, are you excited, I am! Not just excited, but also a bit worried. https://read.cash/@gerl/face-to-face-class-is-approaching-im-excited-and-nervous-e989143e Image from Unsplash 👌
Past 6 na ng umaga, kagigising ko lang Kasi tulog pa ang mga anak ko. Ang lamig dito sa labas, nagmumuni muni muna ako habang nagkakape. Sana Mamayang tanghali pa sila magising, joke!may mga online class sila Ngayong araw simula umaga Hanggang hapon kaya busy muna kami..
Good morning mga bata, maaga pa ah, pero bakit parang last hour na ng araw na to😅. Habang nagmamadali ako sa mga gawaing bahay Kasi nga may online class sila simula 9am, sila Naman nagkalat na ng nagkalat. Baka sinusulit na nila Ngayon Kasi mamaya Hanggang hapon ang online class. Good luck satin kaya natin to.
For lunch... Mag start na ang online class nagluluto pa ako. Yung mga anak ko nag takbuhan na sa labas😅 Bahala na sila, iisa lang ang katawan ko. Nakalimutan ko yung photo 😅😅😅😅naloka na, Ayan na di halatang taranta.
Eto na, malapit ng maluto ang aking nilagang baboy. Buti nalang di gumana yung laptop ni teacher kaya na move ang oras ng online class ng 10:30 am 😅, sorry teacher, busy pa kamung mga nanay.
Lunch na..ang aga kong pakainin sila Kasi starting 1 pm busy na, wala na dapat mga excuses ☺️ Ang sarap ng luto ko, mas masarap pala lagyan to ng pamintang mga buo. Nakadagdag ng lasa sa sabaw ang mais. Medyo matamis yung repolyo.
Kumusta Naman tong halaman na to, mag 1 year na Ngayon palang sumibol tapos ang bansot pa grabe hehe, ang cute. Siguro dahil ang liit din ng paso nya. Ganon din yung alocasia ang liit.
Katatapos lang namn ng online class. Reading na din sila ng pantig na da, de, di, do, du. Mahirap magturo kapag ayaw ng bata. Hindi talaga sya titingin sa tinuturo kapag ayaw. Pero dyan masaya say dahil nag umpisa sa mga katawan muna at sounds. Pinakahuli ang pagbabasa.
Nakakataba ng puso hehe😍. Ito kasing anak ko na Grade 1 na ayaw talaga mag aral kayan hindi marunong magbasa dati. Pero hinabaan ko pasensya ko talaga sa kanya. Tapos kahapon kinumusta ng teacher nya kaya Ngayon nagpasa ako sa kanya ng video na nagbabasa ang anak ko. Akala ko sobrang late na tong anak ko. Hindi daw pala. Ayan ang sarap sa pakiramdam na yung tinuruan ko magbasa natuto sya. Ngayong 3rd quarter ang tinuturo ko Naman sa kanya ay addition at subtraction na…
Happy Saturday💚💚💚 Kakabangon ko lang, pero kanina pa ako gising. Ang energetic ng tatlong ito. Hindi pwedeng pahila-hilata ang mga kasama nola Kasi di rin makakatiis, haha! Pati higaan mo ay kasama sa laruan nila. Sarap magkape, ang lamig dito kahit may araw na. Magluluto lang ako tapos start na ulit kami sa module. Walang linis linis ng bahay. Konting tiis na lang Naman at mag face to face classes na. Makakapaglinis na ako araw araw nito.
Nagluluto na ulit ako para sa lunch. Kumusta Naman po kayo? Di ako makapagreply pero nagbabasa po ako 🙂. Magluluto akong sinigang na mga gulay at hahaluan ko ng bangus hehe... Mas Marami kasing gulay yan tapos ang bangus sakto lang samin tig iisa kami Kasi matinik yan di Naman Mila inuubos. Masustansya padin yan..
Sinong nakaranas nito???😅 Gay naku ang sakit kayan niyan. Nakita ko kanina ang mga anak ko naghahabulan at tawa ng tawa, yun pala nakakuha sila ng rubber bond at nagpipitikan. Jusmio! Ayoko ng mga ganyang laro mamaya sa mata matamaan ang sakit niyan.
Nakakagutom, bigay lang ng kapitbahay kayan bitin hehe. Gustuhin ko man magluto kayan lang walang maluluto dito, puro isda at gulay lang ang nanditom nakakagutom!
Puro laba ang nagawa ko Ngayon, walang modular class. Wala sa mood ang nga anak ko, gusto lang nila maglaro kaya hinayaan ko nalang. Ngayon nagluluto na akong pang hapunan. Gusto ko silang matulog ng maaga mamaya dahil pagod ako. Gusto ko nang humiga kaya lang tambak pa ang Gawain, kaya matulog sila mamaya ng maaga dahil kaya ko pa mag readcash habang nagpapahinga basta tulog ang mga bata.
Hapunan na!!!! Maaga kasi patulugin ko ang mga bata ng 7:30 pm. Galonggong ang ulam namin at tirang gulay at sabaw kaninang tanghali. Haggard ang momshie haha! Maliligo pa ko, para fresh sa pagtulog mamaya. Yung mga anak ko natahimik na sila. Bakit daw matutulog agad haha, bahala sila basta matulog agad sila.
Hay salamat!!! Pa-hinga Naman dito 😅 ramdam niyo ba ang pagod? Sabi ko sa panganay ko aya na ang bahala mag ligpit ng mga kalat sa kwarto, sabay latag na rin para matulog na sila. Wala Naman silang magagawa kapag pinatayan ko ng ilaw. Kahit Ngayong gabi lang, Kasi kailangan ko ng pahinga talaga dahil bukas itutuloy ko pa ang mga gawaing bahay, pagkatapos madaliang check ng worksheet ng kinder ko Kasi ipapasa sa Monday.
Dahil nasira ang schedule ko Ngayon, manunuod nalang akong horror movie. Di ko sila kayang patulugin Ngayon, nagtatawanan pa hehe.. kaya eto paisang movie muna ako.
Hot choco milk😍 Ang sarap pala, nasanay Kasi ako sa kape. Pero sure yan, kahit na naubos ko na to maghahanap padin akong kape. Nasasatisfy Kasi ako sa kape talaga. Tara samahan niyo ko mag gatas 😅 hindi ako sanany
Thank you to you , thanks for blocking me sa readcash😍I'm still writing, mas okay na yan block niyo nalang kesa downvote kayo ng downvote. Happy na siya niyarn sa ginawa Niya. Nalaman ko Kasi nagbabasa ako ng articles kahit hindi ako nagcocomment😅 at hindi rin ako nambblock, Happy Sunday! Mamaya modular class ng mga bata, tapusin ang nga dapat tapusin dahil bukas, Monday ay panibagong Gawain na Naman.
Preparing dish for lunch...alam na yarn kung bakit lagi akong maaga dyan. Kasi may gagawin kamung hindi pwedeng maya't maya ay titigil, mabilis umayaw ang mga bata. Kayak bago mag umpisa sa klase dapat nakaprepare lahat. Good morning ☀️
Nareciv ko na yung order ko na multi-rice cooker ng Gaabor gamit ang Pay Later sa SpayLater. Balewala yung interest na 3% Kasi binayaran ko din ng full pagkareciv ko ng item plus may 20% cashback. Sulit lalo na at inorder ko say nung PayDay Sale.
Tapos na kami kumain, hehe kayo ba? Pero nagrereklamo ang anak ko dyan sa ulam na yan. Di daw sya busog kaya kailangan ko daw bumili ng tinapay 😅 nakakabitin talaga kapag gulay lang ang ulam Kasi di yan mabigat sa tiyan
Everyday is family day!!! Wala namang nabago sa aming day hehe..mas Marami pa nga akong ginagawa tuwing Sunday pero wag daw stressen ang sarili kaya gawin natin itong fun day!
Habang tulog pa ang mga bata, kape muna tayo habang pinagpapatuloy ko ang article ko sa readcash. Ngayong araw pa Naman yun haha, tapos di ko pa natatapos. Pang Sunday na article yun. Hirap din Kasi ako gumawa ng article.
Kakain palang kami, Parang mga kiti kiti ang mga bata habang nagluluto ako haha! Excited sila sa patatas lang talaga, kainis haha! Bukas gulay Naman lutuin ko sa kanila mas okay daw nguyain kesa sa karne. At syempre masustansya at tipid☺️
Good morning! Nakahanda lahat para nakaschedule na mga activities ☺️. As usual, modular classes at online classes. Sa Ngayon, habang nag aasikaso ako ng almusal binigyan ko munang kaniya-kaniyang Gawain yung mga bata para walang mag iingat at hindi sila magulo. Hindi nakapasok sa trabaho yung asawa ko Kasi di say nakatulog kagabi dahil sa kwentuhan ng dalawa kong anak. Mabuti nalang di sila napalo. Pero nandito lang Naman ako nagmamasid. Basta nandito ako binding hindi sila…
Share ko lang to, ilang araw na ako kinukulit ng pangalawa kong anak na bumili sa Macdo Kasi marunong na daw sya magbasa. Nung Isang araw, tinulugan Niya talaga ako dahil dyan. Ayaw na ayaw nila ang natutulog sa hapon pero nakatulog sya dahil ayaw ko daw bumili sobrang gutom na daw siya. Haha kaloka magtampo natutulog.
Ang dami ko ng ganito paano na to kapag dumami ng dumami haha! Hindi rin pala maganda na Marami Kasi gumagapang nga sya. Kahit lagyan ng coconut pole ay may hangganan padin ang gagapangan Niya. Hindi talaga ako pwede maghalaman dito dahil ang space lang namin ay harapan ng apartment haha! Natatawa ako Kasi saan ko na sila pagagapangin.
Tuwang tuwa ang mga pangit sa milk na galing sa school. Para lang Sana yan sa bunso ko lahat kaya lang di papayag yung dalawa na sila wala haha! Lasang Dede daw yung gatas haha! Kaya nasarapan sila.
Antok na antok ako, mukhang sira ang schedule ko kaya kailangan kong magkape. Napuyat din Kasi ako kagabi kakahanap ng recovery phrase ng PVU ko. Nahanap ko sya kaya nakakapaglaro ulit ako. Pero pakiramdam ko susukuan ko na sila dahil di ko na kinakaya Parang di ko na maeenjoy ang buhay hehe.
Gandang gabi! Ano na? Grabe ang araw na to para akong lasing sa kaantukan. Wala talaga akong nagawa pero di rin ako makatulog ang magulo ang mga bata. Kapag pinapabayaan sila, mas magulo Kasi sinasamantala nila yung walang nakatingin sa kanila at walang nagsasaway. Kaloka kapag ganito ang pakiramdam. Bukas aagahan ko Kasi maraming ligpitin.
Good night sa lahat! Pahinga Naman, ilang araw na din akong nakaramdam ng antok 😅. Di ko alam kung dahil sa vitamins ko Kasi di Naman ako laging puyat. Ilang araw ko na tong nararamdaman at di nakkatulong Kasi di ko magawa ang ibang gawain. Samantalang dati sabay sabay ko pa yan ginagawa pero Ngayon paisa isa nalang.
Good morning ☕ Maagang maaga Tayo Ngayon Kasi kahapon humiga lang ako maghapon kaya maraming ligpitin. Mag uumpisa na ko habang tulog pa ang mga bata. Parang nagigising na nga yung isa, Sana huwag muna😬
Gandang umaga! Maglalaba Tayo Ngayon dahil napakaganda ng araw. Ipagpapalit ko muna ang mga modules ng anak ko sa labahin ko haha! Mabubulok na Naman Kasi haha! Total mainit Naman kaya maglinis at laba Naman muna ako.
Coffee break muna Tayo, yung kapatid ko bigla nalang sumulpot walang pasabi. Istorbo, dapat maglilinis ako ng maaga, napatanghali tuloy. Tapos mamaya babalik pa sya kaya ititigil ko din ulit ang paglinis Kasi magtsitsismisan kami haha! Busy din Kasi sya sa work kaya Minsan lang talaga sya makabisita. Kaya magkape ako Kasi kailangan ko na Naman ng lakas mamaya.
Hay salamat, nakaupo din sa wakas! Kaya lang dipa tapos ang Gawain ko. Pabalik na ulit ang kapatid ko kaya tumigil na muna ako. Nakapagligpit Naman ako ng konti kahit hindi talagang linis. Pasensya na kayo, busy pa ako pero mamaya gogora ako dito. 2 hours more, pwede? Haha!
Super late lunch, ang sarap! Pepper Roasted chicken. After lunch chill chill nalang muna kami Kasi nakakapagod at napakainit. Hindi ako nakalaba, basta grabe Kasi daming gagawin talaga.
Ang mga batang to nagpabili ng bedsheet na doraemon pero ang hirap patulugin at ayaw nila humiga dyan sa pwesto ni damulag. Parang mga baliw haha!
Kalat pa more 😬 di ako napapagod. Kulang pa ang kalat niyo mga bata. Dagdagan niyo pa Kasi wala Naman akong ginagawa kayan nga pakiramdam ko nalutang na ako eh. Sobrang galing talaga, mga behave sila at ayaw nila magkalat. Sana dagdagan pa nila. Naku pag narinig nila ako na ganyan ang sinasabi ko biglang ligpitan yan ng mga kalat nila.
Share ko lang tong Organic Shampoo and Conditioner Gugo. Ittry ko Kasi naglagas talaga ang buhok ko at nagddry na. Gusto kong bumalik sa dati na walang rebond rebond na gagawin.Sa Shopee ko nabili sa Shopee Mall @beorganic_bathandbody . Lahat ng product nila ay Organic. 359 pesos yung dalawang item na magkasama na Shampoo+conditioner, 250 ml per bottle.
Ang aga na Naman natin. Nagluluto na ko ng almusal dahil may nauna na Naman Gumising sakin. Ngayon eto muna kami nakasilip sa labas ng may star na Naman na malaki at ang tawag ng anak ko ay diamond. Pinaglalaban Niya ang diamond Kasi yun daw nakikita niyang shape. Syempre wala na sa pic Kasi in-edit ko na hehe.. Good morning sa inyong lahat. Kahapon di ko naramdaman ang noise pero Ngayon ay sisikapin ko.
Anong ibig sabihon sainyo ng workaholic? Isa ka ba sa workaholic? Ang alam ko Kasi sa pagiging workaholism ay yung nagwowork excessively, kahit Naman di sya gipit, di nya masyadong kailangan ng pera pero hindi nya maiwan ang trabaho Niya. Samantalang yung iba Naman na nagwowork din ng sobra sobra ay malaki Kasi ang pangangailangan sa buhay. Siguro dun ako sa malaki ang pangangailangan😁 pero hindi ako workaholic.
Egg and moringa leaves 🍀 Kakain palang sila dahil kumain na silang tinapay kanina at uminom ng gatas. Nakapagligpit sila ng disoras kanina Kasi napakaaga na Naman nagkalat. Ayoko Kasi ng ganon yung kwarto nila Kasi madumi na nga ang kusina dagdagan pa ng kalat sa kwarto. Hindi lahat ng oras tinotolerate ko sila sa kalat Kasi makakasanayan nila yan lalo na kapag mga binatilyo na yan.
Kumusta ang panahon sainyo? Kanina Kasi maaraw na maaliwalas. Ngayon medyo umiba ang kulay ng ulap at may kaunting ambon pero may araw. Kaya wala munang lalabas na mga bata, iba ang panahon. Ngayon habang nanunuod ng nga educational videos ang mga bata ay tahimik man sila kaya sinabawan ko na din ng pag gawa ng article. Pa 3 days ko na tong ginagawa hindi natatapos Kasi walang spare time para dito. Ngayon ittry ko ulit.
Labanan, natin ang antok nang matapos ang mga ginagawa. Tulog ang mga bata pero dahil walang ingay, eto Naman sobrang antok ko. Sana 3pm mapublish ko ang article na ginagawa ko dahil kapag nagising na sola, malamang di ko na Naman to matatapos.
Kanina pa kong nakaupo lang, ang sakit ng C-Section ko. Sa loob mismo. Baka dahil to kahapon nagbuhat ako ng mineral water Kasi yung binilhan ko may costumer sya sa shop nya di nya agad mahahatid kaya ako nalang nagbuhat. akala ko pwede na Kasi 5 years na eh.
Kakain na kami noisers ☺️ oh, paalala na din ito sainyo na kumain kayo sa tamang oras, busy ka man o hindi. Huwag natin hintayin lagi na huli na ang lahat bago tayo kumilos. Since nasa 30s na ko, mahigit... nakakaramdam ako ng mga signs, kaya nag iingat na ko. Kayo lalo na yung mga bata pa syang, habang bata pa mag iingat na kayo. 🙂
Pak! Gaganda ng tatlo kong barako 😅 grabe ang tawa nila dyan hahaha! Pero Sana talaga nagkaroon ako ng girl Kaso wala Naman magagawa haha! Yung isa kamukha ng papa Niya, pero yan dalawa kamukha ko😅
5:22 AM ☕ Nagpeprepare na naman ako para sa mga nakaschedule mamaya na online classes ng mga bata. Ang aga hehe, after lunch Kasi walang tayuan sa upuan, derederetso na Naman kami sa classes kayan Ngayon palang tapusin na ang kailangan matapos bago mag 12 nn.
Good morning 🌻 Eto nga pala ang anak kong laging napakaaga Gumising. Siguro kung di sya gumigising ng maaga ako hindi rin magigising ng maaga Kasi hindi ako nagigising sa alarm clock ko. Pero kapag ganitong oras gising na talaga silanng lahat niyan.
Jolly Spaghetti 😍 Yan ang almusal naming kanina Kasi kagabi walang dalang ulam ang asawa ko kaya nagsend nalang sya sa Gcash ko at maghapon kaming food Panda. Bahala sya. Natamad na Naman kasing dumaan palengke. Ang totoo nyan hindi ako nakakain niyan Kasi pinauna ko ang mga anak ko. Inubos nila tatlo lang Naman silanng maliliit pa haha!
Ano kayang iniisip nitong Isang to. Pikon na pikon yan sa dalawa niyang kapatid kaya ayaw niyang pumasok sa loob ng bahay. Kagabi pa nga say asar Kasi gusto Niya ng matulog kayan lang naingayan sya sa dalawang kapatid. Nag iiba na siya, feeling binata haha!
Taba na yarn 😅 Hay naku ang noo ko ang lapad na kakalagas ng buhok 😅 Good afternoon, nagpapatulog ako ng mga bata Kasi maglilinis talaga ako Ngayon. Di ko na mahihintay ang Linggo, tambak pa ang labahin ko.
Behave sila, ang tahimik kayan pinuntahan ko na ng kwarto. Ayon na Naman, kung ano ano pala ang dinadrawing. Okay na yan, basta tahimik. Mas okay na sakin Ngayon na magkalat sila, ang ayaw ko sa kanila Ngayon ay ang nag asaran Kasi yung pangalawa kong anak nananakit sya.
Sarap tumambay sa labas, ang sarap ng hangin. Kaya lang hindi tambay to, nagsasampay akong mga damit🙂. Mamaya magpupuyat ako para sa ibang gawaing bahay.
Kagigising ko lang, grabe yung antok ko. Kakain palang kami ng hapunan dahil nakatulog ako. Okay lang yun Kasi puyat Naman ako mamaya. Buti nalang walang pasok ang asawa ko bukas, sya ang maglalaba dahil tuloy padin kami ng nga anak ko sa usual na ginagawa namin.
Goo morning, kulang Kasi hindi Naman talaga haha! Di ko maintindihan Kasi bakit ba laging nagsasabay sabay sa Isang araw ang online kamustahan ng mga to, palagi tuloy di nakakaattend ang Isang kasabay. Modular class Naman eh, dapat di sila sabay sabay, buti nalang kung walang grade, hay naku. Di maiiwasan di magreklamo kahit sa isip nalang Kasi nga Naman hay naku talaga.
Online Class... Reading English and Filipino, Question and answer. Mahigpit ang teacher pero maganda Kasi macorrect talaga ang mga mali. Isang mali, uulitin lahat. Mamaya Kindergarten Naman, 2 pm kayan non stop kami Ngayong araw na to.
Katatapos lang namin sa online classes. Ayos Naman, new achievement Naman ng kindergarten ko, marunong na sya magbasa ng CVC. mga english word na may consonant vowel consonant (cvc). Kahit papano, tanggal ang stress kapag yung kapalit ng makalat na bahay ay may natutunan ang bata.
Ito yung account ko sa PVU na narecover ko na. Kaya lang halos wala na akong oras magbukas ng mga ganito. Ngayon ko lang ulit nabuksan after ng online classes ng mga anak ko. Nagtry din ako kanina sa readcash kaya lang di ko magawa ng maayos at maingay at maraming istorbo. Mamaya try ko ulit, Sana makagawa ako. Dito sa noise kahit panu nakakapost ako Kasi mga short post lang pero hindi ako nakakareply na sa mga comment.
Taob ang mga superheroes na to sa papa nila. Kapag papa na nila ang nagsaway wala silang magawa kundi ang tumahimik at umupo nalang. Takot sa papa. Wala ng bond paper kaya mga art paper na ang inuubos nila. Di na talaga muna ako bibili Kasi kahit pa arts yn kung kailangan magtipid dapat magtipid at di Naman sa lahat ng oras at makakabili ng mga ganyang bagay.
Natapos ko Naman yung sa readcash ko, mabilis lang Kasi about lang Naman to sa experience ko bilang Isang readcash user sa mahigit Isang taon. Huwag niyo Naman i-downvote 😅 okay lang ignore basta huwag downvote, baka Kasi may negative effects madedepress ako nyan😅 https://read.cash/@gerl/readcash-journey-i-started-from-the-scratch-and-im-still-at-it-0cf62e62
The fear of rejection is a powerful fear that often has a far-reaching impact on our lives. Most people experience some nerves when placing themselves in situations that could lead to rejection, but for some people, the fear becomes overwhelming. https://www.verywellmind.com/what-is-the-fear-of-rejection-2671841#:~:text=How%20do%20you%20know%20if,where%20you%20might%20be%20rejected. May ganito din Ba kayo nararamdaman? Totoo ito, may mga taong ganito. Dapat pala hindi ito…
Good morning noisers 🙂 sign to na magandang araw Ngayon. Ang sarap sa balat ng init, eto kami nagpapaaraw Naman. Saturday Naman Ngayon, kahit ilang minute tatambay muna kami sa labas.
Itsura palang halatang may nang aasar at may napipikon na haha! Yan pa Naman pikonin na yan talagang nanununtok yan. Kanina yung Kuya nya ini-English Niya na. Kayak naisip ko seryoso ba syang nagagalit sa Kuya Niya? Seryoso Naman pero na english habang nakikipagbangayan sa Kuya Niya, haha!
Bago kami mag uumpisa sa modular class, kaunting time muna para sa pagbabasa ng gabay sa mga magulang at mag-aaral pati na din sa mga guro. Paghahanda na rin po ito para sa darating na face to face classes ng ating mga estudyante.
Division at multiplication na kami ng Grade 2 ko. Okay Naman yung pagkaintindi nya. Alam Niya kung paano ang gagawin kapag mga malakihang numbers na ang ide-devide pero hindi nya pa memorize ang iba sa multiplication table. Laging magkasama yang multiplication at division eh. Konting practice pa sa pagsagot na sa isip lang Kasi alam Niya Naman kung paano magsagot ng division.
Evening na pala di ko namalayan. Di parin Kasi kami tapos ng Grade 2 ko sa ginagawa namin. Medyo nakakapagod itong 3rd quarter nila sa Homeroom guidance. Pang parents yata ang mga questions sa answer sheet. English Kasi tapos about Community at Covid-19 ang mga tanong. Nasasagutan Naman pero kapag gagawa na sya ng sagot sa mismong worksheet kailangan kong turuan Kasi English carabao pa Naman ang mga sagot nya Minsan hindi pa akma sa tanong. Parang halos lahat essays ang…
Di pa kami tapos, nagpapractice pa ang Grade 1 ko ng addition at subtraction ng groupings. Marunong na Kasi aya magbasa kya sa Math ko Naman siya sinasanay. Bago man lang ang face-to-face classes dapat alam Niya na lahat yan.
Exciting to sa mga gusto ng face-to-face graduation. Good luck sainyo, kami hindi na muna kahit meron din kami. Ang end school year ay June 24 na, mas pinaiksi talaga nila Ngayon kayan siguro saamin Parang nagmamadali yung mga teachers sa mga modules. Pero ayos lang yan, ang paghandaan talaga natin ay ang face-to-face classes. Excited ako para sa tatlo kong anak kahit alam kong mahihirapan din ako sa kanila. Gusto kong makita kung anong mga pagbabago kapag nakakalabas na…
Sana all tumatayo kahit di na kaya...Syempre kailangan natin yan. Lalo na ang mga namarangkiwal na haha! Para kalang naglalaro ng games na maraming quest para makarating sa pinakamataas na level. Diba????
Ayan na Naman Tayo haha! Magsasawa na Naman kayo sa mga post kong ulam. Pasensya na... Gusto lang kumita...pero paminsan minsn mag ulam kayo nito dahil sobrang masustansya din yan, wag lang palagi at baka mahighblood kayo.
Kagigising ko lang. Di namin natapos ang modules Kasi paghiga nagising nalang ako also 4 na hehe. Tapos andami ko panaginip, ipapasa na bukas yun pero di natapos. Hayaan na at di na kinaya. Kape muna ako Ngayon habang nagluluto na ng hapunan. May isasampay pa ako damit na nilabhan ko kanina bago ako nakatulog.
Paborito ko tong pagtripan kapag natutulog😅 ang taba ng pisngi nyan sa personal pero di Naman say ganon kataba. Lagi kong napagtitripan habang natutulog, asar na asar. Kapag di namam tulog naiisip nya niloloko say kay damulag kapag hinhawakan ko ang pisngi haha! Mamaya di yan tatabi saamin pagtulog Kasi alam nya pagtitripan na namn siya😅
Gumagawa ulit akong article sa readcash. I-share ko yung sa tingin ko ay huge achievements despite of Pandemic na akala ko katapusan na ng mundo pero hindi Naman pala. Palakasan pang ng loob at depende rin sa mindset natin.
Nag announce na din saamin ng about sa face-to-face classes nila. Akala ko kasama ang anak ko, hindi pla. Saka di pwede samin na hindi pare-pareho Kasi kailangan sama sama lang talaga kami dahil di Naman pwedeng may maiwan sa bahay na walang kasama.
So many of us are overthinkers, especially when things are uncertain and I'm one of them. Rather than worrying, maybe the easiest path forward is to shift our perspective. We can choose peace, but it must start on the inside.
Magandang umaga, gising na kami. Ang aga nila magising, handa na talaga sa face to face classes ang mga anak ko. May mahinang lindol kanina, 5:07 am. Mabuti Naman at mahina lang.
Behave sila Kasi nasa harapan mismo sila ng bahay ng may-ari ng apartment at natutulog pa ang mga tao dito. Ako Naman ay nagdidilig na ng mga halaman habang naghihintay ng maghahatid at kukuha ng mga modules. Nagdecide kami na sa darating na school year 2022-2023 nalang sila aattend ng face-to-face classes para magkakasama lang kami araw araw.
Katatapos ko lang maglaba, ito ang inabutan ko sa kwarto. Ang tahimik lang nila, kasi nag gugupit gupit na naman pala sila, at pinatulan nila yung karton na makakapal. Di ko muna Kasi sila binigyan ng mga arts supplies Kasi nasasayangan ako. Gamitin nalang nila yung kapag nag school na talaga sila at magastos ah.
kakain muna kami ☺️ pagod na ang katawan ko pero kaya pa. Sakto lang, Kasi after kumain uupo na kami para sa modular class. Pero patulugin ko muna ang dalawa para hindi makadgadag sa pagod ang istorbo ng dalawa hehe, si panganay muna ang magmodule Ngayong araw, half day lang Kasi naglaba ako kanina.
Ang cute, napakaliit lang niya. Nagkaroon din akong sariling earphones, from Baseus. Okay Naman ang tunog niya katulad din nung sa asawa ko pero Mahal yung sa kanya ,samantalang ito nabili ko lang ng 499.
Throwback ng dalawa kong anak. Ang tataba pa nila dyan. Yung away bati sila dyan noong maliit pa si bunso. Hapon na Naman, stop muna kami sa module Kasi magluluto na ng hapunan ang inday niyo ☺️. Napadaan lang talaga ako dito.
Good evening dahil kahit pagod may masarap Naman na pagkain.enjoyin munannamin ang pagkain bago ako babalik dito, halos di ko nga masilip ang notifications.
Nakatulog na ko, kaya lang nagising ulit ako at nagkkwentuhan pa ang dalawang bata. At di talaga sila pwedeng tulugan Kasi kung ano ano ginagawa kapag walang bantay. Minsan iniiwanan nilang nakabukas ang ref, Minsan Naman in nuubos ang body wash nola sa cr🙄 Kaya di talaga sila pwedeng tulugan na gising pa sila.
Past 12 na pala, nagkape pa ako. Ngayon lang to, pinipilit kong mulat pa kasi may ginagawa pa ako. Ayokong ipagpa-bukas pa Kasi walang katapusan na yan. Kailangan paminsan Minsan mag overtime para makaabante Naman ☺️.
Ang aga noh,☺️. Umaayos ko lang ang kanilang mga gagawin mamaya para hindi ako hanap ng hanap. Pinagsama-sama ko na ang gagawin ng tatlo kong anak na mga modules at worksheets para sa araw na to. Kasamasa na din dyan ang mga materials na gagamitin. Kapag di ko piniprepare ang mga yan bago ang oras na gagamitin na, natatagalan ako sa paghahanap palang ng mga gagamitin nila. Kasi kapag nagising na sila, agad agad yan ang hahanapin nila mga color, lapis, ballpen, papel o kahit…
My biggest Achievement During Lockdown: Being a teacher of my three little tornadoes. Kung gusto niyo po mabasa, just click this link. https://read.cash/@gerl/being-a-home-teacher-my-biggest-achievement-during-the-covid-19-lockdown-92b4311c
Sila padin😅😍 pagbigyan niyo na Kasi sila lang Naman talaga palagi kong karamay sa lahat ng oras kahit saan kahit kailan. Naiimagine ko na sa darating na School year 2022-2023, araw araw kaming magkakasamang aalis ng bahay pala papuntang school 😅. Magbabaon nalang kaming pagkain Kasi makakapoy yan sila kung mag uuwian kami.
Tagaktak ang pawis, sarap! Liligo palang kami Kasi nagpapawis pa talaga muna kami sa labas. Ayan ang Sarap ng hangin kahit maaraw. Pero sa loob ng bahay talagang napakainit.
DI ko namalayan ang oras, mag alas tres na pala. Humiga lang Naman ako saglit Kasi pinatulog ko ang bunso, aba, kagigising ko din lang haha! Umulan ba Naman habang umaaraw, e di natranta ako sa pagpasok ng mga sinampay ko. Pasaway nakisama sa mga anak ko haha!
Kape lang sakin, ayokong kumain ng kahit ano. Sa mga bebe yan, good afternoon! Nanunuod muna ko ng Dark Harbor. Parang ang maganda sya. Medyo boring na thriller.
Kung gaano kagulo to, yung utak ko ganon din 😵Busy padin Kasi kami. May naisip ulit akong paraan ng pagturo sa pagbabasa para di sila nakakalimot. Gagawin ko yun kapag naubos ko na ang labahin ko at nakapaglinis ako ng bahay, siguro after Holy week. Excited ako sa gagawin ko ,alam kong matutuwa din sila.
Ang sarap balikan ng mga picture nung nakaraan 😅 yung sobrang labo pa ng mga cam, tapos kapag may filter Naman ang labo padin. Kanina pa ko tumitingin sa mga pics naming dati tawang tawa ang nga anak ko, Hanggang Ngayon tumitingin padin sila. Itong pic na to ay 5 years ago pa to.
Almusal muna, pero sa totoo lang yung mga anak ko 5:15 am nakapag almusal na sila. Ang aga talaga nila. Kaya nakakapag paaraw kami ng maaga Ngayon bantayan ko nalang sila para walang maingay.
Bulaga! Nung 2019 pa to na umuwi kamung bikol. Matataba pa sila dyan. Pero Ngayon hirap na hirap akong patabain sila. Yung panganay ko lang ang mataba Ngayon, yung isa tama lang pero bunso ko hay naku ayaw talaga tumaba.
Tuwing binabalikan ko ang mga photos nila sa nakaraan, nagiging mabait ako bigla😅. Namiss ko kasi ang pagkabata nila. Parang nagreremind ang mga lumang pictures na sulitin ang pagiging bata diba?
Gandang gabi ☺️ Makwento ko lang yung kwento din ng bunso ko. May pini-play Kasi ako sa kanilang video ang title "Ang Batang Magalang". Natandaan nila at ginagawa nila yun. Pero kaninang umaga pumasok dito sa bahay ang bunso ko na nangingilid ang luha Niya. Tinanong ko syempre kung bakit, natawa ako na naawa sa kaniya. Sabi Niya," mama , ayoko ng mag respeto sa tao." Hala, bakit? Yung matanda daw na nakatira kay lola ay nagalit sa kaniya nang sinabi nya na magmamano siya.…
Kain Tayo! Chicken lang yan, ang Mahal ng baboy. Maaga kami Kasi matutulog ulit kami ng maaga. Alam niyo Naman, lahat kami morning person dito.
Nagutom ulit ako, kanina pa Sana ako nakahiga.Sayang nga Kasi dapat natutulog na din ako dahil tulog na ang mga kasama ko kaya lang di ako makatulog pa Hanggang sa nagutom na Naman ako. Buti nalang may noodles dito. Tara Kain Tayo!
Hi, good morning noisers! It's 05:30 AM According sa napag-usapan sa meeting ng mga guro at mga magulang, Isang grade muna ang aattend ng face-to-face classes Ngayong buwan na to. Grade 1 palang, at piling mga estudyante lang. Pinili ng teacher yung mga hindi marunong magbasa. Next Month, yung Grade 2 at 3 Naman, pero hindi ko padin papayagan ang nga anak ko unless lahat ng tatlo kung anak ay papayagan mag face to face classes. Dahil nga hindi pwedeng may maiiwan sa bahay na…
Walang bago 🙂 Mainit ang panahon kaya walang bago sa daily routine ng karamihan. Sa umaga, warm up ng lalamunan, haha! Jusko Lord ang hirap pero grabe din talagang lessons ang natututunan kapag may mga anak na.
Tingnan niyo Naman ang ginawa ng batang ito. Ang tahimik Kasi nila sa kwarto kaya sinilip ko. Kulang pala ng isa at nakatakas. Naglalaro sa labas pagkainit init ng panahon tapos balot na balot talaga sya, jusmio, nakamaskara pa😅😅😅 di sya makaimik Kasi alam nyang mali sya dahil di nagpaalam na lalabas ng bahay.
Ang lakas ng ulan habang tirik ang araw. Huwag munang makalabas at sipon na Naman abutin nito ng mga bata. Nakakalagnat din yang ganyan na panahon.
Bitin sa tanghalian kaya nagluto akong itlog. Habang tulog ang nga anak ko kakain ako at magkakape. Dahil umulan, tutupi lang ako maghapon ng nga galing sa sampayan na mga nilabhan ko. Tulog ang mga estudyante ko. Mamayang hapon ang linis ng bahay kapag natapos ko ang tambak na tupiin.
Totoo ba yun na dumadami ulit ang Covid cases sa China??? Ayoko na niyan, lumalaki na ang mga bata, di nila naeenjoy ang dating normal na buhay. Nakakalungkot diba kung iisipin mo lahat ng mga nangyayari. Araw araw nagbabasa ako ng mga balita sa Google Kasi nakikibalita nga ako para kahit panu aware, pero yung nabasa ko mukhang di yun fake news pero ibang site Kasi yun. Kaya di ako sure.
Magandang gabi, pichi pichi Tayo dyan 😍wala eh, yan lang ang available. Ang mahalaga, nasatisfied ang sarili sa kinain. Mabigat to sa tiyan, ibig sabihon mahaba haba pa ang oras mamaya na gising ako.
Mukhang mamaya pa talaga ang gawaing bahay ko, gising pa ang mga bililit. Sobrang antok na ko, ayokong ipagpa-bukas ang labahin ko Kasi nakababad sya sa sabon 2 hours na. Ayokong nagbababad ng matagal eh. Pero eto na nga sobrang antok na antok na ko.
100% legit daw 😅😅😅naku pinagdaanan ko din yan pero 100% for free lang 😅 Sana all source of income kahit piso piso ano😅. Meron pa yung sa kili-kili eh, haha!
Magandang araw ka-noise! Happy weekend! Gandang ulit ng panahon, tapos sa hapon uulan. Sarap ipagpahinga. Pero Ngayong araw na to maraming akong gagawin. Sana lang di nakakastress, maghapon Kasi kaming mag modular class. Mas mapayapa ang buhay ko kapag maglilinis ng bahay kesa nagtuturo haha!
Paka-busy ni damulag, kaninang 3 am pa yan😅 sabihan ko lang yan damulag titigil yan dyan sa ginagawa Niya haha! Ayaw na ayaw kay damulag, panu kahugis Niya pero di say papayag talaga na kamukha nya😅😅😅
Movie time muna bago may umpisa ang online class ng anak ko. Sana matuloy para di masayang any pag aantay namin. Itinigil ko muna ang ibang gawaing bahay para makapagprepare kasi ang anak ko dahil Mathematics na naman ang subject.
Naku, wala yung mga bata. Nakatulog ako. Hindi talaga pwedeng tulugan kahit may 9 years old na king anak. Naglaro sila sa labas mabuti nalang at walang pumuntang gate. Dati madaling araw nagbubukas silang punto, yung madaling araw na disoras pa. Kakatakot, baka mamaya may ibang tao pala, kaya di talaga pwedeng aalisin ang paningin sa mga bata.
Absent siya sa Online Class nila 😢 Nagbigay kasi mg schedule si teacher mg 3 PM kaya ayon nag antay kami... Pero inabot na mg 5pm wala padin pero naintindihan naman namin kasi mahina daw ang internet sa school kaya uuwi pa sya sa bahay nila. Tapos 5:25 PM na nag start, di ko na maasikaso at nagluluto na ko kasabay ng pag lalaba kaya self study nalang siya. Ako nalang magtuturo kapag may time. May grades pa naman yung pag attend my online classes.
Di ko na namalayan ang oras past 7pm na pala. Nag aalala na Naman ako Kasi yung panganay ko masakit ang lalamunan tapos Parang sinisipon sya. Hindi ako sanay ng ganito Kasi di na sila nagkasakit ng katulad ng ganyan. Natandaan ko last ay yung 2021 pa na simpleng sipon at ubo lang. Baka nasobrahan na Naman talaga sila sa matamis. Sana Naman gumaling agad, dagdag iisipin ang sakit lalo na sa panahon ngayon
Papaalam na muna ako, bukas ulit Kasi may inaasikaso akong batang may sakit. Bahing say ng bahing baka talaga allergic to sa mga amoy Kasi simula kahapon ang amoy ng singaw ng lupa at yung sa Kanal dito ay ilumaalingasaw Hanggang Ngayon pati mga poops ng pusa kasama pa yung pabango at deodorant ng asawa ko ang tapang. May allergy Kasi kami sa mga amoy at alikabok eh, tapos araw araw pa yung itlog na ulam at mànok. Halatang allergy eh
"Good Vibes Only" isn't always a good thing, why? Kasi tuwing iisipin mo at pipilitin ang "good vibes only" di mo mailabas ang tunay na nararamdaman mo which is kailangan natin yan sa buhay, ang pagiging honest sa kung ano ang nararamdaman natin. Especially when you are in a rough time, need mong mailabas kung anong nararamdaman mo dahil makakatulong yan para mapagaan kahit papano ang nararamdaman mong bigat sa dibdib mo. Image: https://unsplash.com/photos/eOov7MDQzAk
Good morning! Multitasking is real talaga kahit Hindi ito good idea. Pero para sa katulad Kong at katulad niyong maraming gawain na hindi dapat ipagpabukas pa, mapipilitan tayong mag multutask ,☺️
Totoo ito, at maraming ganito saatin na mas mahal ang ibang bagay o tao kesa sa sarili. Galing na din ako sa ganyang sitwasyon pero lahat naman maaaring magbago. Isa kaba sa mga nakaka-feel na talo ka? Tanungin mo ang sarili mo kung bakit, marami kang marerealize..
Sobrang init ngayon, kaya siguro nagkakasipon kami ngayon dahil kahit sa gabi habang natutulog kami tagaktak ang pawis namin. Kaya maya't Maya pinapainom ko ng tubig ang mga bata. Pati hangin na galing sa electric fan at maalinsangan. Kapag ganitong panahon l, ang dami Kong labahan lalo mask maya't Maya ang bihis ng mga bata, nababasa ng pawis ang mga liked.
Imagine, sobrang init ng panahon tapos ito ang meryenda ko napakaanghang na ulam at napakainit na kape🤣. Ang sarap naman, kaya mamaya Hindi ako mapapagod nito sa tambak na labahin na kakaharapin ko.
Naalala ko nung nagwowowork pa ko nung dalaga pa ko tapos single pa ko, yan ang dahilan kung bakit excited ako palaging umuwi ng bahay,🤣 Samantalang ngayon, parang isang beses nalang ako makakain yan sa isang taon.
Atay kayo dyan ng manok ,😍 prito yan, aadobohin ko pa yan. Kaya prinito ko muna para Hindi malansa at higit sa lahat, para kumain ang mga barako dito. Pagalon ako, mama 3 batches ako ng labahin kasi kasama ang mga towel at beddings. Hindi pa tapos 🤣. After ko maligo magtutupi pa ako ng mga galing sa sampayan.
4th withdrawal ko na yata to sa ShopBack. Pinakamalaking mga cashback ko ay galing kay Food Panda. Di naman maeffort kaya okay lang kahit sobrang tagal bago makaipon ng 200 pesos ☺️. Salamat ShopBack at mga Online Store ☺️.
Gandang umaga, nilalagnat ang anak ko at lahat silang tatlo sinipon, naghawaan na naman. Napakainit kasi kaya kagabi niliguan sila dahil ayaw humupa ng mga pawis kahit may eleclctric fan. Dai sila makakatulog ng ganon, pawisan at malagkit na sa balat kaya niliguan ko pero ang tubig sobrang lamig. Bakit ganon kalamig ang tubig kahit sobrang maalinsangan ang panahon. Pag gising kanina may sinat na. Kagabi lang naman siya nahawaan sipon.
Ang kakaiba Kong bucket list, hehe...sans may makuhang aral yung magbabasa nito. Hindi kagandahang bucket list pero kahit papano naka-move on ako. https://read.cash/@gerl/i-have-completed-my-dreadful-bucket-list-and-im-not-proud-3a12caa5
Nagprito ulit akong atay ng manok. Naming dalawa lang ng panganay ko ang kakain yan. Tapos monggo na gulay sa kanila. Ewan ko ba, basta ang sarap sa panlasa ko ng pritong stay ng baboy. Kain tayo!
Bakit kasi kung kelan maninit ang panahon saka kumakain ng mga bagay sa malamig na panahon...masarap kasi katulad na lamang ng saging na ito. Dapat nga lugaw kakainin ko kanina wala lang free sf na available kaya di nalang kumain. Snack palang namin mask kagigising ko lang. Itinulog ko talaga habang nandito ang asawa ko dahil simula bukas wala na naman along time sa mga ganyan.
After ko magluto magpapahinga lang saglit tapos liligo ako ng matagal. Sobrang init ksi talaga tapos ang lamig ng tubig. Yung mga anak ko nga ang lalakas sa tubig ngayon. Yung isang container na mineral water ay 2 days lang yun samin. Mas malakas sila ngayon mask di na umaabot ng 2 days yun.
Chilling nalang kami ngayon, masyadong maaga pero sigurado mamaya pa matutulog ang mga batang nandito. Alive na alive pa sila at ayaw pa talaga tumigil sa mga ginagawa nila. Ayos lang kasi bukas naman at tutok na naman sila sa pag aaral.
MONSTERS DELICIOSA 😍 Ang matagal na matagal ko ng pangarap sa mga halaman, itong Monstera. Sobrang laki niya at ang ganda. Akala mo artificial yan, pero ang totoo at real plant yan😍😍😍.
Getting ready...! May aabang na ang isa kong anak, gising na siya at nakita niya to kaya pakakainin ko na siya. Wala na siyang lagnat pero may ubo ng konti. Sabi buys agad sakin ay Hindi daw yun hika kasi kapag hika hindi na naman siya makakatulog. Medyo natatakot na siya sa hika talaga dahil sa buong buhay nya ay 2x na siya hinika na malala. Mabuti nga Hindi na talaga ngayon kasi ang last na hinika siya at 2020 pa. Sana lang Hindi na maulit.
Malapit na... Yung ibang bata matagal ng malaya kahit dipa tapos ang Pandemic, pero ang mga anak ko kulong padin. Pero malapit na din naman, dahil face to face na ang klase, araw araw na silang makakalabas. Kailangan lang nila ng facemask kasi mga allergic sa alikabok. Mahirap na magka-asthma.
Mangunguha ulit akong malunggay panghalo sa isda mamaya. Mga ilang weeks lang mauubos na naman ang malunggay na to. Nasa gilid lang kasi to ng kalsada may mga dumadayo ditong taga ibang village kasi binibili din ang malunggay sa palengke.
Sige labas pa, nireregla yung kaaway nila☹️. Tanghaling tapat nagbubulungan lang napagalitan pa. Sabi ng bunso ko, mama yung matanda nagagalit kasi nagbulungan kami 🤣 Sabi ko nalang sa playground lang kasi pwede mag ingay. Ayon nagrarason tuloy ang bunso ko. Hindi daw yun ingay kundi bulungan lang. Sabi ko pagpasensyahan nalang nila kasi may ginagawa.
Tara kain at kape, inaantok ako sobra. Kaya magkakape ako kasi di pwedemg ipagpaliban ang modular nila. Di kami nakapasa ng worksheet ng kindergarten ko kasi binigyan ko naman time para sa pagbabasa ng sight words ang kuya nila. May one on one kasi sila sa school.
Yung di namin natapos last week, ayan na tapos na niya. Bukas mag start palang kami ng para ngayong week naman. Remember, kindergarten, grade 1 at grade 2. 1 week lang, kamusta naman yun,?😢
Pasaway na bata, hehe... Kang di lang ako nanunuod ng mga vlogs about parenting baka napalo ko to 🤣 bunso ko yan. Yung panganay ko naman inubos yung mga natitirang papel at ginawang mga laruan. Basta walang phone tambak silang mga arts dyn at okay yun. Ang Hindi okay yung pati mga gamit naku....
Good morning! 5 am palang gising na kami pero di agad ako nakapagpost. Kailangan kasi mag umpisa din ng maaga sa gawaing bahay dahil kulang tayo sa oras. Ang taas ni bch ngayon kaso walang laman ang wallet ko. Kada dating ng minimum payout ko na $0.5 transfer agad sa peso. Naghahabol ako lagi sa pambili ng vitamins ko. Yun naman ang mahalaga dun.
Yung dalawa niyang kapatid nagpapaaraw sa labas,pero siya busy dito sa loob nagddrawing. Katatapos ko lang magsampay ng mga admit, pagpasok ko sabi agad ng anak ko picturan ko daw at ibebenta niya. Hala, nangangamoy haha, baga paglaki niya mahilig din talaga sya sa mga Nft 😍
Yan lang ang naiwan sa ref, kaya yan ang pagkain ng mga bata. Bukas pa makakadaan ng palengke, ano kayang ulam mamaya☺️ ang hirap kapag walang mautusan na iba para mamalengke.
Sobrang kaba ko na naman dahil sa baradong kanal. Sagabal sa mga gawaing bahay ko. Sana sa December nakalipat na making bhaus. Ayoko na munang mag isip ng sariling bahay dahil alam kong di namin yun kaya ngayong taon. Ang gusto ko kahit makahanap man lang ng bagong bhaus ngayong taon na to.
MAgandang hapon, meryenda muna tayo. Unproductive ako ngayon dahil may isang household problem na di masolve solve dahil Hindi ko alam kang bakit. Hehe, tiis tiis at pasensya nalang para tahimik ang buhay.
Hanggang mamaya na to, kapag ganitong oras pagal na talaga ako. Akala ko mga di magiging productive ang araw kong ito. Pero dahil may tatlong maliliit na bata kaya tatayo padin at gagawin ang gawain hehe, magsasampay na ulit ng nilabhan at patapos na din ang inaayos kong damitan. Sa ngayon nagluluto na habang nagkakape.
Super late, pero tara kain tayo! After 2 years bago ulit makakakain ng inihaw na sira. Puyat na naman to mamaya, kaya malakas ang loob kumain ng late na.
Same routine...Good morning! Magbabago ulit ako ng routine kapag nag-start na sa klase ang mga anak ko. Sa ngayon kasi, kung ano lang yung mga dapat tapusin sa isang araw at yun lang muna ang,ginagawa ko kasi medyo talagang di na kinakaya. Kahit di recommended ang multitasks, ganon padin, yun padin ang ginagawa ko sa mga panahon na to.
Wazzup kulit! Habang natutulog na kami kagabi, siya naman nagttumbling pa sa higaan. Tuwing gigising ako nakikita ko siya dun sa may lamp at drawing ng drawing kahit sya nalang ang gising.
Magkakanin palang kami, meryenda na to. Napakainit at nakakauhaw ng sobra. Kung kelan masarap mag soft drinks saka naman wala. Gustong gusto ko uminom ng malamig pero kailangan kong pigilan. Mahirap magkasakit ngayong tag init inuubo ang karamihan dito saamin.
Share ko lang to sainyo... May nangungutang kasi saakin, yung labandera ng may ari ng apartment na tinitirhan namin. Di naman talaga kami magkakilala pero nakikita ko sya dito kapag naglalaba. Parang nagbalik saakin yung mga karanasan ko nung dalaga pa ako na di ako binayaran ng mga nangutang saakin. Ngayon ulit ako nauutangan na may asawat mga anak na ko, pero pangalawang beses palang to. Syempre Hindi ako nagpapautang kasi di naman ako nakakahawak ng pera ng asawa ko. Ang…
Nandito parin si PVU,. Di ako magrerecommend nito kasi ampangit na talaga. Nagtyatyga lang ako para makabalik ang puhunan. Bagong update na to, ano kayang sunod na gagawin nila...
May early registration na ngayon para sa School Year 2022-2023. Ayan tuloy tuloy na talaga ang f2f, good luck bahala na. Doble ingat nalang pero di talaga ako sure kung magpapa bakuna tong mga anak ko. Di ko pa talaga alam. Basta ang sure na papasok ngayong April ay mga pili lang muna talaga at di muna kami dyan aattend.
Sa sobrang nakakapagod araw araw, lalo na sa pagiging isang taong bahay...matututo talaga akong magtanggal at umiwas sa pagbili ng mga bagay katulad ng mga gamit na Hindi naman ganon kaimportante o kahit pa man mga laruan ng mga bata. Simula nitong January hanggang ngayon, di ko na nakikita na maayos ang bahay ng lampas isang oras man lang. Madalas baga pa mag isang oras pagkatapos ko magligpit, binagyo na naman. Alam kong normal na yan sa may mga kasamang bata sa bahay,…
Checking muna ako ng mga modules ng mga anak ko. Natatawa ako sa ibang sagot ng anak ko. Yung iba sagot halatang tsamba nalang, siguro para matapos agad. Hay naku...
Paaraw ng mga bata. Nagpapaaraw sila habang nagdidiscuss ako sa panganay ko about Homeroom Guidance. More on essays naman kasi ang isasagot sa answer sheets nila kaya dinadaan ko sa kwentuhan para mas maintindihan nila.
Bumabalik na sa dati ang panganay ko. Dati kasi puro cellphone na ang hawak niyan kahit sa madaling araw. Pero simula nung di ko na talaga pinahawak ng cellphone, bumalik sa dati na napupuno na naman ang lalagyan niya ng iba't ibang drawings. Ang ki-creepy mga lang ng mga ginagawa niya kasi mahilig sya sa mga horror movies.
Meryenda, kanin at Tilapia Ang saraaaap! Sayang lang kasi wala akong sili dito. Magpapakabusog muna kami bago ang lahat. Sana magkaron akong time matulog mamayang tanghali dahil 2 hours lang tulog ko kagabi.
Magkakaron yata akong anak na writer 😍mga comics tong ginagawa niya dati pa. Kaya maya't maya ang tanong sakin niyan kung anong tawag or anong English daw...ngayong ulit sya gumagawa niyan. Basta lahat ng hobbies nya natigil simula nung gumagamit na syng cellphone. Pero ngayong wala ng cellphone kaya balik sya sa dati.
Katatapos lang namin sa Physical Education at Health. Nakakatuwa ang subject na to para sa anak ko yung physical education dyan sila bumabawi sa sobrang kalikutan. At sa health naman talaga naaalala nila yan tinututro sa kanila sa lang araw araw nilang buhay. Minsan ayaw sakin makinig pero kapag nababasa na nila sa module nakikinig naman na sila. Sa ngayong, kakain muna ako baga mag umpisa sa gawaing bahay ☺️
Busy pa kami☺️ Parang ilang oras pa to bago sila matutulog. Kanina pa sila kain ng kain ng tinapay kaya di ko pa sila napapakain ng hapunan na kanin ang ipapakain ko sa kanila. Sabi ko mga bukas nalang sila kumain kanin kasi marami ng nakain nalang tinapay. Aba di payag ang bunso at panganay, kakain daw silang kanin mamaya. Sobrang antok na ko, di ko alam kung mababantayan ko pa sila habang di pa natutulog. Hapdi na ng mata ko.
Good morning 🌅 grabe yung araw ko kahapon, mama 6 cups akong kape pero 8pm palang antok na antok na ko. Ang sarap pa ng tulog kagabi kaya kagigising ko lang ngayon. Mas pagod talaga ako kapag nagtuturo sa modular class kesa sa paglilinis ng buong bahay. Dapat nga maglaba naman ako kasi tambak na tambak labahin ko kahit isang araw palang along di naglaba sa buong linggo. Pero kailangn namin tapusin yung mga modules, kasi late na naman kaming lang isang liggong aralin.
Katatapos ko lang mag almusal. Okay siyang lang almusal kasi mabigat sa tiyan. Kahit wala ng meryenda yan. Nakakaabala din kasi sa trabaho yung titigil ka saglit dahil bigla kang nagutom. Kaya mas mainam saakin ang mabigatang almusal talaga.
Ayan na, final na yan. Naka-enroll na ang mga anak ko para sa darating na face-to-face classes Year 2022-2023. Sana Hindi sila magkakasakit at sana mas marami silang matutunan. Aalalay nalang din ako. Yan na ang magiging regular duties ko, ang paghatid sundo sa school at pag alaga sa kanila. Yung mga raket ko kapag may free time nalang talaga. Mas itutuon ko ang pansin ko sa manila dahil lumalalabas na ng bahay araw araw kaya mas delikado na. Mas mabuti na yung mag ingat.…
Dugay pang maray, baka mabilis lang to kung ako ang gagawa kaya lang walang matutunan nito ang bata. Lagi kong inuuna ang pagpapabasa sa kanila. Isinama ko sa daily routine ang pagtuturo ng pagbasa kaya minsan di kami makapag-modular. Ngayon mag uumpisa palang kami ng Grade 1 ko.
Naku, ayan na may ginawa silang ganyan pero grabe ang nilinis kong mga ginamit nila dyan. Akala mo nagpintura ng buong bahay. Kaloka sila.
Maghapunan na kami, kapoy na maray sa mga ginawa maghapon. Bukas meron padin, walang chance talaga maglinis ng bahay. Antayin ko muna ang bakasyon ngayong April. Tama na April ang Holy Week?
Magandang gabi, sarap ng malamig na hangin sa labas. Ano ng ginagawa niya ngayon? Ako magrerelax. Dun muna ako kung San ako masaya 🤣 syempre piliin kong manuod ng movie, bye..☺️ Maghapon naman kasi along kayod kung saan saan nalang kasabay ng modules ng mga anak ko at ng lahat lahat na.
Good morning...kagigising ko lang pero may nakaabang na agad. Ginising ako para gumawa na daw kami ng katulad ng hawak niya. Kahapon natutuwa ako sa kanila habang pinapkinggan yung usapan nila. Tungkol sa pamilya ang pinag-uusapan nila. Kaya lang may mga halong kalokohan. Siguro ganyan talaga kapag pero lalake. Kung ano ano tuloy naiisip ko.
Ingat tayo Calabarzon, may alert na naman si Taal Volcano. Taon taon nalang sya nagpaparamdam. Kanina pa sya alert ng alert.
Nakatulog ulit ako, grabe na ito kailangan ng pahinga. Isang subject nalang sana ng anak ko matatapos na kaya lang di na kaya. Nangyayari wala yun ano, kahit di naman mabigat mararamdaman mo padin na di mo na talaga kaya gawin lali na kapag puyat na puyat kana gabi gabi. Imagine, habang umiinom ako ng kape nakatulog ako sa lamesa,🤣
Ang tagal yata ng oras ngayion, o Baka dahil lang natulog kasi ako. Bumangon na talaga ako kasi ang ingay ng tatlong ito. At pag gising ko may surprise sila.saakin, ang gatambak na basura. Hehe, kaya huwag na ulit matutulog kapag gising sila.
After 2 weeks na pagbabawal, ayan nakakain na ulit sila ng matatamis. Ang lungkot nila kung mga nkaraang araw dahil sa mga.pagkain nila na pero gulay at idea lang kaya ngayon pinatikim ko naman mga bata.
Past 7 na pala, pero bakit ayaw ko pang bumangon sa higaan. Di ko alam kung among nararamdaman ko ngayon. Di ko na naman maipaliwanag, buti nalang napilit ko pa ang sarili ko na paliguan ang mga bata at lutuan ng pagkain. May ganito din na kayong pakiramdam minsan?
Feeling exhausted! Sana mag umaga na, Hindi ako sanay ng ganitong pakiramdam. Kung ano anong naiisip ko. Hindi lang yan ang nararamdaman ko, sumasakit din yung tahi ko, yung c-section ko. Isa yan kung bakit ayokong kumilos. Gusto kong wala anong nararamdaman para maka-recover naman ako sa lahat ng gawain ko. Malapit na ang school year 2022-2023, gusto ko i-condition ang sarili ko physically kasi nga araw araw na kami nyan lalabas.
Tapa😍 no-meat tapa yan, all veggies. Parang meat din ang lasa niya. First time ko lang makakain nito kasi ang alam ko lang na tapa ay pork at beef tapa.
Good morning! Ilang days nalang April na. Papalapit na talaga ang hinihintay ko. Excited na nakakakaba syempre. First time ko palang mararanasan na lahat na papasok sa school ang mga anak ko na sabay sabay sila. Ito na ang magiging pinaka-busy kong buhay sa araw araw☺️ alam ko mas maraming anong gagawin niyan pero at least bawas stress sa mga bata at saakin.
Dahil Sunday ngayon, wala munang modular class pero pagbabasahin ko sila isa isa. At magrerecite yung panganay ko ng multiplication table. Dati nung bata pa ako, yung pagrecite ng multiplication table ay parang torture saakin kasi may kasamang kurot haha! Pero syempre di ko yan gagawin sa mga anak ko.
Galing sa labas ang mga batang ito. Habang naglalaba ako, hinayaan ko sila sa labas maglaro. Tanghali naman at nakita ko yung laging galit sa kanila na gising na kaya di na yan magrereklamo lalo na at Sunday. Choir sya sa Church pala kaya every Sunday napunta sila ng simbahan. Bawal magalit🤣
Ayaw niya ng pumasok. Magsisimula na naman ako nitong magalit. Di kasi pwedeng ganyan, tanghali na ayaw pa pumasok napakainit kaya sa labas. Tapos nagbabantay din ako sa papa nila Baka biglang paluin sila.