read.cash Log in
@Gerl more from that month

Share ko lang to sainyo... May nangungutang kasi saakin, yung labandera ng may ari ng apartment na tinitirhan namin. Di naman talaga kami magkakilala pero nakikita ko sya dito kapag naglalaba. Parang nagbalik saakin yung mga karanasan ko nung dalaga pa ako na di ako binayaran ng mga nangutang saakin. Ngayon ulit ako nauutangan na may asawat mga anak na ko, pero pangalawang beses palang to. Syempre Hindi ako nagpapautang kasi di naman ako nakakahawak ng pera ng asawa ko. Ang tanong ko, possible ba talagang mawalan kahit pambiling isang kilong bigas yung may isa lang na pinapakain tapos talaga na? Hindi pa matanda si ate, parang nasa 40s sya. Tapos naglalabada nga sya dito. Sana di sya magtampo saakin kasi compared naman saamjn na uutangan niya, lima kami plus bayad pa sa bahay at tubig kuryente. Tapos uutangan ng katulad niya. Ayokong magsalita ng tapos kasi ilang beses na ko nag failed pero isa lang ang sisiguruhin ko , kung malakas pa naman ako kapag malaki na ang mga anak ko maghahanap ako ng pagkakakitaan ko. Aanhin ko ang katawan ko diba??? Naisip ko lang si ate na nangungutang, bakit kaya di niya ipunin ang kinikita niya sa paglabada kesa isugal niya diba? Pag natalo sya uutang sa iba tapos sasabihin wala silang pang saing.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.