read.cash Log in
@Gerl more from that month

Gandang gabi ☺️ Makwento ko lang yung kwento din ng bunso ko. May pini-play Kasi ako sa kanilang video ang title "Ang Batang Magalang". Natandaan nila at ginagawa nila yun. Pero kaninang umaga pumasok dito sa bahay ang bunso ko na nangingilid ang luha Niya. Tinanong ko syempre kung bakit, natawa ako na naawa sa kaniya. Sabi Niya," mama , ayoko ng mag respeto sa tao." Hala, bakit? Yung matanda daw na nakatira kay lola ay nagalit sa kaniya nang sinabi nya na magmamano siya. Ayaw daw nung lalake ng respeto 😅. Isus, kahit gaano kakulit ang bata, alam Niya padin ang tama at hindi. Saka pwede talagang mawalan ng respeto din ang bata kapag ganon ang nakikita Niya. Sa reaksyon ng anak ko kanina, Parang maiilang na sya dun sa lalake baka di nya nalang pansin yun. Yun Kasi yung lalakeng nagagalit sa mga anak ko kapag naingayan sya. Buti nalang talaga mahaba ang pasensya ko tapos napapaliwanagan ko ang mga bata.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.