read.cash Log in
@Gerl

@Gerl in March 2022

@Gerl

Napakainit naman, ito yung panahon na sobrang gastos ano. Sa tubig sa kuryente at sa mga pagkain na para sa tag init. Sa tubig palang na inumin at pampaligo ang gastos na. Hay naku, kailangan talaga tao ang mag adjust sa panahon hehe,, kaya mas okay talaga parehas may trabaho ang mag asawa kung nagigipit para laging handa sa oras ng kagipitan. Kaya tara mayor tayo, hehe 😀 noise pa more, dito lang ako kumikita kasi di pa ako pwedeng magtrabaho sa labas walang magbabantay sa…

@Gerl

Thanks naman, nakaraos sa bayarin na kuryente na 1200+ pesos. Kahit na konti lang naman talaga ang gamit namin, di na nga ako gumagamit ng washing machine pero ganon padin nasa 1200 parin. Lalo na siguro ngayong tag init Baka mas tumaas pa yan. Paano kaya makakatipid ngayong tag init?

@Gerl

Ang hirap niyong patulugin, mag aayos pa ako ng ref at maglilinis ng cr bago matulog. Pagpupuyatin na naman nila. Ako. Siguradong mga 11 PM na naman sila makakatulog...

@Gerl

Good morning! Lasing pa ako sa antok,😀 pero bangon na bago pa magising ang mga bata dapat nakahanda na ang almusal. Isa to sa pinaoractice ko talaga tuwing umaga ang gumising ng maaga para maagang makapaghanda ng pagkain. Kapag pasukan na school dapat mas maaga pa ang gising, kaya ngayong palang nagpapractice na kami😀.

@Gerl

Kapag ganito ang mga topic ay talaga namang mapapaisip at mapapagawa ka ng mabuti. Sa ngayon nagdo-doble check ako ng mga worksheets ng tatlo kong anak kasi mamayang 10 am isa-submit to sa school. Ayan isa sa mga topic nila sa Homeroom guidance. Kung ituturo natin sa mga anak natin dapat tayo mismo gagawa din ng ganito. Dahil saatin nag uumpisa bago pa nila matutunan.

@Gerl

Play time muna sila habang naglilinis ako ng bahay. Bukas nalang sila sa modular class mag start, mga 2 PM. Ganito talaga ang ginagawa ko palagi, Tuesday to Saturday ang modular class pero madalas Tuesday to Sunday. Monday ako naglilinis ng bahay dahil dadating ang modules nila hapon na. Ang face to face class nila ay October pa hats, di ako sure pasta July ang end ng School Year 2021-2022.

@Gerl

Busy muna kami, wala munang mag-phone. Kasi kapag nahahawakan ang phone, yung 5 minutes nagiging 50 minutes na 😀. Kailangan isantabi muna ang mga Hindi naman kasama sa schedules araw araw para matapos ko ang ginagawa ko. Hanggang mamayang after lunch na to. Ganyan ang taong bahay, simula pag gising ang pahinga niyan after lunch na talaga .

@Gerl

Ito lang muna ang ulam ng mga bata, bahala na sila dyan kaya na nilang kumuha ng kanya kanyang pagkain, may ginagawa kasi ako. Ang init init oa, maliligo muna ako bago ko ulit itutuloy ang ginagawa ko.

@Gerl

Para akong hinahabol, nagmadali akong laba tapos di ko din pala masasampay kasi ang lakas ng hangin sa labas. Nililipad ang mga sinampay nila dito, kaya mamayang gabi ko nalang isasampay kasi alam ko sa gabi di masyadong mahangin. Tara kain pala tayo.

@Gerl

Kasingkulit niya ang drawing nya🤣 sobrang kulit ng batang ito, kurutin ko mga ng pino wala man lang iyak na nangyari, tumawa pa. Kaya nag headset na muna ako kanina. Gabi naman na kaya okay lang mag ingay sila.

@Gerl

Ang ganda ng music pero in reality ayoko talaga ng subject na to. Kapag ito na ang subject ng mga anak ko, struggle is real talaga,ayoko ng mga nota hehe,.Itong subject na yo na naman ang kakaharapin namin...

@Gerl

Siguro walang kwentang post ito para sa iba pero para saakin, grabeng pawis ko dahil dyan. 5 am ako naglaba kaya ayan nakaabot sya talaga sa sunrise. Sana matuyo bago mag tanghali kasi may isasampay pa ako. Good morning sa mga tulog pa bumangon na kayo🤣

@Gerl

No choice ako ngayon kundi pahiramin ng phone ang mga bata. Kailangan ko kasing tapusin itong nasimulan ko na dahil hapon schedule ng modular class. Kapag di ko sinunod ang ginawa kong schedule masisira buong Linggo ko.

@Gerl

Ngayon lang ako nakaupo simula kaninang umaga pag gising ko. Pag upo ko naman ang bilis kong mapapikit. Buti nalang di ako natumba. Katatapos lang nila kumain, ng mga anak ko pero ako walang gana kumain. Ang gusto ko sana humiga at matulog kaya lang may modular class😀

@Gerl

Hindi rin pala talaga maganda ang mahilig sa mga horror movies. Halos araw araw ako nakakapanuod ng mga real crimes videos. Yung iba gumagawa talaga ng horror stories na inaapply nila sa totoong buhay at yung iba naman ay naapektuhan ang utak. Nakakatakot din pala kahit na di ka matatakutin.

@Gerl

Mag mo-Moving up na, malapit na...mag moving up pala sa kakalaro at kakulitan ,🤣 Nakakaramdam ako ng kaba, akala ko okay na ako sa physical learning pero ngayon iba na naman ang pakiramdam ko. Pero tuloy na tuloy na yan at naenroll ko na din sila. Sana maging okay ang lahat..

@Gerl

Almusal muna tayo, tanghali na ko nagising. Bumangon na ko ng 5 am pero dahil para anong lumulutang kanina sa antok kaya natulog ulit ako. Nagigising lang ako dahil sa ingay ng tatlong bata sa kwarto. Tinapay at gatas muna ang almusal nila, Baka mga 9am na kami mag kanin.

@Gerl

Sarap mag paaraw 🌞Halos 1 hour na making nasa labas. Naglalaro sila habang nagsampay ako ng nilbhan ko at nagdilig ng halaman. After kasi nyan bukas ulit sila makakalabas.

@Gerl

Grabe nakakagawa ako araw araw ng article sa readcash kapalit ng lutang brain ko haha! Hindi maganda to, Pero alam kong di rin to magtatagal ang routine ko kasi malapit na ang physical learning ng mga bata. Ang oras ko sa madaling araw na inilalaan ko sa readcash magiging time ko yan para sa maghahanda ng pagkain ng mga bata bago umalis. At yung bago natulog na para sa readcash ulit mawawala din yun, para naman yun sa paghahanda ng mga gagamitin ng bata kinabukasan, Baka bka…

@Gerl

Sa sobrang hirap mag isip na ng ulam, nagtry ako ng ampalaya na may corned beef at itlog🤣. Sana magustuhan ng mga anak ko. Kumakain talaga sila ng amplaya na may itlog pero Hindi sila masaya. Kinakain lang nila yan dahil slam nalang masustansya. Pero ngayon nilagyan kong corner beef at itlog sana ganahan silang kumain.

@Gerl

Third batch.... mamaya ulit kapag tulog ang mga anak ko. Mga damit lang yan ng asawa ko. Minsan nauubos ang damit niya sa cabinet bago ako makapaglaba🤣. Inuuna ko kasi palagi ang mga gamit ng bata kasi takafa sa isang araw mga 3x na nagbibihis ang mga bata.

@Gerl

Good afternoon! Gising na agad ang mga bulilit! Pero buti nalang may meryenda na sila. Nai-stress ako kapag kagigising lang ng mga bata tapos walang meryenda, ang kukulit. Ngayong wala na akong magagawa na naman kundi maghanda na ng hapunan ☺️

@Gerl

Ang mura ng load ngayon sa Shopee, bili na ulit kaya, pero may limit. Piso lang ang 20 load tapos may iba lang tig pipiso lang na load. Payday Sale kasi ngayon kaya mura. Ang kasunod siguro nyan ay sa 4.4 na. Basta every ika 15 at 30 ng buwan ay laging mura ang mga load sa shopee.

@Gerl

Ito yung niluto ko kaninang ampalaya na may corned beef at egg. Legit sya na walang pait yung ampalaya at nagustuhan ng mga bata. Ganyan nalang pala ang gagawin ko palagi kapag ampalaya ang ulam namin. Naiimagine ko din yung century tuna 😀 ano kayang lasa kapag century tuna 🤔

@Gerl

Medyo naalarma ako dun sa nareceive kong e-mail na may nagbukas daw ng account ko kaya nagpalit na akong password. Good morning! Sana productive ang araw na to kahit hindi sa pag earn ng pero, kundi sa mga gawaing pang araw araw at makakarelate dito lalo na ang mga nasa bahay lang. Kung Hindi man tayo ang naghahanap-buhay, kahit man lang pagtulong sa ibang gawain ay tumulong tayo☺️.

@Gerl

Secured na ang gmail account ko. 4 devices kasi yung naka-log in pero 2 devices lang naman ang gamit ko, itong phone ko at phone ng asawa ko. Yung dalawa lang devices ay Philippines ang nakalagay tapos yung isa Unknown. Ngayong March lang yung isa, peri yung isa naman 2x na yung una February pa, dati pa yun alam ko yun kasi nag alert din si google sakin tapos yung pangalawang attempt ay March 30, kahapon lang.

@Gerl

Nagluluto na naman tayo ng para sa lunch. Sinigang na isda lang naman yan. Tintry ko talaga na healthy ang mga pagkain ng bata, pamplakas ng resistensya. Pinaghahandaan ang schooling hehe, mas maganda na ang sigurado. Bukod sa vitamins tamang diet daw at exercise.

@Gerl

Kanina pa alert ng alert to about kay Taal Volcano. Pero yung mga anak ko Hindi naniniwala na pwedeng makarating dito amin kapag nagkaron lang ashfall katulad kung 2020 bago nagka-pandemic nagkaron muna ng Taal Volcano Eruption January 2020 kaya naranasan din namin ang makapal na ash fall. Itong nasa photos na to mga anak ko mismo ang nag search sa Google Earth, aba priceless ang reaction kaya lang natakot sila. Sabi nila kapitbahay lang daw pala, kaya ang bilis nila…

@Gerl

Nakakatuwa at may "Real and Made-up" sa lessons ng mga bata. Mabuti naman at may ganito, malaking tulong kasi sa pagpapaalala ko sa mga anak ko. Lalong lalo na sa mga anak kong lahat lalake, na mahilig manuod ng superheroes. May mga Hindi magandang halimbawa ang mga napapanuod na superhereos na akala ng mga bata ay real yun, di nila alam na mga made-up lang talaga kaya kailangan ng patnubay talaga ng mga magulang. Perfect para saakin, kung maibabalik ang nakaraan, di ko na…