Nagpapaaraw na kami...basta ganitong nagpapaaraw sa labas ang mga bata dapat lagi akong nakabantay. Sana okay ang buong araw, less stress. Balik ako sa kape, nakkatulong Kasi talaga saakin ang kape. Di lang sya pantanggal antok, may iba talaga sa kape hehe
@Gerl in February 2022
Start na ng modular class nila ngayong araw. Habang nagluluto ako binigyan ko muna sila ng mga activities sa modules yung mga coloring, drawings at pagsusulat muna. Mamayang hapon ko na Naman magagawa ang pag discuss ng lessons kapag makagawa na ako ng mga gawaing bahay. Ngayong busy busy muna...
Mapagalon daw, hehe pero ang sarap sa pakiramdam Kasi pinagpawisan ako. Ngayon pahinga muna kayan manunuod akong movie kahit 1 hour lang ngalay Kasi ang mga braso ko at naglinis akong cr at naglaba. Di na Naman ako makagawa sa readcash Kasi modular class na ng mga bata, pero ittry ko sa gabi bago matulog. Kung kayan ko magpuyat pagpuyatan ko, kailangan ng extra income Kasi laki ng gastos sa pagkain talaga ng mga anak ko. Hehe, tapos ang hirap pa patabain. Baka kailangan kong…
Back to normal day na kami..Ayan mamamayat na dahil makakapagpahinga lang pagtulog na ang nga bata. Kahit Baga walang pahinga, di padin natapos ang gawain. Bukas nalang ulit. Pagkatapos kong kumain ngayon maliligo na ko at hihiga na. Kailangan kong patulugin ang mga bata dahil maaga na Naman silang gising bukas. Ito yung pagod na di nakakastress, gets nyo ba? Pagod dahil maraming natapos kahit may natira pang gawaing bahay.
Dahil sobrang pagod maghapon, pati nga anak ko nakatulog ng maaga. Hindi padin ako inaantok. Manunuod muna akong Isang movie hanggang sa antukin ako. Pero Sana makatulog din agad Kasi bukas maaga ang gising dapat. May mga physical activities ang mga anak ko, siguradong ako na Naman makakaramdam ng pagod nito 😅.
MODULAR CLASS 📝💻🕗 Good morning 🌄 Pero dahil maaga pa, gatambak na gawaing bahay muna ang asikasuhin ko. Yung nasa Youtube munang mga aralin ang panuurin nila para kahit panu may idea na sila sa lessons. Yang Grade 2 ko naman kahit di ko bantayan marunong na mag self study yarn...nagtatanong nalang sya saakin kapag may mga words syang di maintindihan kahit tagalog. *No readcash blog ☹️
Better Money Habits for Saving or Budgeting Money can't buy happiness but it can buy a lot of stuffs including Shopee and Lazadas' stuffs, kidding😅. When it comes to money and happiness all we need to do is ensure that money is not the everyday problem it can sometimes be for those with lower income levels. One of the habits that we need to practice is tracking our expenses. We have to be honest in ourselves about where our money is going. This habit needs to happen on a…
Nakangiti yarn, plastik😅 ang totoo niyan ayaw kumain ngayong gabi pero kailangan diba para di magutom mamaya habang natutulog. Ang lakas Kasi nila sa tinapay kaya mga busog pa. Kahit walang butter grabe sila sa tinapay. Oh, siya, tara na kakain muna ng hapunan para alas otso tulog na sila.
Good morning! Late post na, inuna ko lang yung mga gawaing bahay na pang umaga, mag almusal palang kami. Naulan ano, mas okay nga na umulan muna kahit na malamig ang panahon Kasi grabe ang alikabok. Para akong nasasamid sa alikabok Kasi malakas din ang hangin. Mabuti Naman at umulan pero moderate lang Naman. Huwag lang lalakas Kasi kawawa Naman yung mga nasa labas.
Naulan na hapon noisers! Kahit anong pagkain masarap kainin ngayong Kasi umuulan. Masarap din matulog ngayong pero di yan uso dito saamin. Sumuko na ako sa pagpapatulog sa mga bata tuwing hapon 😅. Pero 8:30 pm siguradong tulog na silang lahat.
Maulan na gabi 🌃 🌧️ Ang sarap talaga kumain ngayong, pork adobo ang niluto ko, tara Kain na Tayo. Yung isa kong anak lasing na sa kaantukan 😅 Gumising ng 2 am pero ayaw matulog kaninang tanghali kayan ngayon lasing na sya. Kakain na kami para saktong mga 8 pm siguro makakamtam ko na ang katahimikan, sayang walang sunset 🌇 😅
Good evening! Pahinga na Tayo, movie time! Thanks @jhuls sa Netflix mo. Kanina pa tulog ang nga bata kaya pwede na para Naman sa sarili. Kaya lang kahit horror movie na ang pinapanuod ko nakakatulog agad ako. Katulad ngayon, habang nagttype ako nitong ipopost ko nakakatulog ako 😅 kaya antagal ko matapos sa pagtype.
Good morning!!! Kumusta Naman ang buong January natin? Medyo pahirapan na nagsisimula palang ang taon. Sana ngayong Feb swertehin Naman. 50/50 yung January ko eh. Sana hindi buong taon ganito, Sana...Sana...pero nangingibabaw sa isipan ko ang face to face classes. Yun talaga ang nag aalala ako ngayon saka yung vaccine para sa 5-11 years old. Magiging mandatory kaya???
I'm worried about my C-Section long-term risks My original weight is 43 kls. After giving birth, my weight is 55 kls. My current weight is 47 kls. Actually, tamang tama lang yan timbang ko, pero kapag hinahayaan ko ang bilis niyang umabot sa 50 kls kaya dapat sa araw araw minomonitor. Ayokong maging diabetic. My three children were born through C-Section. Of course, there are benefits and risks involved in this type of delivery. From what I have noticed, some of the…
Iba iba pala ang klase ng Anxiety noh, siguro lahat Tayo may anxiety hindi lang natin alam kung anong klase. Isa sa mga halimbawa ay sa katulad naming mga nanay, may mga feelings kami na di maipaliwanag tapos mga asawa ang napagbubuntunan o kaya anak. May tawag sa anxiety na yan, Yung sa sobrang tagal mong nasa bahay lang halos nahihiya kanang lumabas , naging mas mahiyain ka, hindi ka nakikipag usap masyado sa ibang tao, akala mo introvert ka, yun pala may anxiety ka din.…
Pichi pichi tayo, dahil ayokong magconvert ng BCH to peso, ginamit ko nalang yung paypal kong pambayad sa food panda. Mabuti Naman at successful haha! Kinukulit na Kasi ako ng mga anak ko na gusto Naman nila ng matamis Kasi puro ulam daw ang kinakain nila 😅 naku kapag mga binata na to magigipit kami nito, dapat ngayon palang may mga extra income na or negosyo bago pa man sila magsilakihan.
Pepper Roasted Chicken 😋 After ko maglaba, eto nanginginig na ko sa gutom kayan order muna talaga Tayo ng masarap na ulam. Nakikipag-argue pa saakin ang mga anak ko na di daw masustansya yan 🤣 Kasi mas masustansya daw ang fried chicken🤣 same lang Naman haha! Pero natikman na nila yan ang sarap daw kaya lang tinatalaban silabg allergy kapag ganyang na luto lang, roasted.
Magandang umaga! Nagsasaing palang ng almusal. Kagigising ko lang Kasi pero makakain ng tinapay ang mga bata. Ang ingay nila, parang nanaginip lang ako pero totoo palang naririnig ko talaga sila kanina ang ingay. Sobrang lamig ah, akala ko pa naman summer na Kasi nung nakaraang araw napakainit ng panahon, di pa pala tapos ang tag lamig. Medyo masakit ang ulit ko sa sobrang lamig dahil nagsampay pa ako kagabi sa labas. Parang tagos hanggang buto ang lamig ng hangin kagabi.…
Gwapo yarn 😍 Kanina umiiyak yan dahil akala Niya talaga kakalbuhin siya. Mahilig yan magsuklay at manalamin kaya di yan papayag na basta nalang sya kakalbuhin.
May bago akong kettle, ang cute Niya. Hindi lang sya basta cute kundi durable din at ang kapal. Ganitong kettle talaga ang hinahanap ko para hindi nasusunog ang hawakan at di agad nasisira. Hindi ka mapapaso dito kahit sa pagbukas ng mouth Niya Kasi may goma na ipupush lang, at di ka mapapaso. Mabili ko to sa Shopee ng 600+ naka-sale Kasi at nagamitan ko din ng dalawang vouchers at ng redeemable Shopee coins. Ang original price ay 1500, kaya ang laki ng bawas Kasi nung 2.2…
Good evening..eto migraine attack na naman. Or dahil gabi gabi na Naman ako naglalaba. Di Naman na ako tutok sa phone, kayan dahil na Naman yata sa paglalaba ko. Sana huwag lumala katulad nung nakaraan Kasi di ako makabangon kapag sobrang sakit. Medyo nasusuka pa nga ako.
Good night noisers! Pero hindi ako makatulog, paauggest Naman ng horror movie, nakakatulog ako kapag may pinapanuod.
Good morning! Magre-reopen na ang face to face classes, pero di pa ina-annouced yung mga school. Good luck saatin lalo na sa mga chikiting natin na mahilig pang maglaro at makipaglaro sa kaklase. Ang hawaan ng sipon at ubo nyan. Dati wala pang pandemic yan na ang napansin ko sa kanila, ang naghahawaan ng mga sipon at ubo. Sana lang maging okay ang face to face...
Lifetime Movie: Identity Thief Minsan nasa magulang din kung bakit magiging masama ang Isang anak. Masyadong pini-pressure ang anak. Okay lang i-push ang anak para mag pursige pero huwag Naman dadating sa punto na madepress ang bata dahil hindi Niya kayang abutin ang gusto ng kaniyang mga magulang. And ending, gagawa siya ng paraan para lang ma-pleased Niya mga magulang Niya. Kapag di talaga sapat para sa magulang ang mga efforts ng bata at masyado ng nasasakal makakagawa…
I just posted my blog on readcash about types of Anxiety. Women are most likely to experience it than men. That's why women have more toyo than men🤣 Wanna know more about anxieties? Read it here https://read.cash/@gerl/find-out-what-kind-of-anxiety-youre-dealing-with-a1cf4739
Back to reality na Naman talaga ako. Yung naghahanap ng mga earning sites na barya barya para may pang load lang sa mobile dati, ngayon ganon na ulit.said kung said haha! Kaya di na masyadong active, tipid na din sa load. Yung earn sa loob ng tatlong araw, pangload lang para sa Isang linggo. Balik sa dating gawi talaga kayan naghahanap na Naman akong ibang earning sites dahil ubos lahat, walang hold kahit piso..Parang Isang kahig Isang tuka.
Lunch palang, hehe, sobrang late na. Kagigising lang ng mga bata. Sana bukas makakain na kaming isda. Sunod sunod na Naman Kasi ang pagkain namin ng prito at mga dry na pagkain.
Alert level 3 padin kami dito kayan wala pang modular class bukas, pero kami ng mga anak ko nangangamote padin😁 di matapos tapos yung binigay na modules bago magbakasyon Kasi natambakan na kami. Yung Grade 2 ko lang na anak ang tapos na talaga sa modules niya. Pero simula bukas kailangan daw may isesend na video habang nagbabasa ang bata, kayan Ayan panibagong activity na Naman di lalong di na kami natapos😁
Tulog na ang mga bata, eto nagpapahinga muna ako at maghapon din yung paglalaba at paglinis ko ng kusina. Kapag nga pala nagpapahinga na ko sa gabi,, paborito kong panuurin ng vlog nito. Ang simple lang, walang mga kaartehan, Parang nakikipagkwentuhan lang sya. Nag eenjoy ako Kasi nakakarrelate ako sa kaniya ng sobra.
While writing a blog.... Sabi ko sa kaniya, time ko to kayan huwag Niya muna akong guluhin. Kayak Ayan nagbabasa siya habang ako Naman ay gumagawa ng blog. Mas mabilis Kasi ako makagawa sa umaga na tulog ang nga bata. Matatapos ko to Mamayang hapon na Kasi kapag nagising na silang lahat, wala na Naman akong oras para sa phone ko.
My sinampay ako sa labas at sobrang dami. Ngayon, it's raining 🌧️ pero mukhang nagpaganda ng umaga ko to kahit nabasa yung mga sinampay ko. Ang lamig Kasi ng hangin masarap sa pakiramdam. Mas gusto ko tong umuulan na malamig, kesa sa malamig na mahanhin lang Kasi mas maalikabok kapag mahanhin lang at nakakadry ng lahat. Ayan ang view ko ngayon habang nag almusal kami ng mga bata. Gustong gusto din nila yan Kasi ang lamig daw sa balat ng hangin pero sabi nila Sana daw tumigil…
Kasama ko tong bunso kong lumabas at nanghiram akong book sa classmate Niya. Kahit umuulan talagang ayaw nyang magpaiwan sa bahay. Kinausap ko pa Naman star at ang ayos ng usapan namin na magpaiwan siya at hindi daw siya iiyak. Aba! Nang paalis na ko dali dealing nagbihis ng damit at sasama daw talaga siya. Sinama ko nalang Kasi nakikita ko na kinakabahan soya at medyo hinihingal pa. Iba yung pakiramdam nya tuwing aalis ako na di sya kasama.
Negative thinker ka ba? Advance kaba mag isip ng mga nega sa buhay na hindi pa Naman nangyayari pero pinapangunahan mo na? Time mo na yan na kalimutan muna ang future, stay ka muna sa present. Nasa present ka kaya mas iisipin mo yung present mo. Please huwag many downvote, just leave my blog alone kung ayaw mo huwag ng idownvote, ang hirap kayang mag English uyy 😁. Nag zero (0👍) na Naman Kasi, 😁…
Antok yarn, basta nagmomodule antok na antok siya. Dalawang oras na kami pero kakatapos lang namin ng Isang page ng worksheet Niya. Bukas meron pa siyang Isang subject
Matutulog na kami 😅 mga anak ko lang pala. Sobrang kukulit ba Naman, e d sindakin ko dyan ang bilis makalatag ng higaan. Pero pinakain ko Naman silabg kanin kaya mga busog Pa. Mga 2am Kasi nagigising sila kayan okay lang yan matulog sila ng maaga. Tinago ko lahat ng school supplies at lahat ng laruan. Sabi ko simula bukas puro aral ang gagawin nila. Pagod talaga ako ngayon maghapon kayan di ko na kayang antayin pa ang mamaya kung mamaya pa sila tutulog. Pagod ang katawan ko…
Crunchy spicy pork sisig, ang sarap, para syang lechong kawali na sisig. Talo ko ang asawa ko sa anghang. Ang anghang talaga pero mas magana akong kumain sa maanghang. Nilagyan ko pa yan ng chilli sauce ,sarap imukbang 😅 habang nanunuod ang asawa ko feeling nya di ko kayang kainin yan, sarap kaya
Good morning 🌻 para sa katulad kong gipit, eto na pwede na to hehe, may pangload na sa wifi. Pero sa maraming BCH dyan, ang swerte nyo naman, hold lang kayo and more BCH to come. Ako kakawithdraw ko lang Kasi pinangload ko sa wifi. Need Kasi talaga namin ng wifi dahil tatlo ang anak kong nag online class weekly na iba iba pang schedule.
Very satisfying! Yung mga anak ko takam na takam lagi sa pritong tilapya pero nililimitahan ko. Ngayon nagsaing ako ng Marami at nagprito ng marami para lang sa kanila. Sabi ko bago mag modular class mamaya kakain sila nyan hangga't gusto nila. Aba may nagsasabi na agad "mama gusto ko pa" kahit hindi pa ubos yung nasa pinggan. Halos ilang beses din kasi sa Isang linggo na puro may sabaw ang kinain nila. Mas tipid Kasi yun at mas masustansya.
Katatapos ko lang maglaba, Ayan ang nadatnan ko sa kwarto. Hindi ko alam kung anong trip nila. Pero tapos na daw sila sa modules na binigay ko sa kanila. Magluluto palang akong lunch. Busog Naman sila kayan okay lang yan kahit mga 1 pm na sila kumain. Maliliguan ko sila kapag nakasampay na akong mga damit.
Meryenda time, katatapos ko lang ng lahat lahat ng Gawain pero mukhang wala na kaning time sa modular class Kasi after nito magluluto na Naman ng hapunan. Nonstop eh, simula alas singko ng umaga ngayon lang ako magrerelax at saglit na saglit lang dahil magluluto na Naman. Para akong kinakabag, yan ang pakiramdam ng derederetsong galaw uupo lang kapag kakain. Pero bukas di pwedeng ganito Kasi kailangan mag modular class ng mga bata. Palitan lang, modules at gawaing bahay.
Ang behave naman ng bunso ko, pero sa totoo lang kabado na Naman ako Kasi Parang after Niya gawin yan ay may kapalit yan. Parang Kuya nya, naglinis ng kwarto ng kusa tapos magpapansin. Yun pala gusto lang manghiram ng cellphone para manuod daw ng jurassic world. Minsan nakakakonsensya kapag tinanggihan ko. Nagluluto na kong hapunan, dapat 5:45 ready na ang pagkain Kasi bago mag 7pm patulugin ko na sila dahil sobrang aga nola nagigising.
...time to blog , tulog na ang mga bata. Itutuloy ko na ang ginagawa kong blog sa readcash. More on personal experiences ako ngayon Kasi mas madaling makagawa. Pero kapag yung feeling genius kana kahirap hahaha! Dahil gagawa ka talaga ng research at dapat hindi copy paste. Kaya mas madali sakin ang mga experiences, sa susunod Tagalog ang gagawin ko dahil nangangamote ako sa grammars 😅.
Paantok na, 11pm na di talaga ako makatulog kapag di nanunuod ng movie. Kayak eto manunuod muna ko, mabilis lang ako nito antukin. Scott Adkins
Good morning! Kanina pa tiling gising ang anak ko. Humihingi ng karton daw at magddrawing sya. Naku pinagbawalan ko na sila nito Kasi nga ayaw ng magsipag-aral. Kaya ang ginawa ko pinagmodule ko ngayong umaga sa arts. Kasi arts subject Niya hindi pa tapos. Magddrawing din Naman kaya itong nasa module nya nalang ang gawin Niya.
Coffee ☕ Ang gulo gulo ng mga bata kaya pa 2nd cup ko na to. Maya maya lalabas kami ng bunso at lalakad para makakita Naman siya ng ibang tanawin ☺️. Ganon padin, same daily routine pero baka pass muna sa laba Kasi kagabi sumasakit yung bandang puson ko sa may operation ko. Siguro whole day kami sa modular class. Good morning pala!
Galing ako sa labas bumiling ulam na maluluto. Kaloka ang bunso ko iyak agad Kasi yung Kuya nya ang sinama ko. Tapos nag expect ng pagkain pagbalik namin. Kawawa Naman, haha! Paano nililimitahan ko talaga sa mga matamis. Kakain lang Naman nila last week eh di next week ulit. Kakatakot na kaya ngayong magkasakit lalo na kapag sakit sa lalamunan. Kaya mas okay na yan tiis tiis muna saglit lang Naman ang pag iyak niyan.
Ako lang Naman nagluto niyan 😋 Parang talo ko si jollibee ngayon, mas juicy yan luto ko, sabi ng mga anak ko 😁Tara Kain kuna Tayo dahil mamaya, babad kami sa modules ng mga bata. Arts ba Naman, hindi pwedeng patigil tigil. Gagamit kami ng mga recycled materials para sa home decors.
Hay salamat, tapos na sya sa activity nya sa Arts Subject-recycled materials. Next ay bukas nalang dahil maglalaba padin ako kahit ayoko Sana. Bukas ay about Health Naman ang lessons. More on physical activities kami bukas. Need ng videos na ipapasa sa gc kaya kailangan namin lumabas bukas...imagine,,takbo sila, tatalon at maglalaro ng walang ingay 🤣🤣🤣🤣 dahil may magagalit. Good luck saakin Kasi siguradong magrereklamo tong anak ko. Sabi nya nga dati ang boring daw lumabas…
Ayan na, No Vaccine No Face to Face Classes. At based sa voting Parang walang nag Yes. Walang gusto ng fave to face dahil ayaw pabakunahan ang mga anak. Hindi pwede ang flu vaccine, dapat Covid vaccine daw. Hays.. hirap din magdecide...
Bedtime ng mga kids. Expected ko na makakatulog agad sila ngayong Kasi pagod sa modular class at sa laro. Sana lang talaga makatulog agad Kasi may second batch yung nilabhan ko isasampay ko pa. After nagsampay liligo pa ako. Pagkaligo saka palang ako nagpapatulog sa ginagawa kong blog na ipopost ko mamaya din bago ako matulog. Puyat kung puyat minsan nalang Naman ako magpuyat kapag kailangan na kailangan ko talaga.
Black Coffee ☕ Good morning ☀️ it's Thursday and I'm running out of time!!! I need to finish all the tasks before the end of the week. We will be busier next week so we must finish our schedules for this week. Even my children are stressed with their scheduled activities. So, good luck to all of us who have tough schedules everyday.
Together, Forever 🌹 🖤 Short story lang to, Sana magustuhan nyo kahit english carabao haha! https://read.cash/@gerl/together-forever-ad0ffbbe Good morning, gising na kayo! Kumain na at naghihintay na ang mga trabaho natin 😁 Image Source: Unsplash
Thank you @Talecharm sa sponsorship, really appreciated it po 💚 Thanks din kay @OfficialGamboaLikeUs at @bbyblacksheep , mga sponsor ko sila 💚💚Thanks din sa mga nagbabasa ng blogs ko at naiintindihan nyo kahit sabog sabog haha! Itutuloy tuloy ko na talaga ang pagpopost sa readcash. Ginaganahan Naman ako magsulat kahit mahirap at kulang sa time.
We have an outdoor activities today, but before that, coffee mins tayo. Gusto kong mag umpisa na walang stress, yung chill lang ba. At 10:30 mag start kami, sure Naman yan na wala na kaming maistorbo sa oras ng tanghali.
Natapos na agad yung sa labas kanina. Ngayon eto na Naman kami. Hanggang Mamayang hapon na ang modular class. Sana matapos dahil bukas online class ng aking bunso, second quarter Assessment nila. Kapag may hindi natapos na module ngayong sa Saturday namin tatapusin. Hopefully, by Sunday may time akong maglinis ulit ng bahay dahil Monday ay lahat na sila may gagawin.
Umiiyak na siya 😁 ayaw na mag modular at pagod na daw siya. Kahit takutin ayaw na talaga. Napagod kakakanta ng "Akoy may mga kamay". Nakailang take tapos humiga na haha!
Grabe itong mga barako ko, alarming na talaga to. Kailangan dalawa na ang nagtrabaho. Nanguya pa nga yung pangalawa kong anak magsabi agad na gusto nya pa daw. Gutom pa daw sya 😅😅grabe syam sya talaga itong mayat maya humihingi ng pagkain. Di pa Kasi kami makapaggrocery dahil walang nauutusan, may work pa ang asawa ko hanggang bukas. Grabe ang kulit Mila kapag naubusan ng stock 😅.
Natawa talaga ako dito, nalaman ko ngayong na alam na nila ang ibig sabihin, ng crush, asawa at girlfriend 😅 akalain mo yan magddrawing nyan yung panganay kong lalake😅 ang cute, ang sexy ng pagkakaupo hahaha! Sabi ko bakit may ganyan kayo??? Yung bunso at pangalawa tawang tawa at hindi daw sila may gawa nyan. Wala Naman masama kung sila yung gumawa ah hahaha! Sabi ko picturan ko,,si bunso ang hahawak, aba ayaw pa pumayag, huwag daw sya isasali sa picture 😅 Girlfriend daw…
Good morning people! Katatapos lang Makin mag almusal. Pero di pa makalabas ng bahay, medyo madilim pa ng konti at mukhang tulog pa ang nga kapitbahay namin. Ang aga lagi magising ng mga batà, akala mo nga nagtatrabho na. Nauuna pa nga sa papa nila magising.
Ready na ulit sa modular class, ako. Pero ang bata nakasimangot na hahaha! Naku mag face to face classes na nga, ayaw ng bunso ko pumasok sa school kapag di daw ako kasama. Gusto nya nasa school din ako habang nag aaral sila. Pero di Naman sapilitan ang face to face, siguro yung gusto lang. Kapag may isa Kasi dito sa mga anak ko na modular, dapat modular lahat sila Kasi di ko nga sila maiwan iwan dahil walang magbabantay. Kayak sama sma lang kami kahit saan 😁
Ready for Second assessment ng kindergarten ko. Ito ang magiging background namin. Mas pinili kong dito kami kesa sa study table Kasi mas maliwanag at mas mahanhin dito. Pampagana din yan sa bata Kasi maaliwalas. Sa sahib lang kami nakaupo tapos may maliit na table tapos yan ang kaharap namin halaman pero nasa loob pa kami ng bahay malapit sa pintuan.
Aaral pa more, puro kalokohan ah. Kurot talaga saakin ang mga yan kapag di ko na kinakaya ang kulit. Mamayang 2pm pa Naman ang bunso kaya prinaktis ko lang siya. Ito Namang pangalawa ang daming reklamo, pagod na pagod na daw sya pero wala pa naman ginagawa.
Katatapos lang ng online classes ng bunso ko. Nakakaawa siya, umiiyak Kasi mahuhuli siya sa pagsulat. Baliktad pa yung ibang numbers at letters Niya. Talagang sumuko siya eh, nagtago sa ilalim ng lamesa habang umiiyak. Paano na kaya kapag fave to face class na, di nya na ako kasama baka mastress ang teacher sa kaniya.
Palpitations ❤️🖤❤️🖤❤️☕☕☕ Grabe oh, minsan nakakalimutan ko talaga ang good health habits kapag naistress ako. Hindi Naman ako malungkot ngayong, at di rin Ako nakaramdam ng pagod pero para Kasi akong hinahabol Baga. Gusto ko makagawa sa readcash, gusto ko matapos ang labahin bago mag Monday, gusto ko rin matapos ang modules bago mag Sunday. Gusto ko sa Monday tapos lahat. Kaya Ayan alam kong matatapos ko lahat pero Ayan na Naman ang pagsasacrifice para sa health
Movie muna habang nagpapatulog ng mga bata. Sana huwag makatulog agad dahil night shift na Naman ako ngayong, gusto ko matapos lahat bago mag Monday.
Good morning! Tara kape na muna Tayo habang nagbabantay sa kanila. Kanina pa yan, madilim pa busy na sila. Bawal sa kanila ang nakatambay lang na walang ginagawa. Tulog na tulog pa ko nga gising na yan nag iipon na ng mga ililigpit ko 😅
Napansin ko monthly nagbabago ang mga hiling nila. Ang latest nila ngayon ay Doraemon. Tuwing may gusto silang mga character, asahan ko na yan na kahit sanang sulok ang maglinis may makikita akong mga drawings na ginupit na mga character s. Hindi lang sampu, kundi gatambak yan. Basta walang phone at modular class, maghapon silabg ganyan kaya weekly ang basura nila mga dalawang sako. Lahat nga ng facemasks namin dito wala ng mga karton, nga pancake na stock wala ng karton…
Blogging ulit. Habang nagpapahinga ako gumagawa nito. Kahapon pa akong madaling araw gumagawa nito, di ko lang natatapos Kasi sinisingit ko lang kapag nagpapahinga ako. After 30 minutes tigil ulit para ituloy naman ang ibang gawaing bahay. Pero kapag modular class ng mga anak ko hindi ko kayang gumawa ng blog Kasi wala Naman akong maiisip nito dahil nagtuturo ako ng modules. Bakit nga ba ganito ang title ko?😅 Hay naku! Despirada akong makapagbakasyon sa ganitong lugar. Kahit…
https://read.cash/@gerl/why-do-i-dream-of-the-woods-84e57e18 Katatapos ko lang ng blog ko, simple lang, tamang gawa lang ng hindi professional na writer ☺️. Sana nabasa niyo☺️☺️☺️. Image Source: Unsplash
"Hostel" movie. Isa sa mga thriller movies na walang kwenta panuurin. Pero pinanuod ko pa din Kasi thriller Naman talaga. Pero kapag mga ganitong movie mabilis din akong magsawa. Kaya minsan nagbabasa muna ako ng descriptions o kaya reviews. Kayo, paano kayo pumili ng movie na papanuorin nyo?
Totoo talaga yung pakiramdam mo katulong kalang sa bahay. Syempre hindi lahat nakakarrelate Kasi iba iba ang sitwasyon natin bilang Isang nanay. Yung alam mo yun lahat n basura kung saan saan nalang nakalagay kahit pa may mga basurahan Naman. May labahan Naman na lalagyan pero kung saan saan makikita ang mga hinubad. Hay naku, kya huwag magrereklamo kapag nagbubunganga na ang mga nanay dahil hindi alam ng iba kung gaano kakastress kapag ganon ang nakikita sa paligid puro.…
Gusto ko ng mga cabin pero huwag Naman ganito, haha! Baka yung mga characters sa wrong turn ang makatagpo ko dito. Pero nice photography, from Unsplash. Nakahiligan ko magbrowse ng mga photos about nature Kasi. Pantanggal lang inip.
Good morning!!late na Naman bumangon pero kanina pang gising. Ganito ako kapag badtrip. Mainit ang ulo ko dahil ilang araw ng mga proccessed foods ang ulam namin. Kung di Naman proccessed foods mànok na prito. Mamaya palang Kasi namamalengke ang asawa ko. Namiss ko magluto ng mga gulay ng mga isda na may sabaw. Nakikita ko Kasi ang epekto sa mga bata kapag di maayos ang pagkain. Parang mainitin din ang mga ulo nila eh.
Advance Happy Heart's Day.. Enjoy ang kids. Wala Naman silang alam sa Valentine's day, basta ang alam nila bumili kami nyan para kainin nila 😅 pantanggal din stress. After niyan maglinis na ko ng bahay para ready na ulit bukas...
Sarap siguro kapag single ano... Sulitin niyo na yan habang single pa kayo. Dahil kapag married na maraming pagbabago yan. Isa na diyan yung di ka makakahilata basta basta 😅 kahit kasing kana sa kaantukan minsan di ka makakatulog basta basta.. hay Sana all married na may time sa hilata😅
Naku naku, wiped out na Naman ang phone ko. As in yung system kailangan na Naman iddownload para gumana ang phone. Naalala ko nung una nilang na-wipe out ito talagang sobrang stress ko dahil di ko na nakuha yung lean ng Metamask at Bitcoin wallet ko. Kalokang mga bata to. Mabuti nalang yung ngayon ay konti lang ang nawala sakin Kasi nasa coinsph ko na at transfer ko na sa peso. Pero yung mga screenshots ko ng mga importanteng data galing sa school ng mga anak ko nawala kayan…
Good evening 🌕 bilog na bilog ang buwan. Ang sarap tumambay sa labas Kasi ang lamig ng hangin kaya lang di pwedeng magtagal sa labas dahil may mga nakabuntot saakin 👨👨👨 kakain palang kami, kayo ba anong ulam. Kami adobong baboy na natuyo na. Walang sabaw.
Good morning! This day is not just about celebrating intimate relationships, as many people believe. You can spend the day with your work mates, family, and everyone else you care about. Happy Valentine's Day ❤️❤️❤️
Ready to go,,,modules 😅 mappressure na Naman Tayo nito. Third Grading period na! Kamusta Naman ang dalawa kong chikiting na ayaw mag aral... May bago na Naman akong rules para sa kanila. Subok lang ng subok hanggang makuha ang kanilang loob.
Sa sobrang aga namin kanina bumangon at matapos sa mga Gawain, inaantok tuloy ako ngayon. Parang nakakatamad mag module haha! Pero kailangan pilitin, umpishan na Kasi tatlong bata ba naman tapos ang matatapos lang Naman yung Isang bata. Kaloka na buhay to, pagdating ng gabi lupaypay na. Hoy gurl huwag kang reklamo ng reklamo, anak pa more haha! May naalala lang akong taong magsabi nyan sakin dito mismo sa noisecash. "Anak pa more daw" binata Kasi yun, di pa nakakaranas ng…
Bukas nalang kami magstart sa modular class. I-check ko muna lahat ng worksheet niala kung may mga activities na gagamitan ng art materials para maaga kong mapaghandaan. Minsan Kasi sa nasa hulihan yung mga activities na gagamitan mga art material katulad ng dikitan ng photos ng bata or ng family, minsan di na ko makahabol Kasi magpapaprint pa. Kayak ngayong tingnan ko na muna lahat. Sigurado ako sa Homeroom guidance meron to.
Parang para to kay mama Niya eh, 😅 Hindi to kaya sagutan ng grade 1 ko. Sa totoo lang hindi talaga pa marunong ang anak ko gumawa ng mga ganyan. Lahat oral sa kaniya. Pagsusulat nga lang ng pangalan nya iniiyakan pa. Pero yan ang binigay ni teacher kayan ako nalang gagawa, kailangan lang ipaliwanag sa bata kung anong ibig sabihon niyan. Part Kasi ng childhood development kaya talagang dapat ituro.
Ang lungkot lang, di Kasi talaga abot dito ang sunset. Sky blue at gray lang ang lagi kong nakikita dito banda samin. 30 minutes lang kami tatambay sa labas tapos magluluto na ko at maglinis. Back to normal na talaga kami, sa araw.modular class, sa gabi gawaing bahay...
Pantanggal pagod guys... Alam niyo kung bakit? Kasi natahimik ang mga anak ko. Habang nagbabanlaw ako ng mga nilabhan ko naistress ako sa kulit nila, buti nalang may pasalubong. Ayan, nabawasan stress ko Kasi natahimik yung tatlo habang kumakain. Di ko man lang pati natikman yan 😅 nag tigdadalawa sila.
View ko habang nagsasampay sa labas. Tuwang tuwa na Naman ang nga bata at makakita ng moon 😅. Sarap pagkukurutin, saway na Naman ako ng saway di ako matapos tapos sa ginagawa ko eh. Yung isa magsabi na na sya nalang daw laging pinapagalitan 😅
Good morning! Ang aga aga pag gising ko kanina gising na din sila. At nag drawing ng mga yan. Kagabi pa sila drawing ng drawing niyan, yung iba nga tinapon ko na at dumadami na Naman ang mga karton sa kwarto. Iba ibang expressions ng mukha ang ginagawa nila. Naku yung mga basura nola ang problema ko talaga palagi dahil sobrang damit. May mga tinanggalan na Naman silang karton.
Anong nabili niyo sa pambubudol ni Shopee ngayong??? Ako eto vitamins ulit. Para sa heart, iwas hyper haha! Ito ang ipapartner ko sa sangobion ko. Para sa heart to saka may vitamin D rin siya. Syempre huwag makalimutan na kumain ng mga sagabal sa vitamin D. Mas maganda daw yung mga vitamins pala ng isda kesa sa gulay.
Tara Kain Tayo, eto muna para mabilis maluto. Patatas na may chunkee corned beef. Isang corned beef lang yan tapos tatlong patatas, mamaya mag chopsuey ako 💚😋
Kahit anong mangyari ako padin to si gerl 🙄😅 Bigyan niyo nga akong title para sa readcash at gagawa kong article. Wala akong maisip pero gusto kong kumita kang 50 Isang araw. Dagdag na din kahit pang meryenda diba.
Good afternoon! Eto kakabangon ko lang. Di ko masabing nakatulog ako Kasi rinig na rinig ko ang mga anak ko. Bumangon nalang ako at nagpeprepare na ng lulutuin para mamayang hapunan. Pero magkakape muna ako habang naglalaba. Grabe ang labahin ko, simula pa to nung December na inuubos ko. Ngayong ilang piraso nalang kaya siguradong ubos to mamaya. Huwag Naman muna sila magbihis Mamayang gabi para maramdaman ko ang walang labahin 😅
Good evening, madaliang pagluto na Naman tong gagawin ko. Para makakain bago mag 7pm. Medyo na-late ako ngayong Kasi nagligpit ako ng mga damit na nilabhan ko. Plus yung mga ginulo nilang damitan. Pati matanda nakikigulo 🙄
Good morning! I fell asleep early and I also woke up at 12 am.Hopefully I can still go back to sleep. I knew that sooner or later the children would wake up. But if I can't sleep, this is a good time to create a readcash blog. Because later, we had a modular class all day. Goodluck to you exemplary mother, 😅
Good morning!! I have my new invite @Nasrul , please welcome him po ☺️ he's from Pakistan. The Pakistanis here, help me explain to him about this platform. I have difficulty with English. Haha😅
Nag eenjoy sila sa sun light. Hanggang 10 am Kasi mainit talaga dito sa harapan namin. Wala Naman silabg maistorbo at nakita kong gising na ang lahat. Pero naka-minimize padin ang noise nila. Gandang umaga ulit, sabi ienjoy lang ang gawaing bahay, huwag mag iisip na kung ano ano.
Buntong hininga muna ng malalim. Nakakastress talaga ang buhay lalo na kapag wala kang magawa. Kaya nagiging pangunahing pangangailangan natin ang pera Kasi hindi Naman lahat ng pagmamahal, mga kaibigan, mga kakilala at mga mahal sa buhay ay makakasalba ng buhay mo kapag walang pera, sad but true 😢 Di ka Naman gagamutin sa hospital kapag wala kang pera. Di ka Naman makakain kapag wala kang pera. Wala ng libre ngayon. Kayak di talaga Tayo nabubuhay na walang kasamang stress.…
Kalat pa more bata, mamaya ikaw din mahihirapan nagligpit niyan. Sila na minsan pinagliligpit ko Kasi mas makalat kapag ako ang nagliligpit. Pero kapag sila pinagliligpit ko aba konti lang. Kasi ayaw nila, nagtuturuan sila. Minsan lang talaga sila magkusa. Lalo ngayon ang subject ng grade 1 at 2 ay tungkol sa pagpapakatao, medyo tinatamaan sila at nagkakatinginan nalang sabay tawa. Jusmio
My gosh, meryenda na nila pero ako wala pahinga haha! Buti nalang tinulungan ako ng panganay ko, siya muna ang nagbantay sa kindergarten sa paggawa ng activities. Siguro yung grade 1 Mamayang 4pm na Kasi maghuhugas pa akong mga pinggan. Si panganay Mamayang gabi bago matulog. Pakonti konti lang para hindi mastress ang nga bata.
Enjoy na enjoy sila. Sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang mga anak mo. Sabi pa ng bunso ko masayang masaya daw sya kagabi dahil ang lamig ng hangin tapos may moon silang nakikita. Hay naku, Sana sarili namin ang bahay para mas enjoy ☺️.
I want some dark place with this soothing himalayan salt lamp. Tulog na ang mga bata at nakaligo na din ako kaya nagpapahinga na ko. Ang sarap ilapat ng likod sa malambot na higaan after ng maghapong pagtatrabaho.
10:42 pm 🌃 While people here are sleeping, so, I'm feeling better watching these clouds and moon. The air is so cold!
Kain Tayo, isa na Naman tong sign na hindi okay ang oras ng pagtulog ko. 8 palang pahinga na ko pero ngayong eto, kumakain pa ako.
I was preparing breakfast, the children were about to wake up and someone was already awake. During the hours when they are still asleep, I often make a blog on readcash because I still have peace of mind. But there it is, enough for readcash because they're about to wake up!
Tara Shopping talk Tayo 😅 Guys sinong naggamit ng SHEIN APP STORE sainyo,? Kung wala pa, ito try niyo https://shein.top/t1v1fk3 Be wise lang sa pag gamit ng mga online store. Lahat ko yan ginagamit Shein, Shopee at Lazada. Sa Shein maganda hindi lang halata hehe. Etong post ko ay second order ko na yan. Level 2 ang account ko ngayon kaya naka x2 yung paggamit ng points na naipon. Yung 7pcs na panties ay 501 ang price pero nabili kong 135 pesos lang dahil sa nagamit kong free…
Pati ito share ko sainyo ☺️ Basta alam ko best buy to hehe.. ang ganda ng quality nya from Sweejar Lazmall. Basta lagi lang kayo maghintay ng mga free voucher para mabili niyo ng mura at free sf may cashback pa.. Kaya ako bumili nito para sa asawa ko. Sobrang nakakatawa daw Experience nya dahil sa kutsara na dala nya sa company. Nagkanya kanya Kasi silang dala ng utensils. Ang mga kasama Niya laging kumakain ay mga ka-officemate nya. Naputol yung kutsara nya habang kumakain…
Aaral muna kami, mamaya ulit ang mga bagay bagay na hindi related sa modular class ng mga bata. Pero hanggang 4 pm lang kami Kasi maglalaba pa ako.
Ganito kami tuwing modular class.. tatlo yan sila. Kapag nakatutok ako sa isa, ang dalawa Waley haha! Tapos limited time only, grabe. Ako lang yata nakakaintindi sa nararamdaman ko Kasi ewan...hay naku mabuti pa i-meryenda nalang yan ng kanin para busog tanggal ang stress.
Coffee break! Nawala na talaga saakin ang disiplina sa sarili. Kape na Naman, last na talaga to Kasi nag vitamins pa Naman ako tapos unhealthy Naman ang iniinom ko. Pero sa gabi bago matulog gatas Naman iniinom ko para masarap ang tulog pero minsan di padin ako makatulog. Katulad kagabi, ang sarap tumambay sa labas kahit ang dilim hehe
Dati hindi talaga ako nagtry ng SPayLater na ito Kasi naisip ko na mas magastos Kasi nga may interest diba. Pero one time, nagkaroon sila ng first time user ng SPayLater promo 300 Shopee coins Cashback. Ang ginawa ko nag activate ako ng SPayLater ko para makita ko kung anong benefits Niya na hindi ako malulugi. Ang inorder ko ay Sangobion na vitamins pero ang ginamit kong mode of payment ay SPayLater tapos Pay Later. Kapag Pay Later pinakamaliit ang interest nola dyan. Ang…
Ang haba ng naitulog ko. Kagabi pangalawang beses na maexperience ko yung yumuko lang ako na yukong yuko talaga sa higaan nakadapa ako, mga 30 seconds tapos bigla nalang akong nahilo at nasusuka. Tapos bumangon ako uminom akong tubig Kasi Parang di ako makahinga. Mga 15 minutes na di pa nawawala tapos Parang kapag mag exhale ako walang madaanan hangin. Naramdaman ko na to dati habang nasa cr ako, yumuko din ako Kasi maliligo ako nung time na yun ganyan din naramdaman ko…
Nagawa ko tong article kasi isa ako sa nagtry gumamit ng SPayLater which is nakamura ako sa bilihin instead na magpatungan ng interest. Kailangan lang ng abang abang sa mga promo talaga Mila dahil ay araw at oras lamang, limited promos. https://read.cash/@gerl/buy-now-pay-later-when-do-i-use-this-feature-f2ba657c
Nastress ako sa kanila sa pagsaway. Ang lakas ng mga tawa as in halos di makahinga sa kakatawa. Yun pala tinasahan nila yung mga color pencils halos maubos at di na magamit. Pasimuno itong batang ito. Dahil nga bebe pa daw sila dapat mga baby pencils din gamit nila. Naku grabe aksayado ah.
Lunch ko palang to, hindi ako sumabay sa mga bata Kasi may chilli sauce ang sawsawan ng ulam ko. Pritong bangus ang ulam ko basta may maanghang na sawsawan sapat na kahit walang sabaw. Naghahanda lang ako para sa mag modular mamaya, tatlo silang iba ibang grade na Naman pagkatapos ay laba ulit hehe, mga 5 pm ako makakapaglaba.
Mag 6 pm na di pa kami tapos. Kailangan namin tapusin tong pang Friday. Kaloka may form para sa mga magulang, ilalagay na ng magulang kung ilang minutes natapos ang bawat activity at ilalagay kung natapos o hindi.
Katatapos lang ng module ng bunso ko. Aya talaga lahat gumawa Kasi ngani may nakalagay pa kung ilang oras nagawa kada activity. Proud na proud Naman sya Kasi gawa nya lahat pero stress ako sa kakasaway sa dalawa pang kapatid dahil nga di ko naasikaso. Kakain palang kami tapos matutulog na. Bawal na magpuyat dahil pag namatay ako ng maaga walang mag aalaga ng mga bata dahil nagtatrabho ang ama.
Oi, happy weekend! Parang ang tahimik ng mga tao Ngayong pati dito samin. Nakapagpahinga na ako kayan eto puro na Naman ako cellphone. Di makatulog agad Kasi maligo pa. Siguro gagawa nalang ulit akong article sa readcash. Magche-check lang muna ako ng mga worksheets ng anak ko.
Kagigising lang, sarap ng tulog kapag di puyat. Nakapanuod pa akong scream yung latest (2022) . Di na ko nagandahan, si sydney medyo nagkawrinkles na pati yung lalakeng police tumanda na, sabagay ilang taon na din Naman na nakalipas yung huling scream nila. Lagi talagang maganda lang ang part 1. Hay naku mag kape na muna dahil mamaya yung Grade ko Naman ang maghapon sa modular class.
Tuluyan ko ng tinanggal ang mga apps sa phone na ginagamit ng mga anak ko kapag nag online class. Di ko na narecover yung Metamask ko at ibang apps ko. Yung iba suspended, multiple accounts dahil hindi ko talaga alam kung anong mga ginawa nila. Ang latest na ginawa nila kanina ay nag order sa Shopee ng Doraemon nobita at sineyo ba yun. Nakansel ko pa Kasi naka-COD sya. Tapos in-uninstall ko nalang lahat ng app. Pero marunong sila mag install sa play store Kasi andaming…
Molding 😍 Dahil tinago ko na ang mga laruan at wala ng gagamit ng phone, bumalik sila sa pagmold gamit ang clay. Ayan ang cute ni huggy wuggy, Parang tunay saya. Kamukhang kamukha. Pero siguradong dudumi nanaman kami dito dahil sa mga clay nila, pati mga damit may mga nakadikit na clay kapag maglalaba na ako. Pero mas okay to kesa sa phone.
3 pm na nakapagstart ng modular class ang Grade 2 ko. Gagawin namin to hanggang 7pm ulit. Kailangan ng discussion para maintindihan Kasi English to. Bukas nalang ang music, pinakaayaw ko pa Naman to haha!
MADE-UP and REAL STORIES Salamat Naman at naniwala na ang Kinder kong anak na ang mga superheroes katulad ni spiderman at made-up lamang. Gusto nya Kasi paglaki nya ay maging spiderman daw nahindi Naman maaaring mangyari sa totoong buhay. Yan ang lesson Ngayong sa Grade 2, Made-up and Real Stories.
Pagkaliit liit ng daliri na yan sa picture napansin pa ng anak ko. Wala daw galang 😅 bakit daw mali yung kamay, wala daw galang ang magturo🤣 tama nga Naman, tinuruan ko Kasi aya ng tama diba dapat nabukas ang palad na nakatapat sa tinuturo. Hindi dapat hintuturo ang gagamitin? Ayan natandaan nya, hahahaha
Good evening! May tanong ako sa mga mommies dito, okay lang Naman kung di niyo sasagutin ☺️. Anong pinakamalalang nagawa niyo sa bata nung panahon na nasa postpartum stage kayo? Kahit single pwede sumagot kung may kakilala kayong ganyan. Marami kasing dahilan yan, minsan di natin masisisi ang nanay habang nasa stage ng postpartum. Naranasan ko yan kaya alam ko ang pakiramdam. Iba iba ang stage ng postpartum. Dati hindi ko yan alam, nalaman ko lang nung tatlo na ang anak ko.…
Katatapos lang ulit ng modular class namin (8:15 pm). Maghahapunan palang kami pero asawa ko Naman ang nagluto. Kya ganitong oras kami natatapos Kasi pinipilit kong matapos talaga dahil nga yung Kindergarten ko ay may nakaschedule talaga tapos dapat yung oras naka-indicate sa checklist. Huwag magsisinungaling Kasi para din Naman sa bata yun. Para sa pag aaral nila. Magsakripisyo an magulang hindi ang anak.
Hay salamat, nagligpit ang dalawang maliit kaya lang yung dustpan na may mga basura nilagay sa harapan ng electric fan🤣 mga pasaway. Kain muna kami tapos tutulog na sila. Ako kailangan kong makagawa mamaya ng article sa readcash Kasi kailangan ko talaga😅
Good morning! Tapos na mag almusal, Jaya magluluto na ng para sa lunch. Natapos kong turuan sa module yung Grade 2 kahapon para sa week na to. Mamaya yung Grade 1 ko Naman, as usual aabutin kami ng 7-8 pm para matapos yung para sa buong week dahil bukas, Monday, another sets of modules Naman. Pero baka bukas stop muna kami dahil di ako nakapaglinis ng bahay at di rin nakapaglaba ng 3 days Jaya natambakan ng Gawain. Magbago Kasi ako ng sched, ang modular class nola ginawa…
Lunch, gulay at atay 😋 Hindi ko hinalo sa gulay Kasi di yan kakainin ng mga anak ko. Mas gusto nilang nakahiwalay ang atay sa gulay. Habang nagluluto ako naggagawa ako sa readcash 😅 jusko! Kayak Parang gulay din ang gawa ko. Mamaya Kasi modular class na Naman hanggang 8 pm na kaya ang ending nito tulog na namn agad ako kapag nakahiga na.
Buti nalang nakita ko. Naglalaro lang yan pero nakatulog na pala sya na may takip ang mukha. Yan yung ginawa niyang mask kanina tapos nakatulog nalang kahit di ko Naman sinabihan na matulog saya.
Green tea by nestea, nag iisa lang yan Kasi free sa bearbrand ☺️ Pero Parang gusto ko tuloy mag tea talaga. Para makaiwas na din ako sa mga nakakapagpataas ng blood sugar. Parang naistress ako kakaisip ng mga sakit na pwedeng magkaroon ako. Naiisip ko Kasi agad namatay hehe, ayokong mamatay na wala pang mga trabaho ang mga anak ko. Grabe ang tagal pa nun hehe
Alam ko na iba iba ang Postpartum Depression, pero Ngayon ko lang nalaman na ganito pala yung sakin. Kaya siguro hanggang Ngayon akakaramdam padin ako dahil di namn ako nagpagamot. Pero kahit panu kayan ko ng kontrolin yung sa ibang dyan na symptoms. https://read.cash/@gerl/postpartum-psychosis-the-dark-side-behind-motherhood-02b442cf
Magpaalam na at kailangan kompleto ang oras ng pagtulog Ngayon para handa bukas sa mga bagyo at ipo ipo dito sa loob ng bahay 😅. Maghapon Kasi akong pahinga kanina Jaya bukas tambak agad ang gawaing bahay. Hindi natuloy ang nakaschedule ko kanina dahil biglang Sama ng pakiramdam. Sige na , bukas Naman🙂.
Good morning! Tanghali na tulog pa kami hehe, paano gising kaninang madaling araw kaya nakatulog ulit. Nagpeprepare na ko ng almusal kayan lang sabi ng dalawang bata kumain na sila, buti nalang may tinapay at cheese dito. Kayak nakakain sila. Kakatuwa itong dalawa nagkukusa, ang tagakuha ng pagkain ng bunso itong isa nyang Kuya. Nagising ako Kasi nagkkwentuhan ang dalawa ang lakas tapos maya maya kakanta haha!
Mag isa nalang ang batang ito sa labas. Sabi ko pumasok na at baka mapagalitan. Tanghali na daw wala ng tulog 😅 rarason pa eh. Yan Kasi ang alam Niya kapag tanghali na dapat wala ng tulog.
General Cleaning kuna ang gagawin ko Ngayon Kasi dumami na Naman ang kalat dahil ilang araw din kamung nakafocus sa mga modules ng mga bata. Yung labahin ko grabe, tingnan ko palang pagod na agad ako.di ko magawa yung di magpapatambak Kasi kulang talaga yung time para sa lahat ng Gawain. Ang nagagawa ko lang mga Gawain na hindi pwedeng ipagpabukas.
Dumating yung vitamins ko. Pero dahil di pa ubos ang Sangobion ko di ko muna yan ittry. Di ako nagpaconsult sa doctor tuwing magttake ng bagong vitamins Kasi di Naman kailangan ng mga reseta yan. Saka nagbabasa muna ako kung anong mga dapat at hindi dapat.
Late lunch, halos meryenda na to di Kasi ako gutom. Sobrang inaantok ako Ngayon after magpahinga. Di Pako tapos maglinis. Pero dahil di ko na kaya, stop muna. Magmodular muna ang isa sa kanila kahit 2 hours para at least walang masasayang na oras. Bawal ang tambahly dahil tambak ang gawain.
Di ko mapigilan, pero first cup ko palang to. Less sugar din. Dapat siguro ganito ang tamang simula ng pag iwas ☺️ Tulog mga bata Kasi ayaw daw muna nila ng modular class. Pero bukas hindi na pwedeng aayaw. Habang tulog sola, ako Naman paunti unti naglinis ng bahay. Masakit Kasi ang ulo ko kaya paunti unti lang muna. Ayoko din matulog Kasi mas sasakit lang ang ulo ko.
Mamaya nalang yan, Bukas nalang yan, Bahala na! Ilan lamang yan sa mga sumisira sa minsan sa mga schedules natin. Diba??? Aminin nyo may ganyan din kayong habit 😅. Kung wala, aba'y how to be you po? Suggest nga po para maiiwasan ang mga yan...Minsan Kasi alam na natin kung anong kahihinatnan kapag pa-easy easy lang Tayo kahit maraming gagawin pero ginagawa padin natin, diba? Ang tawag dyan katamaran haha! Totoo yan, kapag pagod na ang katawan mo, kahit ayaw mo pang tumigil…
Ayokong sabihin na bukas nalang, Jaya Ngayon gagawin ko na yung di ko natapos kanina. Kapag ipagpabukas pa, mas lalong dadami ang Gawain at nakakairita yun. Nasisira na Naman ang schedule para bukas. Patulugin ko lang ang mga bata at ready to go na Naman ako sa next task ko ☺️.
I'm busy now (probably) I'll do it later: How to beat "I'll do it later?" That's why I woke up so early, literally. When will I be able to finish my readcash article if I always say “I’m busy right now, so, I’ll do it later”? We know that getting done all the tasks in one day is one of the unrealistic goal, why not to start one and stop saying "later"? Start small one, it's better to start even a small one task than wait for later to take one giant leap. Our time is now, not…
Nag aalmusal na ang aking anak na palaging sobrang aga magising. Ako Naman ay nagluluto na ng almusal ulit hehe, kapag bagong gising Kasi sila tinapay at gatas muna pero mga 9 am nag kakanin kami niyan.
Kain Tayo, Itlog na may ampalaya. Dinamihan ko talaga ang itlog nyan para mas Marami din makain ang mga bata. Nakapag almusal na kami kanina pero tinapay lang yun kayan kakain ulit kamung kanin Ngayon.
Ang baho ng amoy ng singaw ng lupa dito. Umaambon Kasi pero tirik ang araw. Kakain palang ng lunch pero parangbayaw nila at kumain silanng kanin ng 9 am yata yun kanina. Kahit ako, mamaya pa ko kakain. Nakapaglaba pa ako habang naghihintay ng tawag ng teacher at may online class sila. Kayak yung Grade 1 ko sira na Naman ang schedule. Gagawan paraan mamaya bago matulog Sana makapag aral pa sya.
Online Class-Kindergarten Ang lakas ng ulan, nakakadistract hehe at nakakaantok. Pero ang tindi ng mga bata, walang antok antok. Ang active din Naman ng anak ko kaya lang sobrang kulit😅
Hays salamat tapos na, pero minamadali ko meryenda nila at nakakarindi haha! Akala mo di pinakain, nakatatlong Kain na nga silang Kain ng kanin eh. Lalake talaga, iba. Lakas kumain. Pero alam ko di sila nag enjoy kanina Kasi almusal at lunch same gulay ang ulam, magkaibang klase lang ng gulay. Di sila kontento dun. Ngayon Naman, maglaan ako ng 45 minutes para kay readcash, then, 5:30 pm magluluto na ko ng hapunan ☺️
Ang anghang!!!🌶️🌶️🌶️ Wala pang lulutuin palang hapunan nagpansit muna ako. Nagsaing lang muna ako. Lakas ng ulan Jaya ang sarap kumain Ngayon!!!!
Tokwa na may pechay, laging lamang yung sabog 😁 lahat kami dito gusto namin ang tokwa kaya maraming tokwa at konti lang yung pechay para walang matira at walang masasayang. Medyo na-late ang hapunan namin Kasi na-late yung uwi ng asawa ko dahil lakas ng ulan kanina.
Gusto ko pang matulog, 6am na pero madilim pa dito tapos ang lamig Kasi umuulan. Kayak lang kailangan ng bumangon dahil humihingi na ng pagkain ang mga anak ko. Grabe talaga sila kahit anong panahon pa yan ang aga nila palaging magising. Dapat pa lagi akong nauuna Gumising Kasi matic na yan pagkagising nila gatas at tinapay ang hanap.
Eto ang masarap sa malamig na panahon 😍 pork adobo. Yung mga hindi pinoy subukan niyo to Kasi ang sarap! Adobong walang sabay yan, may taba at laman. Naalala ko kapag pyesta samin, kinabukasan may tiring adobo iinitin tapos ilalagay sa sinangag na kanin, sarap!
Good morning, gising na siguro lahat. Ang sarap mag imagine, yung may maayos na buhay ka tapos ang nagwowork ka sa bahay lang. Hawak mo ang sariling oras at ikaw din ang boss mo. Kelan kaya...
Ang sarap! Bigay lang yan 😁 Di na muna ako magluluto, Mamayang hapon hapon nalang para makapag umpisa agad kami sa aming mga aralin. Yung panganay ko, self study nalang say Kasi mas kailangan ako ng kinder at grade 1 ko.
Reading time ng kinder at grade 1 ko. Puro talaga sila kalokohan kapag magkasama. Habang nag aasikaso ako dito sa kusina sila Naman nag aaral. Maya't maya nasigaw ako Kasi di pwede ang mahinahon dito, di ka nola maririnig 😅
Break muna sa modular class..matagal ng gustong mapanuod ng mga anak ko si bumblebee pero never kong pinayagan. Ngayon papayagan ko suka, ang Saya nila. Pero kaya ko sila papayagan para nakapaglinis ako ng kusina na walang sasawayin. Nakakahilo Kasi yun na pagod ka tapos ngawa ka ng ngawa kakasaway. Kayak Ayan kuna sila Kaso ang liit ng ginagamit nila 😁 yung phone Lang na ginagamit nila sa modular class .
Train Your Temper The real test comes the next time you get so mad you could just explode. But don't explode. ▪️Take a break from the situation. I want to be alone, leave me alone! Charrrr😁 ▪️Put yourself in a timeout. Go ahead and take a timeout for yourself. ▪️Get the anger out. Do something that can get your angry out. Punch your wall 😅. I clean that whole house or be a maritess for a while with my siblings 😅. ▪️Learn to shift. Think of something that will put you in a…
Yung pakiramdam na nalaman niyang tatawagan sya bukas ni teacher dahil may one on one assessment sa Math at Filipino 😁 Pero ramdam ko din yan, naaawa tuloy ako. Kinakabahan yan, kaya kinakabahan din ako. Tutulala na Naman kakaisip yan, hay naku
Blangko ang brain ko Ngayon, di na kayang makagawa sa readcash kaya magpahinga na ko. Time for bed na, ipikit na ang mga mata. Wala na munang cellphone, bye .good night!
Mabuti Naman at may mga dahon na ulit ang aming malunggay dito sa labas ng gate, di na kailangan bumili sa palengke. Kahit saan hinahalo ko to Kasi wala Naman tong lasa pero masustansya. Dahil wala kamung mànok, ihahalo ko to sa pritong itlog at gulay mamaya.
Toasted bread and egg Almusal palang namin dahil na-busy ako kanina sa labas. Ko lang pala dahil habang nagpeprepare ako ng almusal Kain na sila ng Kain😅
Hoy bata! Anong ginagawa? Ang cute kanina niyan, 2nd Time niyang kumuha ng malunggay sa labas ng gate akala mo ay nanakawin nung mga dumadaan 😅. No choice yarn mamaya, kundi kumain ng malunggay alam Niya yan na masustansyang pagkain yan.
Pinalabas ko silabg dalawa kanina, mga aligaga. Parang may mga hinahanap sa lupa haha! Naku dapat are araw ko na sila palabasin hanggabg sa masanay. Ang bunso kahit ulit ulit kong sabihan na huwag maglakad sa gitna Kasi may sasakyan, gumigitna padin. Walang pakialam sa mababangga Niya at babangga sakanya. Excited sa mga nakikita sa paligid.
Inaantok ako habang nagtuturo ng Addition, subtraction at multiplication sa grade 2 ko. Nasa 4 digits na sila sa addition at subtraction, sa multiplication Naman kailangan imemorise na yung multiplication table, assessment din nila Mamayang 3 pm.
Intense ang Mathematics Assessment ng Grade 2, medyo mahigpit si ma'am 😁. Kailangan i-explain ng bata kung paano Niya sinagutan yung problem. Pero ayos Naman Kasi natututo talaga ang bata.
Madaliang luto ng aming hapunan, adobong atay ng mànok at egg. Gutom na gutom na kami dahil inabot ng 6pm yung Mathematics Assessment ng anak ko. Tara Kain muna!
Pa-throwback muna. Takam na takam Kasi ako nito pero di ko alam kung saan bibili ,wala nyan sa food panda eh. Ang sarap lata nyan. Tapos huling bili ko nyan 20 pesos pa ang isa. Ngayon magkano kaya yan.
Pritong talong at egg+malunggay+kamatis+sibuyas Ang sarap nito napapakakan ko na Naman ang mga bata ng pagkain na may malunggay. Good morning! Kagabi Marami pa akong gustong gawin, pero paglapat ng likod ko sa higaan deretso na. Pagmulat ko, ay umaga na!
Mag i-snack na ang mga anak ko, ako katatapos ko lang mag almusal habang nagluluto ng snack nila. After nito, eto magpeprepare na ko ng lulutuin para Naman sa lunch haha! Ganito ka-busy ang mga nanay kaya lang, bakit pa Kasi naimbento ang cellphone😅 may nang aagaw tuloy ng obligasyon at responsibilidad😅😅😅. Kinukulang na nga sa oras nag seselpon kapa gerl😅
Antok na antok ako habang gumagawa ng article haha! Baka mapublish ko na Naman to na di sinasadya Kasi ang daliri ko nadikit sa screen kapag nakakatulog ako baka mapindot yung publish😁 Kaya nagtry ako Ngayon Kasi tulog ang dalawang bata, walang istorbo Kaso pati ako inaantok.
Finished! Pero hapon na pala. Lahat na ng nakaschedule ko Ngayon ay natapos ko. Walang modular class muna para kahit panu may pahinga dahil kahapon inabot kami ng 6 pm. Chil chill muna Ngayon...
Gusto ko sanang chichirya Kaso wala. Di ko alam kung anong gusto ko pang kainin, Parang wala akong gana kumain. Chichirya sanang maanghang. Nagkape na din ako pero di satisfied eh.
Good afternoon sunset!!!syempre edited lang yan para nagmukhang sunset. May mga time na sagad sagad ako mangarap talaga. Katulad nalang ng sunset na yan. Sunset nalang yan pero di ko pa masilayan Kasi di abot dito samin ang sunset hehe..puro imagination nalang talaga ako.
Fun questions: Just for fun lang ha 😁 What’s the weirdest smell you have ever smelled? Where is the strangest place you’ve urinated or defecated? In one sentence, how would you sum up the internet? What is the most embarrassing thing you have ever worn? What mythical creature would improve the world most if it existed? Where was the most in appropriate / most embarrassing place you’ve farted? Ayokong sumagot, kayo muna 😅😅😅😅i-edit ko to mamaya.
Iyak na yarn😅 explain mo bata kung anong mga ginawa mo. Puro ka laro, kapag pinapagawa sa worksheet minamadali lahat. Now, explain what you've done!!!
GOOD NIGHT 😚 Bukas na ulit..feeling ko lasog lasog katawan ko maghapon. Kailangan ko ng magpahinga talaga ulit. Sana bukas paggising ko ay maganda ang araw, sabado na Sana hanggang linggo nasa good mood Tayo. Para pagdating ng Monday ganon padin good mood.
Breakfast palang kami Kasi ang dami kong niligpit na mga kalat. Maayos pa ang lahat kagabi, paggising ko kanina talaga namang di ko ikatutuwa. Bawal na bang Gumising ng late ang mga nanay???? Di lang ako nagising ng maaga pag buong maghapon na agad ang kalat nila. Nagising ako 5:56 am, late na yun kapag dito samin Kasi mas maaga talaga magising ang mga anak ko. Pero grabe yung halat, di man lang Kasi sinaway ng ama. Mas makalat ang bata kapag may kasamang matanda na hindi…
Kayo po, anong mga common problem niyo sa bahay? https://read.cash/@gerl/our-6-common-household-problem-with-my-3-kids-6197b98f Malamang magkakapareho Tayo sa ibang mga problema. Para saakin ang bigat bigat na mga problema nito saakin lalo na at ako lang Naman ang may pakialam. Particularly yung kalat ng mga bata at clog drains na dapat owner ng apartment ang magpapaayos, ang nangyayari ako talaga???…
Hopefully, matapos namin hanggang bukas ang mga modules. Good luck 3 kids. Alam kong hindi ko kayo natuturuan ng maayos pero maiintindihan Naman yan ng mga teachers niyo, ang mahalaga paunti unti na natututo kayo magbasa at magsulat.
Coffee break,malapit na kaming matapos sa module ng Grade 2 ko. Habang nagkakape ako dito, nakita ko yung matandang lalake dito nagtatakbo palabas ng kusina. Kakakilabot Naman ang Pamilyang ito. Sila yung may ari ng apartment. Yung lalakeng naninigaw sa anak ko siya ay anak lang. Yung matandang lalake na tumatakbo palabas kusina matagal na siyang di nakatira dito. Kaya nga dito stay pumapasok sa likod sa may kusina Kasi kapag nakita sya ng anak mumurahin sya. Kakaawa say…
Nakikita niyo po ang mga ugat? Andami na! Yung pinagkuhanan ko niyan na nasa lupa ang pangit. Kaya mas maganda talaga yung mga nilagay ko sa tubig. Marami na yan nilagay ko sa tubig lahat na sila may mga ugat. Meron pa akong sinubukan sa tubig yung purple ang likod ng dahon, nagkaugat na din at may mga dahon ng lumabas. Hindi sya babahayan ng lamok Kasi every 2nd day talaga pinapalitan ko ng tubig.
Katatapos lang ng modular class namin. Podpod ang lapis at kapoy ang mga bata. Malapit na akong sumuko haha! Buti nalang natapos namin pero ang sakit ng lalamunan ko. Kakain palang kami, buti nalang nakisama yung gamer dito, sya muna gumawa lahat ng gawaing bahay habang naglalaro.
Craving... May sleep trouble na Naman Kasi ako kaya kahit na dis oras na Kain padin ako ng Kain. 12:30 na dapat matutulog na talaga ako dahil bukas ay maraming gagawin. Sana kahit 2 am makatulog man lang ako. Kailangan ko kahit 3 hours..
Good morning! Paaraw muna kami, maganda ang panahon. Ang mga anak ko parang mga gagamba 😅 mga spiderman siguro talaga to. Tuwang tuwa kapag maaraw. Kapag may araw na kinukulit nila ko na lumabas Kasi hindi daw basa ang lupa pwede sila lumabas. Diba yung kanta na itsy bitsy spider 😅
Let's do this haha! After ng modular class, may natira pa akong Isang araw para maglinis ng kapag ng pang buong linggo. Naimagine nyo? Pati mga anak ko nasesermonan ko na kahit wala pa Naman silabg alam dyan😅sabi ko ang hirap kasama ng lahat lalake mga walang pakialam sa mama nola😅 pero totoo yan jusko! Lalo na siguro pagmalalaki na magkakanya kanya na yan. Kayak dapat bago pa man sila lumaki kompleto na ang mga gamit ko para hindi ako uugod ugod haha!
Eto muna habang nagluluto ako para sa lunch. Nagluluto padin ako ng saging pero mukhang di dumadami Kasi nakain na sila haha! Kahapon ang gana ko sa pagkain Kasi iba ang nagluto. Pero Ngayon ako na Naman ang magluluto Jaya wala na Naman ganang kumain unless maanghang ang pagkain.
Ang init!!! Pero mahangin kaya ang sarap sanang tumambay sa labas. Basta kapag ganitong panahon naaalala ko yung mga time na nasa probinsya. After maglunch tatambay sa labas sa kubo diba tapos ganito ang panahon. Hay naku, inaatake na Naman ako talaga. Nag iimagine na Naman ako ng buhay probinsya.
Nakakaantok na hapon! Tulog ang mga bata kaya heto ako ngayon dito sa labas nag iisip ng topic hehe. Kailangan ko gumawa para sa readcash habang wala pang istorbo. Kapag nagising sila stop ko din at magswitch namn ako ng ibang gawaing bahay.
Coffee break! Yan lang ang meryenda ko dahil walang ganang kumain dahil walang makakain haha! Nag umpisa agad ang aking kindergarten sa module nya dahil bukas maglalaro daw sya maghapon. Kaya eto kami, nag eenjoy Naman say Kasi about community ang lesson nya. Kaya lang puro talaga kalokohan haha!
May bukas pa mga bata..kung alam niyo lang gaano na kalasing ang inyong ina 😅. Magsitulog na kayo dahil alam kong madaling araw palang gising na Naman kayo at sobrang bibitinin niyo na Naman ang tulog ko. Tapos maririnig ko sila, tulog pa si mama manuod ta sa cp Niya. Naku talaga ang purpose nila kung bakit napakaagang Gumising
Good morning! Kakabangon lang ulit, at mabuti Naman nakakain na ang mga anak ko. Paaraw ulit kami bago mag umpisa ang lahat. Pero baka mamayang gabi pa kami sa modular class dahil may gagawin ako ngayon na alam kong di matatapos sa buong araw.
Last December to, siguro malapit na din sila magkita Kita ulit Kasi wala na yatang masyadong cases ng Covid. Safe na ba? Ang Saya nila kapag magkasama. May isa lang dyan na di masaya, yang seloso kong bunso.
Maglunch na muna Tayo para may lakas mamaya sa digmaan. Ang reyna dapat mas malakas pero yung mga kawal ko dapat ganon din😅😅😅Hay naku tara na kumain na
Buti pa yung isa kong kapatid nakauwi na sa Bicol. Nakapag beach na din agad siya. Ganito din ang isa sa mga pangarap kong mapuntahan after pandic, kelan kaya??? Masarap magrelax kapag ganito ang lugar. Tunay yan na nakakapagpeace at calm ng isip.
Congrats madir at sa anak ko, kahit panu..nakikita ko yung mga pinagpaguran at pinagpuyatan. Yan yung mga award nila kapag nag one on one ng teacher nila😍
They serve as a reminder that one person can make a big difference in someone's life. This reminds me of how important it is to be kind to one another, to support one another, and to love one another. You never know how much your kindness can truly make a difference in someone's life.
Sarap😍😍😍 Mukhang makalabas labas na. Maraming pilian to sa bayan. Mas mabilis ng makakabili ng mas mura. Goodbye food pandang pagmamahal haha! Good morning! kagabi nakaramdam na Naman akong pagpitik sa may ulo ko kaya itinulog ko kaagad dahil alam kong malalang sakit ng ulo na namn Sana yun kung di ko agad ipinagpahinga.