Good evening! May tanong ako sa mga mommies dito, okay lang Naman kung di niyo sasagutin ☺️. Anong pinakamalalang nagawa niyo sa bata nung panahon na nasa postpartum stage kayo? Kahit single pwede sumagot kung may kakilala kayong ganyan. Marami kasing dahilan yan, minsan di natin masisisi ang nanay habang nasa stage ng postpartum. Naranasan ko yan kaya alam ko ang pakiramdam. Iba iba ang stage ng postpartum. Dati hindi ko yan alam, nalaman ko lang nung tatlo na ang anak ko. Nagulat nga ako yung karamihan na postpartum ng ibang mayaman ay about sa pagbabago ng katawan. Yung iba Naman yung emotions nila na di maintindihan. Gagawa ako ng article mamaya pero hindi ako nakafocus sa postpartum na word, siguro konting idea lang. Magshashare lang ako ng iba't ibang experience ng mga kakilala kong nanay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
During my first born sis, hindi ko alam na postpartum pala yun. Pero sobrang napaka emosyonal ko. Hindi sa bata ako nun super affected palagi kundi kay hubby. Konting kibot umiiyak ako. Hindi niya nga daw ako maintindihan minsan nagagalit ako sa kanya simpleng bagay lang para bang humahanap ako ng pag aawayan namin na dalawa, yan ang sabi niya sakin hehe. Pero ayun na realize kong yun pala yun.