Naku naku, wiped out na Naman ang phone ko. As in yung system kailangan na Naman iddownload para gumana ang phone. Naalala ko nung una nilang na-wipe out ito talagang sobrang stress ko dahil di ko na nakuha yung lean ng Metamask at Bitcoin wallet ko. Kalokang mga bata to. Mabuti nalang yung ngayon ay konti lang ang nawala sakin Kasi nasa coinsph ko na at transfer ko na sa peso. Pero yung mga screenshots ko ng mga importanteng data galing sa school ng mga anak ko nawala kayan kailangan ko na Naman humingi sa school. Mga photos na sinave ko para sa pagpapaprint nawala kaloka. Di pa Naman naka back up yung sa google photos. Tapos di ko Tanda ang password ng gmail account ko pero kakapalit ko palang nun. Andami na Naman ayusin. Hahanapon ko pa yung recovery phrase ng Metamask ko ulit buti nalang na-save ko sa gmail account ng asawa ko.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Hala anong ginawa nila sa phone mo sis?