read.cash Log in
@Gerl more from that month

Iba iba pala ang klase ng Anxiety noh, siguro lahat Tayo may anxiety hindi lang natin alam kung anong klase. Isa sa mga halimbawa ay sa katulad naming mga nanay, may mga feelings kami na di maipaliwanag tapos mga asawa ang napagbubuntunan o kaya anak. May tawag sa anxiety na yan, Yung sa sobrang tagal mong nasa bahay lang halos nahihiya kanang lumabas , naging mas mahiyain ka, hindi ka nakikipag usap masyado sa ibang tao, akala mo introvert ka, yun pala may anxiety ka din. Kayak mahalaga talaga na nagtatanong tanong at nagbabasa palagi Kasi makakakuha Tayo ng mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa buhay natin. Gusto kong gawan ng article to kayan lang pahirapan na Naman ako nito sa intro at ending 😅. Isang klase ng Anxiety, akala mo introvert kang tao yun pala isa kang taong may Social Anxiety Disorder. Ganyan ako, disorder na yata tong saakin saka panic Attack, pero pwede pa Naman magamot kaya basa basa Tayo or magtanong Kasi di pa Naman huli ang lahat para magbago. Kaya yung iba akala mo kakaiba say yun pala may anxiety disorder na kailangan gamutin. Habang bata pa ang mga anak, dapat ang magulang marunong tumuklas nyan kung ano man ang kakaibang napapansin sa anak nila para maiiwasan at di na kalalakihan pa bago gamutin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.