How I fought Postpartum Depression

13 43
Avatar for Genevie1218
3 years ago

Hello guys, just wanna share my experience with postpartum depression at Kung Paano ko to nilabanan. Bago ang lahat ano nga ba ang postpartum depression?

Postpartum” means the time after childbirth. Most women get the “baby blues,” or feel sad or empty, within a few days of giving birth.

Yes, isa ako sa biktima ng postpartum. After kong manganak last November 2020, napansin kong ang daming nagbago sa akin. Ang bilis ko ng mairita at magalit kahit sa maliit na bagay na hindi ko gusto o hindi kaya pakiramdam ko hindi ako naintindihan ng mga taong nakapaligid sa akin especially ang aking asawa.

Madalas din akong hindi makatulog at laging puyat kahit wala naman akong ginagawa. Sa gabi hindi manlang ako makaramdam ng antok while sa umaga kahit maghapon akong nakahiga hindi ako dinadalaw ng antok. Nawalan din ako ng gana kumain gaya ng dati kaya bumaba ang aking timbang. Mismong ang paborito ko dating pagkain ayaw ko ng tikman.

Panic attack, kahit sa pinakamaliit na problema na kaya namang solusyunan nagpapanic na ako. Iniisip ko na may mangyayaring hindi maganda. Lagi din akong nag ooverthink lalo na pagdating sa baby ko gaya ng, paano nalang kung hindi ko maalagan ng maayos etc..

Overwork, pakiramdam ko kasi sobrang dugyot ng aming bahay kahit kakalinis lang. Hindi ako kontento hanggat hindi ko nakikitang makintab ang sahig. Madalas basahan at walis ang aking hawak lol. At ang pinaka worst, hate na hate ko ang aking asawa kahit wala naman siyang ginagawa. Lagi kong nasisisgawan at napupuna. Minsan nahahampas ko nalang bigla.

Until one day may nabasa ako sa facebook about sa nanay na nakaranas ng postartum at kung paano niya ito nilabanan. Nagkaroon din ako ng idea kung paano ako makaalis sa ganong situation.

  • Every morning naglalakad lakad ako sa tabing dagat para magpaaraw since malapit lang ang dagat sa aming bahay atleast 15 minutes. Nakakatulong ito para marefresh ang pag-iisip.

  • Naglalaan ako ng oras para sa sarili ko.

  • Nag-oopen ako about sa pinagdadaanan ko sa mga malalapit sa akin, gaya ng nanay at ate ko.

  • Hinanap ko kung ano yung mga bagay na magpapasaya sa akin at

  • Lagi akong nagdadasal kay Lord at sumali din ako sa bible study.

Mahirap pero kinaya ko. Salamat sa aking asawa kahit pagod sa work tinutulungan niya akong magalaga sa aming baby at sa gawaing bahay. Inintindi at inalagaan. Salamat sa walang sawang pagmamahal.

Message:

Para sa mga kalalakihan, you should know that being a woman as a mother is not a joke. That at times we are weak physically, emotionally, and psychologically you should be at our side. Postpartum depression is not a joke.

9
$ 0.44
$ 0.33 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jeansapphire39
$ 0.02 from @Zcharina22
+ 3
Sponsors of Genevie1218
empty
empty
empty
Avatar for Genevie1218
3 years ago

Comments

To all mothers out there know that we are so proud of you dahil hindi madali yung role niyo bilang ina. Pray lang po kayo palagi.

$ 0.00
3 years ago

All kinds of depression is really serious and need to treated. Seek professional care if necessary. Wish you a good mental health.

$ 0.00
3 years ago

I'm so proud of you. You are strong and wonderful woman.

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much

$ 0.00
3 years ago

Yay buti nalang mabait si mister hehe..

$ 0.00
3 years ago

Yes sis. Buti nalang hehe

$ 0.00
3 years ago

Dumaan din ako diyan sis. Laging naiirita pero nilabanan ko lahat sa awa ng dios

$ 0.00
3 years ago

Wala pa man ako anak sis pero sa mga nababasa ko about postpartum hinahanda ko na rin ang sarili ko.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis maigi na yung pinaghahandaan. Mahirap kasi talaga.

$ 0.00
3 years ago

Naranasan ko din yan sis, iritado at palaging wala sa mood. Pero salamat kay God at sa hubby ko na sinuportahan ako para malabanan, fight lang sis.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis buti nalang hindi sakit sa ulo ang mga mister natin. Mahirap pero kaya!

$ 0.00
3 years ago

Minsan may ganyang nga sis , pero di ko naman dinanas yong ganyan na sitwasyon .at PAg pray mo lng sis na mawala ña yan . Mayawa ang Diyos.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis basta magpray lang lagi. Halos lahat naman ng ina napagdaanan ang postpartum. Hehe. Laban lang para sa pamilya.

$ 0.00
3 years ago