Normal Na Araw Para Sa Isang Mag-aaral
Nang mga nakaraan araw kapansinpansin ang pagbaba ng bilang ng mga tang aking nakakasalamuha sa platform na ito maging sa noise.cash, at dito ka napaglimi kung gaano karami ang mga estudyante na gumagamit ng parehong online platform. At ngayong araw nais kong ipasilip ang isa sa aking pinagkakaabalahan bilang isang mag-aaral, naisipan ko na rin gamitin ang wikang Filipino dahil kaakibat nito ang aking ilalathala ngayon sa inyo.
But before anything else, I'd like to extend my gratitude to my sponsors for their support, and you can visit their accounts to read interesting piece.
Isa sa mga asignaturang aking kailangang kunin ngayong nasa ikalawang antas ako sa kolehiyo ay ang asignaturang Filipino, bago pa man umusbog ang programa ng K-12 kurikulum ay isinulong ng Commision of Higher Euducation ang pagtatanggal ng nasabing asignatura sa kolehiyo. Sa kabilang banda ay mariing ipinaglaban ng Tanggol Wika ang samahan ng mga guro sa wika at kasaysayan ang argumento ng kahalagahan ng pagkakaroon ng Filipino at Kasaysayan sa antas ng kolehiyo. Matapos ang mapatunayan ang kahalagahan nito ay matagumapay namang ipanalo ang patuloy na pagkakaroon ng mga nasabing asignatura sa kolehiyo.
Bilang isang mag-aaral naging pabor ako sa pagkapanalo ng Tanggol Wika dahil tunay ngang mahalaga na linangin pa ng mga kabtaan ang kanilang talino at kakayahan sa larang ng paggamit ng sarili nating wika. Gayun pa man ay aminado akong nahihirapan ako sa asignaturang ito lalo't higit sa pagpapalawig ng aking mga nais sabihin at ipaliwanag dahil bilang parte ng makabagong henerasyon ay hindi ko na alam ang ilang mga katumbas ng salitang madalas na ginagamit sa Ingles.
Sa ngayon ay inataasan kami ng aming guro na magbigay ng opinyon sa naturang katanungan kanyang ibinigay sa amin,
Bumuo ng hindi lalampas sa limang sariling pangungusap at kaisipan na tutugon sa tanong na : "Ano ang natatanging papel ng wikang Filipino sa panahon ng pandemya?"
Taong 2019 ng magsimulang lumaganap ang pandemya ng Corona Virus Disease (COVID-19) na unang nadiskubre sa Wuhan, China at kalaunang lumaganap sa buong mundo at hanggang sa taong kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng kabi-kabilang pag-aaral upang makahanap ng solusyon sa nasabing sakit. Sa loob mahigit dalawang taon mula ng nagsimula ang pandemya ay nakaranas ang bawat sulok ng mundo ng pagtaas ng bilang ng mga taong binabawian ng buhay, maging ng pagbagsak ng bawat ekonomiya dahilan upang sumailalim ang nakararami sa paghihirap at kakulangan ng mapagkukunan sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Isa sa naging unang pundasyon upang maipalaganap ang impormasyon sa mundo ay ang pakikipagkumonikasyon, isa sa mga naging makaling gampanin ng wikang Filipino sa ating bansa ay ang pagkakaroon ng isang partikular na midyum na upang maipahatid ang bawat impormasyon sa mga mamamayan natig may ibang diyalektang ginagamit sa pakikitagtalakayan sa kanilang lugar. Ang pagkakaroon ng natin ng isang wikang pambansa ay nakatulong upang magkaroon ng pantay na pagkakaunawaan sa pagitan ng kapwa natin Filipino at dahil dito ay naging mas madali ang pakikipag-ugnayan ng mga lider ng bawat rehiyon sa Gobyerno at gayundin ang agarang pagtugn ng mga ito sa mga nangangailangan. Nakatulong din ang ating wika sa pagbibigay pagkakaisa sa ating kapwa mamayan ng pag-asa ng muling pagsulong ng bagong normal bilang unang hakbang ngmuling pagbangon mula sa pandemya.
Nais ko pa sanang paliwigin ang kosepto ng ideya ng aking kasagutan ngunit may nakalaang limitasyon ng bawat pangungusap kaya naman hinayaan ko nalang ito. Aminin natin na sa kasalukuyang panahon ang hirap ng magsalita ng purong tagalog lamang lalo't higit sa kasalukuyan ay madalas na higit sa dalawa ang ginagamit nating wika sa pakikipagtalas tasan sa ating kapawa at karamihan ay mas nasasanay na magsalita ng taglish partiklar sa mga kabataan. Patunay lamang ito na may nagaganap na pag-unlad sa kabila ng paglaho ng ilang mga katutubong salita sa ating bansa.
Maaari mong suriin ang ilan sa aking mga nakaraang gawa dito
Pinababatid: Hindi ako isang psychologist o isang financial advisor, at lahat ng aking mga artikulo ay ginawa para sa mga layunin bilang libangan. Ang mga inilalathala ko dito ay aking personal na opinyon lamang, at anumang mga pahayag na ginawa ay batay sa aking mga personal na pananaw at hindi dapat ituring bilang katotohanan. Laging gumawa ng iyong sariling pag-aaral at pananaliksik.
Maari n'yo akong sundan at suportahan sa mga sumusunod:
Napakahusay! Isa itong magandang artikulo kung saan ay nabibigyang pansin ang kahalagahan ng pag gamit ng wikang Filipino. Nais ko rin sabihing bagamat maraming gawain sa skwela ay patuloy pa rin ang inyong pag gamit ng nasabing plataporma.