Laban Pilipinas
Mahigit Isang buwan na ang nakalipas, subalit bakit walang takot na nadarama sa aking puso. Isa! isang salita ang makakapag patigil ng lahat,walang iba kundi kamatayan, yan ang salita na ating kinatatakutan, nyunit bakit? Bakit kailangan nating matakot? Wala tayong dapat ika takot dahil nasa ating puso si Hesus ang Diyos na lumikha sa lahat, at alam ko na isa lamang itong pag subok na dapat nating lampasan, wag tayong sumuko, nasa atin ang desisyon kung magpapatuloy paba tayo sa pag laban. Pag puksa sa covid na wala nang ibang ginawa kundi manakit ng mahal natin sa buhay, wala nang ibang ginawa kundi ubusin ang taong wala namang ginagawa, mga taong handa, handang ibuwis ang buhay para mailigtas ang iba. Para sa mga front liners Salamat sa pag aalaga, isa kayong maka bagong bayani na handang mawala, mailigtas lang kami sa kapahamakan, mailayo lang kami sa kawalan, sa kawalan ng pag asang mawala ang covid na lumipol sa libo libong nilalang. lumaban ka kaibigan, walang dapat ikatakot, covid lang yan. Anak tayo ng Diyos, kayang kaya nating lampasan ang matinik na daan, kaya nating puksain ang pangamba na kumakabog sa ating puso. Gutom na ako sa mga oras na ito, gutom na maipahayag sa inyo na wala tayong dapat ikatakot, walang dapat ipangamba dahil nanjan ang ating mga pamilia, sama sama tayong mag tulungan, ibalik natin ang bayanihan. Tayoy mag hilahan, patungo sa pag asa, pag asa na ating inaasam. Wag tayong magpatalo sa ating pangamba, na maubos ang ating bigasan, “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pag bubuksan. Sa pagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat kumakatok ay pag bubuksan”(Mateo 7: 7-8) iyan ang naka saan sa ating sanda, manalangin tayo. O Diyos ko na makapangyarihan sa lahat. Kami po ay nag susumamo sa inyo. Maraming Salamat po sa aral na ibinibigay nyo sa amin. O Diyos sa kaitaas taasan, kami po ay inyong tulungan na malampasan ang pagsubok na ito. Na ibalita sa sang libutan na may Diyos na palaging nanjan para tumulong at ibigay ang aming pangangailangan, o Diyos ko, ilayo nyo po kami sa kapahamakan. Amen.
Ngayon alam mo na? kung bakit walang takot na bumabalot sa aking katauhan. Sana’y matauhan kana kaibigan, magising ang natutulog na pag asa. Maunawaan ang halaga ng pag sasama sama, kahit hindi tayo pwedeng mag dikit, tayo’y pag tatagpuin, ika’y hahagkan sa sa dulo ng walang hanggan. Para sayo kaibigan na biktima ng covid. Nandito lang kami para sa inyo. Handang manalangin araw – araw, mailigtas ka lang. wag kang sumuko. Ito ang aking kalasag, na prumoprotekta sa kawalan ng pag asa. Pumipigil sa masasamang loob sa gustong pumasok sa ating isipan na sumuko na at itigil ang laban. Tayo’y mag maskara sa daan, simbulo ng pakikisama sa ating nakakasalamuha, hugasan natin ang isipan sa mga negatibong nababalitaan, sama sama tayong lumaban. Mahigit isang buwan na ang lumipas, at sa wakas ang pag wawakas ng sulat na ito’y pag tapos ng sakit na hindi dapat katakutan.
Naway maging maayos na lahat at mawala na ang virus na ito . Gumaling nawa ang lahat ng may sakit🙏