Pilipinas vs Covid

0 4

Laban Pilipinas

Mahigit Isang buwan na ang nakalipas, subalit bakit walang takot na nadarama sa aking puso. Isa! isang salita ang makakapag patigil ng lahat,walang iba kundi kamatayan, yan ang salita na ating kinatatakutan, nyunit bakit? Bakit kailangan nating matakot? Wala tayong dapat ika takot dahil nasa ating puso si Hesus ang Diyos na lumikha sa lahat, at alam ko na isa lamang itong pag subok na dapat nating lampasan, wag tayong sumuko, nasa atin ang desisyon kung magpapatuloy paba tayo sa pag laban. Pag puksa sa covid na wala nang ibang ginawa kundi manakit ng mahal natin sa buhay, wala nang ibang ginawa kundi ubusin ang taong wala namang ginagawa, mga taong handa, handang ibuwis ang buhay para mailigtas ang iba. Para sa mga front liners Salamat sa pag aalaga, isa kayong maka bagong bayani na handang mawala, mailigtas lang kami sa kapahamakan, mailayo lang kami sa kawalan, sa kawalan ng pag asang mawala ang covid na lumipol sa libo libong nilalang. lumaban ka kaibigan, walang dapat ikatakot, covid lang yan. Anak tayo ng Diyos, kayang kaya nating lampasan ang matinik na daan, kaya nating puksain ang pangamba na kumakabog sa ating puso. Gutom na ako sa mga oras na ito, gutom na maipahayag sa inyo na wala tayong dapat ikatakot, walang dapat ipangamba dahil nanjan ang ating mga pamilia, sama sama tayong mag tulungan, ibalik natin ang bayanihan. Tayoy mag hilahan, patungo sa pag asa, pag asa na ating inaasam. Wag tayong magpatalo sa ating pangamba, na maubos ang ating bigasan, “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pag bubuksan. Sa pagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat kumakatok ay pag bubuksan”(Mateo 7: 7-8) iyan ang naka saan sa ating sanda, manalangin tayo. O Diyos ko na makapangyarihan sa lahat. Kami po ay nag susumamo sa inyo. Maraming Salamat po sa aral na ibinibigay nyo sa amin. O Diyos sa kaitaas taasan, kami po ay inyong tulungan na malampasan ang pagsubok na ito. Na ibalita sa sang libutan na may Diyos na palaging nanjan para tumulong at ibigay ang aming pangangailangan, o Diyos ko, ilayo nyo po kami sa kapahamakan. Amen.

Ngayon alam mo na? kung bakit walang takot na bumabalot sa aking katauhan. Sana’y matauhan kana kaibigan, magising ang natutulog na pag asa. Maunawaan ang halaga ng pag sasama sama, kahit hindi tayo pwedeng mag dikit, tayo’y pag tatagpuin, ika’y hahagkan sa sa dulo ng walang hanggan. Para sayo kaibigan na biktima ng covid. Nandito lang kami para sa inyo. Handang manalangin araw – araw, mailigtas ka lang. wag kang sumuko. Ito ang aking kalasag, na prumoprotekta sa kawalan ng pag asa. Pumipigil sa masasamang loob sa gustong pumasok sa ating isipan na sumuko na at itigil ang laban. Tayo’y mag maskara sa daan, simbulo ng pakikisama sa ating nakakasalamuha, hugasan natin ang isipan sa mga negatibong nababalitaan, sama sama tayong lumaban. Mahigit isang buwan na ang lumipas, at sa wakas ang pag wawakas ng sulat na ito’y pag tapos ng sakit na hindi dapat katakutan.

1
$ 0.00

Comments

Naway maging maayos na lahat at mawala na ang virus na ito . Gumaling nawa ang lahat ng may sakit🙏

$ 0.00
4 years ago

Isipin natin na ang pandemic na ito ay hindi hadlang para ipagpatuloy natin ang ating buhay.Isa lamang itong pagsubok na alam kong kaya nating lampasan.Basta hwag lang din tayo mawalan ng tiwala sa Panginoon.Sya ang ating kapitan sa lahat ng pagsubok.

$ 0.00
4 years ago

Magdasal lang tayo palagi

$ 0.00
4 years ago

sa panahon ngaun laban lang sabi nga nila matira matibay kaya dapat tuwing lalabs g bhay ay laging sumunod s mga safety protocols n pinapatupad ng gobyerno ugaliin n mg suot ng fase mask or face shield or kung ano pa man n ppe at lagi din may dala n alcohols. at mas mkakabuti kung d rin nmn importante ang gagawin ay huwag nang lumabas ng bhay sabi nga ng mga front liners please stay at home.

$ 0.00
4 years ago

Sobrang pahirap ang ginawa at ipinaranas sa atin ni Covid-19. Pero ang dapat natin gawin ay maging alerto at mag ingat ng triple sa lahat ng oras. alagaan ang ating sarili.

$ 0.00
4 years ago

Sa panahon, matira matibay nalang, pero may mga paraan naman para maiwasan natin ang sakit na eto eh, eto ay ang ibayong pag iiingat palagi, wag labas ng labas sa bahay kung walang importanteng gagawin. Dahil hanggang sa ngayon wala pa tayong vaccine, medyo matagal pa tayong magtitiis dahil sa covid19, lahat walang kasiguraduhan, kaya tiis muna tayo at keep safe everyone, always wear your mask😊

$ 0.00
4 years ago

Covid19 is increasing day by day rapidly. This article is mind blowing. Carry on your writing. Thanks.

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga eh, iasa itong paalala ng ating Panginoon na sana ang maga tao sa mundong to ay magbago na makikila na sya at hinfi na maging pasaway kadi isa na itong pagsubok kong gaano ka na mananalig sa kanya, kaya nyang nagpalansans sa crus para sa lahat ng tao, sabi niya huwag nyo katakotan ang pumatay sa mga katawankundi ang pumatay sa mga kaluluwa nyo

$ 0.00
User's avatar Fe
4 years ago

Isipin mo na nung nag ka covid19 halip na bumaba ang kaso ng crime o nakawan ayy lalo pa itong tumaas halip na mag damayan nag nanakawan pa

$ 0.00
4 years ago