Dinig na dinig ni Lora ang bawat pagtunog ng orasan sa bawat segundong nagdaan. Hindi niya akalaing ang isang kaganapang hindi niya magugustuhan ang mag-uudlot sa kanyang mga pangarap para sa kanyang anak. Sa bawat pagpilantik ng orasan ay siya ring pagdaloy ng kanyang luhang puno ng hinanakit at pighati. May labindalawang oras na lang ang natitiranng oras para masilayan pa niya ang mundo na sa ngayon ay puno nan g karahasan…
Magtatatlong buwan pa lamang mula ng humayo si Lora sa ibang bansa dala ang pag-asang maiahon ang kanyang anak sa kahirapan at mapag-aral ito. Kahit na masakit sa kanyang kalooban na mahiwalay nito, hindi pa rin siya nagdalawang-isip na maging “OFW” at manilbihan sa mga dayuhan. Kasambahay siya sa mag-asawang dayuhan.
Unang araw pa lamang sa kaniyang paninilbihan ngunit pait na ang kanyang nadatnan. Pang-aapi, diskriminasyon at pangmumolestiya ang mga tanging naranasan niya. Gusto man niyang lumaban, pero minabuti na lang niyang magtiis para sa kanyang anak.
Subalit, ang pinakamasaklap sa lahat, hindi lang pang-aapi ang kanyang naranasan lakip pa ang pang-aabuso sa kanyang katauhan. Ilang gabi ng pinagsasamantalahan ng amo niyang lalaki ang kanyang pagkababae. Pilit man niyang magmakaawa ngunit balewala lamang siya nito.
Hanggang isang gabi nang hindi na mapigilan ni Lora ang pang-aabuso, napatay niya ang dayuhang lalaki sa kadahilanang hindi na niya matiis pa ang lahat. “Panginoon, patawarin niyo po ako, hindi ko po sinadya ang lahat… hindi kop o akalaing mapapatay ko siya,” mga katagang nabitiwan ni Lora habang tulala itong nakatitig sa duguang dayuhan. Ilang minuto pa ang lumipas nakita siya ng dayuhang babae.
“What happened? You killed my husband, you’re insane!” ang sabi ng galit na galit na dayuhang babae nang makita ang duguang asawa. “You must die!” sambit ng babae habang tumawag ito ng pulis, na tuluyang dumampot kay Lora papuntang prisinto.
“Wala akong kasalanan, he raped me!” paliwanag ni Lora sa mga dayuhang pulis. Subalit kahit anong pilit niyang paliwanag at pagmamakaawa hindi pa rin siya pinakinggan ng mga ito. At sa mga ilang araw na nagdaan tuluyan na siyang hinatulan ng kamatayan. Pilit man siyang tulungan ng pamahalaan ng Pilipinas nngunit na natinag ang desisyon ng mga dayuhan sa parusa niyang kamatayan.
Tatlong oras na lang ang natira subalit hindi pa rin nagawang pumikit ni Lora sa kadahilanang natatakot siya at sinulit niya ang oras na makita ang mga bagay ditto sa mundo na pili tinakpan ng mga bakal na rehas na bumalot sa kanyang pagkatao.
“Ma!” gulat na gulat si Lora nang marinig ang boses ng kanyang anak. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan nang makita ito. Pilit man niyang yakapin ang kanyang anak ngunit ‘di niya magawa dahil sa rehas na pumagitan sa kanila. Hindi na nakapagsalita pa si Lora nang hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang anak. Tanging mga luha lang niya ang nagpahiwatig sa kanyang kasiyahan na makita pa niya ito sa huling pagkakataon.
Sa limang minutong natitira, bahagyang nagbukas na ang rehas na tuluyang naglamon ng kadiliman sa kanyang katauhan. “Ito’y isang panaginip lamang, alam kong sa isang iglap tuluyan nang mabubura ang lahat ng mga hinanakit na aking naranasan. Masaya ako, dahil sa oras ng aking kamatayan nasilayan ko pa rin ang maamong mukha ng aking anak,” mga katagang binitiwan ni Lora nang ito’y tuluyan nang humarap sa kaparusahan na hindi naman niya kagustuhan.
Lead image from Google.
Thank you everyone 👇👇👇👇👇👇👇👇
My gosh this is just too heavy 😭 I mean nangyayari tu in real life. Pinagtanggol lang naman ang sarili pero sya pa rin ang naging masama. Sino ba naman kasi ang makakatiis ng ganoon diba, ikaw ba naman ang pagsamantalahan 😭😥