Maling Akala

12 38
Avatar for Firenze
3 years ago

I rest for almost 3 days here because I badly needed it. My mind is preoccupied until now actually, but I am inspired to write this one.

Disclaimer: Some parts here were from my own experience when I was younger, kung nahahawig to sa kwento nyo hindi ko po sinasadya, sorry na agad.

Nabiktima ka na ba ng maling akala? Yung akala mo espesyal ka pero akala mo lang pala. Yung consistent syang "good morning, good afternoon, good night" oh kaya "kumain ka na ba?, matulog ka maaga, wag kang magpupuyat ha". Yung akala mo eh espesyal ka, yun pala di ka nag iisa. Send to many naman pala hahahahahaha. Yung sabi nya mahal ka nya, tas kinabukasan nagulat ka nagkwento tropa mo, ay mahal din pala sya

Yung kinikilig ka at kinikilig din pala sya.., yun nga lang sa iba, sad di ba? Sobrang sweet nya, hinahatid ka pa nga, pero habang hinahatid ka eh may katext na iba with "oh nakauwe ka na ba?"

Hindi naman sya babaero, sadyang nafall ka lang sa maling tao.Sweet lang sya sayo dahil kaibigan ka nya. Mahal ka naman nya, as kaibigan nga lang, at kaya ka nasasaktan kasi hindi yun yung pagmamahal na gusto mo matanggap.

Yung nagseselos ka pero ikaw lang ang nakakaalam, kasi wala ka namang karapatan. Inispoiled ka nya pero hindi ikaw ang niligawan, oooucchh ang sakit di ba? Hindi mo sya matanong kung ano ka sa kanya kasi baka isagot sayo "kaibigan mo, di ba?"

Litong lito ka na kasi hindi mo maintindihan. Feeling ka lang ba, oh talagang mayrong iba. Lagi syang may pachocolate, may paprutas pa nga, at wala kang karapatang kiligin kasi kaibigan ka nga lang di ba?

Nagtataka na ang barkada kasi parang ang sweet naman nga nya. Ihuhug ka nya kapag stress ka, hahawakan nga kamay mo sa bus kapag nilalamig ka na pero ididikdik mo sa utak mo na "wala yun self, kaibigan ka nga kasi db".

Pagseselosan ka ng girlfriend kasi sobrang close kayo, ipagtatanggol ka naman nya kasi kaibigan ka nya at di ka nya kayang i let go. Isinama ka nya nung hinatid nya girlfriend nya, kasi gusto nya magkasundo kayo, tas smiling while hiding the pain naman ang drama mo. Torture, di ba?

Naranasan mo din ba, magkaron ng maling akala? Akala mo mahal ka pero mahalaga ka lang pala. Huwag mahihiyang magtanong, mas okay ng sa una pa lang malinaw na kung ano ka sa buhay nya. Wag ka magsettle sa magulong usapan, masakit sa ulo yan haha.

Hindi ko alam kung pano ko tatapusin to, masyadong mahaba kung susundan ko pa. So katulad na lang sa kanta ng paborito kong banda, hindi ko alam kung pano puputulin ang kwento kaya ganito na lang bigla na lang itong mawawala----

4
$ 2.47
$ 2.23 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @bbghitte
+ 2
Sponsors of Firenze
empty
empty
empty
Avatar for Firenze
3 years ago

Comments

Hahahahaha. Una sabi ko pa bakit may pa DISCLAIMER ang lola mo. Aba nung binabasa ko na parang may kaunting relate ako. Hahahaha. Malanding usapan ang sa amin. Hindi malabo kasi malinaw naman kung ano ang meron kami. Ang sarap balikan ng mga alaala. 🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahaha hahaha natawa ko malanding usapan. Nainspire ako sa lagi kong nakikita every morning, lam mo na haha. True actually nkakatuwa din minsan memories ng kabaliwan. Ang ending nyan naging kami naman, pinagtagpo pero di tinadhana. Haha si pashneang first love 🤣🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Ikaw ang president ng fans club ng love team na yun. 😆 siguro nung naging kayo, yung tumatakbo siguro sa utak nung ex niya eh "magiging kayo din pala" with taray taas kilay siguro. Hahaha. #toomuchteleserye

$ 0.00
3 years ago

Naku oo, iba talaga eh hahaa.

Ay oo hahahahaha. Shuta, tama naman pla sha hinala lol. Naku ang drama ng first love ko din parang kay john ahha. Nung ngbreak kme abay binalikan after ilang bwan. 🤣🤣🤣🤣 pashnea

$ 0.00
3 years ago

akala ko talaga ramdam na nya, kasi sobrang sweet namin sa isat-isa.

nagtaka ako, bakit kaya, bigla na lang nawalan ng gana.

ano kaya naging dahilan, mag tatanong lang kasi di ko pa alam.

$ 0.00
3 years ago

nak ngggggg... ang gandaaaaaaaaaaa..my hugot ba sa past ito kuya? Panalo eh hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

oo meron. buset hahahha 🤣🤣🤣🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Hehehe, di ko alam kung dumaan ako dyan o ako ung nagpaasa minsan🤔🤔😁

$ 0.00
3 years ago

baka nang friendzone ka sis. ang sakit kaya hahahha

$ 0.00
3 years ago

Hahah, di naman prang bigla na lng din nawala...hahah

$ 0.00
3 years ago

hahaha, sana ganyan din saken. ending nyan naging kami eh, si first love yan eh lol 😁😁

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha, may panahon kasi na ganda-gandahan ako sis...hahahah

$ 0.00
3 years ago