Inggit

10 37
Avatar for Firenze
3 years ago

Warning: It's just another random story of mine..

Normal sa tao ang mainggit sa iba, lalo sa mga bagay na meron ang iba na wala ka. Iba't ibang level lang, may mild, may gitna at merong sagad sa kaibutaran ng laman at balunbalunan ang inggit sa katawan...at yun ang hindi na tama.

When I was a kid, never akong nainggit sa iba. Dahil pinalaki kami ng parents namen na kapag wala wala, kapag meron eh di thank you. Makuntento ka sa bagay na meron ka, ganyan kami nireremind ng parents namin kaya wala kami nung "bute pa sila may ganito, bute pa sila may ganyan". Kaya masaya kami kahit andaming wala at kulang when it comes to material things.

And that's the trait that t I hate the most. Well, no one's perfect. All of us are working in progress, we need to change for us to be a better person. Pero tayo ang magsisimula non, kahit ano pang sabihin saten ng ibang tao, kung hindi naman tayo kikilos para mabago yung sarili naten, walang mangyayare.

Let me share with you the story of my old friend. She's my former officemate when I was in the corporate world. We became close easily. That was the time when I'm so soft-hearted and easily open my heart to anyone. Okay naman at first, but as time passed by, even my co-department noticed her attitude. She loves to wear make-up at pag nauubusan sya sakin ang hinihiram nya. I don't usually wear make-up kaya matagal maubos saken, not until I met her char. At first okay lang, hindi naman ako madamot, hanggang sa araw-araw na lang, at buong pouch ko na kinukuha nya. At sa inis ko eh binigay ko na lang sa kanya yung lagi nyang hinihiram and dun nya narealized na hindi na maganda ginagawa nya.

I thought okay na, Then habang nagiging close kami mas lumalala. Nagsimula na syang pansinin savings ko, sahod ko, tax refund ko, and even mga loans sa SSS and iba pang money matters. Yun yung time na ngstart na ko maging cold sa friendship namin, I started to avoid her, coz every time na magwiwithdraw kami lagi syang nakasunod and nakatingin sa screen. Yes, sinisilip nya ang sahod kong di namankataasan lol hahahahaha.

Even my tax refund. Kapag nalaman nyang mataas yung saken, magtatanong sya ng computation sa HR and Acctg. Bat daw mas mataas ako eh ang dami kong OT.. I don't even know how's the computation because it doesn't matter to me. I don't want to stress myself with numbers and hindi ko ugali silipin ang Tax refund ng iba lol.

I saw the toxic traits in her. Not only me, even some of our colleagues. Lahat naman tayo may bad traits eh, depende na lang kung gaano katindi. And siguro lang yun kasi yung pinakaayoko eh, yung may inggit. Naipon na lahat ng issues sa kanya hanggang magresign sya and iunfriend kami lahat sa social media. Nung nahimasmasan sya eh nag iinvite sya ulit, but nah. I chose to cut ties too because I don't want to have communication with her. Some say I'm cold, well I don't care what they say, my inner peace is my priority. I don't want to dwell with toxic people, it's draining. Mahirap gamutin ang inggit ng isang tao, lalo if di naman sya willing magbago.

Social Media nowadays is one of the reasons I think bakit may mga taong naiinggit. Kasi halos makikita mo na lahat buhay ng iba. Achievement nila, career, mga naipundar sa buhay... pero nakakalimutan ng iba na filtered ang social media. Sino ba ang gusto ishare ang failures nila? Sino ba ang may gusto na ikwento ang mag behind the scenes nila in life? All of us have our own battles and hindi natin alam ang laban ng bawat isa, so bakit ka maiinggit? Naiinggit ka na sya may ganito o ganyan pero alam mo ba kwento behind that?

It's all about contentment. As human being it's normal to crave for more. It's okay, do your best in life to achieve what you want to achieve, but don't envy other people's achievements. Gawin nating inspiration na magagawa din natin yung nagawa nila.

I have a friend na kahit na marami na syang napundar, malaki naman sahod nya..lagi pa ding "bute pa si ganito, at that age may ganito ganyan na.." It's normal but not too much. Even sya mismo eh marami ng accomplishments, nasisilip pa din nya yung iba. Kasi she's not contented. Minsan kakatingin natin sa iba, hindi na natin naaappreciate yung bagay na binigay satin ni Lord kahit hindi naten hiniling.

Let's focus on ourselves, on our own growth para maiwasan natin silipin ang buhay ng iba. ^^

3
$ 4.49
$ 4.24 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @bbghitte
+ 1
Sponsors of Firenze
empty
empty
empty
Avatar for Firenze
3 years ago

Comments

In my opinion po, Okay lang naman mainggit basta gagawin nyang inspiration yun in a positive way . Yung mas lalo sya mamotivate ,pagtrabahuhan ng maigi para makuha nya din kung anu man yung nakikita nyang meron sa iba.☺

$ 0.00
3 years ago

yes true naman yan, nasa tao yan eh if pano ihahandle. Gagawing inspirasyon to be better and to do better. May mga kilala kasi ko na kabaliktaran. :),

$ 0.00
3 years ago

Such a good read in starting my day. 😊

Isa sa favorite line ko na yung "You're only one step away in changing your life." na pwedeng for the good or bad. Itong inggit at YOLO ang plano ko na next topic kaso para kasing nasabi ko na noon sa Money, money, money. Hahahaha. Pero mahirap talaga kapag may inggit sa katawan.

$ 0.00
3 years ago

Tama. Need lang natin magsimula at mamili, if gusto ba nten magimprove or not.

Malay mo may mailabas ka pa haha. Parang may nabsa nga ko sa money money money before pero keri pa din kc d ka msyado nakafocus sa inggit don.

Grabe yun, ndrain nya ko. Para kong nagtatago kapag nagwiwithdraw. Wala naman kainggit inggit. Ayaw nya ng nalalamangan kc sya. Sad.

$ 0.00
3 years ago

Ako naman ayokong tingnan ATM ng iba lalo yung sa friend ko kasi ako lang maiinggit. Hahaha. Pero minsan kapag may saltik ako makikisilip ako kapag magwwithdraw siya. Nanay ko ang mahilig sumilip kapag nagwwithdraw ako. Gusto malaman laman ng ATM ko. Kaya minsan di na ako nagwwithdraw kasama niya. Malalaman magkano laman. Kapag walang laman yun pwede niya tingnan. Hahahaha.

$ 0.00
3 years ago

hahahahhaha... normal naman yun din talaga eh kapag close mo lalo ung tao.minsan nasilip ahahaha, ang malala yung kinarir na pagiging maiinggitin hahahhahahaha. Si mama ganyan tinatanong ate..sb ate "wag mo na tanungin ma" hahahahaha, ako naman sa utang ko..sagot ko din"wag mo na tanungin ma,malaki" hahahahahahahhahaha

$ 0.00
3 years ago

Tama! Maging kuntento at gawing challenge para satin na abutin ang mga bagay na di pa natin kaya sa ngaun pero sa mabuting paraan dahil sabi nga ni Kuya sa PBB, 'sa takdang panahon' at sabi ni Aiza 'pagdating ng panahon'☺️

$ 0.00
3 years ago

Hahahhaa truly. Naisali pa c aiza at big brother 😹😹.

$ 0.00
3 years ago

hahahah, d ba? rhyme kasi:D

$ 0.00
3 years ago

haha trueee

$ 0.00
3 years ago