Dagat ng Basura

3 174
Avatar for Firenze
3 years ago

Familiar ba kayo sa lyrics na to? "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin, Tunay ka bang isa sa amin?"

Ito ang campaign Jingle ni Manny Villar year 2010. Hindi ko makakalimutan tong lines na yan hindi dahil binoto ko si VIllar, di pa ko botante nun, tamad po ako pumuntang Comelec hehe. Isa sa pinaka hindi makakalimutang kaganapan sa buhay ko nung OJT life ko is yung nagpunta kaming Baseco Compound.

Nag ojt ako sa Visual Camp Inc, in Makati. They cater photo and video services sa mga advertising companies. Dun ko first time nakakita ng accordion style na camera,very vintage. Malinaw pa sa memorya ko yung itsura, sayang lang at di ko sya nakuhaan noon. Dun man ako nag ojt late ko naappreciate ang photography. Masaya na ko noon na marunong akokumuha ng subject n blurred yung background manually using DSLR hahaha kaya until now nagprapractice ako haha. It's never too late to set another hobby & goal right?

Balik tayo sa aking storya. Si sir Ruben, owner of Visual Camp back then, sya ang kumuha ng videos and photos for Manny Villar's campaign. Sinama kami ni sir to observe.Napakacool nyang tao. Isa sya sa cool na business owner na nakilala ko. Nasa sasakyan pa lang kami sinabihan na kami ng boss namin na wag masyadong lalayo sa kanya dahil delikado. According nga sa sabi sabi "baka di ka na makalabas ng buhay". Nakakatakot nung una pero pagdating namin dun nagulat kami kasi kilala sya ng mga tao.

Sobrang lawak nito, sa dami ng basura makaktuntong ka talaga, parang lupa lang

Direk ang tawag sa kanya. Pinagkakaguluhan sya ng mga bata. Nakakatuwa. We feel safe. Dun ko unang nasaksihan yung tinatawag nilang Dagat ng Basura. Literalsyang dagat ng basura. Napakadami. May patay na hayop. May mga dumi na palutang lutang (alam nyo na ang duming tinutukoy ko) May konting amoy kapag malapit kasa tubig. Ganun kalala dun noon. At nasabi ko sa sarili ko na, ang swerte ko pala, na walang wala pala yung drama ko sa buhay kumpara sa problema nila, na pakiramdam ko minsan ang hirap hirap ko na pero ano pa sila? Doon ko natutunan how to be gratetful kahit sa maliit na biyaya na natatanggap natin.

He is Sir Ruben. nagreready na for photoshoot

Umapak din kami mismo sa mga basura na yun at grabi. Para na syang lupa sa tigas, hindi ka talaga lulubog. Hindi na namin naisip na mandiri dahil yung boss nga namin cool na cool magphotoshoot eh. Kami pa ba? hehe. Nakakatuwa yung ngiti sa mga bata. Sumusunod sila lang sila samen. Sila yung bida sa photos and tv ad ni Villar. Sila yung magpaparealize sayo na kung tingin mo ang saklap na ng buhay mo, hindi po yun totoo. Nakikipagkwentuhan pa sila samin. May nag aaral pero merong huminto na. Eye opener sakin ang lugar na yun at mas lalo kong naging thankful kung paano yung sakripisyo ng mga magulang namin para mapagtapos kaming tatlong magkakapatid. Nilibot namin yung port area na yun, kahit sobrang init. Lumayo muna kami sa dagat ng basura para maappreciate yung lugar. Payapa at tahimik sa dulong parte ng port.

Nawala na din yung amoy sa part na yun. Dami kong narealize sa lugar na yun. Gratitude unlocks the fullness of life. It turns what we have into enough, and more. Let's appreciate every blessing and don't' take life for granted. And bago kami umuwe. Nagrequest si sir Ruben na dun kami magdinner at kumain ng tahong. Yes dun sa dagat na yun mismo galing yun ahahaha, pero sa malinis na part namanah. At first, medyo napaisip ako if maselan ba tyan ko hehe pero dahil ayaw namin maoffend yung mga bata at yung nanay nila, pumayag na kami. Kumain kami sa lapag ng kanilang munting bahay with matching gasera. Oha parang candlelight dinner pa kami haha. Minsan masaya din silipin ang di mo mundo. Mas maaappreciate mo ang buhay na nirereklamo mo. Sa laki ng mundo, meron at meron kang makikilalang tao na magbibigay sayo ng realizations sa buhay.

Isang dekada na ang lumipas at hindi ko alam if may nabago ba sa buhay nila. Natulungan ba sila ng gobyerno o ano, pero sana..... sana nabigyan nila ng pag asa yung mga batang nangangarap noon doon.

4
$ 0.76
$ 0.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbghitte
$ 0.05 from @bbyblacksheep
Sponsors of Firenze
empty
empty
empty
Avatar for Firenze
3 years ago

Comments

Damang dama ko bawat mga salitang iyong binitawan. Naisa isip ko yung accordion na camera na iyong tinutukoy. Sana nga ay natulungan siya ng ating gobyerno at hindi ginamit lang sa pangangampanya. Maganda rin sana kung merong magawang pagbabago sa dagat ng basura kagaya ng rehabilitasyon na ginawa sa Manila Bay upang maiwasan na ang pagbaha sa ating bansa. At bakit parang ako ay gumagawa na din ng aking sariling artikulo? 😅

$ 0.00
3 years ago

Hahahhahaha. Mas mahirap gunwa pala ng tagalog kesa english 🤣🤣🤣. Magnda ung accordion style super classic ng itsura. Nawalan ako balita pero prang nalinis na ata. Not sure if napanindigan nila

$ 0.00
3 years ago

Oo ang hirap kapag straight Tagalog noh? Mga matatalinghagang salita. Tama ba? 🤣 bagsak ako sa Filipino lagi ako line of 7. Halos lahat nama pala. Hahaha. Pwera lang mga MAPE, HELE, Religion, Math yan ok-ok tayo diyan. Wag lang mga History, English, Filipino, Science. Ano pa ba? Hahahaha

$ 0.00
3 years ago