Buti na Lang Pala.

5 21
Avatar for Firenze
3 years ago

Minsan may mga pag-ibig na darating sa buhay mo na di para sayo. Kahit gaano mo alagaan at ipaglaban darating ka pa din sa punto na magtatanong ka kung bakit. Bakit ka hindi pinaglaban. Bakit ka iniwan. Bakit nagising ka na lang isang umaga na nagbago na lahat. Bakit wala na sya. Bakit mag isa ka na lang. Paulit- ulit mong tatanungin sa sarili mo san ka nagkulang, anong mali sayo bat ka nya iniwan. Yung pakiramdam na parang kalahati ng pagkatao mo yung nawala nung nawala sya. Yung akala mo hindi mo na kakayaning mabuhay pa. Yung halos araw araw mo na lang pipiliting bumangon para lang maipakitang okay ka.

Sisimulan mong kwestyunin yung sarili mong halaga. Sisimulan mong babaan ang tingin mo sa sarili mo dahil sa iniwan ka. Dahil sa tingin mo hindi ka sapat para sa isang taong minahal mo ng sobra, sobra. Yung kahit binigay mo naman lahat hindi ka pa din naging sapat. Maraming bakit, dahil lagpas pa sa salitang "marami" ang sakit. Basang basa ang unan gabi-gabi dahil wala itong ginawa kundi saluhin lahat ng luha na kaya mo pa ilabas. Hindi pa ba napapagod ang mga mata mo? Hanggang kailan mo iiyakin ang taong matagal ng sumuko. Ikaw, kelan ka susuko?

Maari bang makiusap sayo? Maari bang bumalik ka sa panahong mahal mo ang sarili mo? Maari bang bumalik ka sa panahon na sobrang ganda ng mga ngiti at kislap sa mata mo? Mga panahong puro saya at walang galit sa puso mo. Lahat ay isang proseso. Masasaktan ka pero maghihilom. Iiyak ka pero darating yung araw na ngingiti ka din ulit. Huwag mong kwestyunin ang sarili mong halaga, kung saan ka nagkulang. Kasi nagkulang nga ba? o baka naman sumobra ka. Hindi kasi dapat ginagawang mundo ang dapat tao lang, para kahit mawala man sya, meron pang IKAW. Minsan may mga taong dadaan lang sa buhay mo, hindi para manatili hanggang dulo, kundi ginamit lang syang instrumento para sa mga bagay na dapat mong matutunan sa buhay mo. Dadaan lang sila para matuto ka. Hindi mo kailangan malaman ang dahilan agad, dahil sa darating ang panahon na tatawanan mo na lang lahat ng pag-iyak mo para sa maling tao. Mahalin at buuin mo muna ang sarili mo.. balang araw magpapasalamat ka at masasambit mo na "ay buti na lang pala".

-for the 2 persons who broke my heart before..thank you to both of you, I'm stronger than before..thank you for not staying with me, I met someone who will be there through thick and thin, I found my man. ❤️

*Photos are all mine.

4
$ 0.16
$ 0.05 from @bbghitte
$ 0.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bbyblacksheep
+ 1
Sponsors of Firenze
empty
empty
empty
Avatar for Firenze
3 years ago

Comments

D ako makarelate kasi si 1st sya din last ko😁

$ 0.00
3 years ago

Sana all.. Pangarap ko yan noon.. Kso si 1st love pinagtagpo lang di tinadhana 🤣🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahahah, at least sis nahanap mo na si Mr. Right

$ 0.00
3 years ago

Yung nakarelate ako pero di na ako ganun ka affected. #ivemovedon thank you,next! Char! 🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahahahha grabeng taon ung binalik ko para maalala ung pain haha. Pate pictures halughog galore haha. Tampa yannn. Nexxxttttt.. Andyan lang c right one sa paligid😅

$ 0.00
3 years ago