read.cash Log in

@Fherdz

Joined 9 September 2022 · 1124 posts

God is Good☝️ / Original Mobile Phone Photography / πŸ“· Samsung A10s /πŸ“Philippines πŸ‡΅πŸ‡­

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Fherdz

May palabas ngayon na mainit init pa Nagbabardagulan sa takilya. Gayundin sa social medya Ayaw paawat ang magkabila Kung sino ang lamang at bida-bida Pero kayo na ang bahala .. Basta ako manood muna ng Extraordinary Atty. Woo.😁 Kaya ito muna ang i-share kong larawan Dalawang langgam na aking nakunan Kung mag agawan ay walang pakialaman Di baling makalamang kahit sino pa ang masakatan.

@Fherdz

Kanina pa kalikot ng kalikot sa phone para maghanap ng maipo-post. Marami namang nakunang larawan kaso mahirap maglagay ng caption. Kaya itong maliit na paru-paro lang ang nakayanan na pwede niyong pagtiyagaan.😁

@Fherdz

Pagod ka na ba ngayon dahil sa patong-patong na problema? Nawawalan ka na ba ng pag-asa dahil parang hindi umuusad ang buhay mo? Ang iyong katawan ba ay sumusuko dahil sa sakit na mayroon ka o dahil sa pagod sa dami ng responsibilidad na mayroon ka? Nais kong ipaalala sa iyo na may pag-asa sa Panginoon. Huwag kang susuko. Maaari niyang bigyan ka ng lakas na kailangan mo araw-araw upang harapin ang lahat ng pagsubok na iyong naranasan. Kaya niyang pagalingin ang mga wasak mong puso. Mababago Niya ang iyong nawawalang passion para sa Kanya. Maaari ka niyang bigyan ng kapayapaan sa gitna ng unos sa iyong buhay. At mabibigyan ka Niya ng tunay na kapahingahan habang pumapasok ka sa Kanyang Presensya araw-araw.πŸ™πŸ™ Mapagpalang araw sa ating lahat.πŸ™ƒ

@Fherdz

Ricaniid Planthopper (Ricania speculum) Yung akala mong may katuwang ka, Pero pinagkatuwaan ka lang pala.πŸ™‚ Mabuti nalang may katuwang sa pagmamacro, game na game naman kasi ang aking modelo.

+1 more

@Fherdz

Lumindol ng malakas naramdadaman mo ba? Oo naman, hindi naman ako manhid, sana ngalang ay maramdaman mo din yung lindol ng pagmamahal ko sayo.πŸ™ƒ Dahil sa lakas ng Lindol, wala kaming pasok. Ingat tayong lahat.πŸ™ πŸ“ΈLarawan: kuha ko kanina sa labas.

@Fherdz

Spotted Tortoise Shell Beetle.🐞 Share ko lang itong munting kaibigan natin na nakunan ko ng litrato kaninang umaga. Isa itong species ng Tortoise Beetle na ang Scientific ID ay kinilala ng ilan bilang Laccoptera Tredecimpunctata habang ang iba ay Laccoptera nepalensis. Basta ganun Tortoise beetle siya.πŸ˜„

+1 more

@Fherdz

Ulam muna tayo ng masustansyang gulay mga ka-PiNoise, talbos ng kamote. β™₯️ Mapapadami sa rice ngayon.🀀 Arat na kain na. 🀀🀀

@Fherdz

KULIBANGBANG / PARUPARO Common Lime Butterfly πŸ¦‹ (Papilio Demoleus) Yung hahamakin ang lahat... pero sa huli'y ikaw pala yong napahamak. Buti pa ang bisita ko, hindi niya ako hinamak... lalong 'di niya ako pinahamak. Simpleng anggulo ay swak na swak Kaya naman ang larawan ay pak na pak.

@Fherdz

Tutubi / Dragonfly Common Parasol Female (Neurothemis fluctuans) Isang munting bisita Handog ay saya At wari'y pinakalma Ang pagal kong kaluluwa.πŸ™‚

@Fherdz

Gagambang EkisπŸ•·πŸ•Έ Argiope (Spider)πŸ•· Share ko lang itong gagambang nakunan ko diyan lang sa tabi-tabi.πŸ™ƒ Gagambang Ekis (X) ang tawag sa atin at marahil ay dito nila binase ang pangalan niya dahil hugis krus kapag namamahinga sa kanyang bahay.😁 Magandang gabiπŸ™ƒ

@Fherdz

Akala ko True love na, Trauma lang pala ang napala. Kaya mas mabuting mag-isa Kesa naman habang buhay na kinakawawa. Sabi ng insektong ito Kung makapag Emo Ay talo pa kayo.😁

@Fherdz

Kung takot o unsure tayo sa sitwasyon natin, saan tayo pumupunta para makakuha ng wisdom at security? Sa pamilya ba natin? Sa kaibigan ba natin? O sa sarili natin? Walang mali na humingi ng tulong sa iba dahil madalas ginagamit ng Panginoon ang kapwa natin para iparating sa atin ang mensahe Niya sa atin. Pero sana matutunan natin na tumakbo muna sa Panginoon dahil Siya ang nag-iisang source ng wisdom at Siya lang ang makapagbibigay ng genuine peace sa atin.πŸ™ƒ Anuman ang inyong sitwasyon, Magtiwala sa Panginoon. Siya ay tapat. Lagi Siyang nariyan kahit kung minsan ay hindi ninyo Siya madarama. Mapagpalang araw sa ating lahat.πŸ™ƒπŸ™

@Fherdz

Kadalasan ang mga pagsubok o problema ang dahilan kung bakit nawawalan ng pananampalataya ang isang tao sa Panginoon. Dahil madalas naka-focus sa kanyang pinagdaanan niya sa kasalukuyan o ngayon. Kung balikan natin ang mga pinagdaanan natin sa buhay, makikita natin ang faithfulness ng Panginoon. Maaalala natin ang goodness ng Panginoon. At magpapasalamat tayo sa lahat ng blessings Niya at sa lahat ng ginawa Niya para sa atin. At marerealize natin na nagdaanan na tayo sa parang ganitong sitwasyon na hindi natin maintindihan kung bakit pinahintulutan ng Panginoon na mangyari ang sitwasyon natin pero paglipas ng panahon ay narealize natin na may plano Siya at ito ay para sa kabutihan natin kahit masakit ang pinagdaanan natin. Nais ko kayong i-encourage ngayong araw na patuloy na magtiwala sa Diyos anuman ang iyong sitwasyon. Balikan ang katapatan ng Diyos sa iyong buhay sa nakaraan. Makikita mo na Siya ay tapat at na Siya ay nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Kaya't huwag kang tumuon sa iyong kasalukuyang mga problema, ngunit tumuon sa Diyos dahil Siya ang may hawak at Siya ay laging may plano para sa iyong ikabubuti kahit na ito ay masakit ngayon. Mapagpalang araw sa ating lahat.πŸ™ƒ

@Fherdz

Akalain mo, mamitas ka lang nga talbos ng kamote sa may bakuran pero ganitong eksena ang makita mo.πŸ¦—πŸ˜ Rated spg ba o parang koreanovela na mahilig sa piggyback ride? Xanaol nalang.πŸ˜„πŸ˜„πŸ¦—πŸ¦—πŸ¦—

+1 more

@Fherdz

Chalky Percher Dragonfly (Female) (Diplacodes Trivialis) Tagalog: Tutubi Ilocano: Tuwwató / Ussait Isa pang uri ng Tutubi ang ating nasilayan ngayong araw. Kaya di na ako nag atubiling kunan agad habang namamahinga sa dahon ng halaman. Sana magustuhan niyo. Maraming salamat.😍

+1 more

@Fherdz

Blue Dasher Dragonfly Ayun naka timing ulit tayo ng magandang modelong tutubi, buti nalang maamo at di ito lumipad palayo ng kinunan ko. Kaya todo kuha ng magandang anggulo kahit nasa kalagitnaan ng tirik ng araw, walang aberya sa pagpitik para may pagpipilian ng magandang kuha. Sana magustuhan niyo. Maraming salamat.πŸ˜‰

+1 more

@Fherdz

Late na ako nakauwi kanina dahil sa biglang buhos ng malakas na ulan at mahigit isang oras na di pa tumitila. Sabayan pa ng malalakas na pagkulog at pagkidlat kaya ayon patay ang kuryente. Buti pa ang movie na Thor may Love & Thunder pero kayo thunder lang walang love.😁 waley, nasingit ko lang dahil showing na kasi this week.lolπŸ˜„ At dahil malamig ngayon, aba, eh ulam tayo ng mainit at masabaw na tinola. Rapsa.πŸ²πŸ˜‹πŸ˜‹

@Fherdz

Sa panahon ngayon, sino ba ang tatanggi sa libreng sakay? Pero pag ganitong libreng sakay, naku! baka libreng sakay hanggang sa kabilang buhay o libreng sakay deretso hukay na yarn. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Good vibes lang mga ka Pi-NoiseπŸ˜‚ πŸ“Έctto

@Fherdz

Broad-nosed Weevil. Yung kumurap lang ako Lunes na naman bukas.😁 Agahan nalang nating matulog ngayon dahil maaga tayong bibiyahe bukas. Kaya ito lang muna ang i-share ko sa inyo na isang uri ng Weevil na nakunan ko. Olryt, Magandang gabiπŸ™ƒ

@Fherdz

Longhorned Beetle. Sa panahon ngayon tag-ulan, sila na ang kusang magpapakita para lang magpakuha ng larawan. Kaya flex ko itong isang uri ng beetle na nakunan ko noong nakaraang araw. Syempre kung di naman mapanakit sa atin. Aba, eh ito ay isang magandang pagkakataon para sa akin upang mahawakan ang mga ganitong klasi ng nga insekto. Malikot siyang kunan ng larawan kaya walang masiyadong magandang kuha. Magandang gabi.πŸ˜‰

+1 more

@Fherdz

Katapusan na! Ngunit ang mundo hindi pa.😁 Pero ang katapusan ay…KATAPUSAN NG SAHOD. Nakakatakot dahil ang bunsong kapatid ni Jona (due na) at Judith (due date) na si ANNABILL ay nauna pa sa sahod.πŸ˜† Mas nakakatakot to kesa sa pangako ni Allan Peter Cayetano na bawat pamilyang pilipino may sampong libo.πŸ˜‚ πŸ“Έctto

@Fherdz

Tutubing Karayom (Damselfly) Isang uri ng Damselfy ang bisita ko kaninang umaga sa aming opisina. Kaya pag dapo niya sa pader, pitik agad bago lumipad sa ibang bahagi ng pader na mas mataas. Buti nalang at may maganda pa akong kuha kahit papaano. Kaya ito lang muna ang ibahagi ko ngayon sa inyo mga ka Pi-Noise! Sana magustuhan niyo. Maraming salamat.πŸ˜‰

@Fherdz

Coconut Rhinoceros Beetle (Oryctes rhinoceros) Tag-ulan na naman kung ano-ano nalang ang nagsisilabasan Mga kakaibang insektong gustong magpakunan Kaya ito ang isa sa mga nasampulan Sana ay inyong magustuhan. Sa amin ang tawag dito ay Barairong o Uang at isa sa dahilan ng pagkawala ng puno ng niyog, sa pamamagitan ng pagsipsip na nagreresulta pagkamatay ng puno ng niyog.πŸ™ƒ

+1 more

@Fherdz

Ang daan na nilikha ng Diyos ay hindi madali. Sinadya Niyang hinayaan tayong dumaan sa mga obstacles para mapagtanto natin kung ano ang ibig sabihin ng lumakad sa Kanyang presensya. Magandang gabi.πŸ™ƒ

@Fherdz

Minsan nahihiya tayo na malaman ng iba ang problema natin. Dahil madalas personal at private ito kaya ayaw din natin malaman ng ibang tao. Nais ko kayong i-encourage na ilapit at sabihin niyo sa Panginoon ang pinagdaraanan ninyo ngayong dahil mahal kayo ng Panginoon. Makikinig Siya at gagabayan Niya kayo. Pero sana ay matutunan din natin na huwag pagpilitan ang gusto natin at Ipagkatiwala natin sa Kanya kung ano ang plano Niya sa sitwasyon natin. πŸ₯° Ang Panginoon ay nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Magtiwala sa Kanya na anuman ang Kanyang ipahintulot, ito ay para sa iyong ikabubuti kahit masakit sa kasalukuyang panahon.πŸ™ƒ

@Fherdz

Ang buhay ay maikli at walang katiyakan Ang kamatayan ay tiyak at ang tanging hindi maiiwasang katotohanan na lahat tayo ay mawawala sa mundong ito. Mula sa alikabok tayo ay nagmula, sa alabok tayo ay bumalik. Depende sa plano ng Diyos para sa atin, maaari tayong mabuhay ng mahabang buhay, o ang ating buhay ay maaaring maikli. Nabangit ko ito dahil may kakilala, kapatiran at ate namin na nauna ng namahinga at nakapiling ang ating Ama sa langit. Nakakalungkot man na balita pero alam ko na nasa mas magandang lugar na siya ngayon. Halos isang taon na lumalaban sa sakit subalit sa panahong pangangailangan nila ay nakita namin kung paano kumilos ang Diyos sa buhay at family niya sapamamagintan ng supporta ng mga kapamilya, kaibigan, kakilala at kapatiran. Nabisita pa namin sa hospital nitong buwan lang. Masayang nakikipag kwentohan sa amin dahil umaayos na ang kalagayan niya at malapit ng lumabas sa hospital. Nakaantig lang sa puso mensahe ng anak niya sa fb. 😌 Blessed be the name of the LORD. You give and take away. My heart will choose to say, Lord, BLESSED BE YOUR NAME!”

@Fherdz

Ayon sa PAGASA mas mahaba daw ngayon ang araw kesa gabi. Ang haba ng araw ngayong Martes ay 12 oras, 59 minuto at 27 segundo.πŸ™ƒ Gayun pa man, kahit mahaba ang araw o araw-araw mo siyang kasama.πŸ€” Pero kasama ka nga niya subalit ang puso't isip niya ay nabaling sa iba.😁 πŸ“ΈCTTOπŸ“Έ

@Fherdz

Oriental Mole Cricket (Gryllotalpa Orientalis) Ang insektong ito ay karaniwang kilala bilang oriental mole cricket at miyembro ng pamilyang Gryllotalpidae. Pero ang tawag sa amin sa insektong ito ay Kalla-kalla o Ararawan at ginagawang ulam ng iba dahil masarap at malutong. Kaya tinawag na Ilocano exotic food daw.πŸ˜πŸ˜‹ Ang oriental mole cricket ay nakatira sa ilalim ng lupa, at kadalasan nakukuha sa bukid at lupa sa hardin.πŸ™ƒ

+1 more

@Fherdz

Hindi nangako ang Diyos na ng buhay ay storm-free, ngunit nangako Siya na ang buhay ay stormproof kapag inilagay natin ang ating pag-asa at pagtitiwala sa Kanya. Ibigay mo ang buong buhay mo kay Hesus. Magtiwala at umasa sa Kanya. Sana ay matutunan natin ibigay ang lahat ng aspeto ng buhay natin sa Panginoon para nasa Kanya ang focus natin. Para kahit may pinagdaraanan tayong pagsubok ay magagawa padin natin papurihan ang Panginoon dahil imbis na ang focus natin ay nasa problema, malilipat ang focus natin sa faithfulness ng Panginoon at sa lahat ng mabubuting bagay na ginawa ng Panginoon para sa atin.πŸ™ƒ

@Fherdz

Cucurbit Leaf Beetle🐞 (Aulacophora indica) Yung magsasampay ka lang ng labahan pero may biglang bubulaga sa harap mo. Rated spg ngunit pag ingit pikit nalang daw. Kaya ako pitik agad ng maraming angulo para may pagpipilian. Huli sa akto pero di kulong, disturbo nga lang sa pangmalakasang moments nila.πŸ˜‚

+2 more