Kadalasan ang mga pagsubok o problema ang dahilan kung bakit nawawalan ng pananampalataya ang isang tao sa Panginoon. Dahil madalas naka-focus sa kanyang pinagdaanan niya sa kasalukuyan o ngayon. Kung balikan natin ang mga pinagdaanan natin sa buhay, makikita natin ang faithfulness ng Panginoon. Maaalala natin ang goodness ng Panginoon. At magpapasalamat tayo sa lahat ng blessings Niya at sa lahat ng ginawa Niya para sa atin. At marerealize natin na nagdaanan na tayo sa parang ganitong sitwasyon na hindi natin maintindihan kung bakit pinahintulutan ng Panginoon na mangyari ang sitwasyon natin pero paglipas ng panahon ay narealize natin na may plano Siya at ito ay para sa kabutihan natin kahit masakit ang pinagdaanan natin. Nais ko kayong i-encourage ngayong araw na patuloy na magtiwala sa Diyos anuman ang iyong sitwasyon. Balikan ang katapatan ng Diyos sa iyong buhay sa nakaraan. Makikita mo na Siya ay tapat at na Siya ay nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Kaya't huwag kang tumuon sa iyong kasalukuyang mga problema, ngunit tumuon sa Diyos dahil Siya ang may hawak at Siya ay laging may plano para sa iyong ikabubuti kahit na ito ay masakit ngayon. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃
No comments yet