Ang buhay ay maikli at walang katiyakan Ang kamatayan ay tiyak at ang tanging hindi maiiwasang katotohanan na lahat tayo ay mawawala sa mundong ito. Mula sa alikabok tayo ay nagmula, sa alabok tayo ay bumalik. Depende sa plano ng Diyos para sa atin, maaari tayong mabuhay ng mahabang buhay, o ang ating buhay ay maaaring maikli. Nabangit ko ito dahil may kakilala, kapatiran at ate namin na nauna ng namahinga at nakapiling ang ating Ama sa langit. Nakakalungkot man na balita pero alam ko na nasa mas magandang lugar na siya ngayon. Halos isang taon na lumalaban sa sakit subalit sa panahong pangangailangan nila ay nakita namin kung paano kumilos ang Diyos sa buhay at family niya sapamamagintan ng supporta ng mga kapamilya, kaibigan, kakilala at kapatiran. Nabisita pa namin sa hospital nitong buwan lang. Masayang nakikipag kwentohan sa amin dahil umaayos na ang kalagayan niya at malapit ng lumabas sa hospital. Nakaantig lang sa puso mensahe ng anak niya sa fb. 😌 Blessed be the name of the LORD. You give and take away. My heart will choose to say, Lord, BLESSED BE YOUR NAME!”
1 comment
Nice inspirationalband motivational words lods. Worth sharing😊