Pagod ka na ba ngayon dahil sa patong-patong na problema? Nawawalan ka na ba ng pag-asa dahil parang hindi umuusad ang buhay mo? Ang iyong katawan ba ay sumusuko dahil sa sakit na mayroon ka o dahil sa pagod sa dami ng responsibilidad na mayroon ka? Nais kong ipaalala sa iyo na may pag-asa sa Panginoon. Huwag kang susuko. Maaari niyang bigyan ka ng lakas na kailangan mo araw-araw upang harapin ang lahat ng pagsubok na iyong naranasan. Kaya niyang pagalingin ang mga wasak mong puso. Mababago Niya ang iyong nawawalang passion para sa Kanya. Maaari ka niyang bigyan ng kapayapaan sa gitna ng unos sa iyong buhay. At mabibigyan ka Niya ng tunay na kapahingahan habang pumapasok ka sa Kanyang Presensya araw-araw.🙏🙏 Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃
1 comment
Nice words of wisdom lods, kala ko pabungad joke pero serious pala hehe. So Inspiring. Good aftie po