Huwag kang matakot sa multo dahil hindi ka nila kayang saktan, mas matakot ka sa mga tao dahil kaya ka nilang saktan. Buti pa nga ang multo dahil takot lang ang binigay sayo pero siya mas matindi pa sa multo dahil hindi man lang magparamdam o magpakita sayo.๐ Kaya mas matakot ka sa buhay, kaysa patay. Lalo na kung patay na patay ka sa kanya pero ang pagmamahal niya ay sumakabilang buhay at sumakabilang bahay na pala.๐ Pero meron lang akong ibahagi sa inyo Hindi naman siyaโฆ
@Fherdz in November 2021
May kagandahan sa likod ng mga pinagdadaanan mo ngayon. Ang mga bagay ay maaaring mukhang nakakadismaya at masakit sa iyo, ngunit magtiwala na ang Diyos ay gumagawa ng isang bagay na mahusay sa likod ng mga pinagdadaan. Maging matiyaga dahil Siya ang humuhubog sa iyong pagkatao. Tandaan na hawak ng Niya ang bawat sandali ng iyong buhay. Maaaring iba ang iyong timeline, ngunit magtiwala na alam ng Niya kung ano ang Kanyang ginagawa. Alam niya ang perpektong timing. Kaya masโฆ
Matagal na sakin ang larawan ng insektong ito ngunit hindi ko mahanap ang tamang pagkakakilanlan dahil halos kahawig ng bubuyog, hoverfly, langaw at wasp. Maraming mga species ng insekto tulad ng mga nabanggit ko, kaya mahirap malaman kung anong uri ito at kung ano ang tawag sa kanya. Sa kabutihang palad ay nalaman ko din kung anong tamang pagkakilalan nito at ang tawag sa kanya at Wasp-mimicking Hoverfly. Kaya siguro tinawag na Wasp-mimicking Hoverfly dahil sa itsura niyaโฆ
Noon parang wala lang kung makakita ako ng iba't ibang insekto sa paligid namin. Ngunit ngayon nakahiligan ang pagkuha ng mga larawan ng mga insekto o kahit na magandang tanawin. Dito ko mas lalong naappreciate ang kanilang kakaiba at kaakit-akit na kagandahan. Ang tanging masasabi mo lang ay sa likod ng kamangha-manghang paglikha, mayroong isang lumikha na lumikha ng lahat at walang iba kundi ang ating Diyos. Isang Wasp na makulay At ang kanyang gandang taglay Ay sa inyo koโฆ
Isang Horse Fly ang dumapo malapit sa may pintuan dito sa office. Ang uri ng fly na ito ay medyo mas malaki kesa Flesh fly at may paka hawig pa sila ng kunti. Pero ayon kay wiki mas agresibo ang mga babae dahil nangangagat sila ang mga hayop, kabilang ang mga tao, upang makakuha ng dugo at maaaring magbigay ng medyo masakit na kagat. . .Kaya kapag nakakita ka ng ganitong uri ng insekto kunan mo lang ng dahan-dahan para noise natin yarn!๐ Share ko lang ang narinig ko saโฆ
Sabi sa kanta, "Sana dalawa ang puso ko" Naku, iisa na nga lang ang puso natin pero madami ng problema tapos hihingi ka pa isa. Kung sakaling dalawa, dobleng sakit at dobleng problema bigay niya. Eh, di ikaw na sakalam.๐ Pero Napankanta ako dun ah at napa sana... sana nga dalawa, para double din ang saya. Xanaol!๐ Sabi naman ng isa..."Oh tukso, layuan mo ako" Halla, bakit naman ang tukso ang lalayo sayo. Dapat ikaw ang lalayo sa tukso dahil kung hindi malamang ginusto atโฆ
Kahit sino pa ang kandidato natin, laging tandaan na hindi sila perpekto. Mayroon silang mga kapintasan, kabiguan at pagkakamali. Kaya, huwag nating tratuhin na parang mga diyos o diyosa na walang magagawang masama at kamalian. Dahil pansamantala lang ang halalan, huwag gumawa ng permanenteng bagay na ikakasira natin, tulad ng pagkasira sa ating relasyon sa ibang tao, lalo na sa ating kapamilya. Maging magalang at magkaroon ng magandang talakayan at may kasamang pagmahal.๐โฆ
Isa na namang makulay na tutubi Ang nakunan lang sa tabi-tabi. Hindi ko mawari kaya diko masabi Kung anong klasing tutubi. Dahil maraming mga ibaโt ibang uri Kaya't ito ang aking ibahagi. Ito muna ang simple kung nahabi Maraming salamat sa oras at pag intindi. Magandang gabi๐ Kapag nakakita ka ng tutubi wag mong huliin at sasaktan. Dahil mas magandang palayain kung gusto na niyang lumipad at lumisan.๐
Ikaw ba ang nababagot at nalulumbay. Baka gusto mong may karamay Abutin mo lang sa inyong kamay Ang isang uod na gustong makiramay At hayaan mong siyang maglakbay Tiyak na gising ang katawan mong matamlay. ๐๐๐ Yung panahong matamlay ka Pero bigla mo siyang nakita At sinubukan mong kumalma Ngunit parang uod na di mapakali at balisa Tila nabuhusan ng asin sa sobrang kilig mo sa kanya.
Focus ka lang sa journey mo patungo sa goal mo wag sa journey ng iba, kaya minsan ay napapabagal at nawawala ka dahil sa pagkukumpara ng sitwasyon mo sa sitwasyon ng iba. Tingin ka lang sa dinadaanan mo, keep moving forward at hindi mahalaga kahit paisa-isang hakbang dahil mararating mo din kung saan matutupad ang mga pangarap mo. Hindi man siya overnight pero kaya mo yan, kailangan mo lang magpatuloy! Tiwala lang. ๐ฆ"Traffic light sa ilalim ng buwan."๐ฆ Sana yung kulay greenโฆ
Huwag nating gugulin ang oras at lakas sa pagluluksa at pagsisi sa lahat ng mga maling desisyon na nagawa natin, simulan na natin ang paggawa ng mabuti. May pag-asa pa.๐ Magandang gabi. Mahina ang net kaya mahirap mag upload.๐
Ang mga pulitikong buwaya ay nasilabasan na Hindi pa opisyal na panahon ng kampanya Pero kanya kanyang ingay na sa social media Animoโy walang pinagdadaang pandemya. Puro siraan at patutsadan sa isaโt isa Nagsilabasan ng mga baho nila Paulit- ulit parang sirang plaka Mga lumalabas sa kanilang bunganga Para di tayo agad mapaniwala at mawala ugaliin nating magsaliksik at magbasa Para hindi lang binabase sa haka-haka At hindi matawag na panatiko sa pulitika. ๐ฆ๐ฆ Kaibigang butikiโฆ
๐ถSitsiritsit, alibangbang Salaginto at salagubang.๐ถ Ito ay isang Green Scarab Beetle (Anomala sp.) na tinatawag natin itong Salagubang dito sa Pilipinas. Nakita ko sa may daan papunta sa aming bahay. Kadalasan ang nakikita kong salagubang ay kulay brown na pwede ding gawing ulam, exotic food daw sabi ng iba kaya pwede mong subukan. ๐Noong bata ako natikman ko na masarap din ang lasa.๐ Pero sana lahat ng crypto ay maging kapareho ng kulay nitong beetle para masaya ang lahat.๐๐
Yung tamang linis lang sa labas ng bahay pero may munting kaibingan na gustong magpakuha ng litrato para maging modelo. Ito ay isa sa mga uri ng insektong cricket na ang karaniwang tawag ay Emma field cricket (Teleogryllus emma). Minsan nakikita din loob ng ating bahay at kadalasan na sa may banyo. Kaya minsan linis linis din pag may time malay mo may bisita kayong insekto.๐
Kay sarap pagmasdan ng kalangitan sa tuwing sasapit ang dapit-hapon. Nakakawalang pagod habang nakikinig ng lagaslas ng mga alon. Salamat Panginoon sa biyaya at pambihirang pagkakataon. Sa walang katumbas na pagmamahal na ramdam ko hanggang ngayon. Hindi man kami karapat-dapat, Pero minahal mo pa rin kami ng tapat.
Kahit anong problema o kahirapan ang ating nararanasan, maaari pa ring tayong magkaroon ng mapagpalang buhay. Wala na tayong magagawa pa tungkol sa kung ano ang nangyari sa nakaraan, ngunit marami tayong magagawa tungkol sa kung ano ang nasa kasalukuyan at kinabukasan. Ang Diyos ay isang dakilang manunubos, at lagi Niya tayong bibigyan ng isa pang pagkakataon. Magtiwala tayo sa Kanya, sundin ang Kanyang mga tagubilin at sundin ang Kanyang landas tiyak makikita natin ang mgaโฆ
Isang bush cricket ang maibahagi ko sa inyo ngayon kasama ang maliit na langam na kadapo sa bulaklak ng kurumbot. Minsan napagkakamalang grasshopper ang insektong ito gayunpaman, ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng grasshopper at bush cricket ay ang mga cricket ay mas mahabang antenna samantalang ang mga grasshopper ay may maikling antenna. Malamang ang uri nito ay isang Speckled bush cricket kung hindi ako nagkamali. Magandang araw sa ating lahat.
Dahil lumabas ang trailer 2 ng Spider-Man No Way Home kahapon. Kaya spider din ang i-share ko ngayonโฆ fan ako ng marvel e, lalo na sa Old spidey movie. lol๐ Pero ang ibahagi ko ngayon isang Burmese Lynx Spider (Oxyopes birmanicus) na karamihan sa mga species ay ito ay hindi gaanong gumagamit ng webs, sa halip ay ginugugol sa pag hunting at pag ambush ng mga ibang insektong bibiktimahin. Di man kasing tapang ni spider man at kape atleast minahal mo siya ng walang pagโฆ
Friday na naman mga ka Pi-Noise! Talaga naman kay bilis ng oras o panahon. Pero mahirap din mag-isip ng caption. Kaya balik inchickto na naman tayo. Baka sakaling magustuhan niyo.๐ Isa na namang maliit na uri ng Paper Wasp ang ibabahagi ko sa inyo ngayon. Para mas tiyak ang pagkakakilanlan ito ay tinatawag na Tropical Paper Wasp (Ropalidia romandi) sa pamilyang Vespidae at tribong Polistini na naka-distribute sa malaking bahagi ng Asya.๐
Marami na akong nakikitang ganitong uri ng mga paru-paro na gusto kung kunan pero mahirap dahil mailap at bago ako makalapit ay nakalipad ng palayo. Subalit sa kaninang tanghali ay nabigyan ako ng pagkakataon para makunan ang isang nakapakagandang paru-parong ito. Ang tawag sa maliit na paru-parong ito ay Orange Emigrant (Catopsilia scylla cornelia) na kadalasang nakikita nating palipad lipad sa may mga halamang mabulaklak at sa damuhan sa gilid ng kalsada.
Ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi kailanman mawawalan ng kabuluhan. Magiging sulit ang lahat balang araw. Kaya patuloy na mahalin Siya at magtiwala sa Kanya kahit na may mga pagkakataong nakakaranas ka ng matinding sakit at pagdurusa. Ngunit huwag mawalan ng pag-asa dahil Siya ay sapat na makapangyarihan upang iligtas ka sa mga pasakit at pagsubok na iyong pinagdadaanan.๐ Isang Bulaklak ng damo na sanaโy magbigay aliw sa nabibigatan mong puso. Kaya wag kang susukoโฆ
Paumanhin po sa inyong lahat dahil Rated SPG po ang ibahagi ko ngayon araw. Mukhang busy ang dalawa nating kaibigang Lady Bug na dapat ay private moment nila pero huling huli sa akto ang milagrong kaganapan. lol.๐๐
May kanya-kanya tayong laban. Hindi natin alam kung ano ang laban ng bawat isa, kaya walang sinuman sa atin ang may karapatang husgahan ang ibang tao dahil hindi natin alam kung ano ang kanilang pinagdadaanan. Bagkus na i-judge mo sila ipakita ang pagmamahal at suporta. Maikli lang ng buhay. Hindi natin alam kung anu ang mangyayari bukas.๐ Anuman man ang laban natin Huwag mong dibdibin Ilaban mo sa Panalangin. Tuhurin mo!๐๐ Kung may dilim, may liwanag na darating.๐
Minsan mahirap maghanap ng modelong insekto at kapag nakahanap ka naman, mahirap din kunan dahil minsan ay mailap at malikot. Kaya't upang makuha ang magandang anggulo sangkatutak na pitik ang kailangan para maraming pagpipilian.๐ Ang i-share ko sa inyo ngayon ay isa sa mga nakunan no noong nakaraan sa aming probinsya. Isang uri ng eight-legged na ang tawag sa kanya ay Golden orb-weaver o giant wood spider (Nephila pilipes). Bagaman ang mga gagamba ay may walong paa,โฆ
Malapit na ang December Double time din ang mga scammer. Yung akala mong may pang noche buena Ay baka sa kanila pa mapunta. Kaya ang NTC ay may babala Mag ingat at huwag agad maniwala. BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano'y nagaalok ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam.
May bagong update na naman Baka gusto niyong subukan. Yung post ng iba na nagustuhan mo ay pwede mo ng renoise sa ibang channels o maging sa wall niyo mismo. May option doon kung saan mo gustong i-renoise ang napili mong post.๐ Yun lang mga ma ka Pi-noise, gusto ko sanang matulog ng maaga kaso may birthday party sa kapitbahay. Kasa asahan mo pag ganitong gabi pang malakasang video oke. Ang seste sa mismong tabi ng kwarto ko, kaya sabayan mo nalang mga birit nilang kantaโฆ
Maliit ka man sa paningin Wala kang ligtas sa akin. Magtago ka man sa maberdeng dahon Abot ka pa din ng aking selpon. Kaya tingin nalang sa kamera Para makunan ng maganda. Ito si mareng marites mantis Kung sa tsismis walang mintis Gayunpaman ito ay mabait Kaya unawain ang kanyang nasambit. โKapag nahaharap tayo sa pagsubok, maliit man o malaki, lumalapit tayo sa Diyos at sa Kanya kumakapit.โ
Lahat ng bagay dito sa mundo ay pansamantala. At kasama diyan ang iyong mga problema at pasakit na nararanasan. Kaya't manatili at panatilihin ang iyong pananampalataya. Isang araw, makikita mo ang kagandahan sa likod ng mga paghihirap at problema na iyong kinakaharap.๐ Mahal ka ng Panginoon. Wag mong tignan ang pinagdaraanan mo ngayon o ang sitwasyon mo ngayon, tumingin ka lang sa Panginoon. Dahil hindi Niya ipinangako na wala tayong daraanang pagsubok. Ang pangako Niya ayโฆ
Isa na namang magandang pagkakataon para makunan ang ganitong uri ng insekto. Ito ay maliit na uri na kung di mo pansinin maiigi ay di mo agad makikita. Ito ay isang Treehopper at para mas maging tiyak ang tawag dito ay Horned Treehopper (Leptocentrus). May na post na akong ganitong klasing insekto dito. Nakakamanghang nilalang kaya hindi na agad nag atubiling kunan noong nakita ko sa may halamanan sa bahay ng hipag ko. Sana ay magustuhan niyo. Maraming Salamat.๐
Kung tayo ay nasa kadiliman dahil nawawalan na tayo ng pag-asa sa bawat araw na lumilipas. At patuloy na tinatahak ang landas papunta sa lugar na padilim ng padilim. Nais ko kayong i-encourage na may pag-asa sa Panginoon. Dahil ang hope natin sa kanya ay hindi lang hope na walang laman, ito ay hope na kaya nating panghawakan dahil tapat Siya na tuparin ang mga mabubuting pangako Niya sa atin na matatagpuan natin sa Kanyang Salita. Hanapin natin ang Liwanag ng Panginoon ayโฆ
Maraming pagkain ang napapadaan sa feed ko kanina. Natakam at nagutom tuloy ako kaya pagkain din ang i-share ko sa inyo. Baka matakam at magutom din kayo tulad ko, kahit papano makabawi ako.๐โ Ang isa sa mga peyborit at masarap na ulamin...Sisig na siksik, liglig at umaapaw pero ulam namin to kahapon sa pinuntahan namin na kainan. lol.๐๐ Magandang gabi ๐
Ginugunita ngayon ang ika-158 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, ang ama ng Himagsikang Pilipino. Kapag sinabing Bonifacio kasunod ang katagang "atapang atao" gayunpaman ang ibabahagi ko naman sa inyo ay isang maamong Skipper na saktong namamahinga sa isang dahon. Kung hindi ako nagkamali maaring isa itong Peck's Skipper (Polites peckius). Ang mga species ng butterflies, moths at skippers ay halos imposibleng makilala dahil sila ay halos magkapareho.โฆ
Holiday na, payday pa. Pero may nag withdraw nauna At sabi sa balitang pampulitika. Sen. Bong Go, nagwithdraw na Ng kanyang kandidatura Sa pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa. May naiinis, may natuwa May biglang political analyst na At sabi nila sarswela o estratehiya. Mga ka Pi-noise naka withdraw ka na ba? Baka naman nabudol na ng shopee at lazada.๐ ๐ธCTTO.