Matagal na sakin ang larawan ng insektong ito ngunit hindi ko mahanap ang tamang pagkakakilanlan dahil halos kahawig ng bubuyog, hoverfly, langaw at wasp. Maraming mga species ng insekto tulad ng mga nabanggit ko, kaya mahirap malaman kung anong uri ito at kung ano ang tawag sa kanya. Sa kabutihang palad ay nalaman ko din kung anong tamang pagkakilalan nito at ang tawag sa kanya at Wasp-mimicking Hoverfly. Kaya siguro tinawag na Wasp-mimicking Hoverfly dahil sa itsura niya dimo mawari kung wasp o hoverfly😁. Ang scientific name nito ay Mesembrius bengalensis na kabilang sa pamilya ng Syrphidae. Ang hoverfly na ito ay hindi nakakapinsala at mahalagang pollinator sa mga bulaklak.🙃
8 comments
Parang honeybee ang kulay Ang ganda sir :)
Oo nga mam. Salamat
Ganda naman klaseng insekto to at my dagdag kaalaman pa.
Salamat mam
Cross breed na langaw bwahahaha nagmayat uncle 👍👍
Isu man anti.
yay ganda ng kuha mo lods
Salamat mam