Marami na akong nakikitang ganitong uri ng mga paru-paro na gusto kung kunan pero mahirap dahil mailap at bago ako makalapit ay nakalipad ng palayo. Subalit sa kaninang tanghali ay nabigyan ako ng pagkakataon para makunan ang isang nakapakagandang paru-parong ito. Ang tawag sa maliit na paru-parong ito ay Orange Emigrant (Catopsilia scylla cornelia) na kadalasang nakikita nating palipad lipad sa may mga halamang mabulaklak at sa damuhan sa gilid ng kalsada.
17 comments
yes po hinahabol pa namin yan dati nung bata pa pag galing sa school dami nyan sa daan
Habulin mo sir para picturen hehee
Sana yellow emigrant kasi yellow color haha joke lang po. Buti po hindi lumipad agad at naka picture po kayo sa kanya. I love the color at yung design sa pakpak nya.
Sana nga eh, pero orange naman sabi ji google hehehe
Marami po dito ung white amg hirap nga picturan kasi parqng ndi sil napapagod lumipad ng lunipad
Oo parehas silang mailap
Buti po nakaisa kayo haha, ako lalapit pa lng ay naku ng taas na agad ng lipad😀
Wow nakakamangha pa pati knowledge power mo lods para kang si Kuya Kim, dami alam😁
Thank you mam🙃
Hehe yellow mut panagkitak uncle✌😍 pintas
Black anti. Sure hits
Que bello! Un momento perfecto fotografiaste, te quedó hermoso e incluso se puede apreciar el proceso de su alimentación con una flor
ang ganda talagang pagmasdan ang paro paro lalo na kung iba ibang kulay kanoise
Kaya nga mam. Maganda siya
Dati dito po saamin maraming butterfly eh buhat nilaparan yung kalye rito nasagasaan na ang mga halaman,bihira narin po makakita ng mga dragonfly, butterfly
Maraming gangyan pati yun puti pero mahirap kunan. Tsambahan nalang mga medyo maamo.
Now po nagtatanim na po ang mga simblings ko dito,may mga flowers din po sya yung maliliit lang,don lang ulit ako nakakita ng dragon fly,yung butterflymalimit ang kulay nya green and black mahilig nyang dalawin ang mga halaman po dito saamin