Minsan mahirap maghanap ng modelong insekto at kapag nakahanap ka naman, mahirap din kunan dahil minsan ay mailap at malikot. Kaya't upang makuha ang magandang anggulo sangkatutak na pitik ang kailangan para maraming pagpipilian.🙃 Ang i-share ko sa inyo ngayon ay isa sa mga nakunan no noong nakaraan sa aming probinsya. Isang uri ng eight-legged na ang tawag sa kanya ay Golden orb-weaver o giant wood spider (Nephila pilipes). Bagaman ang mga gagamba ay may walong paa, pansinin niyo ang isang ito ay may pitong paa na lamang naiwan. Isa sa mabait na kinunan pero nakakatakot tignan. Lol.😬🕷🕸
5 comments
muros ang tawag sa amin niyan mate pinaka malaki sa lahat ng gagamba
Oo nga malaki siya
Ang gaganda ng mga shot mo buddy! Grabe siguro ginagawa mo para makuha yang mga animals, nakakatakot medyo yang gagamba, laki nya.
Mahabang pasensya mam. Hehehe
Que fotografía tan espectaculares