Kahit sino pa ang kandidato natin, laging tandaan na hindi sila perpekto. Mayroon silang mga kapintasan, kabiguan at pagkakamali. Kaya, huwag nating tratuhin na parang mga diyos o diyosa na walang magagawang masama at kamalian. Dahil pansamantala lang ang halalan, huwag gumawa ng permanenteng bagay na ikakasira natin, tulad ng pagkasira sa ating relasyon sa ibang tao, lalo na sa ating kapamilya. Maging magalang at magkaroon ng magandang talakayan at may kasamang pagmahal.😍 Katulad ng bubuyog at moth na tila maganda ang kanilang relasyon sa kabila ng kanilang pagkakaiba at uri. Have a blessed Sunday everyone.🙃
10 comments
Ang gaganda ng kuha mo sir Ang ganda nito (kahit ayaw ko ng dilawan dyok!)
Thank you mam. Hahaha ok din mam. Nagkataon lang.
Korek po! Respeto ang pairalin, may pagkakaiba man ng pinapanigan at mapipili di na kailangan pang magkasamaan pa ng loob.
Tama mam
Isa sa mga nakakasira ng samahan ang pagkakaroon ng bangayan hinggil sa politiko. Maging mahinahon sana tayo sa lahat ng bagay at piliin talaga kung sino ang karapat dapat na mamuno sa ating bansa.
Tama mam
Ganda naman ng bulaklak dilaw na dilaw
Salamat mam
Hehehe naman uncle ang mga larawan mo dilawan pero ang ganda hehe👍👍😁
Great 👏👏❤️❤️👌👌