Ginawa ng Diyos na espesyal ang lahat ng kanyang mga nilalang malalaki man o maliit. Tiyak na ginawa tayong mayroong sariling mga katangian at lahat ng nilikha ng Niya ay may halaga at kahalagahan ng pagkakaroon nito, at lahat ng bagay ay may natatanging katangian. Isa na namang kakaibang nilalang ang nais kong ibahagi sa inyo. Ito ay tinatawag na Ricaniid Planthopper (Ricania speculum), medyo mailap kunan dahil medyo maliit at hindi kaya ng lens ng phone ko kaya medyo may…
@Fherdz in October 2021
Balitang pampagood vibes muna tayo mga ka Pi-noise!! Ito yun literal na halimbawa sa mga nagsasabing, "I need space, hanapin ko muna sarili ko" 😂 Yung hindi mo mahanap sarili mo kaya sumama ka sa mga naghahanap sayo.😁 CTTO: ABS-CBN News Para sa link, search niyo lang ang "Nawawalang lasing"
Sa totoo lang nakakapagod mag-isip Lalo na kong wala kang maisip Kaya minsan dika na nag-iisip Dahil para kang nilalamon ng sarili mong isip.😁 Pero ako'y inyong patawarin At sana'y inyong marapatin Dahil inchickto na naman ang aking ihahain At Leaf-Footed Bug kung tawagin. Magandang gabi sa ating lahat.🙃
Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo. At kung anuman ang mga kalagayan na naroroon ka ngayon. Marahil ang iyong pamilya’t mga kaibigan ay hindi nila nakikita ang tunay na katayuan ng iyong puso, ngunit alam ng Diyos kung ano ang katayuan at kalagayan mo. Marahil ay di mo nakikita at nararamdaman ngayon ang Kanyang mga paraan, ngunit Siya ay kumikilos sa iyong buhay. Huwag sumuko o panghinaan ng loob dahil mayroon tayong Diyos na lalaban para sa atin. Ang Diyos ang ating…
Isang maliit na Damselfly ang ating modelo sa araw na ito. Ang tawag ng iba dito ay tutubing karayom pero noong bata ako basta tutubi lang ang tawag ko. Pero di naman masama dahil isa itong malapit na kamag-anak ng mga tutubi ngunit may mas payat na katawan at makitid na mga pakpak. Para mas madaling ma-identify ang pagkakaiba ng Dragonfly at Damselfly ay pansinin niyo ang posisyon ng mga pakpak nila kapag sila ay nagpapahinga. Karaniwan na ang mga pakpak ng damselfly ay…
Kung ano ano nalang ang nakikita Mga inchicktong iba't ibang mga itsura Mapa-halaman man o mapa- kalsada Basta matalas lang ang inyong mga mata Paniguradong may makikita ka. Mas mainam pa itong gawing libangan Na mahalin ang nasa kapaligiran Dahil hindi ka mabibigo't masasaktan Di tulad ng iyong naging kasintahan Na basta ka nalang niyang iniwan.😬 Halla! bakit napunta sa ganyan ang usapan.😁 Gusto ko lang namang ibahagi ang aking nakunan.😆 Na isang Yellow Marmorated Stink Bug…
Ang paghihirap ay maaaring magpalakas o makapinsala sa ating pagkatao. Kapag nagdusa tayo, maaaring hindi na tulad ng dati ang ating pagkatao. Ngunit ang resulta ay nakasalalay sa ating pagtugon. Huwag nating hayaan na ang binhi ng poot ang maghari sa ating puso upang di lumago na parang isang puno. Sa halip na lumagong may poot at kapaitan, piliing lumagong may pagmamahal at mapagpatawad. Iwan ko muna sa inyo ang nakunan kong droplets kaninang umaga. Sana magustuhan niyo at…
Aba! May round 2 ang labanang BBM at Robredo. Pero sa ngayon ay laban para sa pagka pagka-pangulo. Hindi po ako nag-eendorso ng mga politiko Kasi naman ito ngayon ang laman ng news feed ko. Ewan ko ba dahil hindi lang naman sila ang kandidato Pero tila sa kanila lang talaga nakasentro. Pero kung gusto niyo ang tunay na pagbabago Hindi nakasalalay sa mga pulitiko kundi sa sarili natin mismo.🙃 Sabi nga nila VOTE WISELY Kaya ang boto ko ay kay Wisely.😅✌ Photo not mine. CTTO
Lahat tayo ay dadaan sa problema at haharap tayo ng sitwasyong hahamon sa ating buhay. Hindi iyon masamang balita; iyon ang katotohanan. Dahil hindi tayo lumago o naging malakas sa mga magagandang oras sa ating buhay; lumalago tayo kapag nasa punto ng mga paghihirap nang hindi sumusuko. Ngunit ang paglago ay hindi isang awtomatikong resulta sa ating paghihirap. Hindi ito ganoon kadali. Dapat nating piliin ang tamang pag-uugali, tamang tugon sa ating mga hamon at tumangging…
Geometrid Moth. (Ornithospila Esmeralda) Matagal ng nakaimbak sa phone ko itong insektong ito, pero diko alam ang pangalan. Salamat nalang dahil may napadaan sa fb feed ko na kahawig niya. Kaya masnapadali ang paghanap ng kanyang pagkakakilanlan. 🙂 Ayon sa ating kaibigang google ang maliit na insektong ito ay isang Geometrid Moth (Ornithospila Esmeralda) na kabilang sa pamilyang Geometridae. Ito na muna sa ngayon. Magandang araw sa ating lahat.🙃
Saludo ako sayo kuya Will sa iyong naging desisyon. olryt.🙋♂️ Hindi kailangan ng posisyon kung ang totoong hangarin ay pagtulong. Kaya... Bigyan ng Jacket YARN!! Magaling ka naman talaga pero sa ibang larangan. Dahil mas alam mo kung saan ka lulugar. Pero beke nemen kuya Will pwede mo akong tawagan para matampal ng kahit 10k at mapasigaw ng Salamat Shopee. 😂 Photo not mine. CTTO: News5
Salamat sa ayuda Mayor.🙃 Dahil sa naitalang kaso ng Delta Variant sa lungsod ng Sfdo noong nakaraang Buwan pero sa awa ng Diyos ay ganap ng magaling mula sa virus ayun sa CHO. At bilang agarang aksyon sinailalim ang mga ibang lalawigan ng La Union ng MECQ simula noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 14. Ang unang kahilingan nila ay ECQ lockdown pero buti nalang ibinaba sa MECQ nalang. Gayunpaman, tuloy pa din ang ayuda sa bawat pamilya at mga boarders dito sa amin. Maramimg…
Ang mga maliliit na bagay, kapag napokusan ng maigi nagiging kamangha-mangha. 🙃 Katulad ng bubuyog at bulaklak ng Golden Daisy Bush (Euryops pectinatus) na parehong kamangha-mangha at kaaya- ayang tignan. Magandang gabi sa ating lahat.🐝🌼
Maulang araw sa ating lahat. Lahat po tayo ay mag-ingat. Maging handa at ugaliing magsiyasat. Sa pandemya o bagyong kinahaharap. Na kasalukuyang laganap Kailangan nating maging maagap. Samahan natin ng masinsinang panalangin Nawa'y ang proteksyon ng ating Diyos ay sumaatin Dahil Siya ang ating kanlungan sa gitna mga alalahanin. Dahil maulan, Droplets muna para sa ating lahat.💦
Minsan nakapukos tayo sa temporal na bagay na di nagtatagal at panandalian kaysa pagtuunan ng pansin ang mga bagay na eternal. Huwag nating hayaan na unahin ang mga bagay na inooffer ng mundong ito at baliwalain ang eternal life na inooffer ng ating Diyos. Walang saysay ang lahat ng bagay kung walang Kristo sa ating buhay. Magandang gabi.
Tumila na ang ulan Pero madilim ang kalangitan Tila nag-iipon na naman Baka mamaya babagsak na naman Pero dahil di pa ako nananghalian Kailangan lumabas at lagyan ang tiyan Aba! ka'y swerte ko ba naman May paru-parong gustong magpakunan. Ang maliit na uri ng inChicktong ito ay kilala bilang Lemon Emigrant o Common Emigrant at laging nakikitang palipad-lipad sa damohan sa paligid at maraming iba't ibang uri at kulay. Mailap at malikot kunan, kaya mabilisan lang ang pagpitik…
Isang closeup ng maliit na Leafhopper ang nais kong ibahagi sa inyo ngayon. Sinubukang kunan ng mas detalyado pero may hangganan lang talaga ang kaya ng phone ko. Parang pagmamahal mo sa kanya kahit sinubukang isalba pero may katapusan at may hangganan dahil sobra ka ng nasaktan.😁 Kaunting kaalaman lang mga ‘Igan. Ang mga Leafhoppers ay kumakain sa pamamagitan ng pagsipsip ng mga juice ng halaman mula sa top layer ng mga dahon. Yan lang muna ang atin mga ‘Igan, Magandang…
Sa kabila ng bagyo at unos na ating naranasan Pipiliing manatili sa lilim ng Diyos na makapangyarihan Dahil alam Niya ang lahat ng ating pinagdadaan Siya ang tanging sandigan at kanlungan Ang pag-asa at kaligtasan ng sangkatauhan Magtiwala dahil hinding hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Ang panahon di mo maintindihan dahil minsan maaliwalas, maya’t maya biglang didilim kaya laging handa at magdala ng panangga. Pero may nakunan akong isang maberdeng Grasshopper pagkatapos ng…
Ang mundo ay makulay dahil sa mga biyayang kagandahang taglay ng kalikasan na dapat nating pinapahalagahan. Bigyan ng puwang sa ating mga pang araw-araw na oras at panahon upang ma-appreciate ang kagandahan ng kalikasan. Kaya't isang bulaklak ng Kurumbot (Passiflora Foetida) na hindi pa ganap ang pamumukakad at may mga patak ng ulan ang aking ibahagi sa oras na ito. Ang halamang ito ay usually nakikita sa gilid ng kalsada. Kung nais mong makita ang napakagandang bulaklak na…
Huwag hayaan ang iyong mga pagkabigo na hadlangan ka mula sa pagkamit ng mga hangarin ng iyong puso. Maaaring hindi natin nakikita ang resulta at halaga nito sa ating kasalukuyang sitwasyon, ngunit isang araw, malalaman natin na ang lahat ng ating pinagdaanan ay nagsisilbing isang hakbangin para makamit ang ating mga pangarap sa buhay. Ibigay mo ang lahat sa Diyos at sundin ang Kaniyang mga pamamaraan sapagkat sa mga pagkabigo at pagsubok ay nagiging mas matatag tayo at…
Dagat sa siyudad, lusong sa baha na yarn.😃 Nakaalis na ang bagyong Maring Pero ang tubig nandiyan pa din.🙃 Sinabi ng drayber ng jeep na sinakyan ko kanina, hanggang dito nalang tayo dahil malalim na sa kanto. Walang magawa kundi bumaba at lumusong sa baha para maka uwi ng mas maaga.🤔
Yung inaantok ka pero walang kapeng dala Kaya napahugot nalang sa bulsa. Boom may hugot na. Kape ba ang iyong kailangan Halika at ako'y damayan Kopiko candy na natin yarn. Baka sakaling magising sa katotohanang di ka niya mahal. #awit Pero Huwag kang mag-alala, may Diyos na nagmamahal naman sayo ng Tunay. Siya ang tamang pag-ibig, sa tamang panahon.
Dahil maganda ang panahon kahapon, kaya sinulit si haring araw sa pagsampay ng mga nilabhan sa labas. Kaya't isa na namang pambihirang pagkakataon para makakita ng isang maliit Looper Moth na nakadapo sa aking tuyong damit. At ito ang aking modelong inChickto ang sasalubong sa inyo ngayong araw ng Lunes at taos pusong bumabati ng magandang araw sa inyong lahat.🙃
Laruan Ko Noon, Modelo Ko Na Ngayon.🙃 Isa na namang munting gagamba Ang nakunan ko kaninang umaga Na nasa kasalukuyang nagpapahinga. Tinatawag naming Lawalawa o lawlawwa sa aming probinsya. Isa sa mga kinagigiliwan at nakahiligang laruan noon. Bago ang mga modernong laruan ngayon. Panahong hahamakin lahat para magkaroon At makahanap ng gagambang koleksyon. Pero mag ingat lang sa mga ibang gagamba Dahil sa panahon ngayon ay ibang ibang-iba na At may mga patibong na nakaamba.…
Kapag may kumpulan Minsan may tsismisan. O di kaya may pinagme-meetingan, Mga seryoso at masinsinang usapan. Meron din minsan nakikipag biruan Pero biglang natamaan. Pero sa nakunan kong larawan Mga Oriental fruit flies na nagkukumpulan. Na abala sila sa pagsipsip ng nektar halaman, Doon sa may hardin, nagliliparan at naguunahan.
Sabi ng iba bakit daw marami akong nakikita at mga bisitang insekto. Ewan ko nga ba, pero simula noong nakahiligan kong magmacro, marami na akong nakikitang kakaiba na noon ay diko pinapansin at bina baliwala. Pero ngayon matanglawin kung makahanap ng modelong pwedeng kunan. Hindi madali, kailangan ng mahabang pasensiya at pagtitiyaga. Ang kagandahan nga lang dito ay matututo kang habaan ang iyong pasensiya. Kaya isa na namang inChicktong Moth na nais kong ibahagi sa inyo.…
Ang Diyos ay talagang higit na interesado sa pagbabago at pag-unlad ng character ng isang taong nangangarap higit sa katuparan ng kanyang pangarap. Ang mga paraan ng Niya ay hindi mga paraan ng tao- matutong magtiwala sa kalooban at plano Niya kahit na hindi mo ito naiintindihan sa ngayon, ngunit nasa Kanyang soberanya at kalooban ang kaganapan nito. Isuko ang lahat ng iyong mga plano, magtiwala sa Kanyang tiyempo at panatilihin ang pagtitiwala sa Kanya. Mapagpalang araw sa…
Huli Sa Akto Pero Di Kulong.🙃 Matapos humupa ang salitang AS A FRIEND sa social Medya. May pumalit na WE CARE FOR EACH OTHER ang nabunyag sa madla. Kung We care each other as a FRIEND nalang kaya para mas tugma. Pero hindi yan ang ating pag uusapan. Dahil buhay nila yarn.😂 Gusto ko lang naman ibahagi ang aking nakunan. Syempre, as usual usapang inChickto na naman. Isang uri ng bug na Gonocerus acuteangulatus na nakita ko sa may halaman. Yung huli sa akto pero di kulong, kaya…
Kung feeling mo mag-isa ka at parang kahit anong gawin mo ay hindi magbabago dahil sa mga problemang pinagdadaanan mo. Ngunit laging tandaan na hindi ka nag-iisa sa panahong ito. Kasama mo ang Diyos at hinding-hindi Siya aalis sa tabi mo. Alam Niya at pinakikinggan Niya ang mga daing ng iyong puso. Siya ay nakaka-relate sa iyong sakit dahil alam Niya ang iyong kuwento. Pinahahalagahan ka ng Niya nang buong puso. Kapag naramdaman mong walang nagmamalasakit na makinig, lumapit…
Paru-Parong Bukid🦋 Dahil request ni Mudra na gusto daw kaming makita. Kaya balikang biyaheng elyu to ilocos sur kanina. Nakakapagod pero sulit naman dahil kahit saglit ay nakasama ang mahal kong pamilya. Mahirap mang magbiyahe sa ngayong panahon ng pandemya. Lalo na kung papasok ka sa probinsya namin pero salamat sa pinsan namin na may sasakyan at pumayag siyang sumama sa amin.🙂 Syempre, dahil doon sa amin ay kabukiran, hindi mawala ang paghahunting ng mga maliit nating…
Baka sobrang pagod na ang nararamdaman mo dahil all this time ay mag-isa kang lumalaban sa laban. Nakalimutan mong isama ang Diyos bilang iyong kasama sa laban. Kaya naman napakabigat ng mga pinagdadaanan mo at hindi mo na alam ang susunod mong gagawin. Lumapit ka sa Kanya kahit pagod ka at parang wala ng pag-asa. Sa Kanya ka umasa at hindi sa iyong sariling kaalaman at kakayahan. Magtiwala sa Kanyang karunungan at hindi sa iyong pang-unawa.🙏 Hindi ko man alam ang pangalan…
Balik muna tayo sa pambansang modelo. Peborit kunan noong nahilig sa pagmamacro. Kahit papano’y dito ako nag-uumpisang natuto. Langaw man ngunit maraming mga uri ito Pero ang insekto na ganito Ay Blow Fly ang tawag dito. At kapag nakita mong nakadapo Kunan mo agad ng todo-todo Bago lumipad palayo. Pero bakit ganun? minahal mo siya ng todo Ang seste lumipad ng palayo sayo At sa iba naman siya dumapo.😁
Kung tayo ay nahaharap sa mga sitwasyon kung saan tayo ay nababalot ng takot at pagkabalisa. Matutong lumapit at ibaluktot ang ating mga tuhod sa panalangin sa harap ng Diyos dahil nagbibigay sa atin ng Lakas upang tumayo sa sinuman, at anumang oras. Ang Diyos ay laging mas dakila kaysa sa alinman sa ating mga takot, problema, at alalahanin.🙏 Sa mga panahong tulad ngayon na puno ng pag-aalala at takot. Matuto tayong yumuko sa panalangin at patuloy na lumago sa Kanya. Katulad…
Matagal ng nakaimbak sa phone ko ang insektong ito pero diko alam ang pagkakilanlan at ayun sa nabasa ko ito ay isang uri ng Wasp. Maraming klasi ang mga wasp pero itong nakunan ko ay isang Habrocampulum biguttatum parasitic wasp. Nakaka-amazed lang dahil ang female parasitic wasp ay nangingitlog sa katawan ng uod sapamamagitan ng pag sting at doon ma- develop ang mga larva. Ang larva ay nabubuhay ito hanggang sa maging pupa. Kaya kung tingnan niyong mabuti ang nakunan kong…
Mainit ang panahon ngayon dito Kaya tapatan natin ng malamig na halo-halo Lasapin ang tamis hanggang sa dulo. Katulad ng pagmamahalan ng dalawang tao Minsan mainit, minsan malamig dahil walang relasyong perpekto Sana lang ay huwag magpapatalo at ang tamis ay aabot sa dulo. Arat na!!! Palamig muna tayo.😋😋
Camouflage🕷 Hindi ko man lang napansin itong munti nating kaibigan sa unang tingin hanggang sa gumalaw siya nang maupo ako sa gilid ng mabatong bahagi ng ilog. Ang nakamamanghang pagbabalatkayo na marahil ay naghihintay para sa ilang biktima na dumating at maging kanyang pagkain. Kung di ako magkamali marahil isa itong Nursery web spider. Itama niyo ako kung mali ang pagkakakilanlan ng insektong ito. Maraming salamat.🙃
Yun hindi ka na lalayo pa para maghanap ng modelo Dahil sila na mismo ang kusang lalapit sayo. Minsan ganyan ang buhay natin sa mundo. Kung sino ang hinahanap mo ay siya naman ang lalayo. Pero ang tunay mong kailangan ay langing nasa tabi mo. Edi wow!! Xanaol!!!😁 Pero nais ko lang ibahagi ang nakunan ko Na isang maliit at maamong paru-paro Pabalik-balik at sinusundan ako At sa aking kamay doon dumapo.
Habang nakikinig ng kanta Ang ganda naman ng pasada. "Ako’y sayo at ika’y akin lamang" Pero biglang may pumasok na bisita Napaka-cute ba naman na pusa Kaya napakanta, pusa mo'y sakin nalang. Kasi naman hindi ko ito pag-aari Pangalan niya'y marikit ayon sa may-ari Kaya ito lang muna ang aking masasabi. Magandang gabi 😁
Paano ba yung kilig?🐛 Kung nakalimutan mo na Titigan mo lang siya Baka sakaling maalala. Yung tipong nasa kamay mo At unti unting aakyat sa may braso Patungo sa may leeg mo. Paalala lang naman mga kaibigan kapag nakakita ka ng ganitong uri ng insekto huwag mo ng subukang hawakan. Dahil ang mga buhok ng uod na ito ay maaaring maging sanhi ng napaka-kati at puro pantal ang aabutin mo.🙃