read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Baka sobrang pagod na ang nararamdaman mo dahil all this time ay mag-isa kang lumalaban sa laban. Nakalimutan mong isama ang Diyos bilang iyong kasama sa laban. Kaya naman napakabigat ng mga pinagdadaanan mo at hindi mo na alam ang susunod mong gagawin. Lumapit ka sa Kanya kahit pagod ka at parang wala ng pag-asa. Sa Kanya ka umasa at hindi sa iyong sariling kaalaman at kakayahan. Magtiwala sa Kanyang karunungan at hindi sa iyong pang-unawa.🙏 Hindi ko man alam ang pangalan ng halamang ito ngunit palagi nitong ipinapaalala na mayroong Diyos na lumikha ng lahat. Anuman ang ating mga problema ay tignan lamang natin ang mga kamangha-manghang nilikha niya. Magandang gabi sa ating lahat.😉

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.