read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Sabi ng iba bakit daw marami akong nakikita at mga bisitang insekto. Ewan ko nga ba, pero simula noong nakahiligan kong magmacro, marami na akong nakikitang kakaiba na noon ay diko pinapansin at bina baliwala. Pero ngayon matanglawin kung makahanap ng modelong pwedeng kunan. Hindi madali, kailangan ng mahabang pasensiya at pagtitiyaga. Ang kagandahan nga lang dito ay matututo kang habaan ang iyong pasensiya. Kaya isa na namang inChicktong Moth na nais kong ibahagi sa inyo. Bagaman, di ko man alam ang saktong pangalan ng moth na nakunan ko dahil marami uri ang moth. Maaaring Common nyctemera (Nyctemera lacticinia) o Senecio Moth (Nyctemera amicus) pero kung alam niyo ang saktong pangalan ay baka pwedeng paki comment nalang. 😁Maraming salamat.🙃

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.