read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Isang maliit na Damselfly ang ating modelo sa araw na ito. Ang tawag ng iba dito ay tutubing karayom pero noong bata ako basta tutubi lang ang tawag ko. Pero di naman masama dahil isa itong malapit na kamag-anak ng mga tutubi ngunit may mas payat na katawan at makitid na mga pakpak. Para mas madaling ma-identify ang pagkakaiba ng Dragonfly at Damselfly ay pansinin niyo ang posisyon ng mga pakpak nila kapag sila ay nagpapahinga. Karaniwan na ang mga pakpak ng damselfly ay nakatiklop samantalang ang dragonfly ay pahalang habang nagpapahinga.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.